Share

Chapter 15

"Janna, anong nangyayari sayo?" kausap ko sa aking sarili, "bakit naman ako umarte ng ganun sa harapan ni kuya Gerald. Nakakahiya talaga. Hindi ko man lang napansin na dumating siya doon. Janna! Janna ka talaga, nakakahiya ka!"

Naupo na lang ako sa aking kama. Tiningnan ko ang pinto ng kwartong iyon. Baka mamaya, siya ang tumawag sa akin kaya ang kaba ng aking dibdib ay lumalakas lalo. Inip na inip ako sa oras. Wala man lang akong magagawa sa loob ng kwarto.

Pasilip silip ako sa ilalim ng siwang ng pinto. Inaabangan ko, kung kaninong paa ang lalakad palapit doon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatulog ako bigla.

Naalimpungatan ako, sa yugyog sa aking balikat. May kalakasan iyon. Dahan dahan kong iminukat ang aking mga mata, at bumungad sa akin ang nag-aalalang hitsura ni kuya Gerald. Bigla akong napabangon, na naging sanhi upang mabunggo ko ang kanyang noo.

"Ooouch!" daing niya habang napaupong hinihimas ang namumulang noo.

"Aruy ku," mangiyak ngiyak ako habang kinakap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status