GERALD: "Oh, baby, kanina pa kita hinihintay," sinalubong ako ni Lizzy, "kumain ka na ba?" "Kumain na ako," kaswal kong sagot sa kanya. Nakalugay ang alun- alon niyang buhok. Bahagyang nakalabas ang kapiraso ng kanyang monay. "Nasaan na ang mga kasama mo?" usisa ko sa kanyang mga ka boardmate. "Nasa seminar silang lahat. Kaya nga ang saya ko, nung sabihin mo sa aking pupunta ka dito," kumandong siya sa akin, "I miss yor body.. please, let's make love.." saka niya kinabig ang aking ulo, palapit sa kanya. Sabik na sabik ang kanyang labi. Hindi na ako nakapagtimpi, at nilabanan ko na siya. Sa salas pa lang, sisiguraduhin ko ng satisfied na siya Agad ko siyang inihiga sa sofa. Hinimas ko ang ang kanyang katawan. "Uuuhmmm.." daing niya. Hindi namin masyadong magawa ang ganito kaingay dahil sa dalawa niyang kaibigan na kasama niya sa bahay. "Shhlup.. ssshlup.." tunog ng aking dila at bibig, habang nilalantakan ko ang kanyang dibdib. Bumaba ang aking halik, patungo sa kanyang puson,
3rd POV: Halos hindi maabsorbed ng kanyang utak ang sinabi sa kanya ng kanyang nobyong si Gerald. Anong kalokohan ang pumasok sa isip nito, at naisipang pakasalan ang isang batam- batang babae. Ng dahil lang sa family friend ng mga ito ang pamilya nung babae. Pagkatapos nilang magsex, naligo pa sila ng magkasabay, kumain pa. Tapos, biglang sasabihin sa kanya ang bagay na iyon? Wala silang malinaw na usapan. "Ano?" halos hindi niya marinig ang sinabi ng nobyo, "magpapakasal ka, kanino?" "Kailangan kong pakasalan si Janna, pero makinig ka muna," sabi nito, "walang mamamagitan sa amin, ikaw pa rin ang pakakasalan ko, at makakasama sa future, nagkataon lang na naipit talaga ako at siya ng sitwasyon." Ikinuwento nito sa kanya ang lahat, pati na ng pagtangkaan ito ng matandang nais ipakasal dito ng sariling ama. "Awa lang ang nararamdaman ko, kita mo naman kanina, ikaw pa rin ang nakakapagpainit sa katawan ko. Alam ko, alam kong ngayon pa lang, nagkamali na ako, pero alam ko rin
JANNA: Lumabas na siya ng bahay, dala ang mga gamit. Tiningnan muna niya iyon, saka naglakad na sa kalsada. Ang ganda ng lugar na iyon, halatang may mga sinasabi sa buhay ang mga nakatira. Isang kotseng asul ang umilaw ilaw at tumigil sa kanyang harapan. Si Gerald. "Janna, saan ka pupunta?" nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at sinalubong ako. "Dala mo ang mga gamit mo?" "Aalis na lang ako kuya Gerald. Ayoko ng gulo.. Pasensiya ka na sa gulong nagawa ko kuya, kayo ni tita Amanda. Aalis na lang ako para hindi na kayo madamay sa nangyari sakin," yumuko pa ako habang unti unting namumuo ang luha sa aking mga mata. "Sinong may sabi sayo?" nangunot ang kanyang noo saka kinuha ang aking bagahe, "akin na nga yan. Sumakay ka ng kotse at sa bahay tayo mag-usap. Mabuti na lang at nakita kitang paalis. Paano kung hindi ako dumating? saan ka namin hahanapin? sanay ka ba dito sa Maynila?" Hindi ako nakapagsalita. Nahihiya na ako. Natatakot, at nalulungkot. Hindi ko na malaman kung an
