Pinanood ko si Gerald habang nagmamadali siyang lumabas ng bahay, tila ba kinalimutan ang lahat para habulin si Lizzy. Hindi ko mapigilan ang pagbigat ng aking dibdib habang tahimik akong nakaupo, hinihintay ang kanyang pagbabalik. Alam ko na hindi ako dapat masaktan—ako ang kanyang asawa sa papel, ngunit si Lizzy ang babaeng laman ng puso niya. Alam kong darating ang araw na haharapin ko ang katotohanang ito, pero hindi ko akalain na ngayon na iyon. Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang malumanay na pagbukas ng pinto. Si Gerald ang bumalik, at kasama niya si Lizzy. Nakita ko ang kanyang maamong ngiti habang naglalakad silang magkatabi papasok. May usapan silang hindi ko marinig, pero kitang-kita ko sa mga mata ni Gerald ang pag-aalala para kay Lizzy. Dumiretsong umupo si Lizzy sa sofa, habang si Gerald ay umupo sa tabi niya, patuloy na nakikinig sa bawat salita ng babae. Parang may maliit na sugat sa aking puso na unti-unting lumalala. Pilit kong sinisikap na huwag magpakita n
Pinauwi muna kami ng daddy ko sa bahay namin sa Bicol. Magiging busy daw Kai ako kapag nag aral na ako ulit. Ayoko sana na umuwi, subalit mapilit sila. "Gerald, tumawag sa akin ang daddy, pinapauwi niya tayo.. sabi ko, susubukan ko," sabi ko sa kanya, ng mababaan ko siya na nagwowork out. "Anong susubukan? uuwi tayo. Bakit? ayaw mo bang umuwi sa inyo?" sagot niya sa akin. Sa totoo lang, nais ko rin namag umuwi, subalit nahihiya lang ako sa kanya, kaya hindi ko na ninais na magpunta sa amin. "Okay lang ba sayo? I mean, busy ka lagi, maabala ka pa masyado kung sakaling uuwi tayo, hindi ba?" nag aalala kong tanong sa kanya. "Sus, wala yun. Baka nais ka talaga nilang makita, isa pa, upang magbigay moi ng personal ang mga pasalubong mo noong pumasyal tayo sa Europe. Mas maganda yun di ba?" nagbubuhat siya ng dambel at hindi na nag abalang sulayapan ako. Lihim akong napangiti, dahil hindi ko inaasahan na sasang ayon siya na umuwi kami ng Bicol.Habang nag-eempake ako ng mga gamit para
Habang lumipas ang mga araw sa Bicol, dahan-dahan akong nasanay sa tahimik na buhay probinsya muli. Ang sariwang hangin, malalayong mga bundok, at ang maluwag na kapaligiran ng aming tahanan ay tila nag-aalis ng ilan sa mga tensyon ko. Ngunit kahit gaano man kasarap ang pakiramdam ng pagiging malapit muli sa aking pamilya, may parte ng aking isipan na patuloy na bumabalik sa hindi naipahayag na mga alalahanin tungkol sa akin at kay Gerald.Isang umaga, habang nagpapahinga kami sa veranda, lumapit sa akin ang aking ina. Bitbit niya ang isang tasa ng kape at isang plato ng bibingka na bagong luto."Anak," bungad niya habang inilalagay ang tasa sa tabi ko, "kumusta ka talaga? Alam kong sinabi mo na masaya ka, pero parang may bumabagabag sa'yo."Tumingin ako sa malayo, sa mga tanim na niyog sa harapan ng bahay namin. Alam kong hindi ako makakapagtago ng totoo sa kanya. Mula pagkabata, siya na ang aking sandalan at kausap sa mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba."Mommy, masaya naman
"Mahal ko si Lizzy," sagot ni Gerald sa akin, "maunawain siya at alam ang ating sitwasyon. Kapag nasa tamang edad ka na, at ayos ka na, maaari ka na ring makakita ng lalaking tama para sayo, subalit wag mo ng babalikan ang nIck na iyon," nilingon pa niya ako.Umiwas na lang ako ng tingin at muling tiningnan ang kalangitan. May kirot sa aking dibdib, hindi ko alam kung saan iyon nagmumula, pero ito ay dumudukdok sa aking puso."Kung- kung mabibigyan ka ba ng pagkakataon na.. iwanan si Lizzy, gagawin mo?" naisatinig ko iyon sa kanya."Bakit ko naman gagawin iyon?" ang ngiti niya ay bahagyang nakakaloko, "hindi ko siya maaaring iwanan, nangako na ako sa kanya na ako ang kasama niyang tatanda.""Dapat ba, kapag nangako tayo, tutuparin natin palagi?""Aba, oo naman.. bakit?""Yan din kasi ang pangako ni Nick sa akin, pero ang katapusan, hayaan niya akong binastos at pinabayaan." Malungkot ang aking tinig.Kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon, labis akong nalulungkot. Masakit ang aking n
