Malalakas na katok ang pumukaw sa aking mahimbing na pagkakatulog. Bumalikwas ako ng bangon! Kinapa ko ang aking sarili. May suot akong damit. Hanggang sa pamaginip ay iniisip ko pang natitikman ko si Gerald? nababaliw na ata akong talaga. Tumayo ako upang alamin kung sino ang taong nasa pinto. "Mommy Amanda.." nakangiting bumungad sa akin ang aking biyenan. "Kumain na tayo, alas otso na ng gabi.." sabi niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata, ibig sabihin, halos limang oras pala akong nakatulog. Hindi ko akalaing makakatulog ako ng ganoon katagal. Dinalaw pa ako ng mainit na panaginip. "Mukhang malalim ang tulog mo ah. Nag aalala ng ako, kasi kanina pa ako dito eh," nakangiti si mommy Amanda sa akin, "bubuksan ko na sana ito using my duplicate key." "Sorry po, hindi ko rin po namalayan na nakatulog na po ako,"lumabas na ako ng tuluyan. May hain na sa lamesa. Ang mukha ni Gerald ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakahalukipkip ito na prang nag iisip. Napating
Hindi na ako nakatiis, nilapitan ko ang aking asawa na parang nag ienjoy makipagkwentuhan sa mga lalaking kasing edaran nito. "Kuya Gerald," una akong binati ni Russel, "ang sarap kausap nitong asawa mo." Ngumiti ako ng tipid at bahagyang tumango kay Russel. Tila ba may mga bagay na gusto kong itanong, ngunit pinilit kong magpaka-kalmado. "Ah, ganun ba?" sagot ko, sabay tapon ng tingin sa asawa kong parang masayang-masaya sa usapan. "Mukhang enjoy na enjoy nga kayo d'yan, ah." Nakita kong ngumiti ang aking asawa, halatang nag-eenjoy sa kanilang kwentuhan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng konting kaba at selos, pero sinubukan kong kontrolin ang aking nararamdaman. Gusto kong malaman kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan, pero ayokong magmukhang masyadong prangka o nag-aalala. "Anong topic niyo?" tanong ko, pilit na ngumiti habang hinihintay ang kanilang sagot. Ang aking batambatang asawa ay parang pinagkakaguluhan ng kanyang mga kasing edad. Hindi ko mawari kung bak
Nakauwi na kami ng Pilipinas, ngunit si kuya Gerald ay hindi pa rin masyadong kumikibo. Hindi naman kami makapag usap ng aking biyenan tungkol dito, sapagkat baka marinig niya kami. Paglapag ng eroplano, tahimik pa rin siya, hindi namin mawari kung bakit may toyo ito simula pa noong nasa Europe kami hanggang makarating kami ng Manila. "Mag babanyo lang ako, doon niyo ako hintayin sa may WENDY'S," hindi na niya kami naaalalang lingunin. Ngadiretso na siya sa banyo. "Anong problema ng asawa mo? alam mo ba, next week pa sana tayo uuwi, kaso ang anak ko, hindi na makapaghintay! may balak pa naman kaming magkakaibigan na manood ng fashion week." reklamo ni mommy Amanda, "hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito." "Hayaann niyo na po, matanda na kasi," napapangiti kong sabi. "Ano bang nangyari kagabi? kasi, pagpasok mo sa kwarto, hindi na rin siya lumabas.. magkatabi ba kayong natulog?" tanong niya sa akin. Bigla akong nag init at namula ang aking mga pisngi, 'naku, mommy, h
"Sino ang hindi makakapasok dito?" tanong ni Gerald sa babaeng mukhang manager sa airport. Nakakunot ang noo ng aking asawa habang nakatitig sa babae. "Mi-Mr. Suarez.." yumuko pa ito ng bahagya, "ka-kanina pa po kayo dito?" "Oo," malamig ang kanyang boses at tiningnan ng masama ang mga namumutlang Kano. "Who is he?" tanong ng isang foreigner sa babaeng nakikipagtalo sa akin. "He's the CEO of this airport, he is Mr. Suarez.." mahinang sagot ng babae. Napatingin kay Gerald ang mga iyon. Kahit ako ay hindi ko inaasahang ang ganoong eksena. Hindi ko alam na ganoon pala sila kayaman. Napatingin ako kay mommy Amanda, at nakangiting nagkibit balikat lang siya sa akin. "He is the one that we are going to meet?" nanlaki ang mata ng lalaking sinipat ko. "Yes," sagot ng babae, "sir," hinarap nito si Gerald, "ako na po ang bahala sa sitwasyon. Paalisin ko na po ang babaeng ito sa lalong madaling panahon.." "Miss.." sinipat ni Gerald ang kanyang nameplate, "Miss Montalbo.. maaari ka ng mag
