Share

Kung Isusuko ko ang Langit
Kung Isusuko ko ang Langit
Author: Sapphire Dyace

Chapter 1

Gerald:

Ito na ang tamang pagkakataon, upang lumagay ako sa tahimik, kasama ang aking nobya sa loob ng mahabang panahon. Nasa tamang edad na naman kami ni Lizzy.

"Ang ganda talaga dito," palatak niya, sabay inom ng champagne.

Yun ang hudyat ng pagtugtog ng malamyos na musika na mula sa mga violin at piano, na kinumbida ko sa araw na iyon.

Nagulat siya at napalingon sa mga taong tumutugtog ng melodiya mula sa mga instrumentong iyon. Tinitipa nila ang aming paboritong musika na "you are the one" ng carpenters.

Pinakinggan namin ang tugtog na iyon. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Lizzy. Parang hinahaplos ang aking puso, na ito na talaga ang hudyat.

Kinuha niya ang kanyang bag, at may kinuhang regalo mula doon.

"Ano to?" tanong ko sa kanya, "para saan ang regalong ito Lizzy?"

"Gerald ralaga.." kunwari ay lumungkot ang kanyang boses, "kapag mga mahahalagang okasyon talaga, kunakalimutan mo madalas.."

Binuksan ko ang kanyang regalo, isang mamahaling relo, "ang ganda.."

"Nagustuhan mo ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Of course!" tugon ko sa kanya. Kinuha niya ang aking kamay, saka iyon isinuot.

"Bagay sayo," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pano ba yan.. wala akong regalo sayo," biro ko sa kanya.

"It's okay," napaka genuine ng ngiting ibinigay niya sa akin. Bigla kong kinuha ang kahita sa aking bulsa. "uuuh.. hindi mo nalimutan.." binuksan ko iyon, na ikinalaki ng kanyang mga mata. ,"ooh my God.. is that for real?"

"Yes.. sige, isuot mo," kinuha ko iyon saka isinuot sa kanya.

"Ang ganda.. sakin ba ito?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Ah, hindi, isinanla lang yan sakin," biro ko sa kanya.

"Uuump, ikaw talaga," bahagya niya akong pinalo sa balikat.

"Ikaw naman, pikon ka agad, of course, sayo yan.." nakangiti kong sabi sa kanya, saka isa isang lumapit ang mga batang estudyante niya.

"Wha- what are you doing here kids?" may dalang bulaklak ang mga bata.

Inawit nila ang You are The One ni Toni Gonzaga. Doon lalong naiyak si Lizzy. Kinuha ko ang kanyang kamay, at inanyayahan ko siyang sumayaw.

"Lizzy.." habang magkayakap kami sa dance floor," will you change your last name to Suarez?"

"Huh?" napalayo siya sakin. "A- are you--"

"Hindi mo nagets agad sa ring, kaya ngayon na lang kita tatanungin," lumayo ako sa kanya, at kinuha ang mga bulaklak sa mga bata, saka ko iniabot iyon sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kamay kung nasaan ang singsing, saka ako lumuhod, "Lizzy Balmes, will you be my wife?"

Umugong ang palakpakan sa kanyang pagsagot. Halos nadaig ng palakpakan ang tugtugin na pumapailanlang sa kabuuan ng lugar na iyon.

***********

JANNA:

"Saan mo ba ako dadalahin, Nick?" tanong ko sa aking nobyo. Pumayag akong makipagdate sa kanya dahil tapos na ang aming exam. Legal naman kami both side, kaya walang problema ang magdate kami.

"Basta, diyan lang, magtiwala ka lang sakin," hinalikan pa niya ang aking kamay.

Subalit, nanlaki ang aking mga mata, ng bigla niyang iliko ang kanyang kotse, at pumasok kami sa isang garahe ng motel.

"Nick, sandali lang, ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya, na hindi makapaniwala dahil dinala niya ako sa ganitong lugar.

"Come on, Janna, anniversary naman natin, pagbigyan mo na naman ako," pakiusap niya sa akin.

"No Nick! alam mo naman ang limitations ko! umalis na tayo dito, ngayon din!" inis kong sabi sa kanya.

"Hindi Janna, ilang taon na akong nagtitiis sa pagpapakipot mo sa akin. Pananagutan naman kita kung saka sakali. Kaya please, Janna, pumayag ka na," pakiusap niya sa akin.

"No, Nick! hindi mo man lang ako makuhang irespeto! tatlong taon na tayong magkarelasyon, subalit hindi mo pa rin alam kung ano ang gusto ko!" bumaba ako ng kotse at ibinagsak ko ang pintuan.

"Janna, pumasok ka dito!" tawag niya sa akin.

"Sasakay lang ako diyan, kung iuuwi mo ako sa bahay namin!" inis kong sagot sa kanya.

"Wag naman sanang matigas ang ulo mo, Janna!" sabi niya sa akin, "ngayong gabi lang ang hinihingi ko sayo, tapos, ayaw mo pa akong pagbigyan? Ikatlong anibersaryo naman natin ah!" nagpupumilit pa rin siya.

"Nick, kung hindi mo ako kayang respetuhin, iwanan mo na ako, tutal, mukhang bukol na bukol na yang pantog mo! umuwi ka sa bahay niyo, at ikaskas mo yan sa pader!" pagtataboy ko sa kanya.

"Pe--pero Janna.." naghihinanakit ang tinig niya, "kung mahal mo ako, pagbibigyan mo ako.."

"Kung mahal mo ako, igagalang mo ako, at hindi mo ako dadalhin sa cheap na lugar na ito! ilang babae na siguro ang nadala mo dito, dahil parang madali sayo ang magpasok ng babae sa lugar na ito!" bunsol ko sa kanya.

"Napakaimposible mo Janna!" umiiling iling pa siya at pinaandar ang makina ng kotse.

"At ano? iiwanan mo talaga ako dito?" bigla akong nainis sa gagawin niya.

"Tutal, malaki ka na, kaya mo ng magtaxi!" at iniwan na nga ako ng hudas!

"Hoy! bumalik ka!!" sigaw ko sa kanya.

Lingid sa aking kaalaman, may nakakita pala sa amin ng mga sandaling iyon. At iyon ang isa sa pinakamasamang balitang makakarating sa aming pamilya.. lalo na sa aking daddy..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status