Mikhael~ Mahigpit kong hinawakan ang paintball gun, nanghihimalid ako sa poot habang tumatago kasama si Kendrix sa likod ng mga lumang bariles. Tumungo ako rito upang palabasin lahat ng hinanakit ko kay Milena. Sa wakas, gumaan ang pakiramdam ko. Tila nakawala ako sa kulungan. Gusto kong mag-enjoy sa gabing ito. "Seryoso ka ba, bro? Nilalaro natin ang boring na game na ito?"reklamo ni Kendrix. Ang nag-iisang pinsan ko na kasama sa lahat ng gusto kong laro. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayaw mong mag-basketball eh,"banat ko. "Gusto ko ng billiard,"pakli niya. "May taya naman eh,"asik ko. Sasabat sana pero may nagpaputok ng kulay verdeng pulbos sa kanya. Humalakhak ako. Mukha siyang alyen ngayon. Eksakto talaga ang outdoor arena na maraming hadlang at kalaban upang maipalabas lahat ng tensyon na kinikimkim ko. "Bastardo! Who is it, huh?" Hinanap niya ang kalaban. Malapad na nakangiti si Ashton Diego—ang kaibigan namin na kakauwi lang galing States. Dating marketing director ng kom
Althea~Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga bulaklak sa maliit naming hardin. Day off ko ngayon. Kasama ko si Raven. Masayang nalalaro sa halaman ng kalamansi. Inakala niyang orange kaya panay ang dasal na sana mamunga na. Umukit ang kasiyahan sa aking mukha."Mom, may posibilidad ba na mamunga ng orange ang kalamansi? Dinidiligan ko naman ito ng orange juice,huh,"inosente niyang tanong. Lumapad ang tawa ko.Umiling-iling ako. Binaba ko ang sprinkler. Tumanghod ako sa tabi niya. Abot-tenga ang ngiti ko at hinagod ang ulo niya."Magiging kulay orange siya pero hindi lalaki gaya ng orange,"sabi ko na nalilito kung sa mga salitang binanggit ko.Maang niya akong sinulyapan saka binalik ang atensyon sa halaman. Hinimas-himas niya isa-isa ang mga dahon. Dalawang linggo ang nakakaraan matapos kong matuklasan na half-brother ko si Mikhael at makilala si Matteo. Animo'y panaginip, pero ang totoo'y bangungot. Isang kahindik-hindik na rebelasyon na hindi ko kayang tanggapin sapagkat ama ni Rave
Althea~Umibis ako mula sa sinehan kasama si Riley at Raven. Nilisan namin ang madilim na bahagi kaya nasilawan ako sa maliwanag na lobby. Binaba ko ang tingin sa anak ko na hawak-hawak ang aking kamay. Nangningning pa rin sa excitement ang mga mata ni Raven. Mukhang naaliw siya sa film. Ito ang unang beses niya na pumunta ng sinehan nang makarating kami sa Pilipinas."Satisfied huh,"basag katahimikan ko. Sininghot ko ang amoy ng popcorn. Lumandag-lundag siya sa tuwa.Natatawang yumukod si Riley. "Okay, sino ang paborito mo sa kanila, Raven? Si Joy ba? Anger?"Tanong niya sabay imitate sa character ini Anger.Raven grinned, kinalas ang kamay para kumibit-balikat. "Sa palagay ko...si Fear. Nakakatawa siya. Palaging takot kagaya ko,"amin ni Raven saka tumingala sa akin na may maliit na ngiti. "Kagaya mo naman si Joy, Mommy. Palaging masaya."I couldn't help but smile, ruffling his hair. "Well, thank you, baby. Pero nakalimutan mo ako ang pinaghalong emosyon nila."Ngumiti lang si Riley.
