Share

5–Family Affair

Althea~

"Kakalabas lang namin ng airplane. See you later, Lo,"imporma ko kay Lolo bagamat pagod ako sa byahe pinakita ko na nasasabik akong makita uli sila. Tinapos ko ang tawag. Sinilid uli ang cellphone sa bag. Tipid kong ningitian ang anak ko nang magtagpo ang aming mga mata.

Nakapila kami ni Raven sa Immigration. Maraming tao kaya tiyak na matatagalan kami. Hinawi ko ang magulo niyang buhok. Nakatulog siya ng maayos sa byahe. Swerte ng anak ko. Samantalang ako, hindi ko magawang umidlip sa maraming bagay na lumiligalig sa akin. Nababalisa ako sa muling pagbabalik sa Pilipinas. Buong akala ko manatili na kami doon for good. Subalit hayun ang matuksuing tadhana, nais talaga akong pabalikin dito. Isang bagay lang ang iiwasan ko ngayon; ang muling pagkrus ng aming landas. Umaasa ako na hindi talaga kami magkita muli.

Mabuti pang pagtuunan ko ng pansin ang anak ko ngayon. Nahihiwagaan ako kay Raven sa pagiging kalmado niya ngayon. Ang 7 years old ko na nag-iisang anak na kinilalang 'batang peste' ng lahat dahil hindi siya mapakali at palaging puno ng enerhiya. Pakalmahin lang ng limang minuto pero mayamaya doon na, gumagawa na naman ng kalokohan. Kasalanan ko rin ito bagkus napapabayaan ko siya minsan dahil nilulubog ko ang sarili sa trabaho.

"Excited ka na bang makita ang Lola Amelia at Lolo Fernando, 'nak?"nakangiti kong tanong.

Inangat niya ang ulo. Kumislap ang galak sa kanyang bilugin at tila butones na itim na mga mata. "Medyo,"pakli niya.

Umurong ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"taka kong tanong.

"Kasi... I never meet them in person. I really don't know if they are good or bad people. Still, I don't trust Lolo Fernando. He's like Gru." Pagkasabi nun ay tinikom ang bibig saka tumitig ng deretso.

Gru? Sino'ng Gru? Ah, naalala ko na. Ang bida sa cartoon na Despicable Me. Natatawa akong sinapo ang noo. Pati ang lolo, pinagkamalang kontrabida.

"'Nak. Don't be like that. Malulungkot ang lolo mo kapag tatawagin mo siyang Gru,"saway ko.

Kumibit balikat siya. "Mom, great grandpa,don't know about Gru so I can call him like that."

Namumuo ang frustration ko. Marahan kong tinapik ang likod niya. "Huwag mo gagawin kay Lolo ang pinanggagawa mo sa Belgium. Don't make me angry again, or I will not give your Nintendo switch, and I will ban you from playing your Lego set,"babala ko sa kanya.

Hinila niya ang damit ko. Tinignan niya ako pero hindi ko siya pinansin. "Sorry, Mom. Please don't be like that. I'm dying to have my Nintendo Switch. I missed playing it."

"Bahala ka,"sabi ko. Umaastang nagagalit sa kanya.

Niyakap niya ang beywang ko. Umaandar na naman pagka-nanay ko. Hindi ko mapigilan maawa sa kanya. He looks like a puppy, I want to pet him.

"Fine. Basta magpakabait ka sa Lolo mo,"wika ko. Wari'y nainis ako tinulak ang ulo niya.

"Thanks, Mom!" Mabilis siyang kumalas at binalik ang sarili sa dating posisyon.

Bumuga ako ng hangin. Ginugulo ang buhok niya habang naghihintay ng turno namin.

Pinunasan ko ang ilang butil ng pawis sa noo pagkatapos kong nilagak ang apat na maleta sa trolley. Papalabas na kami ng arrival area nang bigla akong kinilibit ni Raven.

Nakataas ang kilay kong tinignan siya.

"Mom, can I buy orange juice?"tanong niya. Sumasayaw ito habang naghihintay sa sagot ko. Noong una, ayaw kong pumayag pero nang makita ang cute niyang mga mata. Tumango ako.

Tumawa ang pilyo kong anak. Hindi siya nagsayang ng oras at kusang tumakbo palayo sa akin. Hindi ko nagawang pigilan ang kamay niya sa sobrang bilis niya.

Lintik! Ano na naman ba'ng kalokohan ang gagawin ng anak ko. Saka hindi ko alam kung nasaan ang mga bilihin dito. Maraming tao. Magulo ang airport kahit alas singko ng umaga, hindi mo maramdaman kung umaga o gabi rito.

Nawala ko siya sa paningin. Heto, sinukluban ako ng takot. Paano kung may masamang mangyari sa anak ko? Dyos ko, ilayo mo siya sa pahamakan.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Tinuun ko ang sarili sa paghahanap sa kanya. May nakita akong ilang stall ng bilihan ng pagkain pero wala siya doon. Inikot-ikot ko ang buong arrival area ng NAIA 3 subalit nabigo ako. Hindi ko siya mahanap.

