Mikhael~ Nanangis ang panga ko. Pinalipad lahat ng mga gamit sa lamesa ko. Naninigas ang katawan ko sa galit na nararamdaman. Kakaalis lang ni Altheas. Hindi pa rin ako makapiniwala sa mga salitang binanggit niya. Aware ako na may kasalanan ako, ngayon na alam kong si Milena ang may dahilan. Malamang nakita niya ako noong araw na 'yon. Ang araw na pumunta sa Milena sa condo ko para hilain ako pabalik sa kanya. Tumindi ang poot ko sa empakta -siya ang dahilan kaya nilayuan ako ni Althea. I won't accept this. Puputulin ko ang relasyon namin ni Milena. And I'll do everything to win Althea back. Nagkamali akong paselosin siya gamit si Milena. Lingid sa 'kin na lalo niya pala akong kinamumuhian. Blangko ang isip ko ngayon. Wala akong ideya kong paano kunin ang loob ng babaing minahal kong totoo. Naging hangal ako nitong nakaraang mga taon. Pinag-isipan ko siya ng masama na ang totoo ako pala ang may sala. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo. Ihithit ako para pagaanin ang loob ko. Umu
Mikhael~ Nagsitagisan kami ng galing sa pagpi-fencing. Hindi ko namalayan na lumipas ang ilang oras. Siguro pasado alas sais ng hapon na. Naglalaro kami sabay tawanan. Hindi ko mailarawan ang sitwasyon ko. Heto, naglalaro na naka-corporate attire. Nasa kasagsagan kami ng laro nang biglang malakas na bumukas ang pinto at sinundan ng kaguluhan. Nalaglag ang panga ko nang makita ang triplets ni Nicola. Carbon copy niya talaga. At ngayon may rason na siya para magbago. Dalawang lalaki at isang babae. Nawili ako sa pag-aagawan nila ng barbie doll. Bawat isa ay naghihiyawan sa mataas na boses. Nabingi ako sa high-pitch na sigaw ng batang babae, hindi tama ang butones ng suot nitong shirt. Umiiyak siya habang hinahabol ang mga kapatid. Hawak ng batang lalaki na naka-school uniform pa ang laruan nito, tinataas nito sa ere para hindi nito maabot. Naging desperada pang-aagaw ang batang babae. "Balik mo 'yan,Liam!"Tili nito, pulang-pula ang mukha hatid ng desperasyon. Liam, ever the mi
Mikhael~Sa sumunod na araw, nakasabay ko sa elevator si Althea. Parang sinundot ang puso ko sa kawalan ng kakayahang makipag-usap sa kanya. At ramdam ko na parang ang layo niya. Pareho kaming tahimik hanggang makarating sa palapag na gusto namin. Una siyang lumabas sa akin. Matamlay akong sinundan siya ng tingin.Bagsak ang mga balikat na dumeretso ako sa opisina. Heto na naman ang usual routine ko. Umupo ako, nagsimulang magtrabaho. I'm trying to focus on the stack of reports and meetings are waiting for me. But I couldn't shake the image of Althea. Gusto ko siyang kausapin. Kukunin ang loob. Paano ko naman gagawin kung ako mismo natutuliro?Later, I buzzed her telephone. Pero hindi niya sinagot. Tinawagan ko ulit, pero wala talaga. Now, I was worried. Iniiwasan niya ako dahil sa naging usapan namin kahapon. Minabuti kong tumungo sa opisina niya subalit nabigo ako. Wala siya roon nang dumating ako. Pabalik sana ako nang sinalubong ako ni Darlene, ang assitant marketing manager."Goo
Althea~ Hindi ako nakaangal nang kinaladkad ako ni Mikhael palabas ng canteen. Kumirot ang palapulsuan ko sa mahigpit niyang paghawak. Halos mapuputol ang kamay ko sa malakas niyang paghila. Pinawisan ako kahit na malamig ang aircon, mabilis ang pagbayo ng puso ko dahil sa galit at gulat. "Ano ba!? Bitawan mo ko! Nakakasakit ka na,Mikhael! Wala kang karapatan na kaladkarin ako ng ganito!" Pagpupumiglas ko. Humihingal akong tinitigan siya ng masakit. Dismayado niya akong binitawan. Ngunit nakaramdam ako ng pagkadismaya sa pagbitaw niya. Nangulila agad ako sa init ng palad niya na dumatay sa balat ko. "I'm sorry,"anas niya. Humugot muna ng malalim na hininga. "Hindi ko sinasadyang saktan ka. Gusto ko lang kita makausap, Althea! You've been avoiding me, and I can't take it anymore. Please... sana pakinggan mo ko?" Kumibit balikat ako. "Ano pa ba'ng pag-uusapan natin? Saka hindi ko na kailangan ng eksplenasyon mo. Ginawa mo na ang ginawa mo. Wala nang pag-asa para ituwid ang lahat ng
