Mikhael~ May mga bagay talaga na dumadating ng hindi mo inaasahan. Ayos lang sana kung magaganda pero minsan nakakasakit. Pauwi ako ng mansyon mula sa meeting. Pinili kong dumeretso roon para matulog. Susubukan kong ipikit ang mga mata matapos ang ilang gabi na kinakastigo ako ng insomia. Makirot pa rin ang puso ko matapos ng konprontasyon namin ni Althea. Hindi ko siya kayang bitawan. Nakaukit na siya sa puso ko. Hindi ko matitiis na physically nandito pero hindi ko sa makakapiling. Tatapusin ko na ang kabalastugan ni Milena. Pitong taon niya akong kunulong. Nasa ilalim ako ng pagninilay nang umuga ang cellphone ko. Agad kong dinukot. "Yes, Nicola. Something's wrong?" Sagot ko. Hindi ko pinahimig na wala ako sa mood. "Can I ask a favour?" Nag-aalinlangan niyang balik tanong. "What is it?" Tipid kong tugon. Bumuntong-hininga siya. "Pwede ko ba ipapasundo ang kambal ko sa eskwelahan?" "Why not? Anong eskwelahan naman?" "Doon sa Liverpool Academy,"lahad niya. Nasa imah
Mikhael~Sa susunod na pangyayari, tumatakbo ako sa magulong pasilyo ng hospital. Ginala ang paningin nang makarating sa emergency room. Ilang sandali, nahagip ko si Althea. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng pader, tinakasan ng kulay ang mukha, namamaga ang mga mata sa kaiiyak. Nasa tabi niya pa rin iyong kaibigan kanina. Medyo pamilyar sa akin pero hindi ko matandan kung saan ko nakita.Sumandal siya sa balikat ng kaibigan niyang babae. Mabanayad nitong tinatapik ang braso niya. Inangat niya ang ulo nang maramdaman ang presensiya ko. Nagsalubong kami ng tingin. Walang bahid ng galit sa mukha niya subalit puno ng sakit. Kumislot ako. Sumikip ang dibdib ko dahil sa guilt."Althea, I'm... "babasagin ang boses ko nang sinubukan kong hugutin ang mga salita. "I'm sorry... I didn't see him. Hindi ko sinasadya."Kinagat niya ang ibabang labi. Inirapan niya lamang ako. Kumikinang ang mga mata niya at may nagbabadyang mga luha, ngunit bago siya makatugon
Althea~"Mom?" Nagising ako sa paos na boses ni Raven. Naupo akong natulog sa gilid niya. Mabibigat ang talukap ng aking mga mata nang minulat iyon. Hinabol ko ang hininga habang unti-unti siyang naaninagan. Umikit ang maliit na ngiti sa kanyang mukha. Maputla siya. Hinang-hina pa mula sa operasyon. Buhol-buhol ang paghinga dahil sa oxygen sa ilong. Hinaplos niya ang kamay ko na nakapatong sa tyan niya gamit ang kamay niyang may dextrose. "Anak!" Nabubuhayang tawag ko sa kanya. "Kumusta ang pakiramdam mo?"May ibang kislap sa kanyang mga mata. Malakas ang kabog ng puso ko sa saya nang magising siya matapos ang isang araw."Mom, napaniginipan ko po si Daddy. Ewan kung panaginip ba 'yon kasi ramdam na ramdam ko ang mainit niya haplos. Tapos naiiyak siya habang sinasamahan niya ko rito,"kwento niya.Umuwang ng kaunti ang bibig ko. Totoo 'yon. Hindi siya nanaginip. Totoong sinamahan siya ni Mikhael buong magdamag noong nakaraang gabi. Ayaw pa nga'ng umalis noong hindi ko pinagtabuyan. M
Althea~Althea kung maaari —" Hindi niya natapos nang biglang sumigaw si Raven."Daddy?! Ikaw ba 'to?" Kinukusot niya ang mga mata. Kinurap-kurap. Sinisiguradong totoo ang nakikita. "Si Daddy mo nga talaga 'yan,"mahina kong kompormasyon. Tumayo ako para bigyan siya ng daan. At sinugurado ko na hinding-hindi ko siya titignan."Yehey! Finally, magkasama na tayo. Ayaw mo kasi maniwala noon na anak mo ako,"komento ni Raven pero nakadipa na dalawang kamay. Handang-handa na salubungin ang ana.Pinatong ni Mikhael ang teddy bear na bitbit sa paanan nito bago niyakap ng mahigpit si Raven. Tila uminit ang mga mata ko. Naiiyak ako sa kadramahan naming tatlo. Kay sarap isipin na kumpleto kamo. Parang tunay na pamilya."Paano mo nalaman na ako ang tatay mo?" Takang tanong ni Mikhael, nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama nito.Lumabi si Raven. Napaisip. Hawak-hawak niya ang t-shirt ng ama saka pinatong ang panga sa balikat nito. Sinulyapan ako. Humihingi yata ng permission na sabihin niya. Tipid
