Share

6–Family Feuds

Mikhael~

"I told you to forget about that woman,Matthew!" Umalingawngaw ang boses ni Mama nang makalapit ako sa pintuan ng study room ni Papa. Ang lakas at matalim ng boses niya. Hindi na 'yon bago para sa 'kin. Lumaki akong araw-araw silang nagtatalo. Kahit saan sila magpunta o anuman ang ginagawa nila palagi silang may rason para magtalo. Masasabi kong mag-asawa sila pero hindi ko alam kung may pag-ibig sila sa isa't isa. They we're force to marry each other by my Mother's father since she was pregnant with me that time. Walang magawa si Papa dahil myembro ng mafia si Lolo. Alam kong nagdurasa si Mama sa pagiging malamig ni Papa. Wala silang pakialaman sa buhay at puro business lang ang iniintindi. Unang beses ko silang narinig na nagtatalo tungkol sa babae.

Napaurong ko ng matanto na kalahating nakabukas ang pinto. Pipihitin ko sana ang door knob nang sumigaw ulit si Mama.

"Sinira niya ang lahat! Inakit ka lang niya–"

"Enough, Aurelia,"singhal ni Papa sa malalim at basang-basa ng frustration na boses."This isn't about her. It's about you and the lies I've been living with for year."

Umuwang ang bibig ko. What's the hell is happening? Lies? Ano bang pinagsasabi ng ama ko? Naintriga ako sa usapan nila kaya dumikit ang paa ko sa gilid ng pintuan. Hinawakan ko ng mahigpit ang doorframe nang silipin ko sila. My father's back was turned to me, his broad shoulders tense as he loomed over my mother. Ang madalas na pristine appearance ni Mama ay naging babaing dinumog ng pitong demonyo–nakalugay ang buhok, basang-basa ng mga luha ang mukha, nangingisay at naghihinagpis. I never seen her like this before.

Naalarma ako sa magiging kakahantungan ng usapan nila.

"Lies?"She chocked out, nanginginig niyang tinutop ang dibdib. "What lies, Matthew?"

"Don't play innocent! Akala mo ba hangal ako? Sinira mo ang relasyon namin dahil sa'yo! Ngayon...ngayon nalaman ko na may tinatago kang baho sa akin!" Yumanig ang boses ng tatay ko sa buong silid.

"Wala akong tinatago,"kaila ni Mama. Yumugyug ang balikat niya.

"That woman gave me a daughter,Aurelia!"Sigaw ni Papa. Tila gustong suntukin si Mama sa posisyon niya ngayon.

Ako man ay nagulat din sa sinabi niyang anak. May anak siyang babae? What was he talking about?

"Ano? That–that girl is nothing to you. She doesn't deserve–"

"She's my legitimate daughter,"tapat ni Papa, umigtad ang puso ko sa narinig.

"At ikaw? Ikaw ang nanloloko sa akin. Kaya may rason akong magduda kung si Mikhael ba talaga ang anak ko!"dugtong pa niya.

The air froze in my lungs. Umatras ako, umikot ng di oras ang ulo ko na parang bumabaliktad ang inaapakan ko.

"No,"hagulhol ni Mama sabay iling ng ulo. "Nagkakamali ka! He is–Mikhael is your son. I swear–"

"Hindi ako naniniwala sa'yo! Matapos kong malaman na ikaw ang dahilan kaya hiniwalayan niya ako. Hindi ko alam kung makakaya ko pang manatili rito,"asik ni Papa. Umikot siya. Papunta siya ngayon sa dereksyon ko.

"M-Matthew,please,"basag ang boses na tawag ni Mama, walang humpay ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. "Anak mo siya. Please wag kang magsabi ng ganyan. Nangangako akong legitimate son mo si Mikhael."

