Mikhael~Nagmamaneho ako pauwi. Naiirita ako sa sitwasyon ni Phoenix habang iniisip ko siya dumagdag pa ang traffic. Mga bente minuta na siguro ang nakakalipas nang bumara ako sa daan. Sinulyapan ko ang phone kung may mga notification o text messages ni James. May iilan pero hindi naman importante. Tinapik-tapik ko ang dalawang daliri sa manubela. Ilang sandali, umusad ang mga sasakyan. Binilisan ko ang pinatakbo ang lamborghini ko para maiwasan ulit ang traffic.Kumunot ang noo ko nang mahuli ako ng pulang signal light. Kinagat ko ang labi na pinagmamasdan ang tumatawid. Nawala ng bahagya sa sarili nang maalala ang huling konprontasyon namin ni Althea. Natatakam ako sa kanya. Binitin niya ako kaya humanda siya bukas... paparusahan ko siya ng matindi.Naging bato ako nang sumagi sa paningin ko ang kanina'y nasa imahinasyon ko. Si Althea ay malapad ang ngiti na tumatawid na hawak-hawak sa kamay ang isang batang lalaki. Ang makulit na bata na nakikilala ko sa airport at nakita ulit sa
Mikhael~ "What happened to Phoenix,dude?" Dinig kong tanong ni Kendrix sa ibawbaw ng malakas, matingkad at upbeat na musika ng Disco Night Club na kinaroroonan namin sa kasalukuyan.Pinagtagpo ko ang mga kilay. "Ikaw na kakambal walang kaalam-alam,"sumbat ko. Inangat ako ulo kaya natanaw ko ang kumikinang na dim lights ng bar. Nakaupo kami sa bar counter, tinatamad kumuha ng pwesto. Saka punong-puno ng mga tao ngayon. Halatang byernes."Busy din ako. Wala akong time maging usisero sa kambal ko. Malay ko ba na may problema siya?" Naiinip siyang Inikot-ikot ang gintong kulay na likido ng tequila sa baso niya na para bang walang pakialam sa mundo.Napangiwi ako sa ingay ng tawanan at pag-to-toss ng mga baso sa paligid. What a welcoming distraction from the crushing weight of my responsibilities. Kakatamad maging CEO."Seriously? Pinaninindigan mo talaga ang pagiging bato mo kulang na lang ay gagawin ka ng estatwa. You need to be more involved with Phoenix. Lumalapag ang kakambal mo,Mr.
Mikhael~ Umuwi ako ng mansyon. Hinahagod ko ang ulo nang masalubong si Mama. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan. Malamang kanina pa pabalik-balik ng lakad. Nakatiklop ang nanginginig niyang mga kamay. Mabilis pa sa alas kwarto niyang inangat ang ulo nang maramdaman ang presensiya ko. Binati ko siya ng busangot. "Is there something wrong?" "Your father. He's been talking about having a DNA test done to confirm that you're really his son. I don't understand why he still doubting you. Sigurado ako akong anak ka niya!" Umiiyak siyang lumapit sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya Yumukod ako para pantayan siya. Saka masuyong tinignan sa mga mata. "Mom, mabibigo rin siya kung ako talaga ang totoo niyang anak.Wag kang mag-aalala. Hayaan mo siya,"advice ko na kinasalamuot ng mukha niya. Pinalitan ng apoy ang mga mata niya'y kanina lang ay lugmok ng kalungkutan. Nagtaka ako sa biglaang pag-iiba ng hilatsa niya. As if she's hiding behind something behind her back. Kung totoo
Althea~"Okay ka lang ba,Thea? Kanina ka pa lutang d'yan,"agaw pansin ni Riley sa akin. Kumibo ako at napakurap. Hindi ko namalayan na nazo-zone out ulit ako. Padalas na yata. Pilit akong ngumiti. Winaksi ang lahat ng alalahanin sa opisina lalo na kay Mikhael. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang paglapastangan niya akin na kinasarap ko naman. Kaya noong nakaraang araw, sinikap ko na h'wag magkrus ang landas namin."O-okay lang ako. Puno lang ng officework ang utak ko. You know, marketing campaign is consuming me,"kaila ko. Niyakap ko ang throw pillow habang kampanteng nakaupo sa couch. Tinanghali ako sa pagmuni-muni dito. Ilang film na sa netflix ang pinanood ko kaso wala akong maalala.Sabado ngayon. My precious day off. Iyong inaakala kong makakahinga ngunit dumating ng unexpected ang kaibigan ko. Animo'y ipo-ipo na tungo si Riley dito nang malaman niyang wala akong trabaho ngayon. Bagama't abala sa negosyo niya naglalaan talaga ng oras para sa aming mag-ina. Namiss niya kami ni Rave