Althea~"Raven,"tawag ko.Pumihit siya paharap. Sinalubong ako ng masigla niyang ngiti. Bigla akong na-reacharge sa enerhiya niyang dala."Mommy? Totoo ba ito? Ikaw ang magsusundo sa akin? May pupuntahan ba tayo ngayon?" Puno ng kuryosidad niyang untag. Nahilo ako dami ng tanong niya Bumakas kasi sa isip niya na kapag ako ang susundo ay may pupuntahan kami.Pinilig ko ang ulo. Nangigil akong pinisil ang namumula niyang pisngi. "Wala tayong pupuntahan. Nandito ako kasi walang ang tita Nova mo.""Salamat naman. Walang tigre. Mommy, pwede pautang?"Umuwang ang bibig ko. Saan siya natututong umutang? "U-Utang?""Opo. Pautangin niyo po ako,Mommy.""Ano naman ang gagawin mo sa pera? Ah, teka anong tawag mo sa tita mo, tigre?"Maangas siyang kumibit balikat. "Palagi niya akong pinagbabawalan eh.""Anong klaseng bawal naman? She just cares for you, 'Nak. Never mong pagsalitaan ng ganyan ang tita mo, okay?"mahinahon kong sabi.Sumimangot siya. "Binabawalan niya kasi ako maglaro ng gagamba. Hm
Mikhael~ May mga bagay talaga na dumadating ng hindi mo inaasahan. Ayos lang sana kung magaganda pero minsan nakakasakit. Pauwi ako ng mansyon mula sa meeting. Pinili kong dumeretso roon para matulog. Susubukan kong ipikit ang mga mata matapos ang ilang gabi na kinakastigo ako ng insomia. Makirot pa rin ang puso ko matapos ng konprontasyon namin ni Althea. Hindi ko siya kayang bitawan. Nakaukit na siya sa puso ko. Hindi ko matitiis na physically nandito pero hindi ko sa makakapiling. Tatapusin ko na ang kabalastugan ni Milena. Pitong taon niya akong kunulong. Nasa ilalim ako ng pagninilay nang umuga ang cellphone ko. Agad kong dinukot. "Yes, Nicola. Something's wrong?" Sagot ko. Hindi ko pinahimig na wala ako sa mood. "Can I ask a favour?" Nag-aalinlangan niyang balik tanong. "What is it?" Tipid kong tugon. Bumuntong-hininga siya. "Pwede ko ba ipapasundo ang kambal ko sa eskwelahan?" "Why not? Anong eskwelahan naman?" "Doon sa Liverpool Academy,"lahad niya. Nasa imah
Mikhael~Sa susunod na pangyayari, tumatakbo ako sa magulong pasilyo ng hospital. Ginala ang paningin nang makarating sa emergency room. Ilang sandali, nahagip ko si Althea. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng pader, tinakasan ng kulay ang mukha, namamaga ang mga mata sa kaiiyak. Nasa tabi niya pa rin iyong kaibigan kanina. Medyo pamilyar sa akin pero hindi ko matandan kung saan ko nakita.Sumandal siya sa balikat ng kaibigan niyang babae. Mabanayad nitong tinatapik ang braso niya. Inangat niya ang ulo nang maramdaman ang presensiya ko. Nagsalubong kami ng tingin. Walang bahid ng galit sa mukha niya subalit puno ng sakit. Kumislot ako. Sumikip ang dibdib ko dahil sa guilt."Althea, I'm... "babasagin ang boses ko nang sinubukan kong hugutin ang mga salita. "I'm sorry... I didn't see him. Hindi ko sinasadya."Kinagat niya ang ibabang labi. Inirapan niya lamang ako. Kumikinang ang mga mata niya at may nagbabadyang mga luha, ngunit bago siya makatugon
Althea~"Mom?" Nagising ako sa paos na boses ni Raven. Naupo akong natulog sa gilid niya. Mabibigat ang talukap ng aking mga mata nang minulat iyon. Hinabol ko ang hininga habang unti-unti siyang naaninagan. Umikit ang maliit na ngiti sa kanyang mukha. Maputla siya. Hinang-hina pa mula sa operasyon. Buhol-buhol ang paghinga dahil sa oxygen sa ilong. Hinaplos niya ang kamay ko na nakapatong sa tyan niya gamit ang kamay niyang may dextrose. "Anak!" Nabubuhayang tawag ko sa kanya. "Kumusta ang pakiramdam mo?"May ibang kislap sa kanyang mga mata. Malakas ang kabog ng puso ko sa saya nang magising siya matapos ang isang araw."Mom, napaniginipan ko po si Daddy. Ewan kung panaginip ba 'yon kasi ramdam na ramdam ko ang mainit niya haplos. Tapos naiiyak siya habang sinasamahan niya ko rito,"kwento niya.Umuwang ng kaunti ang bibig ko. Totoo 'yon. Hindi siya nanaginip. Totoong sinamahan siya ni Mikhael buong magdamag noong nakaraang gabi. Ayaw pa nga'ng umalis noong hindi ko pinagtabuyan. M