Gerald: Ito na ang tamang pagkakataon, upang lumagay ako sa tahimik, kasama ang aking nobya sa loob ng mahabang panahon. Nasa tamang edad na naman kami ni Lizzy. "Ang ganda talaga dito," palatak niya, sabay inom ng champagne. Yun ang hudyat ng pagtugtog ng malamyos na musika na mula sa mga violin at piano, na kinumbida ko sa araw na iyon. Nagulat siya at napalingon sa mga taong tumutugtog ng melodiya mula sa mga instrumentong iyon. Tinitipa nila ang aming paboritong musika na "you are the one" ng carpenters. Pinakinggan namin ang tugtog na iyon. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Lizzy. Parang hinahaplos ang aking puso, na ito na talaga ang hudyat. Kinuha niya ang kanyang bag, at may kinuhang regalo mula doon. "Ano to?" tanong ko sa kanya, "para saan ang regalong ito Lizzy?" "Gerald ralaga.." kunwari ay lumungkot ang kanyang boses, "kapag mga mahahalagang okasyon talaga, kunakalimutan mo madalas.." Binuksan ko ang kanyang regalo, isang mamahaling relo, "ang ganda.."
"Istupida!!!" sinampal ako ni daddy. Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang pagkakasampal, at ramdam ko ang palad niya na bumakat sa aking pisngi. "Anong kalokohan ang naiisip mong bata ka, at nagpunta ka sa walang kwentang lugar na iyon!" "Da--daddy.. wala naman pong nangyari sa amin.. promise po, maniwala po kayo sa akin daddy.. nagsasabi po ako ng totoo. Napigilan ko po siya at ang aking sarili." naglulumuhod ako sa kanyang harapan. "Kailangang pakasalan ka ng Nick na iyon!" inis niyang sabi sa akin, "hindi ako makakapayag na sisirain niya ang iyong pangalan tapos hindi ka niya pananagutan!" "Wa--wala naman pong nangyari sa amin..Da--daddy.. pangako po, hindi po ako pumayag.." nagmamakaawa ako sa kanya, nakayakap ako sa kanyang mga hita. "Sid, pakinggan mo naman ang anak mo, nagsasabi naman siya ng totoo," awat ng mommy kay daddy. "Wa--" "Tumigil ka Lorna ha!" dinuro niya ang mommy ko, na agad tumahimik, "kaya lumalaking ganyan ang anak mo, dahil sa pagiging kunsintidor mo! Ano
GERALD:Dumating ako sa Bicol, upang bisitahin ang aking tito na kapatid ng mommy. Mahaba haba din iyong biyahe. Matagal din kaming nanirahan dito, siguro, mga labing limang taon din, bago kami lumipat ng Manila, upang makapag aral ako doon ng kolehiyo."Tita Letty!" tawag ko sa hipag ng mommy na nag gagarden sa labas."Gerald?" waring kinikilala niya kung sino ako, saka nagmamadaling lumapit at yumakap sa akin, "bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka?" tanong niya sa akin, "kumusta ang iyong mama?""Ayos naman ho.. sorpresa nga eh.." nakangiti kong sabi sa kanya. Sila ang madalas dumadalaw sa amin, lalo na ng mawala ang daddy. Nalungkot ang mom ko, ngunit ng dahil kay tita Letty, at sa asawa niya na kapatid ng mommy, nakarecover agad siya. Ang tita ay Best friend ng mommy, na napangasawa naman ng kanyang kuya."Halika sa loob, naroon ang tito mo at nagluluto ng sea foods na hinuli sa aming pala isdaan. Ikaw talagang bata ka.. ang gwapo mo talaga.." sabi niya sa akin.Wala sil
