Share

40—Patience

Mikhael~

Inaayos ko ang buhok habang naglalakad papasok ng hospital. Sinunod ko ang utos ng nanay ko pero kusang bumabalik ang puso ko kay Althea. Naghinayang. Nasaktan. Nalungkot. Subalit pilit akong lumalapit sa sa kanya. Gusto ko rin makapiling ang anak ko. Gusto kong bumawi. Wala akong pakialam kung magkadugo man kami.

Bitbit ko ang ilang prutas, naparami ako ng lagay ng orange. Nalaman kong paborito ito ni Raven. Nasa lobby ako nang mamataan si Althea. May kasama siyang lalaki. Matangkad ito, kasing tangkad ko. Magulo na nakatali ang buhok ni Althea at halatang hindi pa nakakatulog. Masinsinan na nag-uusap ang dalawa. Lalapitan ko sana sila pero bigla silang nagyakapin.

Nanigas ang panga ko. Iniba ang tingin. Bago pa mawalan ako ng kontrol, minabuti kong dumeretso sa hospital room.

"Daddy!"Salubong ni Raven. Nakaupo siya sa kama ay may hawak na tablet. Tumayo si Nova mula sa kinauupuan.

Gumaan ang loob ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko. Inabot ko muna ang basket kay Nova saka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status