Kita ni Maddox ang determinadong tingin sa kan'ya ng binatang kausap niya. Kita niya ang maluha-luha nitong mga mata kaya bigla siyang nakaramdam ng awa. “Gusto ko munang tingnan ang lagay ng kapatid mo,” sagot niya kaya sunod-sunod ang pagtango ni Rain. Hindi pa rin kasi na-o-overcome ni Maddox ang kan'yang problema patungkol sa pag-perform niya ng surgery. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Baka kasi kung kailangan ng kapatid nito ang surgery ay baka umatras na lamang siya. Subalit gusto niya pa ring subukan, kailangan niyang subukan para bumalik ang kakayahan niyang makapag-surgery ulit. “Pwede ko bang mahingi ang account mo, Dr. Corpus? Huwag kang mag-alala, hindi kita iisturbuhin,” tanong ni Rain sa dalaga saka kinuha ang telepono nito sa bulsa. Ilang segundong nag-isip si Maddox saka napatango. “Sige.” Malaki naman ang ngiti ni Rain nang pumayag ang babae na ibigay ang account nito sa kan'ya. Nang mabigay na ng babae sa kan'ya ang telepono niya ay ma
Hindi makatulog si Sapphire dahil sa sobrang lalim ng kan'yang isip. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit naroon ang Ate n'ya sa mansyon ng mga De Jucos at ano ang koneksyon niya sa mayaman at maimpluwensyang pamilyang iyon. Sumakit na ang kan'yang ulo ngunit hindi niya pa rin maintindihan kung anong rason bakit naroon ang Ate niya sa birthday party. Though hindi naman ito um-attend sa party pero ang pinagtataka niya bakit malaya itong pumasok sa bahay ng mga De Jucos. Imposibleng kilala ng Ate niya ang heneral o ‘di kaya ang apo nito. Litong-lito si Sapphire saka napasabunot na lang ng buhok dahil sa sobrang frustrations. Alam niya sa sarili niya na parang may mali pero hindi niya matukoy iyon. Sigurado siyang ang ate niya ay walang kilalang makapangyarihang mga taong kagaya niya. At imposibleng makilala ito ng heneral dahil kakatungtong lamang ng ate niya sa Maynila. Pinilit niyang iwaksi ang nasa isip niya at kinalma ang sarili. Dapat ay hindi siya mabahala sa nang
Gusto sana niyang isumbong si Maddox patungkol sa mga mensahe nito sa kan'ya, alam niyang sapat ng prueba iyon para maniwala ang kuya niya ngunit nang maalala kung ga'no ito nagalit sa kan'ya noon ay mas pinili niya na lang sabihin ang tungkol kay Dr. Corpus. “Kuya, in-add ko rin siya sa XYZ account ko dahil na-kwento ko sa kan'ya ang lagay mo. Willing siyang suriin ang mga hita mo, she's really a good doctor, Kuya. Trust me, pagagalingin ka niya!” Halatang-halata ang saya sa boses ni Rain habang kinikwento ito sa Kuya Kai niya. Ang malaman na mayro'ng magaling na doktor at willing itong suriin ang lagay ng kapatid niya ay sobrang nakakagalak sa kalooban niya. Tanging gusto lang naman niya ay ang gumaling at makalakad ulit ang kapatid niya. Iyan lang wala ng iba. Kumunot ang noo ni Kai nang marinig iyon sa kapatid. Totoo ngang malubha na ang lagay ng mga hita ng Lolo-Heneral nila. Ang sabi pa nga ay wala ng ibang solusyon pa kung ‘di ang uminom na lamang ng painkiller ang matanda.
