Hindi maka-focus si Kai Daemon sa meeting nila ng investors, ni hindi nga siya nakikinig sa mga ito, panay lamang ang tango niya habang nagsasalita at nagpapaliwanag ang mga investors sa kan'ya. Tanging ang nasa isip lang ng lalaki ay si Maddox, iyong scene na nakita niya kani-kanina lang. Kumuyom ang kan'yang kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Kitang-kita niya kung gaano kasaya si Maddox sa matipunong lalaking nasa harapan nito. Ni minsan ay hindi nagawang tumawa ng malakas si Maddox sa kan'ya kapag kasama siya. Hindi man niya matanggap ngunit nilalamon talaga siya ng selos kapag naiisip ang dalawang taong nakita niya kanina. Mabilis na nilagok ni Kai ang glass of wine na nasa harapan niya. Nagulat naman ang mga investors sa ginawa niya, biglang na-concious at natakot tuloy ang mga kalalakihan sa harap niya. Iniisip nilang baka may nasabi silang nakapag-stress at inis sa lalaki. Kaya agad namang naisipan ng kalalakihan na humingi ng tawad kay Kai ngunit hindi pa nga sila nagsasali
Nilamon ng katahimikan ang private room kung saan naroon si Kai Daemon nang makalabas ang mga investors niya. Hindi siya maka-move on at nanatiling nakayuko lamang habang nakatingin sa cellphone niya. Kahit na nagsasabi naman si Maddox ng totoo sa kan'ya at saktong-sakto rin ang sinabi nito sa nakita niya kanina ay hindi pa rin mawala ang bumabagabag sa isip niya. Napapikit siyang ng marin at kinalma ang sarili. Dapat ay hindi niya ito maramdaman dahil wala namang namamagitan sa kanila ng babae. Kahit sinong lalaki ay pwede nitong kitain— Pero nabigo pa rin siya’t hindi niya pa rin kayang kontrolin ang naiisip at nararamdaman. Hindi niya rin maiwasang ikumpara ang sarili sa lalaking kasama ni Maddox and he really hates what he thought. Biglang naputol ang kan'yang malalim na iniisip nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto. Sa isip niya'y ang assistant niya iyon kaya walang lingon-lingon niya itong pinagsabihan. “Please give me some minutes, gusto ko munang mapag-isa…” Nagulat nam
“Kung may sasabihan ka, sabihan mo na. I have no time for this, Sapphire. Wala ako sa mood na makipag-argue sa'yo,” malamig na saad ni Maddox sa kapatid. Napataas ng kilay si Sapphire saka napa-crossed arms. “Wala ka sa mood makipag-argue sa akin? Pero nasa mood kang makipaglandian sa ibang lalaki! Ang lakas mo rin, Ate ‘no?” Kumunot ang noo ni Maddox nang marinig ang sinabi ng kapatid sa kan'ya. Ano bang pinagsasabi nito? Wala siyang ka-ide-ideya. Hindi naman makapaniwala si Sapphire sa inasta ng kapatid, at nagmamaang-maangan pa ito? Huling-huli na nga nag-i-inosente pa? Bilib din siya sa ate niya eh. Kinuha niya ang kan'yang cellphone at ipinakita ang larawan nito kasama ang ibang lalaki. “At nagmama-maang-maangan ka pa talaga? Tingnan mo ito! Hindi ba't ikaw iyan kasama ng ibang lalaki? Grabe ka, ikakasal na nga lumalandi ka pa! Hindi ka ba nakontento kay Kai kaya naghanap ka pa ng iba? Ayos ka rin eh ‘no!” Mabilis na kinuha ni Maddox ang cellphone ng babae sa harap niya at p
Bumungad kina Carmina at Sebastian ang kaawa-awang mukha ng kanilang anak na si Sapphire. Kumunot ang noo ni Carmina nang makitang dumudugo rin ang labi ng anak at gulo-gulo ang buhok. Halatang galing ito sa pakikipag-away. Mabilis na nilapitan ni Carmina ang bunsong anak saka hinawakan nito ang magkabilang pisngi. Napa aray naman si Sapphire kaya napatingin naman si Carmina sa pisngi nito. Bakas na bakas ang sampal sa pisngi nito't namumula pa.“Sino ang gumawa sa'yo nito? Anong nangyari?” nagaalalang tanong ni Carmina at napapaluha dahil sa sinapit ng anak. “M-Mommy!! Si Ate Maddox po ang gumawa sa akin nito.” Hindi naman napigilan ni Sapphire ang mapaiyak nang makita ang awa sa mga mata ng ina. “Pinagsasabihan ko lang naman siya kanina. Ayaw nitong pinagsasabihan siya kaya nagalit ito. I was just worried about her, Mommy but she slapped me so hard, pulled my hair and pushed me to the ground!” Napayakap naman si Carmina sa kaawa-awang anak nang marinig ang kwento nito. “Si Maddo
