Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng
Gerald: Ito na ang tamang pagkakataon, upang lumagay ako sa tahimik, kasama ang aking nobya sa loob ng mahabang panahon. Nasa tamang edad na naman kami ni Lizzy. "Ang ganda talaga dito," palatak niya, sabay inom ng champagne. Yun ang hudyat ng pagtugtog ng malamyos na musika na mula sa mga violin at piano, na kinumbida ko sa araw na iyon. Nagulat siya at napalingon sa mga taong tumutugtog ng melodiya mula sa mga instrumentong iyon. Tinitipa nila ang aming paboritong musika na "you are the one" ng carpenters. Pinakinggan namin ang tugtog na iyon. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Lizzy. Parang hinahaplos ang aking puso, na ito na talaga ang hudyat. Kinuha niya ang kanyang bag, at may kinuhang regalo mula doon. "Ano to?" tanong ko sa kanya, "para saan ang regalong ito Lizzy?" "Gerald ralaga.." kunwari ay lumungkot ang kanyang boses, "kapag mga mahahalagang okasyon talaga, kunakalimutan mo madalas.." Binuksan ko ang kanyang regalo, isang mamahaling relo, "ang ganda.."
"Istupida!!!" sinampal ako ni daddy. Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang pagkakasampal, at ramdam ko ang palad niya na bumakat sa aking pisngi. "Anong kalokohan ang naiisip mong bata ka, at nagpunta ka sa walang kwentang lugar na iyon!" "Da--daddy.. wala naman pong nangyari sa amin.. promise po, maniwala po kayo sa akin daddy.. nagsasabi po ako ng totoo. Napigilan ko po siya at ang aking sarili." naglulumuhod ako sa kanyang harapan. "Kailangang pakasalan ka ng Nick na iyon!" inis niyang sabi sa akin, "hindi ako makakapayag na sisirain niya ang iyong pangalan tapos hindi ka niya pananagutan!" "Wa--wala naman pong nangyari sa amin..Da--daddy.. pangako po, hindi po ako pumayag.." nagmamakaawa ako sa kanya, nakayakap ako sa kanyang mga hita. "Sid, pakinggan mo naman ang anak mo, nagsasabi naman siya ng totoo," awat ng mommy kay daddy. "Wa--" "Tumigil ka Lorna ha!" dinuro niya ang mommy ko, na agad tumahimik, "kaya lumalaking ganyan ang anak mo, dahil sa pagiging kunsintidor mo! Ano
GERALD:Dumating ako sa Bicol, upang bisitahin ang aking tito na kapatid ng mommy. Mahaba haba din iyong biyahe. Matagal din kaming nanirahan dito, siguro, mga labing limang taon din, bago kami lumipat ng Manila, upang makapag aral ako doon ng kolehiyo."Tita Letty!" tawag ko sa hipag ng mommy na nag gagarden sa labas."Gerald?" waring kinikilala niya kung sino ako, saka nagmamadaling lumapit at yumakap sa akin, "bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka?" tanong niya sa akin, "kumusta ang iyong mama?""Ayos naman ho.. sorpresa nga eh.." nakangiti kong sabi sa kanya. Sila ang madalas dumadalaw sa amin, lalo na ng mawala ang daddy. Nalungkot ang mom ko, ngunit ng dahil kay tita Letty, at sa asawa niya na kapatid ng mommy, nakarecover agad siya. Ang tita ay Best friend ng mommy, na napangasawa naman ng kanyang kuya."Halika sa loob, naroon ang tito mo at nagluluto ng sea foods na hinuli sa aming pala isdaan. Ikaw talagang bata ka.. ang gwapo mo talaga.." sabi niya sa akin.Wala sil