Althea~Nasa hapag kainan na kami pero kanina pa ako nakatulala. Inaalala ko ang panaginip ko. Sandali akong naidlip pero si Mikhael ang laman ng panaginip ko. Matagal na panahon na hindi ko siya napaginipan. "Althea?"Agaw pansin ni Riley sabay pitik ng daliri niya sa harap ng mukha ko.Napakurap ako ng tatlong beses. Inayos ang pagkaupo. Napalunok at kinuha ang kutsara. Nagtataka naman akong inoserbahan ni Raven. Naiwan ang kutsara sa bibig niya at nakasalpok ang kilay."What's bothering you,Thea. Tell us,"nag-aalalang untag ni Riley na ngayo'y nakasalpok ang mga kilay. Tumigil din siya sa pagkain gaya ni Raven.Matigas akong umiling. Gusto kong kumbinsihin siyang walang nagpapaligalig sa 'kin."Sana lang talaga wala,"nadidismayang saad ng kaibigan. Alam kong sina-psycho niya ang hilatsa kay may pagdududa siyang may tao-hindi bagay ang gumugulo sa akin.Kinibot ko ang dulo ng labi at binaba ang tingin sa pagkain. Puro sariwang gulay ang nakalatag. Ngumiwi ako dahil hindi ko hilig
"Sucks!"hiyaw ko nang mabara ako sa traffico. Sabado ngayon at inaasahan kong maayos ang daloy ng trapiko. Pupunta ako ngayon kung nasaan ang pesteng Milena na 'yan. May ginawa namang kalokohan. Hindi pa nakontento noong nakulong. Sana hindi ko na lang pinalaya.She's making a scapegoat para mapansin ko siya. Matapos itong bumalik mula sa Dubai ay hindi ko siya tinuan ng pansin. Nilubog ko ang sarili sa trabaho. Hindi na makakahinga sa kaliwa't kanang meeting. Idagdag pa si Althea nagusto kong pahirapan pero hindi ko nagawa. Nasa kasagsagan ako ng meeting nang tumawag ang empaktang iyan. Kailan ba ako tatantanan hah?Tinapik ko ang daliri sa manubela. Sinisikap na panatilihin ang level ng aking pasensiya. Nasti-stress ako sa kakulangan ng tulog at poot. Nasa mall ang empakta, nagshop-liftling. Ang yaman-yaman niya, magawa pang magnakaw. Bukas nasa tabloid naman ang apelyido ko. Sinapo ko ang noo. Hihiyaw sana ako nang umusad ang mga sasakyan sa harap ko. Pinaharurot ko ang lamborghin
Althea~Matamlay akong pumasok ng opisana ngayon. Pinipilit ko ang sarili para sa trabaho. Ramdam ko pa ang mala-pantasiyang day off ko kahapon. Hindi pa ako nakahuma sa maraming kaganapan kahapon. Natawa ako nang maalalang nakasakay ako sa isang rides—mabuti sa ferris wheel lang.Argh! It was supposed to be a break, but here I was, back on Sunday, no energy, no motivation. Panandalian lang talaga ang lahat eh. Idadag pa ang ora-oradang gawain ng marketing department. Nagsisi ata ako na mag-apply bilang marketing manager. Pinisil-pisil ko ang sentido, may paparating kasi na sakit ng ulo. Dumilim ang paningin ko nang tinignan ang mga papeles.Parang gusto kong gumapang sa ilalim ng lamesa ko nang maalala ang ideya ng bagong marketing strategy para sa Henderson Tower. Malapit na kasi matapos."Ma'am Althea, handa ka na ba?"sumulpot si Gigi sa harap ko. Humahangos habang inimporma ako. "The meeting will begin at 10 o'clock. I-ready mo na lahat ng pwede mong i-present. Magdadalo ang ibang
Althea~"Sir, kung wala po kayong kailangan sa akin. Aalis na po ako,"naririndi kong pahayag matapos ang ilang sandali. Inangat niya ang ulo. Bahagyang umuwang ang bibig niya na tila ngayon lang ako na pansin. Kasabay non ang pamumungay ng kanyang mga mata. As if he has evil desire on me. Dali-dali ko namang tinaboy sa aking sistema ang masamang isip."Pinatawag ba kita kung wala akong kailangan sa'yo?"Tugon niya. Nabigla ako sa kawalan niya ng empsyon.Binukas ko ang bibig ngunit muling itinikom. Hindi ko nagawang magsalita dahil hinila niya paupo sa kandungan ang babae. Nasauot ito ng maiksing blue dress na hapit sa katawan. Ngayon, natatanaw ko ng malinaw ang babaeng dahilan kaya iniwan ko si Mikhael. Ang ahas, ini-enjoy ang pang-aagaw sa lalaking mahal ko noon.Sumikip ang dibdib ko nang muling nagharutan ang dalawa. Para akong baliw na pinapanood sila. Lumiyad sabay ungol pa ang babae nang kinurot ito ni Mikhael sa tagiliran. Sarap nilang pagbanggain ng ulo."Kung ganoon, ano po