But my father was already turning away, his face twisted with bitterness–kadalasang mukha niya kapag kaharap niya ako. May lihim siyang hinanakit sa akin at ngayon ko lang nalaman na may pagdududa siyang hindi niya ako anak. Nanigas ang bagang ko. Sana hindi ko na lamang narinig ang pag-aaway nila. Naglakad si Papa, saka inagat ang ulo.

Our eyes locked through the sliver of a open door, and I felt my stomach drop. Nandito ako para ibigay sana ang contract na papirmahan sa kanya kaso humantong ako sa ganito.

Inirapan niya ako ng ilang sandali, saka nanliit ang kanyang mga mata. Then, with a sharp exhale, he jerked the door open fully, his gaze boring into me with a dark, unreadable intensity.

"Enjoy the show?"asik pa niya sa akin. Nakakaloko ang tono. Tila lalamunin niya ako ng buo.

"W-Wha–"humigpit ang lalamunan ko, sumabit lahat ng mga salita sa dulo ng dila ko. Ano ba ang sasabihin ko. Paano ko naman siya sasagutin? Mabuti hindi siya naghintay sa sagot ko. Matapos ang huling masama niyang tingin, nilagpasan niya ako, binangga pa niya ang balikat sa balikat ko.

Tinignan ko siyang umalis, tumutunog ang bawat yapak niya na unti-unti naglalaho at naging tahimik uli ang pasilyo. Namanhid ang buo kong katawan, kulang na lamang ay magkaroon ako ng ugat sa kinatatayuan ko, dumadagundong pa rin sa tainga ko ang lahat na narinig ko. Binalik ko ang atensyon sa study room.

Nadyan ang ina ko. Sawing-sawi habang nakatitig sa ama ko. Her body trembling. Medyo tumahan siya. Nang makita niya ako ay agad na lumukot ang kanyang mukha.

"Mikhael,my son. Don't–don't listen to what your father said. He–he just confused. Angry. You are his son. You're ours,"desperadang saad niya. Lumapit siya sa 'kin at hinila ang braso ko.

Inirapan ko siya, nababaliw ang puso ko sa sobrang bilis na pagbayo, "What was he talking about? What daughter? Ano ba'ng ibig niyang sabihin,"mahina kong tanong.

She shook her head, gripping my hands tightly. Nilibing niya ang mahahaba niyang kuku sa balat ko. "Wag kang makinig sa kana. Wag mong hayaan ang sarili mong lasunin ka ng kanyang mga salita."

"Ma,sabihin mo ang totoo. Totoo ba ang sinabi niya?" My throat tightened painfully. "Am I really his son?"

"Oo naman,"nababasag ang boses niyang katwiran. "Anak ka niya. Saka sinasabi niya 'yon dahil galit lang siya. You know, he's been meeting people from his past–old, useless people who fill his head with lies."

Pinisil niya ang braso ko saka nagsalita ulit. "Tandaan mo palagi, ikaw lang ang totoo niyang anak. Never doubt that, my son."

Subalit may mabigat at malamig na bagay ang pumatong sa dibdib ko. Naalala ko kung paano ako tignan ng tatay ko. Tila isa akong estranghero. At bunga ng isang kasinungalingan. Isang kasinungalingan na pinilit siyang manirahan ng kasama kami.

Lumunok ako, marahang pinilig ang ulo. "I still don't understand. What about that daugther? Why aren't you telling me?"

"It–It's nothing. Pagkakamali lang. Niloloko lang siyang mga maling impormasyon kaya hayun nalilito,"rason niya.

"Sabihin mo,sino ba yon? Totoo ba?"pamimilit ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. I felt that there's a dark, sickening thought unfurling in the back of my mind.

Hindi siya sumagot. Iniwas niya ang tingin sa akin. Pinakinggan ko lang ang kanyang paghinga.

"I need answers,"malamig kong saad.

"Please, Mikheal–"

"Sabihin mo, Ma. Ayokong pinagsisinungalingan ako."

