Share

1–The Child

ALTHEA~

"Buntis ka ba, Althea?"nag-aalalang bulyaw ng Mama ko matapos niyang makita akong sumusuka sa banyo.

Matapos nang may nangyari sa 'min ni Mikhael, ang kasalukuyang boyfriend ko na nakilala ko lang sa blind date. Madalas akong makaramdam ng morning sickness. Mahihilo, masusuka, napapagod at minsan hinihimatay pa.

Nagbunga ba ang mainit na gabing yon? Good news ito sa 'kin subalit hindi ko alam sa parte ni Mikhael. Isang magandang alaala at kabaliwan lang namin iyon. Hindi ko inaasahan na hahantong ako sa ganito. Malinaw pa rin sa 'kin ang bawat eksena at bawat bulong niya ng i love you sa tainga ko. That night is just a beautiful mistake, and I'll never regret it.

"Sagutin mo ako, malilintikan kang bata ka sa akin!"sabi ulit ng nanay ko sa mataas na tono. Umuusok na ang ilong niya.

My mother is a single parent. Iniwan kami ng ama ko noong 5 years old pa lamang ako. Bali-balita na isa siyang mayaman na CEO pero hindi niya kami pinaglaban. Kaya heto, mag-isang kumakayod ang ina ko. Inalay na lahat, dugo't pawis para matapos ko ang kursong business management. Pero sisirain ko iyon dahil sa kagagahan ko. Kakatapos lang ng graduation ceremony nami at dapat sa susunod na buwan ay magtatrabaho na ako. Balak kong magtrabaho sa kompanya ng ama ko para maghiganti. Ipagmumuka ko sa kanya kong siya kasama sa pag-iwan sa amin.

Kung totoo man akong buntis, matutunaw lahat ng pinapangarap namin. Kakakilala ko rin sa boyfriend ko. At sa panahon ngayon ay ang pagwa-one night stand ay parang laro lamang. Umaasa akong pananagutan niya ako. Sigurado naman ako na maninahal niya rin ako.

"Ma, baka hindi lang ako natunawan,"pagdadahilan ko na nilagay ulit ang isang kamay sa bibig. Nasusuka na naman ko. Hindi ko mapigilan ang pagbaliktad ng tyan ko.

"Araw-araw kitang nakikita nagsusuka sa kaparehong oras! Binibilog mo ba ang ulo ko? Sagutin mo ako sino ang ama?"lumiliyab ang mga mata niyang sigaw sa 'kin.

Hindi ko yata kayang sagutin siya. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa banyo. Tinapon lahat ng kinain ko kagabi.

Pumasok ang mama ko sa banyo. Hinagod niya ang likod ko imbes na hampasin ako. Sino ba'ng ina ang hindi magagalit kung may disgrasyada siyang anak? Naramdaman ni Mama ang kalagayan ko ngayon. Sumikip ang dibdib ko kasi umaasa siya palagi na wag magagaya sa kanya subalit sa ayaw't gusto namin nakatadhana nang mauuwi ako kagaya niya. Matapos non ay pinaupo niya ako sa dining table at binagyan ng isang basong tubig.

"Kailangan kong mag-pregnancy test para kumpirmahin kung totoo ba talaga na buntis ako,"anas ko matapos inumin ang tubig at hinimas-himas ang tyan.

Malungkot na pinisil ni Mama Martha ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Anak, labis akong nasaktan nang malaman na buntis ka. Sinisikap kong wag magaya sa akin pero mahihina talaga tayo pagdating sa pag-ibig. Sino ba ang ama niyan?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Two weeks pa lamang kami maging magboyfriend ni Mikhael Bryce Handerson, hindi ko pa alam kung ano ang family background niya. Ang alam ko isa siyang sikat na varsity player sa basketball na kinatitilihan ng lahat. Saktong nag-blind date kami at naging mag-partner. Saka mabilis na naging magboyfriend matapos ang tatlong beses na pagdi-date. Kilala ko na noon pa si Mikhael dahil sikat siya Isa lang akong ordinaryong college student na normal na may crush sa campus. Hindi ko inaasahan na mahulog si Mikhael sa 'kin.

Nakalimutan kong ipakilala siya kay Mama bago pa man may nangyari sa 'min.