Habang kami ay nasa biyahe pauwi, nanatiling tahimik si Gerald, tila nag-iisip ng malalim. Si mommy Amanda naman ay masayang nakikipag-usap sa akin tungkol sa aming biyahe at mga plano namin pagkatapos ng honeymoon. Ngunit sa kabila ng kanyang mga tanong, hindi ko maiwasang bumalik-balik sa eksenang naganap sa airport. Sa loob ng pagsasama namin ni Gerald, ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganoon katindi ang reaksyon. Ang kanyang presensya bilang CEO ay ramdam na ramdam sa bawat galaw at salita niya kanina, na para bang wala nang makakapigil sa kanya."Ang tahimik mo naman," napansin ni mommy Amanda na hindi ako sumasabay sa kwento niya. "Ayos ka lang ba, hija?"Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Ayos lang po, mommy. Iniisip ko lang yung nangyari kanina. Hindi ko kasi inaasahan na ganoon pala ang magiging reaksyon ni Gerald."Natawa si mommy Amanda. "Hija, matagal na siyang ganun. Kapag may nakitang mali o kapag may bastos na tao, hindi 'yan nagpapatalo. Hindi
Hindi man ako ang mahal ni Gerald, iniligtas naman niya ako sa kahihiyan na nais ng aking ama, ang ipakasal ako sa magandang si Arnold Rivera.Habang nagmumuni Muni, hindi ko inaasahang ang pagdating ng nobya ng aking asawa-- si Lizzy."Hi, Janna.. bakit hindi man lang sinabi sakin ni Gerald na uuwi na kayo, naiwan tuloy ako sa abroad," umupo siya malapit sa akin, "Anyway, nabasa ko ang tungkol sa airport incident.. hay.. napakabait talaga ng aking boyfriend," may diin ang huling salitang sinabi niya.Bahagya akong nasaktan, subalit hindi ko ipinahalata sa kanya. Ngumiti ako at sinabi, "oo nga eh. Naroon si Gerald sa likod, nag iihaw ng pananghalian," itinataboy ko na siya, dahil pakiramdam ko, pinaplastic niya lang ako.Habang nakaupo ako at pilit na pinapakalma ang sarili, ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni Lizzy. Alam ko na hindi ito magiging madali. Sa kabila ng mga ngiti at malumanay na boses, ramdam ko ang pwersa ng mga salita niya. Hindi ko man inamin sa sarili ko noon,
Pinanood ko si Gerald habang nagmamadali siyang lumabas ng bahay, tila ba kinalimutan ang lahat para habulin si Lizzy. Hindi ko mapigilan ang pagbigat ng aking dibdib habang tahimik akong nakaupo, hinihintay ang kanyang pagbabalik. Alam ko na hindi ako dapat masaktan—ako ang kanyang asawa sa papel, ngunit si Lizzy ang babaeng laman ng puso niya. Alam kong darating ang araw na haharapin ko ang katotohanang ito, pero hindi ko akalain na ngayon na iyon. Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang malumanay na pagbukas ng pinto. Si Gerald ang bumalik, at kasama niya si Lizzy. Nakita ko ang kanyang maamong ngiti habang naglalakad silang magkatabi papasok. May usapan silang hindi ko marinig, pero kitang-kita ko sa mga mata ni Gerald ang pag-aalala para kay Lizzy. Dumiretsong umupo si Lizzy sa sofa, habang si Gerald ay umupo sa tabi niya, patuloy na nakikinig sa bawat salita ng babae. Parang may maliit na sugat sa aking puso na unti-unting lumalala. Pilit kong sinisikap na huwag magpakita n
Pinauwi muna kami ng daddy ko sa bahay namin sa Bicol. Magiging busy daw Kai ako kapag nag aral na ako ulit. Ayoko sana na umuwi, subalit mapilit sila. "Gerald, tumawag sa akin ang daddy, pinapauwi niya tayo.. sabi ko, susubukan ko," sabi ko sa kanya, ng mababaan ko siya na nagwowork out. "Anong susubukan? uuwi tayo. Bakit? ayaw mo bang umuwi sa inyo?" sagot niya sa akin. Sa totoo lang, nais ko rin namag umuwi, subalit nahihiya lang ako sa kanya, kaya hindi ko na ninais na magpunta sa amin. "Okay lang ba sayo? I mean, busy ka lagi, maabala ka pa masyado kung sakaling uuwi tayo, hindi ba?" nag aalala kong tanong sa kanya. "Sus, wala yun. Baka nais ka talaga nilang makita, isa pa, upang magbigay moi ng personal ang mga pasalubong mo noong pumasyal tayo sa Europe. Mas maganda yun di ba?" nagbubuhat siya ng dambel at hindi na nag abalang sulayapan ako. Lihim akong napangiti, dahil hindi ko inaasahan na sasang ayon siya na umuwi kami ng Bicol.Habang nag-eempake ako ng mga gamit para
Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng
