Mikhael~ Kanina pa ako natatawa sa babaing katabi ko rito sa elevator. Tuwing aakma akong silipin ang mukha niya, agad naman niyang tinatago. Lalo akong naku-curious sa kanya. "You know, hiding behind a folder isn't exactly subtle,"sarkastikong saad ko. Ang ordinaryo at plain white na folder ay bahagyang nanginig mula sa pagkakahawak niya. Pinigilan ko ang paghagikhik baka lalo siyang matakot sa 'kin. Sumandal ako sabay kibit balikat. Nanahimik ng ilang saglit subalit ramdam ko ang tensyon niya. "Relax, I don't bite,"sabi ko na bahagyang ngumingisi nang tinignan ko uli siya. Inayos niya ang pagkatakip ng folder sa kanyang mukha. Pinasadahan ko na lamang siya ng tingin mula paa hanggang dibdib. Siya'y balingkinitan, maputi, simpleng manamit at hindi siya nakasuot ng sapatos na may takong. Iyan ang gusto ko sa mga babae–i like modest girls like my Althea. Kumirot ng kaunti ang puso ko nang maalala siya. "I–I'm not scared,Sir,"she stammered unconvincingly, and I couldn't help the
Althea~Sinasabit ko ang isang pirasong hikaw nang kinalibit ni Raven ang palda ko. Binaba ko ang tingin sa kanya. Nangingintab ang kanyang mga mata at mistulang chihuahua na aso na nagmamakaawa sa akin. Lumabi ako. Masuyong hinawakan ang kanyang panga."Where are you going,Mommy?"kuryosado niyang tanong. Hindi pa rin inaalis ang maliliit na kamay sa skirt ko."Work,"pakli ko at binalik ang tingin sa salamin."Work?"he echoed, hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Diba sabi mo hahanapin natin si Daddy?"Natigilan ako sa binanggit niya. Nagtataka kung saan niya napulot ang ideyang ito. Hindi ko sinabing hahanapin ang tatay niya. No way! Bakit ko naman gagawin 'yon. Ramdam ko kung gaano siya kasabik makilala si Mikhael subalit hindi pa ako handa. Ang kinatatakutan ko ngayon ay may posibilidad na magkita kami sa kompanyang pagtatrabahuan ko ngayon.Nasalubong ko si Mikhael sa elevator ng Henderson noong nakaraang linggo. Salamat dahil hindi niya ako nakilala. Pero hindi ko siya pwedeng iw
Mikhael~What shock me the most is to meet again the woman who ghosted me for 7 years. Imbes manabik ako sa kanya ay sinuklaban ako ng matinding galit. Nangagalaiti ako hanggang sa naisip kong parusahan siya. Siguro tinadhana na mapadpad siya sa kompanya ko upang pagbayaran ang ginawa niyang pag-iwan sa akin na walang paalam. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon. Naatat akong marinig ang eksplenasyon.Tinapik ko ng malakas ang lamesa ko matapos niyang lumabas. Nauubusan ako ng hangin sa galit ko sa kanya. Dumapo ang mga ko sa botleya ng whiskey sa isang tabi. Padaskol akong nilapitan. Nakatiim bagang na binuksan at sinalinan ang nakahandang baso. Ininom ko kaagad. Sumingkit ang mga mata ko nang dumaan ang mainit na likido sa aking lalamunan. Subalit hindi matatanggal nito ang apoy sa puso ko. Lumubha pa ata. Sinapo ko ang gilid ng aking sentido. Hindi ako na kontento, kinuha ko ang kaha ng sigarilyo na matagal ko nang hindi ginagalaw. Kumuha ako ng isa, mabilis na sinindihan at
Althea~ Maaga akong pumasok ngayon. Pinilit kong kalimutan ang naging konprontasyon namin ni Mikhael kahapon. Dapat ipakita kong professional ako. Gaya ng sinabi ko sa kanya, ang trabaho ang sadya ko rito. Wala akong pakialam kung may nakaraan kami. Matagal ko na siyang kinalimutan. Pero hindi ko siya mapapatawad sa pagsisinungaling niya,binilog at ginamit niya lamang ako. Gagawin ko ang lahat para itago sa kanya si Raven. Titiisin ko kahit pahirapan niya ako. Masigla akong pumasok ng opisina. Taas noong may ngiti kong binati ang ilang empleyado. Hinawi ko ang buhok bago tuluyang pumasok. Sumapit ang alas dyes ng umaga. Tinawag ko ang buong team para sa isang emergency meeting. Pag-uusapan namin ang mga bagong plano ng CEO. "Okay, team, let's focus on refining the advertisement copy for the new campaign. Kailangan ko rin ang input niyo para tignan kung pasok ba ito sa project,"sabi ko habang tinatapik ang fountain pen sa lamesa para idiin ang punto ko. Mistula kaming mga langgam
