“Okay! Let's start shooting again!” sigaw ni Jacob kaya agad na nag-ayos na ang dalawang ikakasal. Lahat naman ng mga stuff na nakapaligid sa dalawa ay nag-alisan matapos na i-retouch sina Maddox at Kai. “Ibang pose na naman ang ating gagawin! Ang bride ay uupo sa hita ng groom dapat ay nakapulupot ang mga kamay ng bride sa leeg ng groom. You can also hug the bride's waist, Mr. Xander!” ani ni Jacob kaya napatango-tango ang dalawang ikakasal. Halata ang pag-aalala ni Kai dahil alam niyang mahina pa ang hita niya, baka hindi niya makaya ang bigat ni Maddox at biglang ma-out of balance o mas worst mahulog ang babae mula sa pagkakaupo sa hita niya. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako mabigat kung ‘yan ang nasa isip mo,” nakangiting wika ni Maddox sa binata nang mapansin niya ang pag-aalala sa mukha nito. Dahil manhid ang hita ni Kai hindi niya namalayan na nakaupo na pala sa hita niya si Maddox. Nakatagilid ng upo ito sa kan'ya habang ang mga kamay nito ay nakapulupot sa leeg niya
Nang makauwi si Maddox sa bahay nila ay agad na sumalubong sa kan'ya sina Carmina at Sapphire. “Kumusta ang photoshoot, anak? Hindi kami naka-attend dahil tumawag si Mrs. Xander sa akin kanina, sabi niya ay huwag na raw kaming pumunta sa photoshoot at iyon ang request ni Kai sa kan'ya. Ayaw naman naming hindi sumunod dahil baka magalit ito, pasensya na anak kung umasa kang pupunta kami sa photoshoot mo,” paliwanang ni Carmina kaya naman napatango na lamang si Maddox. Wala siyang naintindihan sa sinabi ng ina dahil sobrang pagod na ang buong katawan niya, nangangalay na rin at kumikirot ang kan'yang mga paa dahil sa mataas na heels na suot niya kanina. Sa isip-isip ni Maddox mas mabuti na ngang hindi sila nakapunta roon dahil alam niyang magiging disaster lamang ang photoshoot nila ni Kai Daemon.“Sobrang nakakapagod ang photoshoot, Mama. Pero okay naman, nairaos naman namin ang prenup photoshoot. Huwag kayong mag-alala by next week ay ibibigay na ng photographer ang larawan namin ni
Nang makarating si Sapphire sa venue ay agad na sinalubong siya ng apo ng Heneral, naisip ni Sapphire na tunay ngang may gusto si Lance De Jucos sa kan'ya. Ngumiti siya ng matamis at binati ang binata. Magalang na napatango si Lance sa kan'ya subalit hindi man lang siya nito tiningnan bagkus tinawag nito ang isang servant sa mansyon. “Pakisamahan si Ms. Sapphire Corpus sa loob,” wika ng binata. Napatango naman ang servant ngunit nang maglakad ito ay agad siyang nagsalita. “W-Wait. P-paano ang regalo ko?” tanong ni Sapphire sa servant kaya napatingin ito sa malaking kahong regalo niya. It was a gift for the General. Napatingin naman ang servant kay Lance na para bang nagtatanong, na-gets naman ng binata iyon kaya muling nagsalita ito. “Pakidala na lamang sa loob.” Alam ni Lance kung ano ang ugali ng babaeng nasa harapan niya, ayaw man sana niyang imbitahan ang dalaga ngunit humingi ng pabor si Rain sa kan'ya. Pambawi raw nito dahil hindi naka-attend ang babae sa birthday party ng
Natapos ang naging follow up check up ni Maddox kay Heneral De Jucos. Weekly din ang pagbisita ni Maddox sa matanda kaya mas natutuunan niya ito ng pansin, hindi rin naging pasaway ang matanda sa kanya't sumusunod palagi ito sa mga advice niya. Labis naman ang saya ng matanda nang maramdamang unt-unti nang bumabalik ang kan'yang lakas. Nakaupo ito sa wheelchair habang nakangiting nakatangin kay Maddox. “Pasensya ka na hija at maraming salamat sa pagbisita ulit sa akin ngayon,” wika ni Heneral De Jucos sa dalagang doktor. Ngumiti naman si Maddox at huminto sa pag-aayos ng kan'yang medical bag. “Trabaho ko po ito, Heneral at masaya akong pagsilbihan kayo.” Ilang minuto rin silang nag-usap hanggang sa napagpasyahan ni Maddox na umalis sa mansyon. Bago muna iyon ay binati niya ang matanda, laking tuwa naman ng matanda nang marinig iyon sa dalaga. “Pasensya na po at wala akong regalo sa'yo, heneral. Dali-dali kasi akong pumunta rito at buong araw din akong nakasubsob sa trabaho. Huwag
