Maraming salamat po sa pagbabasa ng storya nina Maddox at Kai. Sana suportahan niyo po sila hanggang sa huli. Happy weekend readers! -Mysari [09/07/24]
Ilang araw ang nakalipas nang mangyari ang inkwentro nina Maddox at Sapphire. Nang malaman ng magulang nila na nag-away ang magkapatid, imbis na kunin ang side ni Sapphire ay kinausap ng mag-asawa ang dalawang magkapatid ng harapan. Kitang-kita ang pagkadismaya ni Sapphire nang hindi man lang siya pinanigan agad ng ina nang magsumbong siya rito. Matapos na ma-discharge siya sa hospital ay agad na kinontak niya ulit ang ina at sinabi ang nangyari. Bagama't naaawa si Carmina sa anak dahil puno ito ng paso sa leeg at mukha ay pinigilan niya ang sariling magalit kay Maddox dahil pinagsabihan na siya ng asawang si Sebastian na kapag may nangyaring insidente ulit ay huwag munang magdesisyon o mag-react agad bagkus alamin muna ang tunay na nangyari. Iniiwasan niyang maging one-sided kung kaya't mas pinili nilang mag-asawa na makausap muna ang dalawa. Sa katunayan, iniiwasan din nilang magkaroon ulit sila ng misunderstanding ng panganay nilang anak dahil nalalapit na ang kasal nito. “Pina
Ilang minuto ring naghintay ang magulang ni Maddox sa baba sa kan’ya. Pati na si Sapphire ay nagpumilit pang sumama sa prenup wedding ng ate niya. Ngayon gaganapin ang photoshoot pati na ang wedding video ng dalawang ikakasal. “Talaga bang sasama ka, Darling? Hindi ba't sabi mo sa amin ay masakit pa ang mga paso mo sa leeg? Tingnan mo, namumula pa rin ang leeg mo kahit na nilagyan mo na ito ng ointment,” saad ni Carmina sa anak. “I am okay, Mom. Don't worry, kaya ko namang i-handle ang sarili ko, isa pa gusto kong ma-witness ang prenup photshoot ng Ate.” Ramdam ni Carmina ang kunting pagtampo ng bunsong anak sa kan'ya. “Hindi ka naman nagtatampo sa akin ‘di ba? Ginawa ko lang naman iyon dahil iyon ang sabi ng Daddy mo, isa pa kapag mas pinanigan kita ay baka umatras sa prenup ang Ate mo. Ayaw kong gumawa ng bagay na ikakagalit niya sa ngayon,” bulong ni Carmina kay Sapphire. Dahan-dahang tumango si Sapphire at napatingin sa Ate niyang bumaba sa hagdan. Mukha pa ring sosyal si Maddo
Huminto ang kotse ni Kai sa isang malaki at magandang wedding botique shop, isang oras din ang pagitan kung saan ang mansyon nina Maddox. Nang makalabas sila ay agad silang pumasok sa loob ng boutique. Nakaupo na si Kai sa wheelchair at akmang tutulakin na ito ni Butler John nang magsalita si Maddox. “Ako na po, Butler John.” Napatango si Kai sa matanda kaya mabilis nitong binatawan ang armrest ng wheelchair at hinayaan na lamang na si Maddox ang tumulak doon. Bumungad sa kanila ang napakaraming wedding gowns na nakahilera sa loob. Manghang-mangha namang napatingin si Maddox doon. Nag-aabang na rin sa loob ang tatlong sales lady at napayuko nang makita sila. “Good afternoon, Mr. Xander,” bati ng tatlong babae saka napangiti ng matamis. Napatingin naman ang tatlo kay Maddox at binati rin ang dalaga, “She must be Mrs. Xander, welcome to the shop, Ma'am, we're hoping that you will find a stunning wedding dress here in our boutique. By the way, you're gorgeous, Ma'am,” dagdag pa ng b
Kanina pa tumitibok ng mabilis ang puso ni Kai dahil sa nangyari. Pinilit niyang pinapakalma ang sarili ngunit hirap siyang kumalma.Kanina pa naiinis si Kai sa sarili dahil sa nararamdaman ngayon, hindi niya mainitindihan kung bakit naghuhumirintidi ang puso niya pagdating sa babae. Litong-lito na siya sa nararamdaman niya, para na siyang mababaliw dahil sa kakisip kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nakikita o nakakasama man lang ang babae. Epekto ba ito ng aksidente? Kailangan niya na rin bang magpa-check up sa puso?Napayuko si Kai at napailing. “Ahhh— Mukhang wala pa naman ang manager eh, niloloko mo ata ako, Mr. Xander. But, nevermind I'll just wait for her,” sagot ni Maddox at napatayo. Nang makita ni Maddox na wala pa naman ang manager sa loob ay bigla siyang nalungkot. Hindi dahil wala ang manager kung ‘di ay nagsinungaling sa kan'ya si Kai. Alam niyang hindi pa rin komportable si Kai sa kan'ya at naiintindihan niya naman iyon. Hindi naman niya pipilitin ito
