Habang sakay kami ng eroplano, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Mommy Amanda sakin. 'Akitin mo ang anak ko'. Paano kaya niya nasabi sa akin iyon gayung may nobya ang kanyang anak? Magkatabi kami ni Gabriel, samantalang si mommy Amanda ay nasa kabilang side. Ang ganda ng VIP class na ito. Maaaring mahiga at takpan ang paligid, tulad ng ginawa ni mommy Amanda. Nag-iisa siya sa kanyang cubicle. Napahinga ako ng malakas, habang nakatingin sa bintana. "Gabriel, pasensiya ka na kanina kay mommy Amanda, hindi ko siya mapigilan," hindi man lang sumagot ang aking katabi. Pag lingon ko sa kanya, natutulog na rin siya at may pasak sa tenga. "Pasensiya ka na, alam kong hindi mo ako naririnig, pero kailangan ko lang itong mailabas. Alam kong nagagalit ka," saka ulit ako tumingin sa bintana, "pero hindi ko kayang pigilan ang mommy mo kapag nagsasalita. May mother's instinct daw kasi siya kay Lizzy. Hindi niya daw alam kung bakit mabigat ang dugo niya sa girlfriend mo." Bumuntonh hinin
GABRIEL: "Sir, your sister is very beautiful," bati sa akin ng isang Irish na waiter. Tuwing pumupunta ako dito, ay naka duty siya. "Oh, thank you," nginitian pa ni Janna ang lalaki, "you have a taste when it comes to beauty." "She's not my sister, she's my wife," nginitian ko si Enrico na bahagyang nagulat sa aking isinagot. "Ooh.. ooh I'm sorry sir.. I thought, she is your sister," natawa na ito at hindi na ininda ang pagkakapahiya, "your wife is pretty." "But of course! his wife is pretty and kind. There is no place for us for ugly human being," singit ni mommy sa sinasabi ni Enrico. "Indeed madam.. Filipina are so kind and beautiful, I hope I can marry one someday," saka humalakhak si Enrico, "I really like Filipina." "You should," nakangiting sagot ni mommy, "can we take our orders?" "Oh sure, I'm sorry madam, here's the menu," iniabot ni Enrico ang menu sa amin na nakatitig kay Janna. Bahagya kong inilapit si Janna sa akin saka inakbayan. Pailalim namang ngumiti s
JANNA: Nagsisentimyento si mommy Amanda dahil sa nangyari kanina sa restaurant. Hindi talaga niya matanggap na nakita doon si Lizzy. Daig pa nito ang naglilihi. "Grabe, saan kaya humuhugot ng kapal ng mukha ang babaeng iyon. Alam mo, Janna, kapag naoperahan yun, hindi na tatalaban ng anesthesia yun, kasi, sa saobrang kapal ng mukha, nahawa na ang buong katawan," may gigil sa bawat binibitawan niyang salita. Lalo pa siyang nabwesit noong ihatid lang kami ni Gabriel sa bahay, at puntahan si Lizzy, "ang anak mo naman, akala mo, mauubusan ng babae kung mahabol ang babaeng iyon. Maganda nga, pero mukhang kinulang sa breeding! teacher pa naman siya!' "Tama na po mommy. Baka naman po talagang mahal niya si Gabriel. Mukha naman pong mahal din siya nung anak niyo," pinapakalma ko ang aking biyenan dahil nakikita ko kung gaano siya naaasar kay Lizzy. "Janna.. talaga bang-- hindi ka man lang nagseselos sa kanila? ang ibig kong sabihin, hindi ka man lang ba nakakaramdam kahit konting inis
DINIG ko ang usapan ng mag ina sa labas ng aking kwarto. Malakas ang tinig nila kaya nagising ako. Mukhang nagtatalo ang mag ina. Binuksan ko ng bahagya ang pinto at nakinig. "Ma! si Lizzy ang girlfriend ko!" mataas ang boses ni Gerald. Waring hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng ina dito, "kaya may karapatan siyang mag inarte!" "Sinisigawan mo ako ng dahil lang sa babaeng iyon? okay ka lang Gerald? nasa tamang katinuan ka ba?" sagot ni mommy Amanda. "Pati pg galang mo sa akin nakakalimutan mo na ng dahil sa babaeng iyon!" Ma, labas na si Lizzy sa kung ano man ang pinagtatalunan natin ngayon. Babae rin kayo, sana nauunawaan niyo ang damdamin niya!" gigil na sabi ni Gerald "Walang ginagawang masama sa inyo yung tao!" "Yan, yan na nga ba ang sinasabi ko. Naisip ko na to eh, na darating ang araw, aawayin mo ako at babastusin ng dahil sa babaeng iyon! Wala na talaga! Nabilog na ng babaeng iyon ang iyong ulo. Wala ka ng maririnig sa akin simula ngayon! Tandaan mo, kapag lumabas ka