Nag door bell ako sa tahanan ng mga Martinez. Hindi nagtagal, binuksan ni tita Lorna ang pintuan. "Oh my God, Gerald! kumusta?" nagmano ako kaagad sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat at saya. "sinong kasama mo?" "Ako lang po tita, pinadadaan po kasi ng mommy ko itong mga miki mula sa Batangas. Si tito Sid ho?" sumilip pa ako sa loob ng bahay nila. "Pumasok ka muna at tatawagin ko, Miggy, ikuha mo muna ng inumin si Kuya Gerald mo.." utos ni tita Lorna sa anak. "Opo," umalis ang binatilyong anak ni tita. "Tuloy ka muna, feel at home, tatawagin ko lang ang tito mo," paalam sa akin ni tita Lorna. Umalis na siya, ako naman ay pumunta sa kanilang salas. Napansin kong may tao doon. Nakaupo lang siya patalikod sa akin. Mukhang wala naman siyang binabasa, nakatingin lang siya sa pool na tanaw sa lugar kung saan ito nakaupo. "Ehem.." tikhim ko. Napatingin sa akin ang taong nakaupo doon. Nagulat ako sa hitsura ng babaeng lumingon sa akin. Kahawig ni Dina Bonnevie noong kabataan, map
JANNA:Sinamahan ako ni Mang Arnold sa aming tabakuhan, upang hintayin si kuya Gerald na ipinagbilin sa akin ng daddy. Nais daw nitong makita ang kabilang bahagi ng tabakuhan na hindi na nila nakita noong pumarito, sapagkat bumuhos ang malakas na ulan.Ayoko sanang isama si Mang Arnold, ngunit kakagaling lang namin sa simbahan, upang mag inquire kung kailan ang date na maaari kaming magpakasal, at marahil naawa sa akin ang simbahan, ang sabi nila ay fully booked na ngayong taon.Nakakahiya, subalit balitang balita na ang tungkol sa amin ng matandang ito. Nakakadiri ang amoy, laging amoy biha ng sigarilyo! at mukhang hindi araw araw naliligo. Akala ko, sa kwento lang ng mga kakilala ko, yung tungkol sa matandang ito, ngunit batid ko ngayon na totoo pala ang lahat ng iyon."Darling, ano bang gusto mong tawagan natin kung saka sakali?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang nakatalikod sa kanya."Ho?" bigla akong pumiksi upang mabitawan niya ako, saka lumayo ako ng konti, "eh..
JANNA "Ikaw ba, kuya Gerald, gusto ba ng mommy mo ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya, "hindi ba siya nakikialam sa feelings mo?" "Hindi. Isa pa, matanda na ako. Hindi na sakop ng mommy ang buhay pag- ibig ko," sagot niya sa akin, "marami kayong tauhan no?" "Nasa thirty yung dito sa lugar na ito," sagot ko sa kanya. "Pero gusto ba ng mommy mo ang girlfriend mo?" "Mabait si Lizzy, isa pa, mabait siyang guro, kaya wala akong makitang dahilan upang ayawan siya ng mommy. In fact, gusto na nga niya kaming lumagay sa tahimik, upang magkaroon na kami ng mga anak," sagot ni kuya Gerald sa akin. Kung gayon, napakaswerte pala niya, at hindi niya problema ang kanyang ina. Nakaramdam ako ng habag sa aking sarili at napaluha, na agad niyang napansin. "Oh, what's wrong?" nag aalala niyang tanong sa akin, "may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Umiling ako, saka ngumiti, "wala, medyo naiinggit lang ako sayo, kasi hindi mo kailangang ipaglaban ang sarili mo. Hindi ko katulad." "
