Share

2–New CEO

Mikhael~

Sumasakit ang ulo ko. Matapos ng ilang taon kung pinaghirapan, heto na makakamit ko na ang pinapangarap. Magiging Chief Executive Officer ng Henderson Enterprise. Our business is a luxury real estate and property development. Isa kami sa pinakamayaman, at maunlad sa buong mundo. At ngayon na sisimulan ko ang trabaho, may nakaabang akong project. Isusunod namin ang the Henderson Tower–magiging landmark ito ng syudad at palatandaan ng mga Henderson. Idagdag pa ang expectation ni Dad na palagi kung nafi-fail.

Sumandal ako sa gilid ng tainted window ng marangya naming sasakyan, kinokontrol ang tensyon habang iniisip ko ang mga bagong pagsubok na darating. Hindi madali bilang CEO lalo na kung ang tatay mo na walang tiwala sa'yo ang magbabantay. Sinikap at tiniis ko ang dalawang kursong–financial management at architecture, at wala na akong ginawa sa buhay kundi ang isubsub ang sarili ko sa pag-aaral at trabaho.

Inagaw ang atensyon ko sa kumikinang at naglalakihang glass window ng Henderson Company building. Ang imperyo ng pamilya ko. Humugot muna ako ng malaim na hininga bago bumaba ng sasakyan. Taas noo kong tinanggal ang sunglasses. Nilibot ang tingin sa palagid. What a sunny day, sana ganoon din kasigla at kaliwanag ang pagtanggap nila sa 'kin.

"Tignan mo, nandyan na siya." Narinig kong bulungan nito nang humakba na ako papasok. Maayos na nakahilera ang mga empleyado at bakat sa mga mukha nila ang pagiging eager. Excited silang makilala ako.

"Nandito na ang bagong boss,"sabi ng isa sa masiglang tono.

Kinibot ko ang dulo ng aking labi. "Bagong boss, uh-ho, pero pareho lang ang mga problema,"sabi ko sa sarili. Binabati ko sila sa patango at tipid na ngiti.

Namataan ko si Dad sa dulo. Palaging madilim ang expression ni Matteo Henderson sa tuwing makikita niya ako. Makisig siyang nakatayo habang nakakibit balikat, nasa presensiya niya ang pagiging maawtoridad palagi. Titig na titig siya sa akin, para niya akong ginagawang bata ulit. Siya lang naman ang kinatatakutan ko simula pagkabata.

Katabi niya si Mom–si Aurelia Handerson, malambing siyang nakangiti. Ito lang ang palaging umaapay sa akin. Humupa ang tensyon sa aking dibdib nang makita ang mga mata niyang mainit akong sinusuportahan.

"And now,"pasimula ni Dad, nakataon ang atensyon niya sa lahat. "I'd like to introduce to you all your new CEO, Mikhael Bryce Henderson. My one and only child."

The applause echeoed in the hit room, bouncing off the high ceilings, but it felt distant, muffed. Humakbang ako paharap at magalang na tumango, nasa puso ko ang alinlangan kung handa na ba ako hawakan ito–o marahil magiging krus ko lamang.

"Thank you,"sabi ko, bahagyang nanginginig ang boses ko. Sinusubukan kong tanggalin ang kaba saka pinatuloy ang pagsasalita. "I promise to lead this company with the same vision and integrity my father built it on. Together, we will move forward into a future growth."

Muli silang nagpalakpakan, pero hindi ko nararamdaman na totoo ang lahat. As if I were an actor reciting line rather than living my own life. Mayamay, bumaling si Dad sa akin, yumukod siya at nilapit ang bibig sa tainga ko.

"Do not get too comfortable,Mikhael,"pumanting ang boses niya sa tenga ko. Isang malamig at malutong na boses. "This wil not be yours forever."

Napako ako sa kinatatayuan ko. Mas mabigat pa sa suot kong damit ang bawat salitang binanggit niya. Naramdaman ko pa ang mga matang tumitingin sa akin, parang hinahati ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa microphone, sa lumunok. It was a sunny morning, yet it felt like a storm was brewing with me.

Kinuyom ko ang mga palad nang lumayo si Dad sa akin. Kumurap ako ng maraming beses. Nanatili sa akin ang malamig niyang pangungusap. After everything I'd done to prepare this, all the nights spent studying, the sacrifices, this was how he welcomed me into leadership? Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko mapigilan ang umaakyat na galit. Ngunit pinatili kong kalma ang mukha, pinapakita ang pagiging professional.

