"Janna, anong nangyayari sayo?" kausap ko sa aking sarili, "bakit naman ako umarte ng ganun sa harapan ni kuya Gerald. Nakakahiya talaga. Hindi ko man lang napansin na dumating siya doon. Janna! Janna ka talaga, nakakahiya ka!" Naupo na lang ako sa aking kama. Tiningnan ko ang pinto ng kwartong iyon. Baka mamaya, siya ang tumawag sa akin kaya ang kaba ng aking dibdib ay lumalakas lalo. Inip na inip ako sa oras. Wala man lang akong magagawa sa loob ng kwarto. Pasilip silip ako sa ilalim ng siwang ng pinto. Inaabangan ko, kung kaninong paa ang lalakad palapit doon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatulog ako bigla. Naalimpungatan ako, sa yugyog sa aking balikat. May kalakasan iyon. Dahan dahan kong iminukat ang aking mga mata, at bumungad sa akin ang nag-aalalang hitsura ni kuya Gerald. Bigla akong napabangon, na naging sanhi upang mabunggo ko ang kanyang noo. "Ooouch!" daing niya habang napaupong hinihimas ang namumulang noo. "Aruy ku," mangiyak ngiyak ako habang kinakap
Nasa swing lang ako at nagmumuni-muni. Malapit na akong ikasal at bigla akong kinabahan. Paano kung biglang mag object si Lizzy, nakakahiya yun pati sa aking pamilya. Hindi ko na napansin ang aninong lumapit sa akin. Si Lizzy. Naka pang swimming siya at nakatapis ang pang-ibaba niyang katawan. Nakangiti siyang sumampa sa kabilang bahagi ng swing. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah," bati niya sa akin. Nakatitig siya na parang inaarok kung ano ang laman ng aking isipan. "Kumusta ang pakiramdam ng ikakasal? Masaya ba na nakasira ka ng plano ng iba?" Napatuwid ako ng upo, at napatingin ng diretso sa kanya, "A-anong ibig mong sabihin?" kumabog kabog ang aking dibdib. Hinihintay ko ang kanyang isasagot sa akin. "Ikakasal na sana kami ngayong taon ni Gabriel. As in, nagreready na kami. Subalit isang uwi niya lang sa lugar niyo, biglang nabaliktad ang aking mundo. Parang inagawan mo ako ng pangarap, Janna.." lumungkot ang tinig niya, "Hindi ko alam kung plinano mo ito, o hindi.. hinsi ko
"Now, I pronounce you, man and wife.. you may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Isa iyong intimate ceremony na dinaluhan lang ng kanilang mga magulang at kapatid, ilang pares ng ninong at ninang, saka piling piling mga kaibigan. Hinalikan ako ni kuya Gabriel sa pisngi. Naiilang ako sa kanya. Ang pakiramdam ko ay nakakahiya. Nagpalakpakan ang lahat matapos iyon. Nagkaroon ng konting picture taking. Doon na rin ang reception sa lugar na iyon. "Congratulations," kinamayan kami ng ilan naming kaibigan pati na ang kanilang ninong at ninang. "Salamat, salamat!" tugon namin sa kanila. "Alagaan mo sana ang akung anak, Gabriel," kinamayan siya ng daddy ko, "alam kong nasa mabuti siyang kamay." "Makakaasa ho kayo, tito Sid," nakipagkamay siya sa daddy ko. Nangunot ang noo ni dady, "anong tito? daddy mo na ako mula ngayon." Natatawang sabi pa ni daddy. "Oo nga naman hijo, kami ay dagdag mong magulang," sabi pa ng mommy ko na humalik sa aming pisngi, "anak, maging mabuti kang a
"Ano? bakit hindi kayo tutuloy sa Hongkong?" mataas ang tinig ni Lizzy, bigla pa siyang napatayo, "usapan na natin ito, hindi ba?" Nakaupo kami lahat sa salas kasama si tita Amanda. Ngumiti lang si tita sa kanya, saka humigop ng kape. "Hija, honemoon yun, tapos, sasama ka?" tumaas ang kilay nito, "kahit pa sabihin mong kunwa kunwariang kasal lang ito, paano kapag nakita sila ng iba naming kakilala, tapos ikaw ang kaholding handa ng anak ko, at hindi ang asawa niya? nakakahiya yun, hindi ba?" kalma lang ang boses ni tita Amanda. "Pero alam naman nating lahat na ako ang girlfriend at fiancee ni Gabriel. Bakit ngayon, parang kinakalimutan niyo na ako?" halata sa tinig ni Lizzy ang hinanakit, "pumayag na nga akonh pakasalan niya ang babaeng iyan, ngayon naman pati karapatan ko, nais niyong alisin?" "Lizzy, pumayag ka, nagpaubaya ka, tapos ngayon, parang kasalanan pa namin?" sita ni tita Amanda kay Lizzy, "magdahan dahan ka ng pananalita mo hija.." "Bakit ba matagal ko ng nararam