Mikhael~Nakamukmuk ako sa isang sulok ng kwarto ko. Madilim. Kumalat ang mga papel, mga libro, at ibang bagay sa sahig matapos kong magwala at pinalipad lahat ng iyon mula sa itaas ng mga lamesa na mahahagilap ko. Niyakap ko ang mga tuhod. Basang-basa ng pawis ang suot kong shirt. Naging mabaho ako sa alak na kumalat sa katawan ko. Limang botelya na ang nuubos ko subalit hindi naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.Buong akala ko magiging maayos na ang lahat. Nakilala ko na ang anak ko. Masusuyo ko ulit ang ina siya. Subalit, sinira ako ng isang rebelasyon. At hindi ko matatanggap iyon.Nakakahiya. Nakakadiri. Nakipagrelasyon ako sa half-sister ko. Hindi maaari. Hindi kami magkadugo ni Althea!"Anak?" Dinig kong tawag ni Mama. Sumagitsit ang pinto nang binuksan niya. Hindi ako nag-abalang iangat ang tingin sa kanya."What's happening? Why are you suddenly like this?" Nasa tono niya ang pagkabahala habang humahakbang palapit sa akin. "Pwede ba'ng sabihin mo sa'kin na hindi ako toto
Mikhael~Inaayos ko ang buhok habang naglalakad papasok ng hospital. Sinunod ko ang utos ng nanay ko pero kusang bumabalik ang puso ko kay Althea. Naghinayang. Nasaktan. Nalungkot. Subalit pilit akong lumalapit sa sa kanya. Gusto ko rin makapiling ang anak ko. Gusto kong bumawi. Wala akong pakialam kung magkadugo man kami. Bitbit ko ang ilang prutas, naparami ako ng lagay ng orange. Nalaman kong paborito ito ni Raven. Nasa lobby ako nang mamataan si Althea. May kasama siyang lalaki. Matangkad ito, kasing tangkad ko. Magulo na nakatali ang buhok ni Althea at halatang hindi pa nakakatulog. Masinsinan na nag-uusap ang dalawa. Lalapitan ko sana sila pero bigla silang nagyakapin.Nanigas ang panga ko. Iniba ang tingin. Bago pa mawalan ako ng kontrol, minabuti kong dumeretso sa hospital room."Daddy!"Salubong ni Raven. Nakaupo siya sa kama ay may hawak na tablet. Tumayo si Nova mula sa kinauupuan.Gumaan ang loob ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko. Inabot ko muna ang basket kay Nova saka
Althea~"M-Matteo?!"Gulat na sigaw ng nanay ni Mikhael. Binaba ko ang kanang kaliwang kamay na kanina'y saposapo ang aking pisngi, naguguluhan pa rin sa sakit at gulat sa nangyayari. Kasi biglang dumating ang matandang lalaki na tantya ko'y nasa mid-50s na, at animo'y tumigil ang mundo ko sa presesinya niya. Kasabay no'n ang paglaki ng mga mata ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nanilim ang panignin ko, hindi ko alam kung saan babaling. Litong-lito ako sa lahat ng nangyayri, nasa isang sitwasyon ako na mahirap takasan. Sa kabila ng takot, nilakasan ko ang loob. Kailangan kong harapin ang susunod na mangyayari kahit nagngangalit sa kaba ang buo kong pagkatao."What the hell is happening here?" Nilipat-lipat nito ang tingin sa pagitan namin. Bumakas ang lito sa mukha nito.Napaptuwid ng tayo si Aurelia.Lihim kong inahangaan ito noon pero kinasusuklam ko ngayon. Nalaman niyang anak ako ni Matteo Henderson at parang tinatangka niya akong patayin."Oh, nothing you'd concern yoursel