“OH MY GOD!!” Biglang sigaw ni Sapphire nang makita ang post ni Lance De Jucos sa XYZ account niya. Napatalon-talon pa si Sapphire dahil sa tuwa, nakita naman iyon ni Carmina kaya agad na lumapit ito kay Sapphire para makibalita sa anak. “Anong mayro'n? What happened anak? Bakit sobrang saya mo ata?” excited na tanong ni Carmina kay Sapphire. Mabilis namang pinakita ni Sapphire ang telepono niya saka itinuro ang post ni Lance De Jucos sa XYZ account nito. “Tingnan mo, Mom! Iyong regalo kong herbal medicine kay General De Jucos ay pinost ng apo niyang si Lance De Jucos. He even said to his caption that my medicine was effected, matapos uminon ng matanda ang gamot ay lumakas ito! Mom, kinikilig ako!” tili ni Sapphire habang napapatalon-talon sa tuwa. Nang mabasa nga ang post ni Lance De Jucos ni Carmina ay labis din ang tuwa nito para sa kan'yang anak. “Napakagaling mo talaga, darling! Wala kang katulad kaya ikaw ang paborito ko sa lahat!” masaya at proud na proud na sabi ni Carmin
Hindi naman maka-move on si Sapphire dahil sa post ni Lance De Jucos kaya agad niya itong ini-screenshot at ifinorward sa group chat nilang magkakaibigan. Sapphy_Corpus: Tingnan niyo girls ang pinost ni Lance De Jucos sa timeline niya. Remember the time that I got an invitation sa party ng pamilyang De Jucos? I even sent a selfie here, right? Ang this herbal medicine that Lance posted was mine, iniregalo ko ito sa Lolo niya and guess what? Hindi ko inaasahang ininom ng matanda kaya naman nagpapasalamat ito sa akin dahil ako ang nagpaggaling sa Lolo niya!” Jonalyn Ada: No way! Nakita ko nga ‘yang post niya, sa'yo pala iyan? Paano mo naman nalaman na herbal na iyan ay nakakapagpagaling sa matanda?Napangisi si Sapphire sa tanong ng kaibigan saka nagtipa ulit sa kan'yang cellphone. Sapphy_Corpus: Wala ka bang tiwala sa akin? Malamang I studied medicine and I am currently studying a masters degree. Alam ko kung ano ang makakapagpagaling sa Lolo Heneral. Hindi ko naman in-expect na isan
Hindi ginusto ni Maddox na patulan ang kan'yang ina ngunit nasagad na siya. Halos kararating niya lang galing trabaho’t pagod na siya ay binungad siya nito ng masasakit na salita.Kinalma niya ang sarili't hindi na lamang inisip ang naging ingkwentro niya sa ina dahil masasaktan lang siya. Naalala niyang bukas pala ay magkakaroon ulit sila ng session ni Kai Daemon kaya agad niyang tinext ang lalaki. Kinuha niya ang kan'yang telepono saka nag-compose ng mensahe. [I just want to remind you that we have a session tomorrow. Please don't forget about that.] Nang ma-receive iyon ni Kai ay kasalukuyan siyang kumakain ng dinner. Ibinaba niya ang kutsara sa kan'yang plato saka nag-reply sa babae. [Noted. Thanks for reminding.]Napangiti si Maddox nang mag-reply ang lalaki sa kan'ya mukhang hindi pa ito natutulog, sabagay anong oras pa lang naman, alas nuebe pa lang ng gabi. [Gising ka pa? Anong ginagawa mo’t gising ka pa?] Agad na in-open ni Kai ang camera ng kan'yang cellphone at kinuha
Nang makarating si Maddox sa clinic ni Dr. Reyko Takahashi ay agad na bumungad sa kan'ya si Kai Daemon na nakaupo sa wheelchair nito at naghihintay sa kan'yang pagdating. Nang marinig ng lalaki ang tunog ng pagbukas ng pintuan hudyat na may pumasok sa loob ng clinic ay agad na napalingon ito. Nginitian ni Maddox ang lalaki saka nilapitan. “Nasaan pala si Dr. Takahashi? Bakit hindi mo kasama?” tanong ni Maddox sa binata. Nagulat si Maddox nang hindi makita sa loob ang kaibigan ni Kai Daemon na si Reyko. Sa pagkakaalam niya ay hindi pa rin ito kumbinsido sa treatment niyang gagawin sa kaibigan kaya palagi itong sumasama sa session nila, kaya naman naging palaisipan sa dalaga kung bakit wala ito sa clinic nito. “May inasikaso s'yang mahalagang tao kaya wala siya rito. May tiwala na rin naman siya sa'yo kaya iniwan niya na ako sa pangangalaga mo.” Tumango naman si Maddox at walang sinayang na oras at sinimulan na ang treatment sa lalaki. Tatawagin na sana ni Daemon ang assistant nito
Hindi makahanap si Kai nang salitang isasagot sa babae. Nanatili lamang siyang nakatingin sa babae. Nang marinig niya ang sinabi ni Maddox ay pilit niyang tinatatak sa kukuti niya na okay lang naman tanungin iyon dahil ang babae naman ang kan'yang doktor, ngunit hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng hiya dahil ito rin ang magiging asawa niya in the near future. Alam niyang parte lang ng pagiging doktor nito kaya ginagawa ito ng babae ngunit hindi pa rin niya maiwasang masaktan at makaramdam ng sakit sa dibdib. Para ba siyang pinapaalahan na isa na nga siyang pilay, isa pa siyang walang kwentang lalaki. Natahimik si Kai Daemon ng ilang minuto habang si Maddox naman ay matiyagang naghihintay sa sagot ng lalaki. Dahan-dahang napatango si Kai kaya agad na na-gets naman ito ni Maddox. “Nag-ta-take ka ba ng sleeping pills, recently?” tanong ni Maddox saka seryosong nagsulat sa kan'yang maliit na notebook. “Y-Yes… I took it regularly, sometimes dalawang pills pa dahil hindi ako makat