GERALD: "Oh-my-God! Gerald! anong kalokohan ito?" tanong ng mommy Amanda ko, "Bakit mo iniuwi si Janna dito? alam mo ba ang gulong maidudulot nito?" "No choice na kasi ako mommy. Gusto ko siyang matulungan. Ayokong masira ang kinabukasan niya. Hindi kaya ng konsensiya ko, na aalis ako ng Bicol, na alam kong ipapakasal si Janna sa lalaking triple ang edad sa kanya. Mommy, anak ng kaibigan niyo si Janna. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, maaatim ba ng konsensiya ninyo na mabuhay siya ng masalimoot? na alam niyong kung may nagawa sana kayo, upang hindi siya mapapariwara?" "Pero Gerald, baka hindi mo kilala ang ugali ni Sid. Alam mong hindi iyon papayag na ganito ang ginawa mo. Baka naman may basehan siya," tiningnan ni mommy si Janna mula ulo hanggang paa, bago ulit tumingin sa akin,"kaya nais niyang ipakasal ang batang ito? Don't get me wrong hija. Mas matagal p ang friendship namin ng daddy mo, kesa mga edad ninyo. Ayoko naman na magkasira kami ng dahil lang sa pagsuway mo sa kagu
JANNA: "Sinasabi ko na nga ba!" galit na sumugod sa akin ang dadfy, at niregaluhan ako ng mag asawang sampal, fresh from Bicol. "Sid!" dali dali akong nilapitan ni mommy, subalit agad itong nahawakan ng daddy sa braso. "Wag mong lapitan ang anak mong marumi!" bulyaw ni daddy sa akin. "Tito Sid, huminahon kayo," umawat si kuya Gerald, "wag niyong saktan ang anak niyo." "Oo nga naman Isidro! anong kabalbalan itong naririnig kong nais mong wasakin ang buhay ng anak mo? Santa Maria Isidro! at ang nais mo pang mapangasawa nitonh si Janna ay si Arnold Rivera? ang matandang yun ay mas matanda sa atin ng sampung taon! Maaatim mong magkaroon ka ng manugang na saksakan ng pangit?" ai tita Amanda iyon. "Tumigil ka ng paninermon sakin Amanda, alam ko ang ginagawa ko!" angil ni daddy kay tita. "Hoy, Sid, wala ka na talagang pinipiling lugar, kahit sa pamamahay ko ay labis pa rin ang gasing ng iyong ugali! Tigilan mo ako ng mga ganyang paandar mo, at kuhang kuha mo ang inis ko!" asar n
POV: JannaNapalunok ako habang nakatitig sa mga mata ni Gerald. Ramdam ko ang bigat ng kanyang sinabi—ang pangakong gusto niyang subukan. Ngunit hindi ko alam kung kaya kong tanggapin iyon nang buo.Mahal ko ba siya?Hindi ko alam. Hindi ko matiyak kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Gerald. Ang alam ko lang, siya ang lalaking pinakasalan ko. Siya ang pumigil sa kasal ko kay Arnold. Siya ang nagprotekta sa akin, kahit hindi ko hinihingi.At ngayon, heto siya, nakatayo sa harapan ko, inaalok ako ng isang bagay na matagal ko nang hiniling.Pero tama pa ba ito?Bumuntong-hininga ako at bahagyang umatras. "Gerald... Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa sigurado."Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Para bang hindi niya inaasahan ang sagot ko."Alam kong hindi basta nawawala ang pagmamahal mo kay Lizzy," pagpapatuloy ko. "At ayokong maging dahilan para pilitin mong kalimutan siya."Saglit siyang natahimik. Kita ko ang emosyon sa kanyang mukha—pagkalito, lungkot, pero m
Napabuntong-hininga ako. Nakaupo lang si Lizzy sa harapan ko, hinihintay ang sagot ko, pero wala akong maisagot. Para akong sinasakal ng mga salita niya, para bang sa isang iglap, naunawaan ko ang bigat ng lahat ng ito.Mahal ko si Lizzy. Hindi ko iyon matatakasan. Pero narito si Janna—ang babaeng pinakasalan ko, ang babaeng hindi ko kayang lokohin. Kahit kailan, hindi siya nanghingi ng pagmamahal na hindi ko kayang ibigay. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong hindi ko rin siya kayang saktan."Gerald, bakit tahimik ka?" tanong ni Lizzy, at doon ko napagtantong matagal na pala akong walang imik.Napatingin ako sa kanya, sa mga matang minsang naging tahanan ko. "Lizzy, hindi kita gustong saktan."Natawa siya, pero puno ng pait. "Pero iyon ang ginagawa mo, Gerald. Sinaktan mo ako. Pinili mong pakasalan siya. Hindi mo ako pinili."Alam kong totoo ang sinasabi niya."Pero hindi ko rin kayang saktan si Janna."Nanatili akong nakatitig sa kanya, umaasang mai