Althea~ Parang panaginip ang lahat. Di ko maikurap ang aking mga mata. Nakatayo ako sa harap ng tatay ko. "Pa,"basag katahimikan ko. Nanginig ang labi niya. At niyakap ako ng pagkahigpit. Tumalom ang puso ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko ang inip ng yakap ng isang ama. Heto, di ko mapigilang mapatulo ng luha. "Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako kung iniwan ko kayo. Patawarin mo ako sa dami ng pagkukulang sa inyo,"paos na boses na usal niya. Sumikip ang dibdib ko sa walang humpay na paghingi ng patawad. "Kailanma'y hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa'yo,Pa. Tinatanggap ko ang rason mo kaya iniwan mo si Mama. Ang importante nakilala ko po kayo,"mahina kong tugon. Nililibing ng hikbi ko ang boses ko. Kumalas siya. He pressed his lips into a thin line, and he looked at me affectionately. "Babawi ako anak. Hindi ko na ulit kayo iiwan ni Amelia. Starting now, you will be officially my daughter. You will become a member of this family." "P-Pero hindi pwede, I'm your ill
MIKHAELI gently cradle my newborn son in my arms, my heart swelling with an overwhelming mix of joy and love. Kumikislap ang malambot na liwanag sa kanyang mukha na pinatitingkad ang kanyang mala-anghel na mukha. Pinupog ko siya ng halik sa pisngi. Tila matutunaw ako nang binuksan ni Rael ang kanyang mga mata. Kuhang-kuha niya ang kulay ng mga mata ko. Walang duda na anak ko siya. Magkahawig kami sa lahat ng angolo ng kanyang hitsura."Love, matutunaw na 'yan si Rael,"sabad ni Althea. Kakalabas niya galing sa banyo."Ako yata ang tinutunaw nito,"natatawa kong sabi na hinalikan ulit ang anak ko.Ngumingising umiling-iling ang asawa ko. Uuwi kami ngayong araw matapos ang tatlong araw na nanatili siya sila sa hospital. Sa wakas makakasama ko na rin ang anak ko. "Dad, patingin po kay Rael,"sumulpot si Raven. Napa-tiptoe siya para makita ang kapatid. Pabiro kong nilayo ito sa kanya."Dad! Ako kaya ang nagpangalan sa little brother ko kaya wala kang karapatan na pagkain siya sa akin!" Naw
MikhaelNakatirik na ang araw nang magising ako sa bench ng hospital. Dinilat ko ang mga mata nang may kumalibit sa akin."Son, how are you?" Bungad ni Dad.Parang gusto kong humikbi, imbes bumunting hininga ako. "I don't know if I'm okay or not, but Althea..."Umupo sa ko si Amelia. Hinagod niya ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat anak. Kilala ko si Althea, matapang siya at kaya niyang ilagtas ang sarili at ang anak niya.""S-Salamat, Ma. Parang ako mababaliw ngayon." Napahilamos ako ng mukha."Manalig ka. Hindi tayo bibiguin ng Diyos,"punong-puno ng pag-asang pahayag niya. Napansin ko ang hawak niyang rosaryo.Eksasperadong napameywang si Dad. "I still can't believe that Milena is capable of doing this. Nakilala ko siyang mabuting bata.""She turned insane because of me,"konklusyon ko.Umiling-iling siya. Sandali kaming nag-uusap pero mayamaya'y dumating ang doctor. Tumayo kami, matitigas ang ekspresyon na tinuun ang atensyon sa kanya."Mr. Henderson, I know you're worried,
MikhaelPasado ala una ng umaga. Madilim ang mansion ni Milena nang dumating kami. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa magkahalong poot at desperasyon. Dumadalantay ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang tinatahak namin ang hardin kasama si Nicola at ang SWAT team. Kanya-kanya silang pumwesto–maingat na nagmamatyag, alerto at tinitiyak na makakahanap ng pwedeng mapasukan na hindi mapapansin ng ilang tauhan ni Milena na abala sa pagmamatyag dito sa labas.I clenched my fists at my side. Hindi ko sukat akalain na naging ganito ka baliw si Milena para makuha ako. Titiyakin kong magsisisi siya sa pananakit ng mga taong mahal ko. Tutuldukan ko ang lahat sa araw na 'to."Stay sharp," bulong ni Nicola. I could feel the tension in the air– the danger, the anticipation.Dumako ang mga mata ko nang may bumuhay ng ilay sa isang kwarto sa ikalawang palapag. May ilang anino na naglakad-lakad saka agad na nawala. Malamang nanroon ang mag-ina ko.Kumaway si Nicola upang ipagbigay ala