I gritted my teeth. Malakas ang tibok ng puso ko. Nanlambot ang mga binti ko. Hindi ko alam ang gagawin sa pagkabalisa ko hanggang sa marinig ko ang matinis niyang boses sa isang sulok. Pinuntahan ko agad ang dereksyong ng boses niya. Hayun, tumunghay sa 'kin ang anak ko at may kausap siyang lalaki–kaswal ang suot niya pero mukhang stylist at mamahalin ang damit niyang fitted black leather jacket, na may pangloob na puting t-shirt at pinarisan ng itim pero punit-punit na jeans at itim na sneakers. Magulo ang itim at medyo kulot na buhok, perpektong jawline, matangos na ilong, mapupungay na mga mata at matipuno na pangangatawan. He look like a model from a men's magazine o pwede ring ang male lead na nasa cover ng paboritong kong dark romance pocketbook.

Wait–ano ba itong iniisip ko. Why I suddenly attracted to him? But somehow. He's a bit familiar.

"Daddy!"

Pumagting sa tainga ko ang malasumpa na salitang iyon dahilan para bumalik ang lahat ng alaala ko sa nakaraan. Ang lalaking 'to, walang iba kundi–natigilan ako ng dalawang segundo–hindi maari! Hindi pwede. Kakadasal ko lang na h'wag kami magkita. Pero ano ito?

"Raven!"nataranta kong tawag sa anak ko. Agad ako lumapit sa kanya. Inisip ko na isang estranghero ang nasa harapan namin. Hinablot ko ang kamay ng anak ko.

"What are you doing?"asik ko.

"I found daddy,"malapad ang ngiting tugon ni Raven. Bumilis ang tibok ng puso ko. Umaasa akong hindi ako makikilala ng lalaking 'to.

Sinumbatan ko ang anak ko na mag-ask siya ng sorry saka hinatak ko siya pala sa ama niya. Halos maiyak ako sa sitwasyon 'to kaya dali-dali akong sumibat. Gusto pa niya ako makilala pero hindi ako tumugon. Wala akong lingon na dumeretso palabas ng airport. Nagtataka ang anak ko na inoserbahan ako. Humihingal ako na parang naha- hyperventilate. Mabuti'y dumating ang kaibigan kong si Riley. Pinaupo niya kaagad ako sa front seat. Naupo naman si Raven sa likod. Inabutan ako ng bottled water ni Riley pero nag-ayaw ako. Sumandal ako at sinimulang patahanin ang sarili. Tila bangungot nang makita ko siya uli. Ayoko na muling mangyari 'yon.

"Sigurado ka bang okay ka lang, Thea?"nag-aalalang usisa ni Riley Bussereau. Siya ang half-belgian at half-Filipino kong kaibigan na nakilala sa Belgium, nagkasama kami sa dating kompanyang tinatrabahuan ko at naging ka-close matapos namin malaman na magkaibigan ang mga lolo namin. Siya na rin ang kaapay ko sa lahat ng problema ko at tinuturi ko siyang nakakatandang kapatid. Bumalik siya rito last year dahil malala ang sakit ng Lola niya. Kagaya ko rin na pinauwi ng pwersahan sa Pilipinas.

Tumango ako. "Don't worry, malamang sa jet log lang. Hindi pa rin ako sanay bumyahe ng mahaba,"pagdadahilan ko.

Bumuga siya ng hangin. Tinignan muna sa rearview mirror si Raven. Nakabusangot at nakahalukipkip ang pilyo kong anak. Pinalisikan ko siya ng tyempong nagtagpo ang maga mata namin sa salamin. Binelat niya ako saka tumingin sa bintana ng kotse.

Umiling ako. Sinandal ang ulo malapit sa bintana.

"Halatang maayos ang tulog ni Raven ha,"puna ni Riley.

"Sasabihin mo pa. Kanina lang, gumawa na ng eksena sa airport. Kung sino-sino na ang tinatawag ng daddy."

Tinignan ako ni Riley bago niya niliko ang sasakyan sa isang kanto.

"He's longing for a father. Normal lang sa mga bata 'yon. Hayaan mo na si Raven–"

"He's really my dad,Mom. I feel it!"singit ni Raven sa amin.

"Raven, you cannot called any stranger daddy unless Mom will tell you who is your real daddy is,"singhal ko.

"Pero kamukha niya ang lalaki na nasa magazine ang sinabi mong Daddy ko!"ingos nito. Sinisipa ang paa sa ere. Nagta- tanrum na naman.

Naalala ko 'yong araw na binigyan ko siya ng magazine na may mukha ni Mikhael para tumigil sa kakatanong kung nasaan ang tatay niya. Peste, hindi niya talaga makalimutan. Akala ko makalusot ako.