Isang magandang babae ang aking kaharap. Hindi ko malaman, kung ginuine ang kanyang ngiti o kaplastikan lang. Nakakakita kasi ako sa kanyang mata ng isang bagay na hindi ko mawari kung galit. Nakaupo siya sa aking harapan, katabi si kuya Gerald. "Janna, siya si Lizzy, ang girlfriend ko, Lizzy, siya yung sinasabi ko sayong anak ng family friend namin na sinasabi ko sayo," inakbayan pa ni kuya Gerald si Lizzy. "Hi Janna," kumaway lang siya sa akin. Iba ang tibok ng aking puso. Parang may mga karayom na nag uunahang tumusok doon. "Ha--hi.." napalunok pa ako pagbati sa kanya. Mukhang napansin niya ang inarte kong iyon. Nakita ko kung paano niya ako ismiran. Saka kahit nakangiti, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Oh, umorder na muna tayo," yaya sa amin ni kuya Gerald. Nakatingin naman ako kay Lizzy, na parang ginagwardiyahan ang boyfriend niya at takot na takot na mapatingin sa iba. Pinapanood ko kung paano siya kumilos. Ang bawat kumpas ng kanyang kamay at bawat salita na lum
JANNA: "Hija, kumusta ang outing niyo?" tanong ni tita Amanda sakin,"balita ko, hindi ka daw talaga naligo, bakit?" "Tita, ayoko hong mag two piece. Di ko po carry. Pakiramdam ko po, lumilipad pati ang kaluluwa ko," may pandidiri ang aking tinig, "nakakahiya po. Sabi pa ni Lizzy, baka makita ang baby fats ko." "Ganon talaga ang babaeng iyon. Ano? ibinida ba niya sayo ang mga achievements niya?" naghihintay ng kwento si tita Amanda, "malamang yun, ganun ang ginawa niya hindi ba?" tumango lang ako sa sinabi niya. Banaag ko sa kanyang mga mata ang pagkadismaya,"hindi na talaga magbabago ang isang iyon." "Tita, hindi niyo ba bet si Lizzy? maganda naman siya," nakangiti kong sabi kay tita Amanda, "saka sabi ni kuya Gerald, ganun daw talaga iyon magsalita." "Hindi naman sa hindi ko siya gusto Janna. Ewan ko ba, kung mother's instinct ito o ano. Iba kasi ang nararamdaman ko sa babaeng iyon. Parang may itinatago siyang hindi maganda. Subalit, ang aking anak naman ang makikisama sa ka
"Janna, anong nangyayari sayo?" kausap ko sa aking sarili, "bakit naman ako umarte ng ganun sa harapan ni kuya Gerald. Nakakahiya talaga. Hindi ko man lang napansin na dumating siya doon. Janna! Janna ka talaga, nakakahiya ka!" Naupo na lang ako sa aking kama. Tiningnan ko ang pinto ng kwartong iyon. Baka mamaya, siya ang tumawag sa akin kaya ang kaba ng aking dibdib ay lumalakas lalo. Inip na inip ako sa oras. Wala man lang akong magagawa sa loob ng kwarto. Pasilip silip ako sa ilalim ng siwang ng pinto. Inaabangan ko, kung kaninong paa ang lalakad palapit doon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatulog ako bigla. Naalimpungatan ako, sa yugyog sa aking balikat. May kalakasan iyon. Dahan dahan kong iminukat ang aking mga mata, at bumungad sa akin ang nag-aalalang hitsura ni kuya Gerald. Bigla akong napabangon, na naging sanhi upang mabunggo ko ang kanyang noo. "Ooouch!" daing niya habang napaupong hinihimas ang namumulang noo. "Aruy ku," mangiyak ngiyak ako habang kinakap