Mikhael Binungad kami ng nagkikislapang kulay pula at asul na liwanag na nagmumula sa ilaw ng sasakyan ng mga pulis. Natapos din ang kaguluhan, ang isang problema ko sa tunay kong ama pero may naiwan pang mas matindi.My chest heaving as I stood amidst the aftermath, and the metallic taste of fear is still lingering on my tongue. Sinundan ko ng tingin ang mga puli habang inaalalayan nila si Georffrey—ang sugatan kong ama,papunta sa armed ambulance. Namamasa ng dugo ang balikat niya, maputla ang hitsura, masalimuot ang hitsura dahil sa kirot ng sugat pero nanatiling maangas. Nakasunod sa kanyang likuran si Mom na nakahiga sa stretch. Kumirot ang dibdib ko sa sitwasyon niya ngayon. Mukha siyang marupok, nangingisay at nilalaban na idilat ang mga mata. Ibang-iba ang mukha niya ngayon, nawala ang kaangasan niya bilang dignified at maawtoridad na babae.My mind spun for a second, barely able to process the whirlwind around him. Mayamaya ay nakita ko sa isang angolo ng akong mata si Giorg
AltheaDumantal ang malamig na bagay sa aking pisngi sanhi ng pagkagising ko. Nalaman kong nakahiga ako sa matigas at basang sahig. Pumitik ang kirot sa sentido ko nang ako'y pumiglas, at namalayang nakatali ang dalawang kamay ko na nasa aking likuran. Naka-plaster ang aking bibig, ramdam ko ang malagkit na adhesive na humihila sa aking labi. I blinked, trying to adjust to the dim, suffocating darkness around me. Mabigat at namamasa ang hangin, naamoy ko ang moulds na bumabara sa aking ilong. Narinig ko ang mahinang patak ng tubig sa di kalayuan, at tila sinisipsip ng lamig ang mga buto ko. Pakiramdam ko nilibing ako sa ilalim ng mansyon, huli nang mabatid kong nasa underground prison ako ng mansiyon. Hindi ko lubos akalain na may ganitong lugar sa pamamahay ni Milena. Sadyang pinanganak siyang masamang tao.Then, I heard it—a soft, pitiful sound that made my blood run cold. May isang batang umiiyak. Kilala ko ito. Bumilis ang pintig ng puso ko nang hinanap ko ito.Raven! Nais kong i
Althea~Umaapaw ang paghihinagpis ko matapos malaman na kinidnap din si Mikhael. Dinala ako ni Nicola sa mansyon. Sinubukan niyang pakalmahin pero hindi ako huminto sa pag-iyak. Kapagkuwan ay dumating si Mama. Lalo akong umiyak nang makita ko siya."Ma, pinaparusahan ba ako ng Diyos? Hindi lang si Raven ang nawala pati na rin si Mikhael. Nawalan ako ng dalawa,Ma. Ano nang gagawin ko ngayon?" Durog na durog ang puso kong hiyaw.Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa sala. Niyapos niya ako, lumuluha habang hinahagod ang likod ko. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Mababalik din natin sila.""Para akong mababaliw. Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa kanila,"daing ko.Bumuntong hininga si Nicola. "Althea, nahanap na namin ang lokasyon ni Milena. Lulusubin namin siya ngayong gabi mismo,"imporma ni Nicola. Marahil napagod itago sa akin ang totoo.Umalis sila kanina ni Mikhael na di nagpapaalam.Tumahan ako. Dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso nang tumingin sa kanya.