"Hindi 'yon ang daddy mo. Magkamukha lang sila. Tumigil ka dyan!"asik ko. Inikot ko ang katawan pa ra tignan siya. Matulis ang nguso niya, nadudulong sa pagbigay ng masamang tingin sa akin at inuupuan ang mga paa.

Every time I see my son, it reminds me of Mikhael. They really look alike when they have a frown on their faces. At naiinis ako kapag makitanang ganyang mood niya. Hinaba ko ang kamay para abutin siya. Bibigyan ko lang ng isang kurot. Kaso hindi ko siya maabot.

"Tigilan mo yan,Thea. Hayaan mo si Raven. Maha-high blood ka lang,"saway ng kaibigan ko. May bahid ng ngiti sa labi niya.

Uusok ang ilong kong kumibit balikat. "Wag mong i-to-tolerate ang batang 'yan. Lalo lang titigas ang ulo,"hirit ko.

Hindi na siya sumagot. At tahimik kaming bumyahe patungong New Manila, Quezon City. Nandoon kasi ang bahay ng Lolo. Pupunta muna kami doon bago kami dumeretso sa Taguig.

Umungol ako nang may kumilibit sa akin. Hindi ko namalayan na nakaindlip ko sa sobrang traffic ng Kamaynilaan. Pinahiran ko ang laway at dahan-dahang minulat ang mga mata. Bumulaga sa akin ang pinsan kong si Nova. Ang lapad ng ngiti niya at maliwanag ang mukha halatang alagang-alaga ng skincare. Blonde ang hanggang balikat niyang buhok.

"Kailangan ka lang umuwi?"tanong ko kaagad sa kanya.

Umatras siya para bigyan ako ng daan.

"Kahapon,"dagli niya saka ako niyakap.

"Iniwan mo si Vince sa Australia?"tanong ko naman agad na kinakonoot ng kanyang noo.

"Wag kang mag-alala, wala na kami. Tara!" Hinila niya ang kamay ko papasok papasok ng simpleng tahanan ng lolo Fernando namin. Sinalubong ako ni Mama at ilang pinsan at mga tito't tita namin. Nasipag-uwian ang lahat ng masa abroad. What a great reunion. Kulang na lang ang tatlong pinsan naming mga seaman. Hindi ko rin masasabing mahirap ka may sapat lang na pera pangtustus ng ikakabuhay sa mundo.

Naiiyak kong niyakap si Mama pati ang iba kong mga kapamilya. Mainit din nilang sinalubong si Raven. Abala ang anak ko dahil may klaro na ito.

"Althea! Apo ko!"tawag sa akin ni Lolo. Kakalabas niya lamang ng kwarto lulan ang wheel chair. Sinalubong ko siya ng yakap at inulan ng halik sa ulo.

"Miss na miss ko na po kayo lolo,"anang ko.

"Salamat pinakinggan mo ako,apo. Mapayapa na akong mamatay ngayon,"sarkastiko niyang saad.

Hinapak ko siya ng marahan. "Don't say that,Lo. Magbo-bonding pa tayo!"

Natatawa lang siya. Kapagkuwan, inikot niya ang mga mata. Hinanap niya si Raven."Nasaan ang Belgian kong apo?"

Inayos ko ang tintig. Hinagilap ang anak ko. Mayamaya, lumitaw siya kasama ni Mama. Nakaismid siya tila natatakot lumapit kay Lolo. Sumagi naman sa isip ko si Gru niya.

"Mag-bless ka kay Lolo,'nak,"sabi ko. Hinila ko siya palapit sa matandang naka-wheel chair. Sinalubungan siya ng matamis na may pananabik na ngiti ni Lolo subalit nasabit siya sa damit ko. Tinago ang sarili. Naiinis akong hinatak siya palabas pero nagmamatigas siya.

"Raven, don't be like that. Ano ba ang sinabi ko kanina ha?" Pinilit ko siyang lumapit kay Lolo.

"Natatakot ako kay Gru,"anas niya.

Natatawa si Lolo. Mabuti hindi nito naiitindihan ang sinabi niya.

"Hindi siya si Gru. Go! Mabait si Lolo." Hinatak ko siya at pinaupo sa kandungan ni Lolo. Napapikit siya habang kumakapit sa leeg nito.

"Rav, apo. Ano'ng gusto mo? You like to eat chocolate?" Sinusuyo siya ni Lolo.

Noong una, natatakot si Raven. Inaabot ako pero di kalaunan nakuha rin ng lolo ang loob niya. Nangiti akong tumabi sa kay Mama. Matagal na panahon din na hindi kami nakasama. Kumapit ako sa bisig niya at pinatong ang ulo sa balikat niya.

"Tama ba ang desisyon mo,anak?"bulong niya.

Inangat ko ang ulo. "Yeah, wala na 'kong pakialam,Ma. Bumalik kami rito para kay Lolo. Sisikapin ko na lang na hindi siya makita ulit,"I assured her pero kalahating totoo at kalahating kasinungalingan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status