Share

Chapter 3

GERALD:

Dumating ako sa Bicol, upang bisitahin ang aking tito na kapatid ng mommy. Mahaba haba din iyong biyahe. Matagal din kaming nanirahan dito, siguro, mga labing limang taon din, bago kami lumipat ng Manila, upang makapag aral ako doon ng kolehiyo.

"Tita Letty!" tawag ko sa hipag ng mommy na nag gagarden sa labas.

"Gerald?" waring kinikilala niya kung sino ako, saka nagmamadaling lumapit at yumakap sa akin, "bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka?" tanong niya sa akin, "kumusta ang iyong mama?"

"Ayos naman ho.. sorpresa nga eh.." nakangiti kong sabi sa kanya. Sila ang madalas dumadalaw sa amin, lalo na ng mawala ang daddy. Nalungkot ang mom ko, ngunit ng dahil kay tita Letty, at sa asawa niya na kapatid ng mommy, nakarecover agad siya. Ang tita ay Best friend ng mommy, na napangasawa naman ng kanyang kuya.

"Halika sa loob, naroon ang tito mo at nagluluto ng sea foods na hinuli sa aming pala isdaan. Ikaw talagang bata ka.. ang gwapo mo talaga.." sabi niya sa akin.

Wala silang anak, dahil naaksidente sila noong buntis si tita, maaga siyang nawalan ng matres, at si tito naman ay nabasag ang balls, kaya sila lang dalawa sa buhay.

Pagpasok namin, napansin ko ang kalinisan ng bahay nila, na bahay ng pamilya nina mommy noon.

"Ang linis ng bahay tita.." puri ko dito.

"May naglilinis dito linggo linggo, maliban sa kwarto namin ng tito mo na personal kong nililinis," sagot niya sa akin "Yulo!! dali, may bisita tayo."

"Bisita? sino?" lumabas ito ng kusina na naka apron ng kulay pink, "Uhh ang paborito kong pamangkin!" nagmano ako sa kanya.

"Tito, wala kayong choice, kasi, ako lang ang pamangkin niyo.." napangiti kong sagot sa kanya.

"Ang mahalaga, paborito kita! hahaha" napatingin ako sa katawan niya, saka ako napatingin kay tita.

"Mukhang namamayat ata kayong mag asawa? ano hong nangyari?" tanong ko.

"Healthy living na kami ngayon, kasi nga, alam mo na, tumataas taas na ang lahat sa atin. May highblood na ang tito mo, kaya lagi kaming nagiexercise." sagot ni tita Letty.

"Naku, bago nga kayo magkwentuhan eh kumain muna tayo.." yaya sa amin ni tito Yulo.

**************

"Dadalhin ko nga po pala ito kina tito Sid," paalam ko sa kanila, "may padala ho ang mommy na mga miki galing Batangas.. paborito daw ni tita Lorna ang lomi doon."

"Naku, sana, makausap mo ng ayos ngayon si Isidro, may toyo na naman ang isang iyon," paalala sa akin ni tita Letty.

"Sobra ka naman sa kaibigan natin Letty," saway dito ni tito Yulo.

"Ano naman? hindi ba, totoo?" hinarap pa ni tita Letty si tito Yulo. "Simula noong magkaroon ng alingasngas tungkol kay Janna, at sa anak ni Efren, parang hindi na namin makausap ng matino si Sid.

"Eh di ba, ikaw naman ang nagsumbong kay Isidro ng bagay na iyon?" sabi ni tito Yulo kay tita Letty.

"Ano hong tungkol kay Janna?" naguguluhan kong tanong.

"Nakita kasi ng tita Letty mo, na lumabas ng motel si Janna, kasunod ng anak ni Efren, isinabay pa nga niya at inihatid ang batang iyon sa bahay nila."

"Paano, naawa naman ako at iyak ng iyak. Ang sabi naman niya, ay walang nangyari, pero alam mo naman ang mga tao dito, hindi lang naman ako ang nakakita sa kanya doon, kaya minabuti ko na siyang ihatid ng bahay." kwento pa ni tita Letty.

"Ano hong nangyari ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Ayun, malaki talaga ang sayad nitong si Isidro, hindi na nakikinig sa akin, alam mo namang ang asawa noon ay takot sa kanya. Balak pang ipakasal si Janna doon sa matandang kalbo na may mansiyon sa bayan, si Arnold Rivera." sagot ni tita Letty sa akin.

"Binata naman ho ata yung Arnold na yun.." nakangiti kong sagot. Sa panahon naman kasi ngayon, age doesn't matter na. At naniniwala ako na pwedeng magkatuluyan ang malalaking agwat ng edad.

"Nakita mo na ba ang matandang sinasabi ko sayo Gerald? matanda talaga! Ayoko namang manlait hijo, pero ang lalaking iyon, kahit mga senyor citizen na babae, hindi iyon gugustuhin. Saksakan ng taba at pangit! Kung hindi dahil sa pera non, baka wala ng makipagkaibigan doon." sagot pa ni tita sa akin.

"Sus maryosep ka Letty, bakit naman ganyan ka magsalita? tao naman iyon," awat sa kanya ni tito Yulo.

"At bakit? totoo naman ang sinasabi ko. Naku, itong si Sid talaga! kung anu ano ang iniisip. May padangal dangal pang nalalaman, sisirain niya lang ang kinabukasan ng anak niya. Ang mabuti pa, Gerald, pumunta ka na doon, at interviewhin mo na lang ang tito Sid mo, dahil baka pukpukin ko na yan ng baston kapag naasar ako diyan. Akala mo naman ay walang pera kung ipagkasundo ang anak. Ke yaman yaman eh!" inis na sabi ni Tita Letty.

Minabuti ko na lang umalis, upang ako mismo ang makaalam ng tungkol sa issue na kinasasangkutan ng pamilya ni Janna. Regular ko namang nakikita sina tito Sid at tita Lorna, dahil dumadalaw sila sa mommy sa farm namin sa Batangas. Si Janna ang hindi ko pa nakikita ulit sa mahigit sampung taon. Siguradong dalaga na nga ang isang iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status