Share

Chapter 2

"Istupida!!!" sinampal ako ni daddy. Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang pagkakasampal, at ramdam ko ang palad niya na bumakat sa aking pisngi. "Anong kalokohan ang naiisip mong bata ka, at nagpunta ka sa walang kwentang lugar na iyon!"

"Da--daddy.. wala naman pong nangyari sa amin.. promise po, maniwala po kayo sa akin daddy.. nagsasabi po ako ng totoo. Napigilan ko po siya at ang aking sarili." naglulumuhod ako sa kanyang harapan.

"Kailangang pakasalan ka ng Nick na iyon!" inis niyang sabi sa akin, "hindi ako makakapayag na sisirain niya ang iyong pangalan tapos hindi ka niya pananagutan!"

"Wa--wala naman pong nangyari sa amin..Da--daddy.. pangako po, hindi po ako pumayag.." nagmamakaawa ako sa kanya, nakayakap ako sa kanyang mga hita.

"Sid, pakinggan mo naman ang anak mo, nagsasabi naman siya ng totoo," awat ng mommy kay daddy. "Wa--"

"Tumigil ka Lorna ha!" dinuro niya ang mommy ko, na agad tumahimik, "kaya lumalaking ganyan ang anak mo, dahil sa pagiging kunsintidor mo! Anong sasabihin ng mga tao? na ang anak ko ay nadisgrasya ng isang lalaki tapos hindi pinanagutan? ganun ba ang gusto mo ,Lorna, ha?"

"Hi--hindi naman sa ga--" pinukpok ng daddy ang lamesa.

"Putang ina Lorna! tumigil ka na, at baka pati ikaw, paputukin ko ang nguso!" singhal ng daddy sa mommy ko. Agad tumikom ang bibig ng mommy, dahil alam niyang galit na ang daddy. Masamang magalit ang tatay ko, dahil nadadamay ang lahat. Baka mamaya, pati mga kasambahay namin at kapatid ko ay pag initan pa niya.

"A--ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong ng mommy sa kanya.

"Kailangang pakasalan si Janna ng hayop na Nick na iyon! Anong akala niya sa anak ko, kaladkarin! Tumayo ka diyan, at pupuntahan natin ang lalaking iyon!"

***********************

"Nasaan ang magaling mong anak?" tanong ni daddy sa tatay ni Nick.

"At bakit mo naman hinahanap si Nick, kumpadre?" tanong nito kay daddy, na nakadungaw lang sa kanilang terrace, hindi man lang nag abalang imbitahin kami sa loob ng kanilang bahay.

"Kailangang pakasalan ng anak mo, ang anak ko! Malaking kahihiyan ang ginawa niya. Bakit niya ipapasok ang anak ko sa motel?" inis na sabi ni daddy dito.

"Huh.." ngumisi pa si tito Efren sa daddy, "Sid.. yang anak mo, ang tumukso sa anak ko, isa pa, ang bata pa nila masyado, marami pang pangarap si Nick, magiging abogado pa siya!"

"Wag niyo akong tarantaduhin, Efren! Ilabas mo ang anak mo, at pakasalan niya si Janna!" inis na singhal ng daddy kay tito Efren.

"Dadddy.. nakakahiya, wala naman nga pong nangyari sa amin ni Nick.." pigil ko sa kanya.

"Kita mo na? wala naman palang nangyari, gusto mo, magpakasal agad?" napabuga pa ng hangin si tito Efren.

"Hindi ako naniniwala! Ilabas mo si Nick upang magkausap kami!" gigil na sabi ng daddy.

"Wala na si Nick dito, umalis na siya patungong America kagabi! doon na siya mag aaral!" sagot ni tito Efren.

"Ho? wala naman hong nabanggit sa akin si Nick na aalis siya.." nagpanic ako sa narinig ko.

"Malay ko! may ticket na naman siya," sagot ni tito Efren.

Unti unti ng dumarami ang tao sa paligid na nakikiusyuso sa aming kumosyon.

"Ilabas mo siya!" kinalampag ng daddy ang gate nina Nick.

"Kung ako sayo, umuwi na kayo, at baka kasuhan ko pa kayo ng trespassing at panggugulo.. nananahimik kami dito e! Janna, iuwi mo na nga ang tatay mo, at baka mamaya, dito na naman yan mag amok!" pagtataboy sa amin ni tito Efren.

"Tara na po daddy.." inakay ko na si daddy patungong sasakyan, kung saan, ang mommy ko ang driver.

Inis na inis siya habang pauwi kami ng bahay.

**********************

3rd POV:

"Wala po talagang nangyari sa amin ni Janna, dad, hindi siya pumayag.." sabi ni Nick sa kanyang ama.

"Bobo! nakakahiya ka! nasa motel na kayo, hindi mo pa naikama si Janna!" bulyaw sa kanya ng kanyang ama. "Mas lalong nakakahiya kapag nalaman ng mga tao na hindi mo man lang siya natikman! sasabihan ka nilang walang bayag!"

"Ayoko siyang pilitin dad, mahal ko siya. Alam niyo namang si Janna lang ang gusto ko," sabi niya sa ama, "pakakasalan ko na lang siya!"

"Wala kang kwenta!" sinampal siya ng kanyang ama, "kahit kailan, wala kang silbing mag isip. Sisirain mo ang pangarap mo, ng dahil lang sa babaeng iyon? Mag isip isp ka Nick, marami ka pang makikilalang babae diyan na higit na maganda kesa kay Janna!"

"Mag aaral pa rin naman ako at--" hindi na niya naituloy pa kung ano man ang nais niyang sabihin. Dahil nagalit na ng tuluyan ang daddy niya.

"Sige, gawin mo ang gusto mo, pero wag kang aasa ng suporta mula sa amin. Pababayaan kita, at kahit ikaw ang nag iisa kong anak, hindi kita pamamanahan kahit lupa sa paso! Hahayaan ka naming maghirap at mamatay sa gutom!" pananakot ng ama sa kanya.

"Pe--pero dad--"

"Anong pero pero? mamili ka Nick.. ang babaeng iyon, o ang kinabukasan at kayamanan mo, kasama ang buhay mo! hindi ka sanay sa hirap, kaya anong klaseng buhay magkakaroon ka kapag itinakwil kita? Wag mo akong subukan, alam mo ang mga kaya kong gawin!"

Hindi na siya nakapagsalita sa mga huling sinabi ng ama. Nakaramdam na lang siya ng awa kay Janna, na napahamak dahil sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status