Naghihintay kami sa airport ni tita Amanda. Wala pa si Gabriel. Maaga pa naman kaya pinili naming kumain muna at mag window shopping. "First time mo ba magtatravel sa London?" tanong ni tita Amanda sakin, habang inaamoy amoy ang perfume na inispray niya sa kanyang wrist. "Isang beses pa lang po tita, nung isama po ako ng daddy at mommy as gift nung 7th birthday ko," sagot ko sa kanya, habang nagchecheck ako ng mga cosmetics. "Ah, oo, hindi kami nakasama nun kasi may exam si Gabriel," sabi niya sa akin, "amuyin mo to, ang bango no?" Sinamyo ko naman ang kanyang braso, "parang amoy po ng perfume ko yan," nakangiti kong sagot sa kanya. "Ooh? ang bango kasi, gusto ko to. Tingnan mo, pati taste sa pabango, parehas tayo," nginitian pa niya ako. Pinapipili niya ako mg gusto ko, ngunit hindi na ako kumuha. Madami pa ang aking perfume. Malayo pa lang, natanaw na namin si Gabriel. Ngunit nalukot ang mukha ni tita Amanda,pagkakita sa babaeng kasama nito. Maluwang ang ngiti ni Lizzy na
Habang sakay kami ng eroplano, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Mommy Amanda sakin. 'Akitin mo ang anak ko'. Paano kaya niya nasabi sa akin iyon gayung may nobya ang kanyang anak? Magkatabi kami ni Gabriel, samantalang si mommy Amanda ay nasa kabilang side. Ang ganda ng VIP class na ito. Maaaring mahiga at takpan ang paligid, tulad ng ginawa ni mommy Amanda. Nag-iisa siya sa kanyang cubicle. Napahinga ako ng malakas, habang nakatingin sa bintana. "Gabriel, pasensiya ka na kanina kay mommy Amanda, hindi ko siya mapigilan," hindi man lang sumagot ang aking katabi. Pag lingon ko sa kanya, natutulog na rin siya at may pasak sa tenga. "Pasensiya ka na, alam kong hindi mo ako naririnig, pero kailangan ko lang itong mailabas. Alam kong nagagalit ka," saka ulit ako tumingin sa bintana, "pero hindi ko kayang pigilan ang mommy mo kapag nagsasalita. May mother's instinct daw kasi siya kay Lizzy. Hindi niya daw alam kung bakit mabigat ang dugo niya sa girlfriend mo." Bumuntonh hinin
GABRIEL: "Sir, your sister is very beautiful," bati sa akin ng isang Irish na waiter. Tuwing pumupunta ako dito, ay naka duty siya. "Oh, thank you," nginitian pa ni Janna ang lalaki, "you have a taste when it comes to beauty." "She's not my sister, she's my wife," nginitian ko si Enrico na bahagyang nagulat sa aking isinagot. "Ooh.. ooh I'm sorry sir.. I thought, she is your sister," natawa na ito at hindi na ininda ang pagkakapahiya, "your wife is pretty." "But of course! his wife is pretty and kind. There is no place for us for ugly human being," singit ni mommy sa sinasabi ni Enrico. "Indeed madam.. Filipina are so kind and beautiful, I hope I can marry one someday," saka humalakhak si Enrico, "I really like Filipina." "You should," nakangiting sagot ni mommy, "can we take our orders?" "Oh sure, I'm sorry madam, here's the menu," iniabot ni Enrico ang menu sa amin na nakatitig kay Janna. Bahagya kong inilapit si Janna sa akin saka inakbayan. Pailalim namang ngumiti s
JANNA: Nagsisentimyento si mommy Amanda dahil sa nangyari kanina sa restaurant. Hindi talaga niya matanggap na nakita doon si Lizzy. Daig pa nito ang naglilihi. "Grabe, saan kaya humuhugot ng kapal ng mukha ang babaeng iyon. Alam mo, Janna, kapag naoperahan yun, hindi na tatalaban ng anesthesia yun, kasi, sa saobrang kapal ng mukha, nahawa na ang buong katawan," may gigil sa bawat binibitawan niyang salita. Lalo pa siyang nabwesit noong ihatid lang kami ni Gabriel sa bahay, at puntahan si Lizzy, "ang anak mo naman, akala mo, mauubusan ng babae kung mahabol ang babaeng iyon. Maganda nga, pero mukhang kinulang sa breeding! teacher pa naman siya!' "Tama na po mommy. Baka naman po talagang mahal niya si Gabriel. Mukha naman pong mahal din siya nung anak niyo," pinapakalma ko ang aking biyenan dahil nakikita ko kung gaano siya naaasar kay Lizzy. "Janna.. talaga bang-- hindi ka man lang nagseselos sa kanila? ang ibig kong sabihin, hindi ka man lang ba nakakaramdam kahit konting inis