Umatras siya. Iniling-iling ang ulo. "You're my son. Don't ever doubt that." Loka-loka niyang saad. Hindi naman iyon ang sagot sa mga katanungan ko.

Ngunit noong tinitigan ko siya–tila nababasag ang puso ko, kalakip ang umiikot kong ulo. I couldn't help but doubt everything. Lahat ng alam ko tungkol sa pamilya ko. Tungkol sa akin, tungkol sa totoo kong pagkatao. Marahil... itong inaakala ko ay hindi ako.

ITO 'yong sitwasyon na pinakaayaw ko. Paano ba paamuhin ang lion sa harap ko. Kausap ko lang naman si Beau Henderson–ang pinsan ko at VP ng kompanyang Henderson Enterprise. Ang karibal ko simula pagkabata bagkus palagi siyang pinapaboran ng tatay ko. Kaya heto, nakuha niya ang posisyon na dapat noon pa nasa akin bago ako naging Presidente.

"I told you, Beau, we're not bailing out Phoenix's company. He made a mess, and he needs to clean it up himself,"sabi ko, nilalaban ang sarili para panatilihin ang kalmadong tono.

Mahigpit akong nakahawak sa dulo ng makintab na lamesa ng conference room, pumipitik ang tensyon sa mga kaugatan ko. Humihigpit ang bawat kalaman ko, isang pitik sasabog na ako.

Sumandal ang mabait kong pinsan sa upuan, mapanudyo siyang ngumisi sa akin. He looked completely unfazed, as always. Ang linis niyang tignan sa suot niyang corporate suit malayo sa bagyong bumubuo sa kanyang mga mata. Ang bastardong to... hinahamon niya akong wasakin ang pasensiya ko.

"I told you, if Phoenix's holding collapse, it's just his loss. We're talking about a twenty-percent stake in our real estate division. O baka sinasadya mong kalimutan?" Tinaasan niya ako ng isang kilay,"your brother's incompetence isn't the only issue here. It's the company's bottom line. You know, our bottom line."

"Don't patronize me, Beau,"asik ko, matigas ngayon ang tono ko. "I'm well aware of what's at stake. Pero–"

"Pero ano? Pero handa kang isakripisyo ang malaking parte ng portfolio ng Henderson para lang magpasikat ka,"putol niya. Ang kalma ng mukha ng h*******k. Pinakukulo niya ang dugo ko. "Typical of you. Always letting your pride dictate the company's future."

Sarkastiko akong tumawa. Pagsabihan pa naman akong pasikat e siya naman ang pasikat sa amin. "This isn't about pride. It's about responsibility. Phoenix has been siphoning funds and leveraging assets we agreed would stay untouched. If we rescue him now, it'll set a precedent. Kapag bumilyaso siya, siguradong aayusin natin 'yon. No, dapat hayaan natin siyang harapin ang mga consequences."

"Nakakatuwa naman marinig iyan mula sayo, ang self-appointed savior ng pamilya. If your father is here–"

"Don't bring him into this,"babala ko. Manipis na manipis na ang pasensiya ko.

Pareho kaming tumahimik. Makapal at nakakasakal ang tensyon sa pagitan namin. Tila lumiit ang malapad na silid na ito, walang gustong magpatalo sa amin.

Eversince I took over as CEO, Beau had made it his mission to undermine me at every turn. Pinsan ko siya, oo, pero karibal ko siya. Palagi 'yon. Hindi na magbabago.

Nawawala ang ngiti niyang nangalumbaba sa lamesa. "Let's get one thing straight, Mikhael..."huminto siya, tinapik ng mabanayad ang lamesa na wari'y gustong idiin ang bawat salitang sasabihin. "This company is still mne. Matagal ko na itong hawak bago ka pa dumating at maglarong boss."

"And yet, here you are, sitting across from me, because I am the boss,"asik ko. Ginawaran ko siya ng plastic na ngiti.

Sinauli niya ang kaplasitikan ko. May pakislap pa siya ng mga mata na ngumiti.