Nasa swing lang ako at nagmumuni-muni. Malapit na akong ikasal at bigla akong kinabahan. Paano kung biglang mag object si Lizzy, nakakahiya yun pati sa aking pamilya. Hindi ko na napansin ang aninong lumapit sa akin. Si Lizzy. Naka pang swimming siya at nakatapis ang pang-ibaba niyang katawan. Nakangiti siyang sumampa sa kabilang bahagi ng swing. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah," bati niya sa akin. Nakatitig siya na parang inaarok kung ano ang laman ng aking isipan. "Kumusta ang pakiramdam ng ikakasal? Masaya ba na nakasira ka ng plano ng iba?" Napatuwid ako ng upo, at napatingin ng diretso sa kanya, "A-anong ibig mong sabihin?" kumabog kabog ang aking dibdib. Hinihintay ko ang kanyang isasagot sa akin. "Ikakasal na sana kami ngayong taon ni Gabriel. As in, nagreready na kami. Subalit isang uwi niya lang sa lugar niyo, biglang nabaliktad ang aking mundo. Parang inagawan mo ako ng pangarap, Janna.." lumungkot ang tinig niya, "Hindi ko alam kung plinano mo ito, o hindi.. hinsi ko
"Now, I pronounce you, man and wife.. you may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Isa iyong intimate ceremony na dinaluhan lang ng kanilang mga magulang at kapatid, ilang pares ng ninong at ninang, saka piling piling mga kaibigan. Hinalikan ako ni kuya Gabriel sa pisngi. Naiilang ako sa kanya. Ang pakiramdam ko ay nakakahiya. Nagpalakpakan ang lahat matapos iyon. Nagkaroon ng konting picture taking. Doon na rin ang reception sa lugar na iyon. "Congratulations," kinamayan kami ng ilan naming kaibigan pati na ang kanilang ninong at ninang. "Salamat, salamat!" tugon namin sa kanila. "Alagaan mo sana ang akung anak, Gabriel," kinamayan siya ng daddy ko, "alam kong nasa mabuti siyang kamay." "Makakaasa ho kayo, tito Sid," nakipagkamay siya sa daddy ko. Nangunot ang noo ni dady, "anong tito? daddy mo na ako mula ngayon." Natatawang sabi pa ni daddy. "Oo nga naman hijo, kami ay dagdag mong magulang," sabi pa ng mommy ko na humalik sa aming pisngi, "anak, maging mabuti kang a
POV: JannaNapalunok ako habang nakatitig sa mga mata ni Gerald. Ramdam ko ang bigat ng kanyang sinabi—ang pangakong gusto niyang subukan. Ngunit hindi ko alam kung kaya kong tanggapin iyon nang buo.Mahal ko ba siya?Hindi ko alam. Hindi ko matiyak kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Gerald. Ang alam ko lang, siya ang lalaking pinakasalan ko. Siya ang pumigil sa kasal ko kay Arnold. Siya ang nagprotekta sa akin, kahit hindi ko hinihingi.At ngayon, heto siya, nakatayo sa harapan ko, inaalok ako ng isang bagay na matagal ko nang hiniling.Pero tama pa ba ito?Bumuntong-hininga ako at bahagyang umatras. "Gerald... Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa sigurado."Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Para bang hindi niya inaasahan ang sagot ko."Alam kong hindi basta nawawala ang pagmamahal mo kay Lizzy," pagpapatuloy ko. "At ayokong maging dahilan para pilitin mong kalimutan siya."Saglit siyang natahimik. Kita ko ang emosyon sa kanyang mukha—pagkalito, lungkot, pero m
Napabuntong-hininga ako. Nakaupo lang si Lizzy sa harapan ko, hinihintay ang sagot ko, pero wala akong maisagot. Para akong sinasakal ng mga salita niya, para bang sa isang iglap, naunawaan ko ang bigat ng lahat ng ito.Mahal ko si Lizzy. Hindi ko iyon matatakasan. Pero narito si Janna—ang babaeng pinakasalan ko, ang babaeng hindi ko kayang lokohin. Kahit kailan, hindi siya nanghingi ng pagmamahal na hindi ko kayang ibigay. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong hindi ko rin siya kayang saktan."Gerald, bakit tahimik ka?" tanong ni Lizzy, at doon ko napagtantong matagal na pala akong walang imik.Napatingin ako sa kanya, sa mga matang minsang naging tahanan ko. "Lizzy, hindi kita gustong saktan."Natawa siya, pero puno ng pait. "Pero iyon ang ginagawa mo, Gerald. Sinaktan mo ako. Pinili mong pakasalan siya. Hindi mo ako pinili."Alam kong totoo ang sinasabi niya."Pero hindi ko rin kayang saktan si Janna."Nanatili akong nakatitig sa kanya, umaasang mai