Sa loob ng kwarto, napabuntong-hininga ako at dumapa sa kama. Nangingilid pa rin ang luha ko, pero hindi ko pinayagang bumagsak ito. Hindi ko alam kung pagod lang ako o talagang may kung anong bumibigat sa loob ko.Si Lizzy.Mahal ko siya, alam ko iyon. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano siya pipigilan sa sakit na nararamdaman niya. Dapat ba akong bumigay? Dapat ko ba siyang habulin? Pero paano si Janna? Ang asawa ko.Napapikit ako, bumabalik ang alaala ng huling beses kaming nagkita ni Lizzy bago ako ikinasal."Gerald, sabihin mo sa akin... wala na bang pag-asa?""Lizzy, hindi ito tungkol sa atin. Kailangan ko siyang pakasalan para hindi siya mapasakamay ni Arnold. Hindi ito tungkol sa pagmamahal.""Pero bakit pakiramdam ko, ako ang nawalan?"Nang mga panahong iyon, hindi ko pa nararamdaman ang bigat ng mga desisyon ko. Pero ngayon, habang naglalakad siyang palayo, habang sinasabi niyang pagod na siya—mas lalo akong natakot. Baka isang araw, hindi na lang siya lumingon.At hindi k
"Lizzy!" tawag ko kay Lizzy habang nagmamadali siyang naglalakad. Hindi siya sumakay sa kotse na maghahatid sa kanya pauwi, bagkus, parang lalakarin niya ang kahabaan ng kalsada.Inabutan ko ang kanyang braso, at agad ko iyong hinila.."Ano ba, Gerald.. uuwi na ko!" may luhang sagot niya sa akin, "magpahinga ka na kung pagod ka.""Ano bang nangyayari sayo?" hindi ako makapaniwala na magwowalk out siya "bakit ba?""Bakit? talagang tinatanong mo ako Gerald, kung bakit? ano sa palagay mo?" nakasimangot na sagot niya, "hindi mo ako tinatawagan, walang text, or kahit emails! habang kayo ng babaeng iyon ay magkasama, tapos, tatanungin mo ako kung ano ang nangyayari sa akin? aba naman! ang galing naman ng tanong na yan!"Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ang buong akala ko ay naiintindihan ako ni Lizzy sa lahat ng nangyayaring ito. Hindi ko akalain na nagtitiis lang pala siya."Pero Lizzy, napag usapan na natin ito, hindi ba?" ang aking tinig ay parang nagtatanong. Ayokong dumating kami sa pu
Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng
Bigla akong napabalikwas ng upo, tinanggal ang kamay ni Gerald na nakayakap sa akin. Paano kami napunta sa ganoong posisyon? Napakabilis ng pintig ng aking puso. Agad kong nilingon si Gerald, na tila hindi pa rin nagigising, tahimik ang mukha, malalim ang tulog. Napanganga ako sa sitwasyon. Alam kong wala naman akong ginawang kakaiba bago ako matulog. Iyon ba ay kusang nangyari habang kami'y natutulog? O may ginawa si Gerald? Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganito dahil simula noong kasal namin, halos parang magkaibigan lang kami — walang romantikong nangyayari sa amin. Kinapa ko ang aking sarili, maayos pa naman ang aking suot. Nang lingunin ko siya, nakangiti siya habang nakatingin sa akin, "ayos ba ang tulog mo?" Bigla na lang akong nataranta. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. "Kailangan na nating maligo.. halika na.." sabi ko kay Gerald. "Sabay tayo?" paninigurado niya sa aking sinabi. Bigla kong kinuha ang kumot, "hindi, ako pala.. ay, ikaw.." hila hila ko ang kumo