Kita ni Maddox ang determinadong tingin sa kan'ya ng binatang kausap niya. Kita niya ang maluha-luha nitong mga mata kaya bigla siyang nakaramdam ng awa. “Gusto ko munang tingnan ang lagay ng kapatid mo,” sagot niya kaya sunod-sunod ang pagtango ni Rain. Hindi pa rin kasi na-o-overcome ni Maddox ang kan'yang problema patungkol sa pag-perform niya ng surgery. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Baka kasi kung kailangan ng kapatid nito ang surgery ay baka umatras na lamang siya. Subalit gusto niya pa ring subukan, kailangan niyang subukan para bumalik ang kakayahan niyang makapag-surgery ulit. “Pwede ko bang mahingi ang account mo, Dr. Corpus? Huwag kang mag-alala, hindi kita iisturbuhin,” tanong ni Rain sa dalaga saka kinuha ang telepono nito sa bulsa. Ilang segundong nag-isip si Maddox saka napatango. “Sige.” Malaki naman ang ngiti ni Rain nang pumayag ang babae na ibigay ang account nito sa kan'ya. Nang mabigay na ng babae sa kan'ya ang telepono niya ay ma
Hindi makatulog si Sapphire dahil sa sobrang lalim ng kan'yang isip. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit naroon ang Ate n'ya sa mansyon ng mga De Jucos at ano ang koneksyon niya sa mayaman at maimpluwensyang pamilyang iyon. Sumakit na ang kan'yang ulo ngunit hindi niya pa rin maintindihan kung anong rason bakit naroon ang Ate niya sa birthday party. Though hindi naman ito um-attend sa party pero ang pinagtataka niya bakit malaya itong pumasok sa bahay ng mga De Jucos. Imposibleng kilala ng Ate niya ang heneral o ‘di kaya ang apo nito. Litong-lito si Sapphire saka napasabunot na lang ng buhok dahil sa sobrang frustrations. Alam niya sa sarili niya na parang may mali pero hindi niya matukoy iyon. Sigurado siyang ang ate niya ay walang kilalang makapangyarihang mga taong kagaya niya. At imposibleng makilala ito ng heneral dahil kakatungtong lamang ng ate niya sa Maynila. Pinilit niyang iwaksi ang nasa isip niya at kinalma ang sarili. Dapat ay hindi siya mabahala sa nang
Gusto sana niyang isumbong si Maddox patungkol sa mga mensahe nito sa kan'ya, alam niyang sapat ng prueba iyon para maniwala ang kuya niya ngunit nang maalala kung ga'no ito nagalit sa kan'ya noon ay mas pinili niya na lang sabihin ang tungkol kay Dr. Corpus. “Kuya, in-add ko rin siya sa XYZ account ko dahil na-kwento ko sa kan'ya ang lagay mo. Willing siyang suriin ang mga hita mo, she's really a good doctor, Kuya. Trust me, pagagalingin ka niya!” Halatang-halata ang saya sa boses ni Rain habang kinikwento ito sa Kuya Kai niya. Ang malaman na mayro'ng magaling na doktor at willing itong suriin ang lagay ng kapatid niya ay sobrang nakakagalak sa kalooban niya. Tanging gusto lang naman niya ay ang gumaling at makalakad ulit ang kapatid niya. Iyan lang wala ng iba. Kumunot ang noo ni Kai nang marinig iyon sa kapatid. Totoo ngang malubha na ang lagay ng mga hita ng Lolo-Heneral nila. Ang sabi pa nga ay wala ng ibang solusyon pa kung ‘di ang uminom na lamang ng painkiller ang matanda.
“OH MY GOD!!” Biglang sigaw ni Sapphire nang makita ang post ni Lance De Jucos sa XYZ account niya. Napatalon-talon pa si Sapphire dahil sa tuwa, nakita naman iyon ni Carmina kaya agad na lumapit ito kay Sapphire para makibalita sa anak. “Anong mayro'n? What happened anak? Bakit sobrang saya mo ata?” excited na tanong ni Carmina kay Sapphire. Mabilis namang pinakita ni Sapphire ang telepono niya saka itinuro ang post ni Lance De Jucos sa XYZ account nito. “Tingnan mo, Mom! Iyong regalo kong herbal medicine kay General De Jucos ay pinost ng apo niyang si Lance De Jucos. He even said to his caption that my medicine was effected, matapos uminon ng matanda ang gamot ay lumakas ito! Mom, kinikilig ako!” tili ni Sapphire habang napapatalon-talon sa tuwa. Nang mabasa nga ang post ni Lance De Jucos ni Carmina ay labis din ang tuwa nito para sa kan'yang anak. “Napakagaling mo talaga, darling! Wala kang katulad kaya ikaw ang paborito ko sa lahat!” masaya at proud na proud na sabi ni Carmin