Mikhael~I gritted my teeth. Parang gusto kong itapon ang sarili sa glass window habang inaalala ang huling eksena kung paano ko pinahiya si Althea sa harap ng maraming tao. Kailanma'y hindi ko ito nagawa sa kanya. Dala ng galit at balak kong pagpaparusa sa kanya'y nagawa ko ang bagay na 'yon. Ito ang unang hakbang ko na parusahan siya subalit natatakot ako sa magiging kasunod. Magiging masama ako sa huli. Kailangan kong pilitin ang sarili para maramdaman niya ang sakit na ilang taon kung kinimkim. But why do I keep on missing her? Tila gusto ko siyang makita palagi sa aking harapan. Tila gusto kong ikulong siya para hindi na makawala at iiwan ako muli.Sinimsim ko ang whiskey. Nasa opisina ako ngayon at mag-isang nilalaro ang chess. Pero hindi pa ako nag-che-checkmate. Nilibot ko ang mga mata at dumapo sa mga ibong lumilipad sa nagiging kulay lila na kalangitan. Tumigil ako sa pag-inom nang lumulukso-lukso ang cellphone ko na nakapatong sa mesita sanhi ng vibration. I pouted. Tinat
Althea~Humihingal ako na dumating sa room ni Lolo. Dumeretso agad ako sa kama niya. Ginagad ko ang kamay niya at pinaunlakan ng maraming halik. Nanginginig ang puso ko sa takot. Hindi pa ako handa para mawala siya. Si Lolo ang nagpalaki sa akin at nagturo ng magandang asal. Marami akong pagkukulang sa kanya. Pitong taon ako sa Belgium at minsan lang magparamdam sa kanya."Kumusta ang lagay ni Lolo?"kapagkuwan'y tanong ko sa personal nurse niya"He had a seizure earlier, but we've stabilized him,"kalmadong tugon niya.Nakasalpok ang kilay akong tumango. My heart is heavy as I looked at my Lolo Fernando. Mahimbing siyang natutulog sa hospital bed. Ang delicate niyang tignan."What exactly happened?"tanong ko ulit habang pinproseso ang utak."Nagka-convulsion siya dahil low sugar siya. Biglaan iyon pero nagawa agad naming pabalikin sa normal ang level. Kailangan nating maging mahigpit pa sa kanyang diet simula ngayon,"paliwanag niya.Kinagat ko ang labi.Masakit sa puso kapag pabigla-big
Althea~ Puno ng pag-asa at bagong simula matapos ang kaguluhan kahapon, kampante akong papasok sa trabaho. Ang totoo, kinakabahan ako kasi nangako ako kay Boss na aayusin ang gusot ng isyu. Sa halip, wala akong nagawa. Wala akong ideya paano lulutasin ang problema. Aasa ako kay Lord na sana tutulungan niya ako na malampasan ito. Ako na ang naagrabyado pero si Mikhael pa ang galit sa akin. Hindi niya alam na sinara niya ang buhay ko. Pinahiya niya ako kahapon kaya heto pakakapalin ko ang mukha para sa future namin ng anak ko. Suot ang doll shoes at minimalist beige blazer at pants, buong pag-iingat akong pumasok. Kailangan nila ang marketing manager, hindi ako pwedeng um-absent. Dumantal ang malamig na simoy ng hangin sa umagang 'to habang naglalakad ako papasok ng gusali. Pilit akong ngumiti nang nilapitan ko ang security desk para mag-check in. Pangatlo araw.Sana may magandang manyayari sa araw na ito. "Good morning po,"bati niya sa akin na abot-tenga ang ngiti. I clutche
Mikhael~Siguro mas mataas pa sa Mt. Everest ang kilay ko habang tutok na tutok akong pinagmamasdan ang empakto kong pinsan na nakangising aso. Iyong tipong nanunuya. Nakapamulsa siya at nakatayo sa labas ng elevator. Inangat niya ang kamay para bigyan daan ang babaeng papalabas doon.Natanto ko si Althea iyon. Pakiramdam ko sasabog ako! Nangati akong sugurin siya para masuntok. Hindi ko matanggap na lalandiin niya kung ano ang akin. Techinically, minsan naging akin si Althea pero malabo sa ngayon. Gayunpaman, ayokong mapunta siya sa iba. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang may iba siyang kasamang lalaki. Akin lang siya.Nangingig kong binaba ang cellphone. Kahit hindi pa kami ng lawyer ko natapos sa pag-uusap ay tinapos ko. Kinuyog ako ng matinding galit. I gritted my teeth. And I can't control my emotions anymore. Sumulyap si Althea sa akin, alam niyang ako ang nakatingin sa kanila pero nagpanggap siya na hindi ako nakita saka pinatuloy ang paglalakad sa tabi ni Beau. Naikuyom ko ng mahi