Nag door bell ako sa tahanan ng mga Martinez. Hindi nagtagal, binuksan ni tita Lorna ang pintuan. "Oh my God, Gerald! kumusta?" nagmano ako kaagad sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat at saya. "sinong kasama mo?" "Ako lang po tita, pinadadaan po kasi ng mommy ko itong mga miki mula sa Batangas. Si tito Sid ho?" sumilip pa ako sa loob ng bahay nila. "Pumasok ka muna at tatawagin ko, Miggy, ikuha mo muna ng inumin si Kuya Gerald mo.." utos ni tita Lorna sa anak. "Opo," umalis ang binatilyong anak ni tita. "Tuloy ka muna, feel at home, tatawagin ko lang ang tito mo," paalam sa akin ni tita Lorna. Umalis na siya, ako naman ay pumunta sa kanilang salas. Napansin kong may tao doon. Nakaupo lang siya patalikod sa akin. Mukhang wala naman siyang binabasa, nakatingin lang siya sa pool na tanaw sa lugar kung saan ito nakaupo. "Ehem.." tikhim ko. Napatingin sa akin ang taong nakaupo doon. Nagulat ako sa hitsura ng babaeng lumingon sa akin. Kahawig ni Dina Bonnevie noong kabataan, map
JANNA:Sinamahan ako ni Mang Arnold sa aming tabakuhan, upang hintayin si kuya Gerald na ipinagbilin sa akin ng daddy. Nais daw nitong makita ang kabilang bahagi ng tabakuhan na hindi na nila nakita noong pumarito, sapagkat bumuhos ang malakas na ulan.Ayoko sanang isama si Mang Arnold, ngunit kakagaling lang namin sa simbahan, upang mag inquire kung kailan ang date na maaari kaming magpakasal, at marahil naawa sa akin ang simbahan, ang sabi nila ay fully booked na ngayong taon.Nakakahiya, subalit balitang balita na ang tungkol sa amin ng matandang ito. Nakakadiri ang amoy, laging amoy biha ng sigarilyo! at mukhang hindi araw araw naliligo. Akala ko, sa kwento lang ng mga kakilala ko, yung tungkol sa matandang ito, ngunit batid ko ngayon na totoo pala ang lahat ng iyon."Darling, ano bang gusto mong tawagan natin kung saka sakali?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang nakatalikod sa kanya."Ho?" bigla akong pumiksi upang mabitawan niya ako, saka lumayo ako ng konti, "eh..
JANNA "Ikaw ba, kuya Gerald, gusto ba ng mommy mo ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya, "hindi ba siya nakikialam sa feelings mo?" "Hindi. Isa pa, matanda na ako. Hindi na sakop ng mommy ang buhay pag- ibig ko," sagot niya sa akin, "marami kayong tauhan no?" "Nasa thirty yung dito sa lugar na ito," sagot ko sa kanya. "Pero gusto ba ng mommy mo ang girlfriend mo?" "Mabait si Lizzy, isa pa, mabait siyang guro, kaya wala akong makitang dahilan upang ayawan siya ng mommy. In fact, gusto na nga niya kaming lumagay sa tahimik, upang magkaroon na kami ng mga anak," sagot ni kuya Gerald sa akin. Kung gayon, napakaswerte pala niya, at hindi niya problema ang kanyang ina. Nakaramdam ako ng habag sa aking sarili at napaluha, na agad niyang napansin. "Oh, what's wrong?" nag aalala niyang tanong sa akin, "may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Umiling ako, saka ngumiti, "wala, medyo naiinggit lang ako sayo, kasi hindi mo kailangang ipaglaban ang sarili mo. Hindi ko katulad." "
GERALD: "Oh-my-God! Gerald! anong kalokohan ito?" tanong ng mommy Amanda ko, "Bakit mo iniuwi si Janna dito? alam mo ba ang gulong maidudulot nito?" "No choice na kasi ako mommy. Gusto ko siyang matulungan. Ayokong masira ang kinabukasan niya. Hindi kaya ng konsensiya ko, na aalis ako ng Bicol, na alam kong ipapakasal si Janna sa lalaking triple ang edad sa kanya. Mommy, anak ng kaibigan niyo si Janna. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, maaatim ba ng konsensiya ninyo na mabuhay siya ng masalimoot? na alam niyong kung may nagawa sana kayo, upang hindi siya mapapariwara?" "Pero Gerald, baka hindi mo kilala ang ugali ni Sid. Alam mong hindi iyon papayag na ganito ang ginawa mo. Baka naman may basehan siya," tiningnan ni mommy si Janna mula ulo hanggang paa, bago ulit tumingin sa akin,"kaya nais niyang ipakasal ang batang ito? Don't get me wrong hija. Mas matagal p ang friendship namin ng daddy mo, kesa mga edad ninyo. Ayoko naman na magkasira kami ng dahil lang sa pagsuway mo sa kagu