Mikhael~Sa susunod na pangyayari, tumatakbo ako sa magulong pasilyo ng hospital. Ginala ang paningin nang makarating sa emergency room. Ilang sandali, nahagip ko si Althea. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng pader, tinakasan ng kulay ang mukha, namamaga ang mga mata sa kaiiyak. Nasa tabi niya pa rin iyong kaibigan kanina. Medyo pamilyar sa akin pero hindi ko matandan kung saan ko nakita.Sumandal siya sa balikat ng kaibigan niyang babae. Mabanayad nitong tinatapik ang braso niya. Inangat niya ang ulo nang maramdaman ang presensiya ko. Nagsalubong kami ng tingin. Walang bahid ng galit sa mukha niya subalit puno ng sakit. Kumislot ako. Sumikip ang dibdib ko dahil sa guilt."Althea, I'm... "babasagin ang boses ko nang sinubukan kong hugutin ang mga salita. "I'm sorry... I didn't see him. Hindi ko sinasadya."Kinagat niya ang ibabang labi. Inirapan niya lamang ako. Kumikinang ang mga mata niya at may nagbabadyang mga luha, ngunit bago siya makatugon
Althea~"Mom?" Nagising ako sa paos na boses ni Raven. Naupo akong natulog sa gilid niya. Mabibigat ang talukap ng aking mga mata nang minulat iyon. Hinabol ko ang hininga habang unti-unti siyang naaninagan. Umikit ang maliit na ngiti sa kanyang mukha. Maputla siya. Hinang-hina pa mula sa operasyon. Buhol-buhol ang paghinga dahil sa oxygen sa ilong. Hinaplos niya ang kamay ko na nakapatong sa tyan niya gamit ang kamay niyang may dextrose. "Anak!" Nabubuhayang tawag ko sa kanya. "Kumusta ang pakiramdam mo?"May ibang kislap sa kanyang mga mata. Malakas ang kabog ng puso ko sa saya nang magising siya matapos ang isang araw."Mom, napaniginipan ko po si Daddy. Ewan kung panaginip ba 'yon kasi ramdam na ramdam ko ang mainit niya haplos. Tapos naiiyak siya habang sinasamahan niya ko rito,"kwento niya.Umuwang ng kaunti ang bibig ko. Totoo 'yon. Hindi siya nanaginip. Totoong sinamahan siya ni Mikhael buong magdamag noong nakaraang gabi. Ayaw pa nga'ng umalis noong hindi ko pinagtabuyan. M
Althea~Althea kung maaari —" Hindi niya natapos nang biglang sumigaw si Raven."Daddy?! Ikaw ba 'to?" Kinukusot niya ang mga mata. Kinurap-kurap. Sinisiguradong totoo ang nakikita. "Si Daddy mo nga talaga 'yan,"mahina kong kompormasyon. Tumayo ako para bigyan siya ng daan. At sinugurado ko na hinding-hindi ko siya titignan."Yehey! Finally, magkasama na tayo. Ayaw mo kasi maniwala noon na anak mo ako,"komento ni Raven pero nakadipa na dalawang kamay. Handang-handa na salubungin ang ana.Pinatong ni Mikhael ang teddy bear na bitbit sa paanan nito bago niyakap ng mahigpit si Raven. Tila uminit ang mga mata ko. Naiiyak ako sa kadramahan naming tatlo. Kay sarap isipin na kumpleto kamo. Parang tunay na pamilya."Paano mo nalaman na ako ang tatay mo?" Takang tanong ni Mikhael, nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama nito.Lumabi si Raven. Napaisip. Hawak-hawak niya ang t-shirt ng ama saka pinatong ang panga sa balikat nito. Sinulyapan ako. Humihingi yata ng permission na sabihin niya. Tipid
Mikhael~Nakamukmuk ako sa isang sulok ng kwarto ko. Madilim. Kumalat ang mga papel, mga libro, at ibang bagay sa sahig matapos kong magwala at pinalipad lahat ng iyon mula sa itaas ng mga lamesa na mahahagilap ko. Niyakap ko ang mga tuhod. Basang-basa ng pawis ang suot kong shirt. Naging mabaho ako sa alak na kumalat sa katawan ko. Limang botelya na ang nuubos ko subalit hindi naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.Buong akala ko magiging maayos na ang lahat. Nakilala ko na ang anak ko. Masusuyo ko ulit ang ina siya. Subalit, sinira ako ng isang rebelasyon. At hindi ko matatanggap iyon.Nakakahiya. Nakakadiri. Nakipagrelasyon ako sa half-sister ko. Hindi maaari. Hindi kami magkadugo ni Althea!"Anak?" Dinig kong tawag ni Mama. Sumagitsit ang pinto nang binuksan niya. Hindi ako nag-abalang iangat ang tingin sa kanya."What's happening? Why are you suddenly like this?" Nasa tono niya ang pagkabahala habang humahakbang palapit sa akin. "Pwede ba'ng sabihin mo sa'kin na hindi ako toto
