Share

3–Raven

Althea~

"Thank you sa cupcakes! Tiyak magugustuhan ito ni Raven,"malapad ang ngiting pasasalamat ko kay Xyra sa niregalo niyang chocolate cupcakes.

Nasa pastry shop niya ako ngayon. Dumaan muna ako rito bago magtanghalian mula sa pinagtatrabahuan kong kompanya.

Natamis na ngumiti si Xyra–isang Belgain na naging kaibigan ko rito. Kinway ko ang isang kamay bago lumabas ng pastry shop.

Sininghot ko ang mabangong amoy ng freshly baked croissants at matatamis na pastries na lumulutang sa ere matapos kong apakan ng brick na sahig ng sidewalk. Tinignan ko hawak kong maliit na kahon na binalot ng blue ribbon. Hindi ko inaasahan na magreregalo siya para sa birthday ng anak ko.

Humugot ako ng malalim ng hininga habang ginagala ang mga mata sa paligid. I'm savoring the traquill atmosphere of the city that I had come to love. Brussels, with it's cobbled streets and picturesque squares,naging tahanan ko ito sa loob ng pitong taon. Ang lugar kung saan ko pinalaki si Raven, isang mapayapang lugar na malayo sa magulo kong nakaraan. Pero, despite the comfort and serenity, minsan pakiramdam ko nakakulong pa rin ako sa bangungot na 'yon.

Sumalpok ang kilay ko nang tumunog ang cellphone ko. Nilipat ko sa kabilang kamay ang kahon para dukutin iyon sa bag ko. Kinabahan ako nang makita ko ang pangalan ng Academy ni Raven.

"Hello,this is Althea Marquez,"tugon ko sa tumatawag sa akin.

"Ms. Marquez,this is Mrs. Cruix from then Brussels Academy. We need you to come to the school as soon as possible. There's been... an accident with you son,"malalim at formal niyang saad na may concern sa tinig.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, nanliit ang puso ko. Aksidente? Kay Raven? Unang beses ko itong naranasan. Sa pitong taon namin dito,hindi pa siya nakikipag-away sa ibang bata. My child is rebelling me,somehow. I'm afraid not. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellpone,sinubukang pakalmahin ang sarili.

"What happen? Is he alright?"pabulong kong tanong.

"Your son...he's in the principal's office right now. It's best if we discuss this in person,Ms. Marquez. Can you come immediately?"tugon nito.

Napalunok ako, nasa mukha ko na ang pangamba. Raven had always been a quiet child,perhaps a bit more reserved than others,but I knew he wasn't a troublemaker. Ano kaya ang nangyari? Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang box–ang simpleng regalo para sa birthday niya na parang naging meaningless ang lahat dahil sa takot ko.

"I'll be ther right away,"sagot ko sabay tango bago pumasok sa naka-parking na sasakyan ko. Tinapos ko ang tawag. Nilagay ulit sa bag ang cellphone. Nangingig kong sinara ang pinto at hinawakan ang manubela.

Ang gulo ng isip ko. What if something bad happen to him? What if he's hurt? Tama na ang what if, kailangan ko kaagad pumunta doon. But Raven had been acting out lately, growing withdrawn,his outbursts becoming more frequent. No, baka nasi-stress lang siya sa bagong eskwelahan niya. Mag-grade two na siya at normal lang yon. Hay, ang hirap maging single parent.

I strated the car and sped up through the city. Nabura sa paningin ko ang pamilyar na mga kalye ng Brussels. Tila naging guni-guni ko na lang ang mga magagandang arkitiktura, ang mga tahimik na park at ang nagaalindugang mga cafe. Ilang minuto narating ko rin ang parking lot ng academy.

Sumukip ang dibdib ko sa bawat hakbang habang mahigpit ang hawak leather handbag ko. Binabagtas ko ang pasilyo patungo sa Director's Office. Wala na akong paki kung maganda ba ang antikong eskwelahang ito–it walls are adorned with grand oil painting and intricate gold moldings, tila kumikinang sa liwanag ng chandelier.

Bumuga muna ako ng hangin bago pinihit ang door knob ng double doors na may marka sa brass plate ng: Director's office.

Bumungad sa akin ang nakaupong Belgian na si Mrs. Cruix, blonde ang buhok niyang nakapusod, maitim ang suot na dress at may makapal na salamin. Ayon sa itsura niya, mga mid-40 na siya. Pero maintain pa rin ang pagiging bata.

"Ms. Marquez,thank you for coming on such a short notice. Please, come inside,"nakangiti niyang bungad.

Tinugunan ko siya ng ngiti saka mabilis siyang sinundan papasok ng office.