Bigla akong napabalikwas ng upo, tinanggal ang kamay ni Gerald na nakayakap sa akin. Paano kami napunta sa ganoong posisyon? Napakabilis ng pintig ng aking puso. Agad kong nilingon si Gerald, na tila hindi pa rin nagigising, tahimik ang mukha, malalim ang tulog. Napanganga ako sa sitwasyon. Alam kong wala naman akong ginawang kakaiba bago ako matulog. Iyon ba ay kusang nangyari habang kami'y natutulog? O may ginawa si Gerald? Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganito dahil simula noong kasal namin, halos parang magkaibigan lang kami — walang romantikong nangyayari sa amin. Kinapa ko ang aking sarili, maayos pa naman ang aking suot. Nang lingunin ko siya, nakangiti siya habang nakatingin sa akin, "ayos ba ang tulog mo?" Bigla na lang akong nataranta. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. "Kailangan na nating maligo.. halika na.." sabi ko kay Gerald. "Sabay tayo?" paninigurado niya sa aking sinabi. Bigla kong kinuha ang kumot, "hindi, ako pala.. ay, ikaw.." hila hila ko ang kumo
"Ibang klase pala magalit si Arnold," sabi ko kay Gerald habang inaayos ko ang kanyang higaan sa sahig. Hindi siya nagsasalita at nanatiling naka de kwatro habang nakahawak ang kamay sa kanyang baba. Pinapanood niya ako habang naglalatag. Hindi na ako muling nagsalita, dahil mukhang wala naman siya sa mood na kausapin ako. "Anak?" narinig ko ang pagkatok ng daddy sa aking kwarto. Agad kaming nagmamadaling mag ayos ng gamit upang hindi mahalata na hindi kami nagtatabi. "Ilagay mo ang kumot sa ilalim ng unang," sabi pa ni Gerald sa akin. "Oo.." nagmamadali ko siyang sinunod. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan. "Aalis na daw kayo bukas, kaya ibibigay ko na ang aking munting regalo," iniabot ni daddy kay Gerald ang isang may kabigatang kahon. "Ano ho ito? hindi na sana kayo nag abala pa," kinuha ito ni Gerald buhat kay daddy, "ang bigat ho nito." "Sige na, buksan mo.." nakangiti ang daddy habang pinapanood si Gerald. Binuksan itong agad ng aking asawa, at tumambad sa kanya ang is
"Mahal ko si Lizzy," sagot ni Gerald sa akin, "maunawain siya at alam ang ating sitwasyon. Kapag nasa tamang edad ka na, at ayos ka na, maaari ka na ring makakita ng lalaking tama para sayo, subalit wag mo ng babalikan ang nIck na iyon," nilingon pa niya ako.Umiwas na lang ako ng tingin at muling tiningnan ang kalangitan. May kirot sa aking dibdib, hindi ko alam kung saan iyon nagmumula, pero ito ay dumudukdok sa aking puso."Kung- kung mabibigyan ka ba ng pagkakataon na.. iwanan si Lizzy, gagawin mo?" naisatinig ko iyon sa kanya."Bakit ko naman gagawin iyon?" ang ngiti niya ay bahagyang nakakaloko, "hindi ko siya maaaring iwanan, nangako na ako sa kanya na ako ang kasama niyang tatanda.""Dapat ba, kapag nangako tayo, tutuparin natin palagi?""Aba, oo naman.. bakit?""Yan din kasi ang pangako ni Nick sa akin, pero ang katapusan, hayaan niya akong binastos at pinabayaan." Malungkot ang aking tinig.Kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon, labis akong nalulungkot. Masakit ang aking n
Habang lumipas ang mga araw sa Bicol, dahan-dahan akong nasanay sa tahimik na buhay probinsya muli. Ang sariwang hangin, malalayong mga bundok, at ang maluwag na kapaligiran ng aming tahanan ay tila nag-aalis ng ilan sa mga tensyon ko. Ngunit kahit gaano man kasarap ang pakiramdam ng pagiging malapit muli sa aking pamilya, may parte ng aking isipan na patuloy na bumabalik sa hindi naipahayag na mga alalahanin tungkol sa akin at kay Gerald.Isang umaga, habang nagpapahinga kami sa veranda, lumapit sa akin ang aking ina. Bitbit niya ang isang tasa ng kape at isang plato ng bibingka na bagong luto."Anak," bungad niya habang inilalagay ang tasa sa tabi ko, "kumusta ka talaga? Alam kong sinabi mo na masaya ka, pero parang may bumabagabag sa'yo."Tumingin ako sa malayo, sa mga tanim na niyog sa harapan ng bahay namin. Alam kong hindi ako makakapagtago ng totoo sa kanya. Mula pagkabata, siya na ang aking sandalan at kausap sa mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba."Mommy, masaya naman