Mikhael~Inaayos ko ang buhok habang naglalakad papasok ng hospital. Sinunod ko ang utos ng nanay ko pero kusang bumabalik ang puso ko kay Althea. Naghinayang. Nasaktan. Nalungkot. Subalit pilit akong lumalapit sa sa kanya. Gusto ko rin makapiling ang anak ko. Gusto kong bumawi. Wala akong pakialam kung magkadugo man kami. Bitbit ko ang ilang prutas, naparami ako ng lagay ng orange. Nalaman kong paborito ito ni Raven. Nasa lobby ako nang mamataan si Althea. May kasama siyang lalaki. Matangkad ito, kasing tangkad ko. Magulo na nakatali ang buhok ni Althea at halatang hindi pa nakakatulog. Masinsinan na nag-uusap ang dalawa. Lalapitan ko sana sila pero bigla silang nagyakapin.Nanigas ang panga ko. Iniba ang tingin. Bago pa mawalan ako ng kontrol, minabuti kong dumeretso sa hospital room."Daddy!"Salubong ni Raven. Nakaupo siya sa kama ay may hawak na tablet. Tumayo si Nova mula sa kinauupuan.Gumaan ang loob ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko. Inabot ko muna ang basket kay Nova saka
Althea~"M-Matteo?!"Gulat na sigaw ng nanay ni Mikhael. Binaba ko ang kanang kaliwang kamay na kanina'y saposapo ang aking pisngi, naguguluhan pa rin sa sakit at gulat sa nangyayari. Kasi biglang dumating ang matandang lalaki na tantya ko'y nasa mid-50s na, at animo'y tumigil ang mundo ko sa presesinya niya. Kasabay no'n ang paglaki ng mga mata ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nanilim ang panignin ko, hindi ko alam kung saan babaling. Litong-lito ako sa lahat ng nangyayri, nasa isang sitwasyon ako na mahirap takasan. Sa kabila ng takot, nilakasan ko ang loob. Kailangan kong harapin ang susunod na mangyayari kahit nagngangalit sa kaba ang buo kong pagkatao."What the hell is happening here?" Nilipat-lipat nito ang tingin sa pagitan namin. Bumakas ang lito sa mukha nito.Napaptuwid ng tayo si Aurelia.Lihim kong inahangaan ito noon pero kinasusuklam ko ngayon. Nalaman niyang anak ako ni Matteo Henderson at parang tinatangka niya akong patayin."Oh, nothing you'd concern yoursel
Althea~ Parang panaginip ang lahat. Di ko maikurap ang aking mga mata. Nakatayo ako sa harap ng tatay ko. "Pa,"basag katahimikan ko. Nanginig ang labi niya. At niyakap ako ng pagkahigpit. Tumalom ang puso ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko ang inip ng yakap ng isang ama. Heto, di ko mapigilang mapatulo ng luha. "Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako kung iniwan ko kayo. Patawarin mo ako sa dami ng pagkukulang sa inyo,"paos na boses na usal niya. Sumikip ang dibdib ko sa walang humpay na paghingi ng patawad. "Kailanma'y hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa'yo,Pa. Tinatanggap ko ang rason mo kaya iniwan mo si Mama. Ang importante nakilala ko po kayo,"mahina kong tugon. Nililibing ng hikbi ko ang boses ko. Kumalas siya. He pressed his lips into a thin line, and he looked at me affectionately. "Babawi ako anak. Hindi ko na ulit kayo iiwan ni Amelia. Starting now, you will be officially my daughter. You will become a member of this family." "P-Pero hindi pwede, I'm your ill
Mikhael~Gusto ko lang sorpresahin si Milena. Tutuldukan ko lang ang matagal naming relasyon. Ayoko siyang pahirapan. Ayoko s'ya gumaya sa nanay ko na ni katiting na pagmamahal mula sa tatay ko ay din natatanggap.Humugot ako ng malalalim na hininga matapos sipatin ang oras sa kumikinang kong luxury watch. Nakatayo ako sa harap ng bahay ni Milena. Pasado alas singko ng hapon. Lumulubog ang araw. Unti-unting tinatakpan ng anino ang paligid. Nagdalawang isip muna ako bago pinindot ang door bell. Haharapin ko ang dalawang buwaya. Kailangan ko ang maraming pasensiya at lakas ng loob para makumbinsi sila. Maya-maya'y bumukas ang pinto. Tyempong ang malaiwanag na mukha ni Milena ang tumunghay sa'kin. Pinaskil agad ang matamis niyang ngiti.Nakasuot siya ng kulay asul na malamig sa mga mata na sundress. Nilugay ang maalon na buhok. Sinubukan niyang maging cute pero lalo akong nasuklam sa kanya."What a nice suprise babe! Is there something wrong kaya napadalaw ka? Nag-away naman ba kayo ni