"You don't like it? Too bad. It's not changing anytime soon,"hirit ko pa.

Bago siya makatugon biglang bumukas ang pinto ng conference room. I turned, half-expecting one of the junior executives or maybe our assistant, but no–si Milena lang pala.

Dinagdagan pa ng isa. Bwesit. Paano ba ako makawala sa mga taong ito?

"Darling!"kumalansing ang kanyang masayang boses, walang kaalam-alam na nasa gitna siya ng gyera. "Surpise!"

Bumaluktot lahat ng linya sa mukha ko. Inirapan ko siya. Nagpi-feeling maganda siya sa harap ko. Hindi ako nadala sa elegante niyang ngiti. Talbog din sa 'akin ang fitted white blazer at pencil skirt niya. Hindi pa sapat sa kanya ang sobrang hapit sa katawan na damit. Nakakapikon tignan.

Nangaling siya ng Dubai, tatlong araw lang ginawa para ipasikat ang luho sa iba. Walang-wala naman ang tatay niya. Kung hindi sila kumakapit sa amin, wala rin silang pera. Masaya na sana ako na nawala siya pero heto, she's sashaying across the room as if she owned it.

"Milena,what the hell are you doing here?"Singhall ko. Perfect timing ka talaga.

"Kakarating ko lang kaninang umaga,"imporma niya. Nilampasan niya si Beau na hindi man lang tinignan. Dire-diretso siyang tumungo sa akin. "You know, I couldn't wait to see you." Bago ako makareklamo, yumuko siya at hinalikan ako sa pisngi.

Lihim akong nandiri. Natuod ako sa kinaupuan ko habang matulis siyang tinignan. "Milena, we're on a meeting,"tinatamad kong sabi.

"Alam ko, kaso namiss kita,"she murmured, batting her eyelashes innocently. Sarap batukan.

Tinignan niya si Beau na nakasimangot ngayon. Makulimlim ang mukha gaya ng panahon sa labas, kulang na lang ay kumulog at kumidlat.

"Hello,Beau. It's been a while,"bati niya.

"Good to see you again,"tipid nitong tugon. May maliit itong ngiti pero hindi maikukubli ang mala-calculator nitong tingin sa fiancé ko.

She returned the smile,then turned back to me. "What's going on? Seems tense in here."

"It's business. Wag ka nang makisawsaw." Tumangis ang bagang ko, tinignan ng masama si Beau.

"But I do worry about you, Mikhael. You look so tired,"malandi niyang saad.

"We'll talk later,"blanko ang mukha kong sagot.

"But–"

"Wala ka bang mga mata? Tatapusin ko muna si Beau kaya umalis ka na!"naiinis kong sigaw.

Milena blinked, taken aback, but quickly composed herself. "Fine. I'll wait for you outside, then,"saad niya. Binigyan niya ako ng ngiti na hindi abot sa tenga.

Without another word, tinalikuran niya kami at mabilis na lumayas.

"Bravo! You always did have a talent for picking women who make things... interesting." Pang-aasar ni Beau sa akin.

"Tumahimik ka!"singhal ko, menasahe ko ang sentido. Nararamdaman ko na ang headache nabubuo sa ulo ko.

Ngumisi siya na parang hinahamon ako. "You think you're in control,don't you? Tignan mo nga ang paligid mo, Mikhael. Chuma-chacha lang yang fiance mo na akala ba pagmamay-ari niya ang lugar na 'to. Pinapahirapan pa tayo ni Phoenix at 'yan nagsisimula na magtanong ang board sa pinangagawa mong desisyon. You're one misstep away from losing everything."

Sinalubong ko ang titig niya. "Gusto mo rin,diba?"

Umukit ang marahas niyang ngiti sa labi. "Ayoko lang makita ang kumpanyang nalulugi dahil sa matigas mo ulo. We're family, after all."

Natawa ako sa sinabi niyang family.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status