"Ibang klase pala magalit si Arnold," sabi ko kay Gerald habang inaayos ko ang kanyang higaan sa sahig. Hindi siya nagsasalita at nanatiling naka de kwatro habang nakahawak ang kamay sa kanyang baba. Pinapanood niya ako habang naglalatag. Hindi na ako muling nagsalita, dahil mukhang wala naman siya sa mood na kausapin ako. "Anak?" narinig ko ang pagkatok ng daddy sa aking kwarto. Agad kaming nagmamadaling mag ayos ng gamit upang hindi mahalata na hindi kami nagtatabi. "Ilagay mo ang kumot sa ilalim ng unang," sabi pa ni Gerald sa akin. "Oo.." nagmamadali ko siyang sinunod. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan. "Aalis na daw kayo bukas, kaya ibibigay ko na ang aking munting regalo," iniabot ni daddy kay Gerald ang isang may kabigatang kahon. "Ano ho ito? hindi na sana kayo nag abala pa," kinuha ito ni Gerald buhat kay daddy, "ang bigat ho nito." "Sige na, buksan mo.." nakangiti ang daddy habang pinapanood si Gerald. Binuksan itong agad ng aking asawa, at tumambad sa kanya ang is
"Mahal ko si Lizzy," sagot ni Gerald sa akin, "maunawain siya at alam ang ating sitwasyon. Kapag nasa tamang edad ka na, at ayos ka na, maaari ka na ring makakita ng lalaking tama para sayo, subalit wag mo ng babalikan ang nIck na iyon," nilingon pa niya ako.Umiwas na lang ako ng tingin at muling tiningnan ang kalangitan. May kirot sa aking dibdib, hindi ko alam kung saan iyon nagmumula, pero ito ay dumudukdok sa aking puso."Kung- kung mabibigyan ka ba ng pagkakataon na.. iwanan si Lizzy, gagawin mo?" naisatinig ko iyon sa kanya."Bakit ko naman gagawin iyon?" ang ngiti niya ay bahagyang nakakaloko, "hindi ko siya maaaring iwanan, nangako na ako sa kanya na ako ang kasama niyang tatanda.""Dapat ba, kapag nangako tayo, tutuparin natin palagi?""Aba, oo naman.. bakit?""Yan din kasi ang pangako ni Nick sa akin, pero ang katapusan, hayaan niya akong binastos at pinabayaan." Malungkot ang aking tinig.Kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon, labis akong nalulungkot. Masakit ang aking n
Habang lumipas ang mga araw sa Bicol, dahan-dahan akong nasanay sa tahimik na buhay probinsya muli. Ang sariwang hangin, malalayong mga bundok, at ang maluwag na kapaligiran ng aming tahanan ay tila nag-aalis ng ilan sa mga tensyon ko. Ngunit kahit gaano man kasarap ang pakiramdam ng pagiging malapit muli sa aking pamilya, may parte ng aking isipan na patuloy na bumabalik sa hindi naipahayag na mga alalahanin tungkol sa akin at kay Gerald.Isang umaga, habang nagpapahinga kami sa veranda, lumapit sa akin ang aking ina. Bitbit niya ang isang tasa ng kape at isang plato ng bibingka na bagong luto."Anak," bungad niya habang inilalagay ang tasa sa tabi ko, "kumusta ka talaga? Alam kong sinabi mo na masaya ka, pero parang may bumabagabag sa'yo."Tumingin ako sa malayo, sa mga tanim na niyog sa harapan ng bahay namin. Alam kong hindi ako makakapagtago ng totoo sa kanya. Mula pagkabata, siya na ang aking sandalan at kausap sa mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba."Mommy, masaya naman