"Si Mikhael Byrce Handerson po. Ang sikat na basketball player ng Univeristy,"amin ko

Napatiim bagang siya. Humigpit ang ekspresyon niya. Tila may kaba at galit sa loob niya Kinuyom ni Mama ang mga palad niya.

"Isang Handerson ang dumisgrasya sa'yo? Bakit yang pamilya pa?"pagak ang boses niyang saad.

Hindi ko kilala ang Handerson. Ayon sa mukha ng ina ko, may koneksyon siya sa pamilyang yon. Tila isang nakakagimbal na alaala ang meron siya. Halata ang pagkasuklam niya sa pagbigkas ko ng apelyidong iyon.

"Bakit po Ma? Kilala niyo ang mga Handerson?"usisa ko.

Suminghap siya saka tumayo. Niligpit muna ang baso ko bago niya ako tinignan ulit. May maitim na ulap na nakapaligid sa mga mata niya. "Sila ang sumira ng buhay ko, anak. Nasasaktan ako ngayon dahil nabiktima ka rin ng mga Handerson."

"Pero mahal ko po si Mikhael at wala akong pakialam kung anuman ang history ng pamilya niya,"giit ko.

Kumislap ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. "Umaasa ako na iba siya sa Ama mo,"pagkasabi niya'y tinungo na ang kusina para magluto ng ibebenta niyang pagkain.

Ngumingiti ako habang taimtim ba pinagmamasdan ang dalawang pulang guhit ng hawak kong pregnancy test. Totoo akong buntis at nasasabik akong ibalita yon kay Mikhael. Kinuha ko ang cellphone para tawagan siya. Nakita kong nakatatlong miss call siya. Hinahanap niya pala ako. Malamang nag-aalala na siya sa 'kin dahil mag-iisang linggo na kaming di nagkikita matapos nang may mangyari sa 'min. Isang masayang ala-alala ang gabing yon. At itatago ko iyon na parang perlas sa puso ko. First boyfriend ko si Mikhael kaya hindi ko makakalimutan 'yon.

Tatawagan ko sana siya pero naisip ako. Mabuti pa sasabihin ko ng personal. Tiyak matutuwa si Mikhael sa hatid kong balita. Magiging ama na siya.

Minabuti kog tumungo sa condo niya. Palagi itong tumatambay doon at minsan ako rin ang naglilinis. Meron akong duplicate ng susi kaya malaya akong maglabas pasok doon.

Kumakanta akong tinatahak ang kahabaan ng pasilyo papunta sa unit niya nang marinig ang alingaw-ngaw ng boses babae. Matiniis at mahina, kahit boses pa lamang malalaman na maganda ito. Ang boses na iyon ay nanggagaling sa pasilyo kung saan ang unit ni Mikhael. Lumiko ako at balak ko sanang sorpesahin siya. Kaso noong inangat ko ang aking ulo, nakita ko ang balingkinitan at makinis na babae. Seryosong kinakausap si Mikhael na may matigas na tono.

Tumago ako sa likod ng pader para oserbahan ang dalawa.

"Mikhael, please don't leave me. I'm begging you, "nagmamakaawang sabi ng babae.

"Enough, Milena! Ayoko nang makinig sa lahat ng sinasabi mo!"galit na sigaw ni Mikhael.

Kumapit ang babae sa mga bisig niya. Sumikip ang puso ko sa nakita, tila gusto ko siyang sugurin at ilalayo sa lalaki ko.

"Ano ba'ng pinakain ng babaeng yon kaya nagkakaganyan ka? You promised to marry, Mikhael!"

Nagulantang ako sa narinig. Parang hinahati ang puso ko. Sana hindi 'yon totoo.

"I said enough!"pilit na tinataboy ni Mikhael ang babae. Hindi na maipinta ang mukha sa inis. Kulang na lang ay kaladkarin ito palabas.

"You said you love me, right? I am your first love, and you promised to marry me,"mangiyak-iyak na giit ng babae.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko inaakala na may girlfriend ang lalaking minahal ko At kasalanan ko pa kaya maghihiwalay sila. Ano ito? Panakip butas lang pala ako!

"I do but..."

"Please tell me, you still love me. Gagawin ko ang lahat mag-work out lang ang relasyon natin,"kumapit ito sa dibdib ni Mikhael. Desperadang nagmamakaawa.