"Hector,"sabi ni Mom, pinutol niya ang tension. Nakatingin siya kay Dad nang hinawakan niya ang balikat ko. Her presence is a balm to my frayed nerves. Mabuti, may isang tao pa rin na pinagagaan pa rin ang loob ko.

"Let him enjoy this moment."patuloy niya.

Tumingin siya sa akin, her tender eyes trying to comfort me on the way that only she could.

"Wag kang makinig sa kanya,son,"bulong niya. "Sisiguraduhin kong napapasayo ang kompanyang ito."

Ang isang defect lang ni Mom ay ang pagiging bigau todo niya sa akin at minsan nakakasakal na rin. Sabi nila, mama's boy ako kasi lahat ng sinasabi niya ay mistula akong bulag siyang sinusunod.

Hindi ko pa rin mawawala ang mapait na turing ng ama ko. He will never be satisfied with whatever I achieve.

"Mikhael,"tinawag niya ako habang isa-isang nagsialisan ang mga empleyado. Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Yes,dad,"maingat kong tanong sa neutral na tono.

Nakasingkit ang mga mata niyang lumapit sa akin. "You’ve been handed the title, but you have yet to earn it. Don’t forget that."

Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong rumason. Sasabihin ko sa kanya na kaya ko, at natagal ko nang pinaghahandaan ito pero tila naging bato ang mga salitang sumabit sa ngalangala ko. Sa halip, tumango na lamang ako.

"I understand,"sabi ko kahit ayaw ko sana.

Nang umalis siya, nanatili lang si Mom sa tabi ko. Nasa balikat ko pa rin ang isa niyang kamay.

"Don’t let him discourage you, Mikhael," she whispered. "You’ll do great things. This company is your future."

Sasaya ba ako sa sinabi niya? Lalo lang yata ako kinabahan.

Mapakla akong ngumiti, pero nasa loob ko, i knew this was just the beginning. Tila dinadaganan na ako ng mga expectation nila.My father's shadow loomed large, and I had no choice but to find my way out from under it.

Tinungo ko ang CEO's office sa unang pagkakataon. Habang sinasarado ko ang pinto hindi ko matanggal sa puso–ito pa lamang ang simula ng totoong laban.

Nakatayo ako sa veranda ng aking penthouse. Nasa bulsa ang kaliwang kamay at hawak naman ng kanang kamay ang wine glass. Nakamasid ako sa lumulubog na araw habang tamad na iniikot ang likido sa loob ng baso. Kahit ano pa kaganda ng view ng cityscape wala ako sa sarili dahil nasa isang tao lang ang atensyon ko.

Althea.

Parang kinakain ang utak ko sa tuwing maalala ang pangalan niya. Isa na siyang multo sa aking isipan. Pitong taon. Pitong taon na ang nakakalilipas nang iniwan niya akong walang paalam.

She vanished without a trac, leaving nothing but a gaping hole where my heart is used to be.

Matapos namin pagsaluhan ang pinakamasayang araw na yon ay hindi na siya nagpakita. Hindi ko alam ang dahilan. Hinintay ko siya. Hinanap. Pero wala talaga. Ni tawag o sulat. Wala akong natanggap. Basta naglaho na lamang siya na parang bula.

Ininom ko ng isang lagok ang red wine. Kumalat ang init sa sumsikip kong dibdib, pinalala ang nararamdaman kong sakit. Hanggang sa kumulo ang dugo ko sa poot. Napopoot ako sa pag-iwan niya sa akin. Napoot lalo ako sa sarili ko dahil inaalala ko pa rin siya sa, after all these years I'm still yearning for her.

Parang storya na may cliffhanger sa dulo ang pag-ibig ko para sa kanya.

Ginulo ako nang biglang bumukas ang pinto. Sumingkit ang mga mata ko kasabay ng pagihip ng hangin. Hindi ako nag-abalang lumingon. Kilala ko na kung sino ang nangahas na pumasok sa penthouse ko.

"Mikhael,"malambing na bungad ni Milena. Nasa tinig niya ang pagiging malandi. Umismid ako nang maamoy ang matapang niyang rose perfume. Nilapag ko ang baso sa katabi na mesita at hinarap siya.

"What do you want?"tanong ko sa malamig na boses. Hindi ko tinago ang iritasyon ko.

She's wearing a revealing red dress. Pinagmamalaki niya ang malulusog niyang mga dibdib pero mukha siyang prostitute sa make up at ayos niyang buhok.

"Don't be like that. Nandito ako para sayo,"maarte niyang pahayag saka siniksik ang sarili sa akin. Gusto ko siyang layuan pero niyakap niya ako. "You look tense. Let me help you relax."

