Althea~Humihingal ako na dumating sa room ni Lolo. Dumeretso agad ako sa kama niya. Ginagad ko ang kamay niya at pinaunlakan ng maraming halik. Nanginginig ang puso ko sa takot. Hindi pa ako handa para mawala siya. Si Lolo ang nagpalaki sa akin at nagturo ng magandang asal. Marami akong pagkukulang sa kanya. Pitong taon ako sa Belgium at minsan lang magparamdam sa kanya."Kumusta ang lagay ni Lolo?"kapagkuwan'y tanong ko sa personal nurse niya"He had a seizure earlier, but we've stabilized him,"kalmadong tugon niya.Nakasalpok ang kilay akong tumango. My heart is heavy as I looked at my Lolo Fernando. Mahimbing siyang natutulog sa hospital bed. Ang delicate niyang tignan."What exactly happened?"tanong ko ulit habang pinproseso ang utak."Nagka-convulsion siya dahil low sugar siya. Biglaan iyon pero nagawa agad naming pabalikin sa normal ang level. Kailangan nating maging mahigpit pa sa kanyang diet simula ngayon,"paliwanag niya.Kinagat ko ang labi.Masakit sa puso kapag pabigla-big
Althea~ Puno ng pag-asa at bagong simula matapos ang kaguluhan kahapon, kampante akong papasok sa trabaho. Ang totoo, kinakabahan ako kasi nangako ako kay Boss na aayusin ang gusot ng isyu. Sa halip, wala akong nagawa. Wala akong ideya paano lulutasin ang problema. Aasa ako kay Lord na sana tutulungan niya ako na malampasan ito. Ako na ang naagrabyado pero si Mikhael pa ang galit sa akin. Hindi niya alam na sinara niya ang buhay ko. Pinahiya niya ako kahapon kaya heto pakakapalin ko ang mukha para sa future namin ng anak ko. Suot ang doll shoes at minimalist beige blazer at pants, buong pag-iingat akong pumasok. Kailangan nila ang marketing manager, hindi ako pwedeng um-absent. Dumantal ang malamig ang simoy ng hangin sa umagang 'to habang naglalakad ako papasok ng gusali.Pilit akong ngumiti nang nilapitan ko ang security desk para mag-check in. Pangatlo araw.Sana may magandang manyayari sa araw na ito. "Good morning po,"bati niya sa akin na abot-tenga ang ngiti.I clutched my ba
"Nasaan ka ba,Althea? Nasaan ka ba sa pitong taon na'to?" Nagagalit na bulong ni Mikhael sa akin, magkahalong frustration at umusbong na pagnanasa ang boses niya. His tall frame leaned heavily against me as I struggled to support his weight. Malapit na kami sa pintuan ng madilim niyang mansyon. Inalalayan ko siyang pumasok. "Lasing ka, Mikhael,"mahina kong usal. Wala na akong ibang narinig kundi ang malakas na pintig ng puso ko. Suminghap ako nang maamoy ko ang magkahalong perfume niya at ang mamahaling whiskey na ininom kanina sa bar. That same perfume he used to wear all those years ago... Dahilan para mangatal ako. Naalala ko ang una naming pakikita at ang mahalimuyak niyang perfume. "Sinong lasing?" Mapait siyang tumawa,pero sa basag na tono. "I still recognize you, baby. Seven years. Seven fucking years and you–"naputol ang pagsasalita niya ng matalisod siya at halos masusub sa sahig. Mabuti nasalo ko siya kaagad. Pinulupot ko ang kamay sa kanyang beywang. "Ihahatid na kita
ALTHEA~ "Buntis ka ba, Althea?"nag-aalalang bulyaw ng Mama ko matapos niyang makita akong sumusuka sa banyo. Matapos nang may nangyari sa 'min ni Mikhael, ang kasalukuyang boyfriend ko na nakilala ko lang sa blind date. Madalas akong makaramdam ng morning sickness. Mahihilo, masusuka, napapagod at minsan hinihimatay pa. Nagbunga ba ang mainit na gabing yon? Good news ito sa 'kin subalit hindi ko alam sa parte ni Mikhael. Isang magandang alaala at kabaliwan lang namin iyon. Hindi ko inaasahan na hahantong ako sa ganito. Malinaw pa rin sa 'kin ang bawat eksena at bawat bulong niya ng i love you sa tainga ko. That night is just a beautiful mistake, and I'll never regret it. "Sagutin mo ako, malilintikan kang bata ka sa akin!"sabi ulit ng nanay ko sa mataas na tono. Umuusok na ang ilong niya. My mother is a single parent. Iniwan kami ng ama ko noong 5 years old pa lamang ako. Bali-balita na isa siyang mayaman na CEO pero hindi niya kami pinaglaban. Kaya heto, mag-isang kumakayod