Sa loob ng kwarto, napabuntong-hininga ako at dumapa sa kama. Nangingilid pa rin ang luha ko, pero hindi ko pinayagang bumagsak ito. Hindi ko alam kung pagod lang ako o talagang may kung anong bumibigat sa loob ko.Si Lizzy.Mahal ko siya, alam ko iyon. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano siya pipigilan sa sakit na nararamdaman niya. Dapat ba akong bumigay? Dapat ko ba siyang habulin? Pero paano si Janna? Ang asawa ko.Napapikit ako, bumabalik ang alaala ng huling beses kaming nagkita ni Lizzy bago ako ikinasal."Gerald, sabihin mo sa akin... wala na bang pag-asa?""Lizzy, hindi ito tungkol sa atin. Kailangan ko siyang pakasalan para hindi siya mapasakamay ni Arnold. Hindi ito tungkol sa pagmamahal.""Pero bakit pakiramdam ko, ako ang nawalan?"Nang mga panahong iyon, hindi ko pa nararamdaman ang bigat ng mga desisyon ko. Pero ngayon, habang naglalakad siyang palayo, habang sinasabi niyang pagod na siya—mas lalo akong natakot. Baka isang araw, hindi na lang siya lumingon.At hindi k
"Lizzy!" tawag ko kay Lizzy habang nagmamadali siyang naglalakad. Hindi siya sumakay sa kotse na maghahatid sa kanya pauwi, bagkus, parang lalakarin niya ang kahabaan ng kalsada.Inabutan ko ang kanyang braso, at agad ko iyong hinila.."Ano ba, Gerald.. uuwi na ko!" may luhang sagot niya sa akin, "magpahinga ka na kung pagod ka.""Ano bang nangyayari sayo?" hindi ako makapaniwala na magwowalk out siya "bakit ba?""Bakit? talagang tinatanong mo ako Gerald, kung bakit? ano sa palagay mo?" nakasimangot na sagot niya, "hindi mo ako tinatawagan, walang text, or kahit emails! habang kayo ng babaeng iyon ay magkasama, tapos, tatanungin mo ako kung ano ang nangyayari sa akin? aba naman! ang galing naman ng tanong na yan!"Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ang buong akala ko ay naiintindihan ako ni Lizzy sa lahat ng nangyayaring ito. Hindi ko akalain na nagtitiis lang pala siya."Pero Lizzy, napag usapan na natin ito, hindi ba?" ang aking tinig ay parang nagtatanong. Ayokong dumating kami sa pu
Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng
Bigla akong napabalikwas ng upo, tinanggal ang kamay ni Gerald na nakayakap sa akin. Paano kami napunta sa ganoong posisyon? Napakabilis ng pintig ng aking puso. Agad kong nilingon si Gerald, na tila hindi pa rin nagigising, tahimik ang mukha, malalim ang tulog. Napanganga ako sa sitwasyon. Alam kong wala naman akong ginawang kakaiba bago ako matulog. Iyon ba ay kusang nangyari habang kami'y natutulog? O may ginawa si Gerald? Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganito dahil simula noong kasal namin, halos parang magkaibigan lang kami — walang romantikong nangyayari sa amin. Kinapa ko ang aking sarili, maayos pa naman ang aking suot. Nang lingunin ko siya, nakangiti siya habang nakatingin sa akin, "ayos ba ang tulog mo?" Bigla na lang akong nataranta. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. "Kailangan na nating maligo.. halika na.." sabi ko kay Gerald. "Sabay tayo?" paninigurado niya sa aking sinabi. Bigla kong kinuha ang kumot, "hindi, ako pala.. ay, ikaw.." hila hila ko ang kumo
