Share

How to Hide the Billionaire's Child
How to Hide the Billionaire's Child
Author: Ysanne Cross

0–PROLOGUE

"Nasaan ka ba,Althea? Nasaan ka ba sa pitong taon na'to?"

Nagagalit na bulong ni Mikhael sa akin, magkahalong frustration at umusbong na pagnanasa ang boses niya. His tall frame leaned heavily against me as I struggled to support his weight. Malapit na kami sa pintuan ng madilim niyang mansyon. Inalalayan ko siyang pumasok.

"Lasing ka, Mikhael,"mahina kong usal. Wala na akong ibang narinig kundi ang malakas na pintig ng puso ko. Suminghap ako nang maamoy ko ang magkahalong perfume niya at ang mamahaling whiskey na ininom kanina sa bar. That same perfume he used to wear all those years ago...

Dahilan para mangatal ako. Naalala ko ang una naming pakikita at ang mahalimuyak niyang perfume.

"Sinong lasing?" Mapait siyang tumawa,pero sa basag na tono. "I still recognize you, baby. Seven years. Seven fucking years and you–"naputol ang pagsasalita niya ng matalisod siya at halos masusub sa sahig. Mabuti nasalo ko siya kaagad. Pinulupot ko ang kamay sa kanyang beywang.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo,"sabi ko, nawawalan ako ng boses habang hinahatid ko siya. Bawat hakbang ay tila sumasabak ako sa gyera ng aking damdamin na kanina pa gustong makawala. Naramdaman ko ang nakatingin siya sa akin, mainit at matindi as if he were trying to carve answers out of my silence.

"Bakit?"usal niya nang marating namin ang pintuan ng kanyang kwarto. Kahit hindi ako sigurado kung kwarto niya nga ito. Binuksan ko ang pinto at binungad lamang kami ng madilim niyang silid, naamoy ko pa ang leather at cedarwood na nanatili sa hangin. Giniya ko siya papasok patungo sa kanyang kama, pero bago ko siya pinaupo, ay bigla niya akong kinabig at gulat akong napaupo sa kandungan niya.

"Why now? Why did you come back?"galit niyang saad. Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga.

"Mikhael,tigilan mo–"tumigil ako nang kinabig niya ako palapit sa kanya. Kaunting distansya ang naiwan sa pagitan ng mukha namin. His dark eyes, glazed and wild,desperado niyang hinahanap ang mga titig ko.

"No!"bulalas niya, may pighati sa kanyang boses. "You don't get to disappear without a word and then just show up. You–" Hinatak niya ako pahiga sa kama, humigpit ang pagkahawak niya sa palapulusahan ko. Natatakot siyang mawala ako ulit. "Sinira mo ako, Althea. Alam mo ba 'yon?"

Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan siya. Natutuyo rin ang lalamunan ko habang binabaha ako ng alaala ng kahapon. Ang lalaking nasa harapan ko ay naging iba sa lalaking iniwan ko noon. I could sense that there was something terrifyingly familiar in the anguish burning in his gaze.

"Mikhael,wala ka ngayon sa sarili mo,"sabi ko. Sinubukan kong pumalag pero niyakap niya ang beywang ko. Dumikit siya na parang glue sa katawan ko. Nangatal ako nang bigla niyang hinalikan ang tainga ko.

"Ako wala sa sarili?"tumatawa niyang saad. His breath hot against my skin. "I'm more myself than I've ever been. Because you're here. Because I can finally...punish you for what you did." His free hand trailed down my side, his touch possessive and rough,leaving a trail of heat in its wake.

"Tumigil ka na, Mikhael,"pagsusumamo ko, pero tinatraidor ako ng katawan ko, nagugustuhan ko ang bawat niyang haplos. Parang umiikot ang silid, na-o-overwhelm ako sa pagiging malapit namin. "Galit ka lang, kaya naiintindihan ko,pero–"

"Naiintindihan?"tumawa siya ulit. Isang mahina at mapanganib na tawa. "Do you understand what it's like to be abandoned by the only woman you ever wanted? To be left alone–every day–wondering is she's alive or dead? Wondering if she's in another man's arms?"

Nilipat niya ang sarili, nakadampi ang malambot niyang labi sa gilid ng aking leeg, napasinghap ako nang kinagat niya ang leeg ko. "But you're here now,aren't you?"bulong niya,sa husky na boses. "Here to haunt me. To make me crazy again."

Mariin kong pinikit ang aking mga mata, nalilito ako kung tutulakin ko ba siya o hahayaan na lang na tangayin ang sarili ko sa damdamang matagal nang hinihintay ang pagkakataon 'to. I had missed him–missed this–so much. More than I could ever put into words. Sa sobrang lapit namin ngayon, parang bumagsak ang pader na matagal kong tinayo sa pagitan namin.

"I'm sorry,"bulong ko sa pagak na boses. "I'm sorry, Mikhael. Patawarin mo sana ako."

Pero lalong umigting ang apoy sa mga mata niya nang binanggit ko 'yon. With a growl, garapal niyang itutop ang pisngi ko, hinaplos ng hinlalaki niya ang nanginginig kong labi. "Sorry? Then make it up to me. Let me see–let me feel–that you really mean it."

Bago pa ako makasagot, marahas niyang sinakop ang bibig ko, makirot at desperado ang kanyang paghalik. Pumiglas ako pero pinigilan niya ang balikat ko. His lips moved against mine with ferocity that left me breathless,demanding everything I had to give. Nalalasan ko ang pait ng alak sa kanyang dila, naramdaman ko ang init ng galit at pagkasabik niya, na tila may isang mapanganib na bagay ang sumalpok sa pagitan namin.

Humihingal siyang kumalas sa akin, pero nanunuot ang mga mata niyang pinatili sa akin. "Sabihin mo,"aniya, bumaba ang daliri niya sa collar ng blouse ko, hinila niya iyon para makita ang balikat ko. "Bakit mo ako iniwan? Bakit ka bumalik? Gusto mo ba akong tapusin?"

"No,I–"hindi ko natapos nang binalik niya ang mga labi sa leeg ko. He nipped at my skin, his touch both punishing and worshipful. Malakas ang tibok ng puso ko at parang mawawalan ako ng malay sa sobrang tindi ng kanyang presensiya.

"Liar,"usal niya, sumilid ang kamay niya sa loob ng blusa ko, hinihimas niya ang beywang ko. "Sinungaling ka, Althea. Ugh, okay lang. dahil ngayon gabi–"tumigil siya saglit, inangat ang ulo para tignan ako sa mga mata. His expression is fierce and unyeilding. "Akin ka ngayon gabi. Kahit ngayon lang. Wala akong pakialam kung mawawala ka bukas. I'll make sure I'll make you mine tonight."

Pwede ko namang pigilan ito. Pwede ko siyang tulakin, sigawan sa mukha o kung ano pa. Pero hindi ko ginawa. Dahil sa loob-looban ko, ninanais ko rin ito. I wanted to feel his touch, to lose myself in him, just like I used to. Even if it meant breaking all over again.

"Yes,"singhap ko. "Yes,Mikhael. I'm yours."

Umungol siya at muli niyang hinuli ang mga labi ko. Umungol ako nang sinimulan niyang limasin ang dibdib ko. Pinikit ko ang mga mata, hinayaan tangayin ang sarili sa nagbabanta niyang pagnanasa at tila pagnanasa ko na rin.

Ngayong gabi, ipagkaloob ko ulit sa kanya ang lahat. Dahil,sa huli, siya pa rin ang hinahanap ko kahit na naging magkalayo kami ng maraming taon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status