I stiffened, my jaw clenching. Hindi niya napansin–o siguro wala siyang pakialam. Dinampi niya ang nga labi sa aking pisngi, at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga, klarong-klaro pa sa malinis na tubig ang kanyang intensyon.

"What the hell are you trying to do?!"sabi ko, mas matigas pa sa bakal ang aking boses.

Binalewala niya ako. Lalo niyang dinikit ang sarili sa akin saka binaba ang mga labi sa leeg ko. Kinalabutan ako sa malambot at mainit niyang labi. "You work hard, Mikhael,"bulong niya. "Let me take care of you."

Siya si Milena Sanders, ang fiance kong walang sinasanto. Kababata ko siya at matalik na kaibigan. Nagbago ang laht noong hinalikan niya ako at pinilit na maging girlfriend ko siya. Pero hindi ko siya magawang mahalin. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

"Stop it!"Ulit ko. Pwersahan ko siyang tinulak palayo sa akin. Muntikan pa siyang umigtad dahil sa heels na suot niya. Iniripan niya ako, nagulanta sa biglaan kong kilos.

"What's wrong with you?"bulyaw niya, nasa mukha niya ang magkahalong lito at iritasyon. "I'm your fiancé, Mikhael. You don't have to push me away."

Kumislot ako sa sinabi niya. Binanggit niya na naman ang fiancé. Pumait ang panlasa ko sa salitang 'yon. The engagement was a formality, something arranged for the sake of appearances. A deal. Nothing more. Nothing real.

Tinalikuran ko siya, ginulo ang buhok ko para kontrolin ang galit na bumubuo sa puso ko. "Milena, noon ko pa sinasabi sa'yo,"sabi ko na nakatiim bagang. "Hindi ko ibibigay ang puso ko sa'yo kahit anong mangyari."

Nanliit ang mga mata niyang lumapit sa akin. "Ano naman ba ito? Dahil naman ba ito sa kanya? Kay Althea?"

I flinched, the mention of her name striking a nerve. “This has nothing to do with her,” I lied, my voice cold and distant.

"Sinungaling!"asik niya sa nanlilisik na mga mata. "Ilang taon na siyang wala, Mikhael. At hinding-hindi na siya babalik pa! Yet you cling to her as if she’ll walk through that damn door any second. Let her go, Mikhael!"

Kinuyom ko ang aking mga palad, binigyan ko siya ng matalim na tingin, nauubusan na ako ng pasensiya. "I've let her go,"usal ko sa nakakalasong tono. "Pero hindi ibig sabihin na ibibigay ko na ang puso ko sayo. This," tinuro ko ang kamay sa pagitan namin. "Is business, Milena. Nothing more."

Nagtagumpay kasi siyang ipagkasuno kami ng kasal dahil isa sa malaking investor namin ang ama niya. Kung ako lang, matagal ko na siyang iniwan.

Her eyes flashed with anger, her lips curling into a sneer. “You think you can just marry me and keep your heart locked away? You think I’ll be content with that?”

Tumigas ang ekspresyon ko. "Ano ba sa palagay mo? Iyan naman ang iniisip ko."

Pinalitan ng frustration ang mukha niya. Inakala kong sasampalin niya ko imbes ay tumawa siya ng mapait. "Ang tanga mo! Isang tanga na hindi mabitawan ang sarili sa mga bagay na hindi naman umi-exist."

Kumulo ang dugo ko. Gusto niya yata makipagsabunutan sa akin. "Ano'ng tingin mo sa sarili mo, hindi ka rin ba tanga? Pinagduldulan pa rin ang sarili kahit hindi nito gusto."

Kinagat niya ang mga labi. Namasa-masa bigla ang mga mata. Idadaan naman sa iyak para maawa ako sa kanya.

"Mas tanga ka dahil–"

"Yeah, alam ko,"amin ko, "But I’ll never give you what you want. My heart—” I paused, my gaze locking with hers, “—belongs to someone else. And it always will.”

Lumaki ang mga mata niya. Nanginging ang mga labi sa galit. "Pagsisihan mo 'to!"asik niya. Umatras siya at mabilis akong tinalikuran. "Pinapangako kong pagsisihan mo itong lahat, Mikhael!"

Tumakbo siya palayo sa akin. Umiiyak. Yumuko ako at tinuon ang paningin sa crescent moon, tulalang inaalala ang lahat. Althea. Bakit? Bakit mo ako iniwan?

Seven years, and you still held my heart in your hands, even though you wasn’t here to claim it.

Bumunga ako sa hangin. Umaasanang makita ka ulit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status