“Maddox! Maddox! Buksan mo ang pinto!” sigaw ni Carmina habang patuloy sa pagkatok sa pinto ng kwarto ni Maddox. Nang marinig naman ni Maddox ang sigaw ng kan'yang ina ay agad niyang binuksan ang pinto, alam niyang papagalitan na naman siya ng ina't nakasumbong na si Sapphire rito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kapatid niya na isang dakilang sumbongera? Sa pagbukas niya ng pinto ay agad na sinalubong si Maddox ng isang sampal galing kay Carmina. Mabuti na lamang at naka-react agad siya kaya hinawakan niya ang brasong papalapit sa mukha niya't inihawi iyon. Hindi naman nagpatalo si Carmina kaya ang kaliwang kamay naman n’ya ang ginamit niya upang masampal si Maddox ngunit malakas pa rin ang presence of mind ni Maddox kaya nahawakan ulit ng dalaga ang kamay niya. Hindi makapaniwala si Carmina dahil sa ginawa ngayon ng kan'yang anak. Napakalakas nito't nakaya nitong hawakan ng mariin ang kan'yang kamay at pinaikot. “Bitawan mo ako, Maddox!” sigaw ni Carmina nang maramdaman ang sa
Nang makababa si Maddox sa hagdan ay napahinto siya nang marinig ang boses ng kan'yang ama. “Maddox Ghail…” Binigyan niya ang kan'yang ama ng isang blankong tingin. Wala siyang pinakitang reaksyon kahit na gustong-gusto na niyang umiyak dahil sa mga masasakit na sinabi ng kan’yang sariling ina sa kan'ya. Alam na alam ni Maddox na kahit si Sebastian ay kampi rin sa mag-ina kaya naman nagtataka siya kung bakit pag-aalala ang nakikita niya sa mukha nito. Hinayaan lang nito silang magkagulo't nasa baba lamang at naghihintay. Bigla siyang nakaramdam ng inis at pagkamuhi sa ama. Akala niya ipagtatanggol siya ng ama ngunit pareho lang pala ito kasahol sa kan'yang ina. Hinayaan nitong mangyari ang lahat kanina. Alam niyang na-gui-guilty ito base sa reaksyon palagi ngunit wala pa rin pala. Kitang-kita naman ni Sebastian ang lungkot sa mga mata ng kan'yang panganay anak kaya naman nakaramdam siya ng hindi maintindihang kirot sa puso. “Saan ka pupunta, Maddox? Gabi na, anak. Magpahinga ka
Nang makalabas si Maddox sa mansyon ng pamilyang Corpus ay doon na tumulo ang pinipigilan niyang luha. Patak lang ng patak ito't nakakaramdam din siya ng paninikip ng dibdib. Naglakad lamang siya ng naglakad habang umiiyak, hindi niya alam kung saan siya pupunta at nang makita niya ang isang playground malapit sa mansyon ng mga magulang niya ay roon siya tumambay. Umupo siya sa swing at doon napahagulhol. Sorry siya ng sorry sa kan'yang lola dahil nabigo siya. Hirap na hirap na siyang pakisamahan ang napaka-unfair niyang mga magulang. Tanging ang ginawa lamang nito au paboran ang kanilang paboritong anak na si Sapphire. Sanay na sanay na siya ngunit mas masakit pala kapag harap-harapan na paulit-ulit na piliin at kampihan ang kapatid niya. Paulit-ulit din nilang sinasampal sa mukha niya na isa siyang sampid sa pamilyang iyon. Ilang oras din siyang tumambay sa playground at nang ma-relax ang kan'yang sarili ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. Agad niyang tinawagan ang kaibiga
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Kai Daemon sa bahay nila, nanatili lamang siyang nakaupo sa kan'yang desk at pumipirma ng mga nakatambak na paper works sa harap niya. Samantala nasa labas lamang ang assistant ni Daemon na si Jacob at matiyagang naghihintay na lumabas ang young master niya. Hindi siya pumasok at walang balak na pumasok dahil alam niya ang ugali ng boss niya, ayaw nitong magpa-isturbo kapag nasa kaligtaan ng trabaho. Napatingin si Jacob sa kan'yang cellphone upang tingnan kung anong oras na. Napangiwi siya nang makitang alas dyes na pala ng gabi’t overtime na sila. Mabilis iyang tinext ang kan'yang asawa na mali-late siya ng uwi dahil may mahalagang inaasikaso. Alam niyang magagalit na naman ito dahil ilang beses na siyang umuwi ng gabing-gabi na. Wala naman siyang magawa dahil parte iyon ng trabaho niya. Nang mai-send niya ang text ay agad na may tumawag sa cellphone ng kan'yang amo. Kaya naman kinuha niya ito sa desk niya't tiningnan kung sino ang