"Sucks!"hiyaw ko nang mabara ako sa traffico. Sabado ngayon at inaasahan kong maayos ang daloy ng trapiko. Pupunta ako ngayon kung nasaan ang pesteng Milena na 'yan. May ginawa namang kalokohan. Hindi pa nakontento noong nakulong. Sana hindi ko na lang pinalaya.She's making a scapegoat para mapansin ko siya. Matapos itong bumalik mula sa Dubai ay hindi ko siya tinuan ng pansin. Nilubog ko ang sarili sa trabaho. Hindi na makakahinga sa kaliwa't kanang meeting. Idagdag pa si Althea nagusto kong pahirapan pero hindi ko nagawa. Nasa kasagsagan ako ng meeting nang tumawag ang empaktang iyan. Kailan ba ako tatantanan hah?Tinapik ko ang daliri sa manubela. Sinisikap na panatilihin ang level ng aking pasensiya. Nasti-stress ako sa kakulangan ng tulog at poot. Nasa mall ang empakta, nagshop-liftling. Ang yaman-yaman niya, magawa pang magnakaw. Bukas nasa tabloid naman ang apelyido ko. Sinapo ko ang noo. Hihiyaw sana ako nang umusad ang mga sasakyan sa harap ko. Pinaharurot ko ang lamborghin
Althea~Matamlay akong pumasok ng opisana ngayon. Pinipilit ko ang sarili para sa trabaho. Ramdam ko pa ang mala-pantasiyang day off ko kahapon. Hindi pa ako nakahuma sa maraming kaganapan kahapon. Natawa ako nang maalalang nakasakay ako sa isang rides—mabuti sa ferris wheel lang.Argh! It was supposed to be a break, but here I was, back on Sunday, no energy, no motivation. Panandalian lang talaga ang lahat eh. Idadag pa ang ora-oradang gawain ng marketing department. Nagsisi ata ako na mag-apply bilang marketing manager. Pinisil-pisil ko ang sentido, may paparating kasi na sakit ng ulo. Dumilim ang paningin ko nang tinignan ang mga papeles.Parang gusto kong gumapang sa ilalim ng lamesa ko nang maalala ang ideya ng bagong marketing strategy para sa Henderson Tower. Malapit na kasi matapos."Ma'am Althea, handa ka na ba?"sumulpot si Gigi sa harap ko. Humahangos habang inimporma ako. "The meeting will begin at 10 o'clock. I-ready mo na lahat ng pwede mong i-present. Magdadalo ang ibang
Althea~"Sir, kung wala po kayong kailangan sa akin. Aalis na po ako,"naririndi kong pahayag matapos ang ilang sandali. Inangat niya ang ulo. Bahagyang umuwang ang bibig niya na tila ngayon lang ako na pansin. Kasabay non ang pamumungay ng kanyang mga mata. As if he has evil desire on me. Dali-dali ko namang tinaboy sa aking sistema ang masamang isip."Pinatawag ba kita kung wala akong kailangan sa'yo?"Tugon niya. Nabigla ako sa kawalan niya ng empsyon.Binukas ko ang bibig ngunit muling itinikom. Hindi ko nagawang magsalita dahil hinila niya paupo sa kandungan ang babae. Nasauot ito ng maiksing blue dress na hapit sa katawan. Ngayon, natatanaw ko ng malinaw ang babaeng dahilan kaya iniwan ko si Mikhael. Ang ahas, ini-enjoy ang pang-aagaw sa lalaking mahal ko noon.Sumikip ang dibdib ko nang muling nagharutan ang dalawa. Para akong baliw na pinapanood sila. Lumiyad sabay ungol pa ang babae nang kinurot ito ni Mikhael sa tagiliran. Sarap nilang pagbanggain ng ulo."Kung ganoon, ano po
Mikhael~ Nanangis ang panga ko. Pinalipad lahat ng mga gamit sa lamesa ko. Naninigas ang katawan ko sa galit na nararamdaman. Kakaalis lang ni Altheas. Hindi pa rin ako makapiniwala sa mga salitang binanggit niya. Aware ako na may kasalanan ako, ngayon na alam kong si Milena ang may dahilan. Malamang nakita niya ako noong araw na 'yon. Ang araw na pumunta sa Milena sa condo ko para hilain ako pabalik sa kanya. Tumindi ang poot ko sa empakta -siya ang dahilan kaya nilayuan ako ni Althea. I won't accept this. Puputulin ko ang relasyon namin ni Milena. And I'll do everything to win Althea back. Nagkamali akong paselosin siya gamit si Milena. Lingid sa 'kin na lalo niya pala akong kinamumuhian. Blangko ang isip ko ngayon. Wala akong ideya kong paano kunin ang loob ng babaing minahal kong totoo. Naging hangal ako nitong nakaraang mga taon. Pinag-isipan ko siya ng masama na ang totoo ako pala ang may sala. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo. Ihithit ako para pagaanin ang loob ko. Umu
