Share

Chapter 7

GERALD:

"Oh-my-God! Gerald! anong kalokohan ito?" tanong ng mommy Amanda ko, "Bakit mo iniuwi si Janna dito? alam mo ba ang gulong maidudulot nito?"

"No choice na kasi ako mommy. Gusto ko siyang matulungan. Ayokong masira ang kinabukasan niya. Hindi kaya ng konsensiya ko, na aalis ako ng Bicol, na alam kong ipapakasal si Janna sa lalaking triple ang edad sa kanya. Mommy, anak ng kaibigan niyo si Janna. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, maaatim ba ng konsensiya ninyo na mabuhay siya ng masalimoot? na alam niyong kung may nagawa sana kayo, upang hindi siya mapapariwara?"

"Pero Gerald, baka hindi mo kilala ang ugali ni Sid. Alam mong hindi iyon papayag na ganito ang ginawa mo. Baka naman may basehan siya," tiningnan ni mommy si Janna mula ulo hanggang paa, bago ulit tumingin sa akin,"kaya nais niyang ipakasal ang batang ito? Don't get me wrong hija. Mas matagal p ang friendship namin ng daddy mo, kesa mga edad ninyo. Ayoko naman na magkasira kami ng dahil lang sa pagsuway mo sa kagustuhan niya. Malaking eskandalo itong pinasok niyo!"

"Naiintindihan ko po iyon tita. Wala naman pong kasalanan si kuya Gerald. Ako po ang sumama sa kanya. Ku-kung hindi naman po ako welcome dito, maaari naman po akong maghanap ng ibang matutuluyan at magtrabaho," malungkot na sagot niya kay mommy.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mommy ko sa sinabi ni Janna.

"Halika nga at maupo ka muna, "sa may dining kami pumuwesto. Humila ng upuan si Janna, at ako naman, ipinaghila ko ng upuan si mommy, "ikwento mo nga sa akin kung anong nangyari?"

"Akala po kasi ng daddy, may nangyari sa amin ni-- ni Nick. Pinipilit niya po kasi akong ipasok sa motel, pero ayoko po dahil natatakot ako. Wala naman pong nangyari, iniwan niya lang po ako. May mga nakakita po kasi sa amin. Pero ayaw pong maniwala ng daddy sa akin. Pinuntahan niya si Nick, para sabihang panagutan ako, pero po, nagtago na siya. Iniwan niya na po ako sa ere. Dapat daw po ikasal na ako upang mawala ang alingasngas ng pangalan namin, at maibalik ang aming dangal, kaya po gusto niya akong magpakasal.. kay Arnold Rivera.." kwento niya.

Nangunot ang noo ng mommy ko, "Arnold Rivera? yung intsik na masama ang hitsura?" masuka suka pang sabi ni mommy.

"Opo.." sagot naman ni Janna.

"Aba.. siraulo na pala talaga itong si Isidro.. nawawala na sa katinuan. Abay, matanda pa sa amin ng sampung taon yung Arnold na yun ah!" napailing pa ang mommy ko. "Saka anong dangal dangal ang sinasabi niya? Bakit ka naman pumayag?"

"Wala po akong magawa, tita. Masama pong magalit ang daddy. Saka baka maghurumentado na naman po iyon," napayukong sagot ni Janna na bahagya pa akong sinilip sa gilid ng kanyang mga mata.

"Bweno, ano ang plano mong gawin habang naririto ka? ilang taon ka na ba hija?" napatingin din si mommy sa akin, tila naghahanap ng kasagutan sa maaaring maging solusyon ng problemang kinakaharap ni Janna.

"Hi-Hindi ko pa rin po alam. Eighteen na po ako," sagot niya.

"Baka naman may nangyari talaga sa inyo ng lalaking iyon, ayaw mo lang aminin dahil nahihiya ka?" tanong pa ni mommy sa kanya, "oh matagal niyo na iyong ginagawa?"

"Naku tita, hindi po.. kahit ipa- test niyo pa po ako, buong buo pa po ako.. malinis na babae pa po ako," gulat na gulat pa si Janna pagkasabi ng mga salitang iyon.

"Oh, bakit hindi ka nagpa doctor noong nasa Bicol pa kayo? para nalaman agad ng tatay mong tarantado, na nagsasabi ka ng totoo?" sagot ni mommy.

"A-ayaw po akong paniwalaan ng daddy, sarado na ang kanyang isipan sa lahat ng paliwanag ko," malungkot na sagot ni Janna.

"That's why, itinakas ko siya, mommy. Para maisalba naman ang kanyang buhay. Nakakaawa ang nais mangyari sa kanya ni tito Sid, at talagang sa isang matanda pa siya nais ipakasal, dahil iyon na lang daw ang tatanggap kay Jana," paliwanag ko kay mommy.

"Por Diyos, por Santo! sa gandang batang ito, nag aalala ang tatay niya na walang tatanggap sa kanya? susmaryosep! itong Isidro na to! Nakausap mo ba si tita Letty?" tanong pa ni mommy.

"Yes ma.. Pero sabi niya, hindi daw nakikinig sa kanya, baka daw sa inyo, makikinig siya," sagot ko kay mommy.

"Kakaiba talaga ang ugali ng isang yun. Kaya hindi ko man lang nagustuhan yun kahit gwapo. Pakiramdam ko, magiging miserable ang buhay ko," napailing pa si mommy pagkasabi niyon.

"Nanligaw siya sa inyo?" tanong ni Janna.

"Hindi, ayaw niya din naman sa amin ni Letty, dahil kaya namin siyang pigilan sa mga gusto niya. Kaya yung mga lolo at lola niyo, masaya na magkakabarkada kami," sagot pa nito, "anyway, tulad ng sinabi mo kanina, magpacheck up ka."

TUWANG tuwa sila sa naging resulta ng aking check up.

"Nagsasabi oala ng totoo ang batang ito," nakangiti na sabi ni mommy, saka hilumawak sa braso ni Janna, "pasensiya ka na hija, kung nagdalawang isip ako sa iyong katapatan."

"Okay lang po iyon. Naiintindihan ko po," nakangiting sagot ni Janna sa mommy ko

Pagpasok namin sa gate, sinalubong kami ng isa naming kasambahay.

"Donya Amanda, may bisita po kayo," salubong nito sa amin.

"Bisita? nagpapasok ka ng tao dito na wala kami?" napakunot ang noo ni mommy sa sinabi ng aming kasambahay.

"Kilala ko po sa mukha yung bisita, galit na galit po siya," paliwanag ng katulong na halatang natatakot.

Pagpasok namin sa kabahayan, bumungad sa amin ang madilim na mukha ng taong tinutukoy ni Ellen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status