Naka-ready na ang dalawang ikakasal para sa prenup photoshoot ng mga ito. Agad silang ginuide ng ni Ms. Lian para sa magiging venue nila. “Dalawang oras rin po ang byahe natin bago tayo makapunta sa venue ninyo,” wika ni Ms. Lian kaya napatango na lamang ang dalawa. Pagkaraan ng tatlong minuto, nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Doon ay naghihintay sa kanila ang kinuha nilang photographer. Masayang sinalubong sila ng photographer at agad na binati ang dalawa nang makita silang bumaba sa kotse. “Magandang hapon, Mr. and Mrs. Xander, I am Jacob, your photograper for today. Nice meeting you,” magalang na bati ni Jacob sa ikakasal. Si Jacob ay isang professional photographer, halos kinukuha ang batang lalaki ng mga sikat at kilalang tao sa Pilipinas para maging photographer ng mga ito. Dahil sa angking galing nito sa pagkuha ng litrato ay hindi nauubusan ang binata ng costumer. Nang malaman nitong kukunin siya ng pamilyang Xander as their wedding photographer, kahit na puno n
“Okay! Let's start shooting again!” sigaw ni Jacob kaya agad na nag-ayos na ang dalawang ikakasal. Lahat naman ng mga stuff na nakapaligid sa dalawa ay nag-alisan matapos na i-retouch sina Maddox at Kai. “Ibang pose na naman ang ating gagawin! Ang bride ay uupo sa hita ng groom dapat ay nakapulupot ang mga kamay ng bride sa leeg ng groom. You can also hug the bride's waist, Mr. Xander!” ani ni Jacob kaya napatango-tango ang dalawang ikakasal. Halata ang pag-aalala ni Kai dahil alam niyang mahina pa ang hita niya, baka hindi niya makaya ang bigat ni Maddox at biglang ma-out of balance o mas worst mahulog ang babae mula sa pagkakaupo sa hita niya. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako mabigat kung ‘yan ang nasa isip mo,” nakangiting wika ni Maddox sa binata nang mapansin niya ang pag-aalala sa mukha nito. Dahil manhid ang hita ni Kai hindi niya namalayan na nakaupo na pala sa hita niya si Maddox. Nakatagilid ng upo ito sa kan'ya habang ang mga kamay nito ay nakapulupot sa leeg niya
Nang makauwi si Maddox sa bahay nila ay agad na sumalubong sa kan'ya sina Carmina at Sapphire. “Kumusta ang photoshoot, anak? Hindi kami naka-attend dahil tumawag si Mrs. Xander sa akin kanina, sabi niya ay huwag na raw kaming pumunta sa photoshoot at iyon ang request ni Kai sa kan'ya. Ayaw naman naming hindi sumunod dahil baka magalit ito, pasensya na anak kung umasa kang pupunta kami sa photoshoot mo,” paliwanang ni Carmina kaya naman napatango na lamang si Maddox. Wala siyang naintindihan sa sinabi ng ina dahil sobrang pagod na ang buong katawan niya, nangangalay na rin at kumikirot ang kan'yang mga paa dahil sa mataas na heels na suot niya kanina. Sa isip-isip ni Maddox mas mabuti na ngang hindi sila nakapunta roon dahil alam niyang magiging disaster lamang ang photoshoot nila ni Kai Daemon.“Sobrang nakakapagod ang photoshoot, Mama. Pero okay naman, nairaos naman namin ang prenup photoshoot. Huwag kayong mag-alala by next week ay ibibigay na ng photographer ang larawan namin ni
Nang makarating si Sapphire sa venue ay agad na sinalubong siya ng apo ng Heneral, naisip ni Sapphire na tunay ngang may gusto si Lance De Jucos sa kan'ya. Ngumiti siya ng matamis at binati ang binata. Magalang na napatango si Lance sa kan'ya subalit hindi man lang siya nito tiningnan bagkus tinawag nito ang isang servant sa mansyon. “Pakisamahan si Ms. Sapphire Corpus sa loob,” wika ng binata. Napatango naman ang servant ngunit nang maglakad ito ay agad siyang nagsalita. “W-Wait. P-paano ang regalo ko?” tanong ni Sapphire sa servant kaya napatingin ito sa malaking kahong regalo niya. It was a gift for the General. Napatingin naman ang servant kay Lance na para bang nagtatanong, na-gets naman ng binata iyon kaya muling nagsalita ito. “Pakidala na lamang sa loob.” Alam ni Lance kung ano ang ugali ng babaeng nasa harapan niya, ayaw man sana niyang imbitahan ang dalaga ngunit humingi ng pabor si Rain sa kan'ya. Pambawi raw nito dahil hindi naka-attend ang babae sa birthday party ng