Malalakas na katok ang pumukaw sa aking mahimbing na pagkakatulog. Bumalikwas ako ng bangon! Kinapa ko ang aking sarili. May suot akong damit. Hanggang sa pamaginip ay iniisip ko pang natitikman ko si Gerald? nababaliw na ata akong talaga. Tumayo ako upang alamin kung sino ang taong nasa pinto. "Mommy Amanda.." nakangiting bumungad sa akin ang aking biyenan. "Kumain na tayo, alas otso na ng gabi.." sabi niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata, ibig sabihin, halos limang oras pala akong nakatulog. Hindi ko akalaing makakatulog ako ng ganoon katagal. Dinalaw pa ako ng mainit na panaginip. "Mukhang malalim ang tulog mo ah. Nag aalala ng ako, kasi kanina pa ako dito eh," nakangiti si mommy Amanda sa akin, "bubuksan ko na sana ito using my duplicate key." "Sorry po, hindi ko rin po namalayan na nakatulog na po ako,"lumabas na ako ng tuluyan. May hain na sa lamesa. Ang mukha ni Gerald ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakahalukipkip ito na prang nag iisip. Napating
Hindi na ako nakatiis, nilapitan ko ang aking asawa na parang nag ienjoy makipagkwentuhan sa mga lalaking kasing edaran nito. "Kuya Gerald," una akong binati ni Russel, "ang sarap kausap nitong asawa mo." Ngumiti ako ng tipid at bahagyang tumango kay Russel. Tila ba may mga bagay na gusto kong itanong, ngunit pinilit kong magpaka-kalmado. "Ah, ganun ba?" sagot ko, sabay tapon ng tingin sa asawa kong parang masayang-masaya sa usapan. "Mukhang enjoy na enjoy nga kayo d'yan, ah." Nakita kong ngumiti ang aking asawa, halatang nag-eenjoy sa kanilang kwentuhan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng konting kaba at selos, pero sinubukan kong kontrolin ang aking nararamdaman. Gusto kong malaman kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan, pero ayokong magmukhang masyadong prangka o nag-aalala. "Anong topic niyo?" tanong ko, pilit na ngumiti habang hinihintay ang kanilang sagot. Ang aking batambatang asawa ay parang pinagkakaguluhan ng kanyang mga kasing edad. Hindi ko mawari kung bak
Nakauwi na kami ng Pilipinas, ngunit si kuya Gerald ay hindi pa rin masyadong kumikibo. Hindi naman kami makapag usap ng aking biyenan tungkol dito, sapagkat baka marinig niya kami. Paglapag ng eroplano, tahimik pa rin siya, hindi namin mawari kung bakit may toyo ito simula pa noong nasa Europe kami hanggang makarating kami ng Manila. "Mag babanyo lang ako, doon niyo ako hintayin sa may WENDY'S," hindi na niya kami naaalalang lingunin. Ngadiretso na siya sa banyo. "Anong problema ng asawa mo? alam mo ba, next week pa sana tayo uuwi, kaso ang anak ko, hindi na makapaghintay! may balak pa naman kaming magkakaibigan na manood ng fashion week." reklamo ni mommy Amanda, "hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito." "Hayaann niyo na po, matanda na kasi," napapangiti kong sabi. "Ano bang nangyari kagabi? kasi, pagpasok mo sa kwarto, hindi na rin siya lumabas.. magkatabi ba kayong natulog?" tanong niya sa akin. Bigla akong nag init at namula ang aking mga pisngi, 'naku, mommy, h
"Sino ang hindi makakapasok dito?" tanong ni Gerald sa babaeng mukhang manager sa airport. Nakakunot ang noo ng aking asawa habang nakatitig sa babae. "Mi-Mr. Suarez.." yumuko pa ito ng bahagya, "ka-kanina pa po kayo dito?" "Oo," malamig ang kanyang boses at tiningnan ng masama ang mga namumutlang Kano. "Who is he?" tanong ng isang foreigner sa babaeng nakikipagtalo sa akin. "He's the CEO of this airport, he is Mr. Suarez.." mahinang sagot ng babae. Napatingin kay Gerald ang mga iyon. Kahit ako ay hindi ko inaasahang ang ganoong eksena. Hindi ko alam na ganoon pala sila kayaman. Napatingin ako kay mommy Amanda, at nakangiting nagkibit balikat lang siya sa akin. "He is the one that we are going to meet?" nanlaki ang mata ng lalaking sinipat ko. "Yes," sagot ng babae, "sir," hinarap nito si Gerald, "ako na po ang bahala sa sitwasyon. Paalisin ko na po ang babaeng ito sa lalong madaling panahon.." "Miss.." sinipat ni Gerald ang kanyang nameplate, "Miss Montalbo.. maaari ka ng mag