"Ibang klase pala magalit si Arnold," sabi ko kay Gerald habang inaayos ko ang kanyang higaan sa sahig. Hindi siya nagsasalita at nanatiling naka de kwatro habang nakahawak ang kamay sa kanyang baba. Pinapanood niya ako habang naglalatag. Hindi na ako muling nagsalita, dahil mukhang wala naman siya sa mood na kausapin ako. "Anak?" narinig ko ang pagkatok ng daddy sa aking kwarto. Agad kaming nagmamadaling mag ayos ng gamit upang hindi mahalata na hindi kami nagtatabi. "Ilagay mo ang kumot sa ilalim ng unang," sabi pa ni Gerald sa akin. "Oo.." nagmamadali ko siyang sinunod. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan. "Aalis na daw kayo bukas, kaya ibibigay ko na ang aking munting regalo," iniabot ni daddy kay Gerald ang isang may kabigatang kahon. "Ano ho ito? hindi na sana kayo nag abala pa," kinuha ito ni Gerald buhat kay daddy, "ang bigat ho nito." "Sige na, buksan mo.." nakangiti ang daddy habang pinapanood si Gerald. Binuksan itong agad ng aking asawa, at tumambad sa kanya ang is
"Mahal ko si Lizzy," sagot ni Gerald sa akin, "maunawain siya at alam ang ating sitwasyon. Kapag nasa tamang edad ka na, at ayos ka na, maaari ka na ring makakita ng lalaking tama para sayo, subalit wag mo ng babalikan ang nIck na iyon," nilingon pa niya ako.Umiwas na lang ako ng tingin at muling tiningnan ang kalangitan. May kirot sa aking dibdib, hindi ko alam kung saan iyon nagmumula, pero ito ay dumudukdok sa aking puso."Kung- kung mabibigyan ka ba ng pagkakataon na.. iwanan si Lizzy, gagawin mo?" naisatinig ko iyon sa kanya."Bakit ko naman gagawin iyon?" ang ngiti niya ay bahagyang nakakaloko, "hindi ko siya maaaring iwanan, nangako na ako sa kanya na ako ang kasama niyang tatanda.""Dapat ba, kapag nangako tayo, tutuparin natin palagi?""Aba, oo naman.. bakit?""Yan din kasi ang pangako ni Nick sa akin, pero ang katapusan, hayaan niya akong binastos at pinabayaan." Malungkot ang aking tinig.Kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon, labis akong nalulungkot. Masakit ang aking n
Habang lumipas ang mga araw sa Bicol, dahan-dahan akong nasanay sa tahimik na buhay probinsya muli. Ang sariwang hangin, malalayong mga bundok, at ang maluwag na kapaligiran ng aming tahanan ay tila nag-aalis ng ilan sa mga tensyon ko. Ngunit kahit gaano man kasarap ang pakiramdam ng pagiging malapit muli sa aking pamilya, may parte ng aking isipan na patuloy na bumabalik sa hindi naipahayag na mga alalahanin tungkol sa akin at kay Gerald.Isang umaga, habang nagpapahinga kami sa veranda, lumapit sa akin ang aking ina. Bitbit niya ang isang tasa ng kape at isang plato ng bibingka na bagong luto."Anak," bungad niya habang inilalagay ang tasa sa tabi ko, "kumusta ka talaga? Alam kong sinabi mo na masaya ka, pero parang may bumabagabag sa'yo."Tumingin ako sa malayo, sa mga tanim na niyog sa harapan ng bahay namin. Alam kong hindi ako makakapagtago ng totoo sa kanya. Mula pagkabata, siya na ang aking sandalan at kausap sa mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba."Mommy, masaya naman