"Ibang klase pala magalit si Arnold," sabi ko kay Gerald habang inaayos ko ang kanyang higaan sa sahig. Hindi siya nagsasalita at nanatiling naka de kwatro habang nakahawak ang kamay sa kanyang baba. Pinapanood niya ako habang naglalatag. Hindi na ako muling nagsalita, dahil mukhang wala naman siya sa mood na kausapin ako. "Anak?" narinig ko ang pagkatok ng daddy sa aking kwarto. Agad kaming nagmamadaling mag ayos ng gamit upang hindi mahalata na hindi kami nagtatabi. "Ilagay mo ang kumot sa ilalim ng unang," sabi pa ni Gerald sa akin. "Oo.." nagmamadali ko siyang sinunod. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan. "Aalis na daw kayo bukas, kaya ibibigay ko na ang aking munting regalo," iniabot ni daddy kay Gerald ang isang may kabigatang kahon. "Ano ho ito? hindi na sana kayo nag abala pa," kinuha ito ni Gerald buhat kay daddy, "ang bigat ho nito." "Sige na, buksan mo.." nakangiti ang daddy habang pinapanood si Gerald. Binuksan itong agad ng aking asawa, at tumambad sa kanya ang is
Bigla akong napabalikwas ng upo, tinanggal ang kamay ni Gerald na nakayakap sa akin. Paano kami napunta sa ganoong posisyon? Napakabilis ng pintig ng aking puso. Agad kong nilingon si Gerald, na tila hindi pa rin nagigising, tahimik ang mukha, malalim ang tulog. Napanganga ako sa sitwasyon. Alam kong wala naman akong ginawang kakaiba bago ako matulog. Iyon ba ay kusang nangyari habang kami'y natutulog? O may ginawa si Gerald? Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganito dahil simula noong kasal namin, halos parang magkaibigan lang kami — walang romantikong nangyayari sa amin. Kinapa ko ang aking sarili, maayos pa naman ang aking suot. Nang lingunin ko siya, nakangiti siya habang nakatingin sa akin, "ayos ba ang tulog mo?" Bigla na lang akong nataranta. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. "Kailangan na nating maligo.. halika na.." sabi ko kay Gerald. "Sabay tayo?" paninigurado niya sa aking sinabi. Bigla kong kinuha ang kumot, "hindi, ako pala.. ay, ikaw.." hila hila ko ang kumo
Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng
Gerald: Ito na ang tamang pagkakataon, upang lumagay ako sa tahimik, kasama ang aking nobya sa loob ng mahabang panahon. Nasa tamang edad na naman kami ni Lizzy. "Ang ganda talaga dito," palatak niya, sabay inom ng champagne. Yun ang hudyat ng pagtugtog ng malamyos na musika na mula sa mga violin at piano, na kinumbida ko sa araw na iyon. Nagulat siya at napalingon sa mga taong tumutugtog ng melodiya mula sa mga instrumentong iyon. Tinitipa nila ang aming paboritong musika na "you are the one" ng carpenters. Pinakinggan namin ang tugtog na iyon. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Lizzy. Parang hinahaplos ang aking puso, na ito na talaga ang hudyat. Kinuha niya ang kanyang bag, at may kinuhang regalo mula doon. "Ano to?" tanong ko sa kanya, "para saan ang regalong ito Lizzy?" "Gerald ralaga.." kunwari ay lumungkot ang kanyang boses, "kapag mga mahahalagang okasyon talaga, kunakalimutan mo madalas.." Binuksan ko ang kanyang regalo, isang mamahaling relo, "ang ganda.."