"I can't-"

Pagkasabi non ni Mikhael ay bigla siyang h******n sa labi ng babae. Wala naman sa sariling tinugunan ang mga halik nito. Niyakap pa ng mahigpit ang babae.

Isang segundo nadurog ang puso ko.

Naramdaman kong uminit ang gilid ng mga mata ko. Kinapos ako ng hininga. At piniling talikuran ang dalawa. Nakakuyom ang mga kamay kong iniwan ang condominium habang luhaan.

Hindi ko inaasahang nagsinungaling siya sa akin. Pinaglaruan niya ako ng dalawang linggo. At nagkamali akong ibigay ang sarili sa kanya.

Parang akong nahulog sa malalim nahukay. Wala akong magawa sa nasangkutang pangyayari ngayon. Kaya heto, napagdesisyonan kong pumunta sa ibang bansa-matagal na rin kasi akong in-offer-an ni tio Gio na pumunta sa Belgium. Tamang-tama sa sitwasyon ko ngayon. Pupunta ako roon para makalimot at palalakihing mag-isa ang aking anak.

Ako na mismo ang magpapaubaya. Saka kasalanan ko rin na mahulog sa kasinungalingan niya.

Maluha-luha akong niyayapos si Mama habang nagpapaalam sa kanya. Nasa airport kami sa hapong ito kaso alas dose pa ng hating gabi ang flight ko.

Ayaw sana niyang papuntahin ako sa ibang bansa pero pumayag siya nang sinabi ko ang totoo sa kanya.

Noong ina, senermon niya ako pero naawa siya sa akin kasi yon din ang nanarasan niya dati. Laki rin ang pasasalamat niya kay Tio Gio sa alok na ito. Malaking tulong iyon para sa ikakabuti ko.

"Mami-miss kita anak,"anas niya habang hinahalikan ako sa pisngi. Pinapakita kong malakas at hindi nagpapaapekto sa malungkot ko na sitwasyon.

"Ako rin, Ma. I-a-update na lang kita araw-araw through socmed,"kalmado kong tugon pero hindi maitatago ang pangingig ng boses ko.

"Alagaan mo ang sarili mo doon pati ang apo ko. Kapag may chance na pwdeng makapunta doon. Susunod talaga ako,"anito. Hindi pa rin mapapatid ang luha.

Wala rin kasi siguraduhan kong babalik ako ng Pilipinas. Pwede ring, I stay there for good.

"Of course, mama. Send my regards to Lolo Fernando po. I hope hindi siya magagalit sa desisyon ko,"malumanay kong habilin.

Kinusot niya ang mga mata. "Maiintidihan ka ng lolo mo, 'nak. At sigurado magiging masaya ito kapag malaman niya na may apo na siya sa tuhod."

Kinibot ko ang dulo ng aking labi. Naalala ko ang araw na kasama si Lolo, inaalagaan niya ako at nilileksyonan kapag susuway ako sa mga utos niya. Ako ang kanyang first apo kay medyo stikto pero mahal na magal ako non.

"Well, are you ready, niece?"anang ni Tio Gio nang sumulpot ito sa likod ni Mama.

Nakangiti akong tumango. Niyakap ulit ako ni Mama ng ilang segundo bago pinakawalan. This time, hindi ko na mapigilang lumuha.

Hinagod ni Tio Gio ang likod ng ate niya. Kino-console ito "Don't worry ate, aalagaan ko silang dalawa. Okay? Tahan na," pagbibigay nito ng assurance.

"Sige, Ma! Mag-iingat at alagaan niyo ang sarili niyo dito,"sabi ko saka hinila ang aking trolley.

Nagbeso-beso muna sila ni Tio bago ito sumunod sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga.

Ito na ang bago kong buhay. Kakalimutan ko siya at aalagaan ko ang anak ko. Puno ng determinasyon kong sabi sa sarili.

Nasa check in counter na ako ng nag-vibrate ang cellphone ko. Alam ko na yon. Hindi niya ako tinitigilan. Once nasa Belgium na ako, itatapon ko na ang sim.

Goodbye, Mikhael. Mag-enjoy ka sa Girlfriend mo. I don't care about you anymore.

Pinatay ko ang cellphone matapos titigan ang pangalan niya sa screen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status