Nakita ko agad ang anak ko. Nakaupo sa gilid ng lamesa, nakahawak sa manggas ng uniform jacket niya at mahaba ang mapupula nitong nguso. Sumikip ang dibdib ko. Parang naging krimenal ang anak ko sa ginagawa nila.

The Principal, Mr. Dolyent–a middle-aged man with graying hair and a stern expression, seated from behind his desk. “Ms. Marquez, thank you for coming.”

Kinuha ko muna ang atensyon kay Raven. Magalang ko siyang ginawara ng ngiti. "What happened? Why is my son here?"

Napalitan ng tingin ang principal at ang secretary niya. Saka tinignan ako.

“There’s been a complaint from one of the parents. Apparently, Raven… he pushed another student to the ground. There’s been some tension between him and his classmates,"paliwanag ng principal.

Tinignan ko si Raven. Namumula ang mga mata niya at para siyang puppy na nagsusumamo sa akin. Lumuhod ako sa harap niya. Tinutop ang maliliit niyang kamay. "Totoo ba ito anak? Did you push someone?"

Kinagat niya ang labi, nag-umpisang tumulo ang kanyang luha."He called me names, Mom… He said… he said I don’t have a father because… because no one wants me…”paliwanag niya sa pagak na boses.

Sinapak ako sa tyan ng mga salitang binanggit niya. Sumilakbo sa damdamin ko ang magkahalong sakit at poot pero pinilit ko maging para sa kanya.

"Oh,anak... I'm sorry." Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang aking daliri.

Binalik ko ang atensyon sa principal,“This isn’t just about Raven’s behavior, Sir. My son is being bullied. I won’t let this continue.”

Nataranta siyang inayos ang pagkaupo, nagulat sa pagiging mataray ko. "We… we’ll look into it, Ms. Marquez.. But in the meantime—”

“In the meantime, I’ll take Raven home. We’ll discuss this further once the other child’s parents are present,"putol ko. Tumayo ako at tinignan siya ng nakakasulasok.

Hindi na ako naghintay sa sagot niya. Hinila ko ang kamay ng anak ko at mabilis kaming lumabas sa opisina niya. Habang naglalakad kami sa hallway, humihikbi pa rin ang anak ko. Nainis ako ng husto. No one would make my son feel unwanted. No one.

Sinisikap kong punuin siya ng pagmamahal para hindi niya maramdaman ang pangungula sa kanyang ama. Subalit hindi a rin maiiwasan na dariting ang puntong ito.

Dumampi sa mukha ko ang malamig na hangin sa tanghaling ito dala ng lumalamig na panahon sa katapusan ng September.

"Mom, why don't I have a father? Everyone says... you didn't want me to have one."

Natigal ako. Hindi ko kaya ang sakit sa dibdib ko. Lumuhod ako sa harap niya at pinunasan ang kanyang mga luha. "Anak, I promise you. Hindi yan totoo. Mayroon kang daddy at one day magkikita kayo. Pangako ko yan."

"Really?"sabi niya, pinapakalma na ngayon ang sarili.

I swallowed the lump on my throat. Tinignan ko siya ng diretso. Hayaan mo akong magsinungaling,anak. Ayoko lang makita kang nasasaktan.

“Yes, my love. I’ll make sure of it,"sabi ko saka pinilit kong ngumiti. Hindi niya dapat akong makitang nalulungkot.

Ang malambot na liwanang ng araw sa umagang ito ay lumulusot sa kurtina ng aking apartment. Nakangiti akong inaamoy ang mahalimuyak na kape sa hangin habang busy akong hinahanda ang sarili para pumasok sa opisina. I buttoned my blouse while throwing a glance to the ticking wall clock. Kailangan kong pumasok ng maaga ngayon.

Naglalagay ako ng make-up nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinablot ko ng mabilis at tinignan ang screen. Anonymous caller pero alam ko Philippines number ito. At alam kong si Lolo Fernando ko ito.

Taking a deep breath, I hesitantly pick up the call.

"Lolo?"marahan kong tanong. Malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Althea! Bakit ang tagal mong sumagot? Talagang inaabala ka ng mga Belgian diyan kaya hindi mo magawang sumagot?" Nagmamakatol na saad ng lolo ko. Heto na naman siya, mistulang dragon na bumubuga ng apoy sa itsura ko.

"Pa-Pasensiya na po,"tugon ko. Bigla akong na-guilty. Ilang araw ko rin siya hindi tinawagan eh. "Naghahanda po ngayon para sa trabaho. Kamusta po kayo? Ayos lang po ba kayo?"

Sumunod ang katahimikan at tanging mahinang hingal ang narinig ko kasabay ng pagkalansing ng mga pinggan — malamang ang nurse ni Lolo na abala sa kusina. Nang magsalita ulit siya, may halong pangungulila at pagod ang bawat salita niya, dahilan upang magsimulang gumapang paakyat ang kaba sa puso ko.

