Share

Chapter 16

Nasa swing lang ako at nagmumuni-muni. Malapit na akong ikasal at bigla akong kinabahan. Paano kung biglang mag object si Lizzy, nakakahiya yun pati sa aking pamilya.

Hindi ko na napansin ang aninong lumapit sa akin. Si Lizzy. Naka pang swimming siya at nakatapis ang pang-ibaba niyang katawan. Nakangiti siyang sumampa sa kabilang bahagi ng swing.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah," bati niya sa akin. Nakatitig siya na parang inaarok kung ano ang laman ng aking isipan. "Kumusta ang pakiramdam ng ikakasal? Masaya ba na nakasira ka ng plano ng iba?"

Napatuwid ako ng upo, at napatingin ng diretso sa kanya, "A-anong ibig mong sabihin?" kumabog kabog ang aking dibdib. Hinihintay ko ang kanyang isasagot sa akin.

"Ikakasal na sana kami ngayong taon ni Gabriel. As in, nagreready na kami. Subalit isang uwi niya lang sa lugar niyo, biglang nabaliktad ang aking mundo. Parang inagawan mo ako ng pangarap, Janna.." lumungkot ang tinig niya, "Hindi ko alam kung plinano mo ito, o hindi.. hinsi ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status