Mikhael~ Nagsitagisan kami ng galing sa pagpi-fencing. Hindi ko namalayan na lumipas ang ilang oras. Siguro pasado alas sais ng hapon na. Naglalaro kami sabay tawanan. Hindi ko mailarawan ang sitwasyon ko. Heto, naglalaro na naka-corporate attire. Nasa kasagsagan kami ng laro nang biglang malakas na bumukas ang pinto at sinundan ng kaguluhan. Nalaglag ang panga ko nang makita ang triplets ni Nicola. Carbon copy niya talaga. At ngayon may rason na siya para magbago. Dalawang lalaki at isang babae. Nawili ako sa pag-aagawan nila ng barbie doll. Bawat isa ay naghihiyawan sa mataas na boses. Nabingi ako sa high-pitch na sigaw ng batang babae, hindi tama ang butones ng suot nitong shirt. Umiiyak siya habang hinahabol ang mga kapatid. Hawak ng batang lalaki na naka-school uniform pa ang laruan nito, tinataas nito sa ere para hindi nito maabot. Naging desperada pang-aagaw ang batang babae. "Balik mo 'yan,Liam!"Tili nito, pulang-pula ang mukha hatid ng desperasyon. Liam, ever the mi
Mikhael~Sa sumunod na araw, nakasabay ko sa elevator si Althea. Parang sinundot ang puso ko sa kawalan ng kakayahang makipag-usap sa kanya. At ramdam ko na parang ang layo niya. Pareho kaming tahimik hanggang makarating sa palapag na gusto namin. Una siyang lumabas sa akin. Matamlay akong sinundan siya ng tingin.Bagsak ang mga balikat na dumeretso ako sa opisina. Heto na naman ang usual routine ko. Umupo ako, nagsimulang magtrabaho. I'm trying to focus on the stack of reports and meetings are waiting for me. But I couldn't shake the image of Althea. Gusto ko siyang kausapin. Kukunin ang loob. Paano ko naman gagawin kung ako mismo natutuliro?Later, I buzzed her telephone. Pero hindi niya sinagot. Tinawagan ko ulit, pero wala talaga. Now, I was worried. Iniiwasan niya ako dahil sa naging usapan namin kahapon. Minabuti kong tumungo sa opisina niya subalit nabigo ako. Wala siya roon nang dumating ako. Pabalik sana ako nang sinalubong ako ni Darlene, ang assitant marketing manager."Goo
Althea~ Hindi ako nakaangal nang kinaladkad ako ni Mikhael palabas ng canteen. Kumirot ang palapulsuan ko sa mahigpit niyang paghawak. Halos mapuputol ang kamay ko sa malakas niyang paghila. Pinawisan ako kahit na malamig ang aircon, mabilis ang pagbayo ng puso ko dahil sa galit at gulat. "Ano ba!? Bitawan mo ko! Nakakasakit ka na,Mikhael! Wala kang karapatan na kaladkarin ako ng ganito!" Pagpupumiglas ko. Humihingal akong tinitigan siya ng masakit. Dismayado niya akong binitawan. Ngunit nakaramdam ako ng pagkadismaya sa pagbitaw niya. Nangulila agad ako sa init ng palad niya na dumatay sa balat ko. "I'm sorry,"anas niya. Humugot muna ng malalim na hininga. "Hindi ko sinasadyang saktan ka. Gusto ko lang kita makausap, Althea! You've been avoiding me, and I can't take it anymore. Please... sana pakinggan mo ko?" Kumibit balikat ako. "Ano pa ba'ng pag-uusapan natin? Saka hindi ko na kailangan ng eksplenasyon mo. Ginawa mo na ang ginawa mo. Wala nang pag-asa para ituwid ang lahat ng
Althea~"Raven,"tawag ko.Pumihit siya paharap. Sinalubong ako ng masigla niyang ngiti. Bigla akong na-reacharge sa enerhiya niyang dala."Mommy? Totoo ba ito? Ikaw ang magsusundo sa akin? May pupuntahan ba tayo ngayon?" Puno ng kuryosidad niyang untag. Nahilo ako dami ng tanong niya Bumakas kasi sa isip niya na kapag ako ang susundo ay may pupuntahan kami.Pinilig ko ang ulo. Nangigil akong pinisil ang namumula niyang pisngi. "Wala tayong pupuntahan. Nandito ako kasi walang ang tita Nova mo.""Salamat naman. Walang tigre. Mommy, pwede pautang?"Umuwang ang bibig ko. Saan siya natututong umutang? "U-Utang?""Opo. Pautangin niyo po ako,Mommy.""Ano naman ang gagawin mo sa pera? Ah, teka anong tawag mo sa tita mo, tigre?"Maangas siyang kumibit balikat. "Palagi niya akong pinagbabawalan eh.""Anong klaseng bawal naman? She just cares for you, 'Nak. Never mong pagsalitaan ng ganyan ang tita mo, okay?"mahinahon kong sabi.Sumimangot siya. "Binabawalan niya kasi ako maglaro ng gagamba. Hm