Mikhael~Nagpakapal ako ng mukha. Pinakita kong hindi ako natinag sa pananakot niya."Ibibigay mo ang 100 million o papatayin ko ang nanay mo?"I gritted my teeth. "Patayin mo, wala akong pakialam. Tutal malaki rin ang atraso niya sa'kin."Nandilat siya. Binaba niya ang baril. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo. Paminsan-minsan lang gumagana ang utak. Hayun, muntik ko pang napatay. Salamat sa'yo, nadala mo siya hospital.""At ano namang pinagsasabi mo?" Tuluyan kong nakalagan ang mga kamay. Kung sakali mang may manggugulo sa'min, siguradong makakatakas ako."Mahal na mahal ka ng kapatid mong si Giorgianna, Mikhael. Handang-handa siyang ibuwis ang buhay para sa'yo,"tila nangigil niyang sambit.Mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig nang madiskubre na kapatid ko si Giorgianna. Sa haba ng panahon, matagal na palang alam ni Giorgianna at tinago niya para sa kaligtasan ko."Nagtagumpay nga siyang maging magkalapit kayo pero hindi naman nagawang perahan ka. Sobrang duwag! Sana pinangana
Mikhael Bago ko maligtas ang anak ko ay parang ako ang unang napahamak. Nasa kasagsagan ako sa pagpaplano para mahanap ang lokasyon ni Milena. Pababa ako sa huling baitang ng hagdan ng bukana ng company building nang may itim na van ang huminto sa harap ko. Patungo ako sa kotse ko at sumusunod si Nicola kasama ang mga alalay niya nang hinatak ako ng napakaraming lalaki na naka-itim na bonnet saka sinilid sa van. Huli na para iligtas ako ni Nicola sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ako makaakto nang pinasinghot nila ako ng pampatulog.Nagising ako sa isang sala ng marangyang mansion. Kinurap-kurap ko ang humahapdi kong mga mata. Malabo ang mga 'yon nang inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar.Ano naman ba ang iniisip ng hinayupak? Hindi ba sapat si Raven?Natuklasan kong nakagapos ang kamay at paa ko sa silya. Wala akong ideya kung ilang oras na ako rito. Kahit ano ang pamimiglas ko ay di ako makakawala. "Putang inamo, Milena! Nasaan ang anak ko? Pakaw
AltheaMuntik akong mawindang, mabuti'y agad akong hinawakan sa braso ni Mikhael."Ano'ng ginawa mo kay Raven? Milena sagutin mo ko!" Pigil ang mga luha kong sabi, niyayanig na rin ang buong kalaman ko.Tumigas ng panga ni Mikhael sa pag-alala."Wala. Gusto niya lang makipaglaro kaya sinama ko. Ang cute ni Raven pero kawawa naman. Alam mo kung bakit? Ikaw kasi ang nanay niya eh,"paarte niyang saad na may tawa sa dulo."Ano'ng pinagsasabi mo? Nasaan ang anak ko? Sagutin mo ko, ano'ng ginawa mo sa kanya?""Relax, Althea. He's safe for now. But I have a condition if you want you son.""What is it?""Iwan mo si Mikhael. Lumayo ka sa lugar na ito at hindi ka na magpapakita sa amin habambuhay!"I gritted my teeth, nanginginig na ako sa galit. "Ang lakas ng loob mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo! Napakababa mo, Milena! I warn you never ever touch my son!""I'll never hurt him if you follow. Pero kung magmatigas ka... hmmm, hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya,"she snarled."Subuka