Mikhael~Matapos ng eksenang ginawa ni Milena hindi na ako nagpakita sa kanya. Nabalitaan kong pinadala siya sa America ng mga magulang niya. Dalawang linggo akong natahimik. Subalit hindi ko nagustuhan ang mga araw na 'yon. Naging malamig kami sa isa't isa ni Althea. Mahirap tanggapin na magkapatid kami. Para sa akin, s'ya ang babaing papakasalan ko. Tumiim bagang ako nang pinatay ni Althea ang tawag. Matapos non ay tinungo ko ang mall kahit di sigurado kung aling mall ang pinasukan nila. Nagbakasakila. At bingo, natagpuan ko siya sa ice cream parlor malapit sa exit. Kasama niya si Raven at di nawawala ang mukhang asong-ulol na si Riley. Ang kaibigan niyang nakilala sa Belgium noon. Wala akong tiwala sa herodes na ito, natantya ko na may ulterior motives siya sa babae ko. Bagamat alam niya na half-sister ko si Althea, di ko hahayaan na makuha niya ito.Nakipagsagutan ako sa matigas na Althea pero nakuha ko rin siya sa huli. Kinadkad ko siya sa sasakyan at dinala ko sa mansyon. Wala
Althea~Nagkaaltapresyon ata ako kahapon sa inasal ni Mikhael. Nabwesit ako ng husto kung paano niya kami kinaladkad ni Raven. Tapos, minasama pa niya si Riley. Kahit i-deny niya, alam kong nagseselos siya. Parang sapakin niya nga ang kaibigan ko. Natawa ako no'ng nagpakitang gilas siya sa pagluto. Ang asim ng spaghetti niya kaya't di nagustuhan ng anak niya at nauwi kami sa pagkain ng pizza. Nagpumilit siyang mag-night over kami roon pero inaway ko siya sa harap ni Raven. Napagtagumapayan kong umuwi.Lunes ng umaga. Pasado alas nwebe ng umaga. Nakatayo ako sa harap ng elevator. Tumitingala ako sa dami ng iniisip nang may aninong tumabi sa'kin. Pinagmasdan ko s'ya mula sa gilid ng mata ko. Ngumiwi ako nang matukoy ang tisoy na chinito."Hindi pa tayo tapos,Althea,"bungad ni Mikhael. Nainganyo ako sa presko niyang mukha, idagdag pa ang mabango niyang amoy. I don't understand he always used that Creed Aventus perfume na niregalo ko sa kanya seven years ago. the blend of fruity and smok
Mikhael~ Nagseselos ba ako? Ang sakit ng dibdib kong makitang nakikipaglandian si Althea kay Beau. Pagkatapos ng usapan namin kanina sa canteen ay agaran akong dumeretso sa office. Di ko pinansin si James. Abala siyang ini-imporma ang susunod kong schedule. Balak ko sanag ipa-cancel kaso mga investor at bagong kleyente. Sayang naman. Hinugot ko sa bulsa ng blazer ang cellphone bago hinabad iyon. Pinatong ko sa braso ang blazer bago pinindot ang call icon sa ibaba ng numero ni Althea. Gusto kong parusahan siya. Ipapaliwanag niya ang kalokohang ginawa kanina. Hindi niya sinagot ang tatlong missed call ko. Tumiim bagang ako. Initsa ang blazer at padabog na lumabas ng opisina. Umaapoy ako sa galit na tinatahak ang kahaban ng pasilyo. Di inalintana ang mga empleyadong gulat akong sinalubong. Dire-diretso ako sa opisina ng babaing pinahahapdi ang dibdib ko. "Althea!"Tawag ko. Eksaktong papalabas siya. Malakas kong sinara ang pinto. Walang pakialam kung may maranig 'non at ma-eskand
Mikhael~Mataman kong tinitigan si Riley. "What the hell were you thinking? You let my son touch all these spicy ingredients! He's just a kid!"Sigaw ko, nasa tono ng pananalita ang frustration.Inangat niya ang dalawang kamay. "Hold on, dude! Alam ni Raven ang ginagawa niya. Mahilig 'yang mangulo saka gusto-gusto magluto, alam muna palaging nag-e-experiment ng flavors 'yan,"pa-cool niyang saad.Umiling ako."Are you fooling me? He's seven years old! Do you really think it's a good idea to let him play with chilli peppers?""Look, I understand your concern, but you should have seen him! Kayang-kaya niyang humawak ng spices. Mahilig siya sa pagluluto. Dapat nga hikayatin natin kesa pagbawalan. May potensyal si Raven,"rason niya.Lalong tumindi ang inis ko sa kanya. "May potensyal? Nagpapatawa ka ba?Bata pa rin yan. Paanpo kung may masamang manyayari sa kanya?"Ramdam ko ang frustration sa hilatsa niya. "You're overreacting! Hindi niya kinakain ang sili. Gusto niya lamang matutu gumawa ng
Althea~ Nanakit ang ulo ko. Minamasahe ko ang gilid ng ulo habang tinatahak ang kahabaan ng glass-paneled office. Pasado alas tres ng hapon, ang oras kung kailan nadadama namin ang pagod sa usapan at ang hudyat upang sipatin ang oras. Nababagot ako pero wala pa sa kalahati ang trabaho ko. Nilisan ko ang nakatambak na papel sa desk ko. Gusto kong luminghap ng sariwang hangin. Papalitan ang maduming hangin sa aking baga. Saka kalimutan ang nanunuksong titig ni Mikhael—panay ang obserba niya at tila'y lihim na nagseselos. Idagdag pa si Beau na panay ang buntot. Kulang na lang ay lagyan ng buntot para maging aso na. Kakapagod. Gusto ko nang sabihin na magpinsan kami. Kaso di pwede hangga't di pa nilalahad ni Papa sa publiko. Si Riley lang yata ang nagpapakalma sa'kin. Palagi niya akong pinadadalhan ng matamis at nagpapalakas loob na text message. Salamat sa BFF ko. Bahagya akong humina sa paglalakad nang matanaw ang matangkad na bulto ng lalaki. Papasalubong siya. May malapad na ngiti.