Share

Kabanata 46| Another failed plan

Gusto sana niyang isumbong si Maddox patungkol sa mga mensahe nito sa kan'ya, alam niyang sapat ng prueba iyon para maniwala ang kuya niya ngunit nang maalala kung ga'no ito nagalit sa kan'ya noon ay mas pinili niya na lang sabihin ang tungkol kay Dr. Corpus.

“Kuya, in-add ko rin siya sa XYZ account ko dahil na-kwento ko sa kan'ya ang lagay mo. Willing siyang suriin ang mga hita mo, she's really a good doctor, Kuya. Trust me, pagagalingin ka niya!”

Halatang-halata ang saya sa boses ni Rain habang kinikwento ito sa Kuya Kai niya. Ang malaman na mayro'ng magaling na doktor at willing itong suriin ang lagay ng kapatid niya ay sobrang nakakagalak sa kalooban niya. Tanging gusto lang naman niya ay ang gumaling at makalakad ulit ang kapatid niya. Iyan lang wala ng iba.

Kumunot ang noo ni Kai nang marinig iyon sa kapatid. Totoo ngang malubha na ang lagay ng mga hita ng Lolo-Heneral nila. Ang sabi pa nga ay wala ng ibang solusyon pa kung ‘di ang uminom na lamang ng painkiller ang matanda.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status