“Kailan ka ba uuwi?” madiin niyang tanong, nangagalaiti siya sa pagiging impatient. “Althea, ilang buwan na akong nagtatanong, kailan mo dadalhin dito ang apo ko? Gusto mo bang mamatay ako nang hindi ko man lang siya nakikita?”

Tumayo ang balahibo ko. Si Lolo tinatakot na naman ako.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan,"asik ko sa kanya, may pangangatal sa tinig ko. "Hindi ko pa alam kung kailan ako uuwi. Medyo komplikado kasi."

“Saan banda ang komplikado?” Halos mabasag ang boses ni Lolo, hindi maawat ang magkahalong poot at sakit. “Ano'ng komplikado? May mas importante pa ba kaysa sa pamilya, Althea? Hindi na ako magtatagal, anak. Sabi ng doktor, konti na lang ang oras ko. Gusto mo bang iwanan ko ang mundong ito nang hindi kita niyayakap at nakikilala ang apo ko?”

Naramdaman kong unti-unting may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko na sumadal sa vanity table. Nakatulala akong pinagmasdan ang kalahating ayos ng itsura ko. At tila Lahat ng mga bagay sa paligid — ang liwanag ng umaga, ang mga huni ng ibon sa labas, ang aroma ng kape — ay biglang naglaho, pinalitan ng malamig na alon ng takot at pangamba.

Ayoko talaga ng ganitong mood.

"What do you mean,Lolo? Akala ko ba gumagaling na kayo? Wag naman kayong ganyan–"

“Huwag ka nang umasang gagaling pa ako,” sagot ng matanda,humihina ang malakas niyang boses kanina. “Panahon ko na. Pero hindi ako aalis nang hindi ko kayo nakikita. Kailangan mong umuwi. Ngayon na.”

Pareho kaming naumid.. Ipinikit ko ang sking mga mata nang biglang bumalik sa ang lahat ng alaala — ang masakit na nakaraan, ang mga kasinungalingan, at ang anino ng lalaking pilit kong iniiwasan. Ang ama ni Raven. Halos sasabog ang dibdib ko sa bawat paghinga, at na gambala ko sa ideya ng pagbabalik sa Pilipinas.

"Fine,lolo. Uuwi ako,"sumusuko kong wika. Tinatago ang panginginig. "Pero..."

"Pero ano?"matalim na tanong ni Lolo."Takot ka bang bumalik dahil sa kanya?"

Hindi niya binanggit ang pangalan pero sapat na para lamunin ako ng nakaraan.

Alam ni Lolo Fernando ang storya ko at ang dahilan kaya nandito ako sa Belgium pero hindi niya kilala ang ama ni Raven. Tinago ko sa pamilya ang tungkol kay Mikhael dahil isa siyang Henderson–sila ang sumira ng buhay ng Mama ko. Isang Henderson ang ama ko at malamang magkamag-anak sila ni Mikhael. Ayoko nang dagdagan ang problema ng pamilya ko.

Napalunok ako. "Opo,"pakli ko. Gusto kong ibahin ang usapan namin.

“Kalokohan ‘yan,” inis na sabi ni Lolo. “Wala na akong pakialam sa kanya. Kami ang importante. Kami ng pamilya mo. Ako. Ang anak mo. Huwag mong hayaang pigilan ka ng nakaraan para gawin ang tama.” Napabuntong-hininga ang matanda, at naramdaman ko ang bawat patak ng sakit at pagod sa bawat salita niya. “Althea, anak, please. Wala na akong oras. Kailangan kita rito. Kailangan kong mayakap ka. Makita ka at ang apo ko bago ako umalis.”

Parang bumara ang malaking bato sa aking lalamunan. Wala akong masabi. "Opo,lolo. Pangako uuwi ako. Magbo-book agad ako ng flight."

Saglit na natahimik si Lolo, at sa wakas, bumuntong-hininga siya,nasa tono ang puno ng pasasalamat. “Salamat, apo,” bulong niya. “’Yan ang matagal ko nang hinihintay na marinig.”

Pagkatapos ng tawag, tumayo ako roon, nakatingin sa nanginginig kong kamay na hawak pa rin ang cellphone. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang bagyong sumisisid sa akong kalooban — takot, pag-aalala, at isang malalim na kalungkutan. Ang pagbabalik ay hindi lang tungkol sa pagharap sa pamilya — kundi pati na rin sa pagharap sa nakaraan na pilit kong kinalimutan.

Kinuyom ko ang mga kamay. Kailangan magpakatatag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status