Mikhael~ Sumasakit ang ulo ko. Matapos ng ilang taon kung pinaghirapan, heto na makakamit ko na ang pinapangarap. Magiging Chief Executive Officer ng Henderson Enterprise. Our business is a luxury real estate and property development. Isa kami sa pinakamayaman, at maunlad sa buong mundo. At ngayon na sisimulan ko ang trabaho, may nakaabang akong project. Isusunod namin ang the Henderson Tower–magiging landmark ito ng syudad at palatandaan ng mga Henderson. Idagdag pa ang expectation ni Dad na palagi kung nafi-fail. Sumandal ako sa gilid ng tainted window ng marangya naming sasakyan, kinokontrol ang tensyon habang iniisip ko ang mga bagong pagsubok na darating. Hindi madali bilang CEO lalo na kung ang tatay mo na walang tiwala sa'yo ang magbabantay. Sinikap at tiniis ko ang dalawang kursong–financial management at architecture, at wala na akong ginawa sa buhay kundi ang isubsub ang sarili ko sa pag-aaral at trabaho. Inagaw ang atensyon ko sa kumikinang at naglalakihang glass windo
Althea~ "Thank you sa cupcakes! Tiyak magugustuhan ito ni Raven,"malapad ang ngiting pasasalamat ko kay Xyra sa niregalo niyang chocolate cupcakes. Nasa pastry shop niya ako ngayon. Dumaan muna ako rito bago magtanghalian mula sa pinagtatrabahuan kong kompanya. Natamis na ngumiti si Xyra–isang Belgain na naging kaibigan ko rito. Kinway ko ang isang kamay bago lumabas ng pastry shop. Sininghot ko ang mabangong amoy ng freshly baked croissants at matatamis na pastries na lumulutang sa ere matapos kong apakan ng brick na sahig ng sidewalk. Tinignan ko hawak kong maliit na kahon na binalot ng blue ribbon. Hindi ko inaasahan na magreregalo siya para sa birthday ng anak ko. Humugot ako ng malalim ng hininga habang ginagala ang mga mata sa paligid. I'm savoring the traquill atmosphere of the city that I had come to love. Brussels, with it's cobbled streets and picturesque squares,naging tahanan ko ito sa loob ng pitong taon. Ang lugar kung saan ko pinalaki si Raven, isang mapayapa
Mikhael~"This is really incredible, That piece of shit lost my money again!" Narinig kong pagmumura ng pinsan kong kambal na si Phoenix. Lumalabas ang litid ng ugat sa leeg niyapp. Umaapoy ang mga mata. Nakaupo kami sa isang VIP lounge nitong upscale night club. Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil sa irita habang dumadagong sa ulo ko ang malakas na ingat ng musika. Hindi makapigil ang DJ ngayong gabi. Idagdag pa ang naghihiyawang mga tao. Hindi napappagod sa pagsasayaw at basang-basa na ng pawis. Natalo lang naman ni Nicola–ang isa pa naming pinsan, ang pera na maigi niyang iniipon para bumili ng bagong big bike chopper. Hindi sapat kay Phoenix ang sampung luxury cars na walang ginawa kundi ipatambay sa kanyang mansion. Yumukod ako sa bar counter. Inabot ang baso kay Kendrix, ang kakambal niya. Ang very good kong pinsan na umaastang may ari ng night club pero hindi naman. He had managed to shoo away the actual bartender earlier, taking over with the kind of entitlement only a He
Althea~ "Kakalabas lang namin ng airplane. See you later, Lo,"imporma ko kay Lolo bagamat pagod ako sa byahe pinakita ko na nasasabik akong makita uli sila. Tinapos ko ang tawag. Sinilid uli ang cellphone sa bag. Tipid kong ningitian ang anak ko nang magtagpo ang aming mga mata. Nakapila kami ni Raven sa Immigration. Maraming tao kaya tiyak na matatagalan kami. Hinawi ko ang magulo niyang buhok. Nakatulog siya ng maayos sa byahe. Swerte ng anak ko. Samantalang ako, hindi ko magawang umidlip sa maraming bagay na lumiligalig sa akin. Nababalisa ako sa muling pagbabalik sa Pilipinas. Buong akala ko manatili na kami doon for good. Subalit hayun ang matuksuing tadhana, nais talaga akong pabalikin dito. Isang bagay lang ang iiwasan ko ngayon; ang muling pagkrus ng aming landas. Umaasa ako na hindi talaga kami magkita muli. Mabuti pang pagtuunan ko ng pansin ang anak ko ngayon. Nahihiwagaan ako kay Raven sa pagiging kalmado niya ngayon. Ang 7 years old ko na nag-iisang anak na kinilalang