Chapter 012Nagulat ako nang bumugad sa akin ang pigura ng aking asawa na nakaupo sa harap ko, titig na titig ito sa akin animo’y minimemorya ang aking mukha. “Lincoln? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kan’ya at agad na napabalikwas ng bangon. Huminga ito ng malalim saka malungkot na nagsalita. “We need to talk, O,” wika nito. Ngunit umiling lamang ako at sinamaan siya ng tingin. Pinangako ko sarili ko na ayaw ko ng makita siya dahil alam kong sasaktan na naman ako nito ng paulit-ulit lalo pa’t nalaman ko rin na buntis ang sekretarya niya kani-kanina lamang. Kinuyom ko ang aking kamao saka lakas-loob na nagsalita. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Lincoln. Tapos na tayo ‘di ba? Tapos na ang relasyon nating dalawa noong ibinigay mo sa akin mismo ang divorce paper nating dalawa.” Napanganga siya’t gusto sigurong magsalita ngunit wala man lang salitang lumabas sa lalaki. Umiwas lamang ito ng tingin sa akin na para bang nahihiya na ewan. Ano bang problema ng lalaking ito? Bak
Nagising ang aking diwa dahil sa narinig na katok sa pinto ng aking kwarto. Wala akong inaksayang oras at mabilis na binuksan ang pintuan. It was Aling Maria at napansin kong parang kakaiba ang ekspresyon nito. Halos hindi maipinta ang mukha nito't parang nammroblema. "Anong hong atin, Aling Maria? May problema po ba?" tanong niya sa matanda. Nagulat silang dalawa nang dumagundong ang kulog kasabay ang kidlat sa labas, kasunod noon ang napakalakas na ulan. Bigla siyang nakaramdam ng lamig kaya napayakap siya sa kan'yang sarili. "Hindi sa nanghihimasok ako, Octavia pero iyong asawa mo, nag-aalala lang ako sa kan'ya. Kanina pa iyon nakatambay sa labas baka lagnatin iyon, ayaw mo bang papasukin? Sobrang lakas pa naman ng ulan, hija." Gusto niyang mapa-irap dahil sa sinabi ni Aling Maria ngunit hindi niya ginawa. Alam niya at aware siya na kanina pa nasa labas si Lincoln para kausapin siya subalit wala siyang pakialam. Ayaw niyang makita ang lalaki at pinapangako niya sarili na hindi n
Nagising si Octavia sa alarm ng kan'yang telepono, agad siyang napabalikwas dahil doon. Kahit na antok na antok ay pinilit niyang bumangon dahil papasok pa siya sa trabaho. Yes, she has a job, nag-leave lamang siya ng ilang araw dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya makakapag-focus sa trabaho kapag may problema siya. Hirap siyang makatulog kagabi dahil alam niyang naroon lamang sa katabi niyang bahay ang kan'yang asawa at isa pa hirap siyang magdesisyon kung mag-re-resign ba siya sa trabaho o hindi. Malaking bagay rin kasi ang trabaho niya lalo na't wala na siya sa puder ng kan'yang asawa, hindi na libre ang pangangailangan niya sa pang-araw-araw. Ayaw rin naman niyang manatali sa isang lugar kung nasaan naroon ang kabit at ang asawa niya dahil masasaktan lamang siya't hindi makaka-move on.Ilang oras din ang pag-iisip niya kagabi nang mapagpasyahan niyang gumawa ng resignation letter. Sa hinaba-haba ng oras ay napagdesisyonan niyang mag-resign sa kompanya ng asawa. Siguro'y
Labis ang aking saya nang matagpuan ang sarili sa isang mamahaling restaurant na pina-book ng aking asawa. Ngayon ang aming third wedding anniversary kaya naman sobra ang aking pagka-excite dahil sa wakas ay naalala ng lalaki kung ano ang araw ngayon. Sa tagal ng panahon naming nagsama, ngayon lang ako nito dinala sa isang marangya at mamahaling restaurant. Nabaling ang aking paningin sa isang lalaking kakapasok pa lang sa loob, it was Lincoln, the love of my life, my soul and everthing, ang pogi talaga ng aking asawa. Napabuntong-hininga ako at napalunok ng laway. Bigla akong kinabahan dahil sa titig ng lalaki nang makita niya ako. Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ngunit agad kong pinakalma ang sarili. Pinilit kong ngumiti nang makita kong umupo ito sa aking harapan. Tatlong taon na ang nakalipas nang ikinasal ako sa lalaking nasa harapan ko. It was only an accident, nabuntis ako nito nang hindi inaasahan. That was only a one night stand but when he knew I was pr
"Hindi ka aalis, O hangga't hindi mo napipirmahan itong divorce papers natin." Masakit, sobrang sakit ngunit tinatagan ko na lamang ang aking loob dahil sa mga panahong ito iyon lang ang kaya kong gawin. Pinilit kong hindi umiyak sa harapan ng lalaki kahit may namumuong luha sa aking mga mata. Taas noo ko pa siyang tiningnan dahil ayaw kong ipakita sa kan'ya na mahina ako. Ayaw kong maging kawawa sa paningin niya, ito man ang huli naming pagkikita migth as well na ipakita sa kan'ya na kaya kong mabuhay ng wala siya. Ang marinig na sumusuko na ang isang lalaki sa relasyon ang pinakamasakit sa babae. Tatlong taon, tatlong taon kong ginugugol ang oras ko sa kan'ya ngunit ito lamang ang matatanggap ko. Tanginang pagmamahal ito. Gayunpaman, gusto kong bigyan ulit ng pagkakataon ang aming pagsasama. Anak? Anak ang kailangan niya? Ibibigay ko. Mas pagiigihan ko pa para makabuo kaming dalawa. Tanga man kung titingnan pero ayaw kong sumuko ng hindi man lang ginagawa ang lahat. Hindi ako
Nilingon ko ang orasan sa aking harapan, mag-a-alas nuebe na ng gabi kaya agad akong nag-ayos ng aking sarili. Nilingon ko si Nanay na mahimbing na natutulog, napangiti ako ng dahil doon. Sabi ng doktor stable naman na ang lagay ng inay ngunit mananatili muna siya sa hospital ng ilang araw para obserbaran ang kalusugan niya. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor. Hindi ko pa nasabi sa aking ina na hiwalay na kami ni Lincoln at wala akong balak na sabihin iyon dahil alam kong makakasama lang iyon sa kalusugan niya. Ayaw ko na ring mag-isip pa siya at idamay sa problema ko. Saktong alas nuebe ng gabi nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili. Hinalikan ko muna ang aking ina sa noo saka lumabas ng kan’yang kwarto. Tulog pa si Claire sa sofa kaya dahan-dahan ang aking mga galaw baka magising siya. " S-Saan ka pupunta, O?" rinig kong bulong ni Claire sa akin kaya napahinto ako. Nilingon ko siya saka nginitian. " Sa bahay may kukunin lang. Mabilis
“‘Nay! ‘Nay! Huwag mo po akong iwan, ‘Nay!” sigaw ko habang hinahabol ang pigura ng aking ina na naglalakad patungo sa maliwanag na bahagi. Huminto lamang ako nang makita siyang huminto sa paglalakad saka lumingon sa akin. Nilapitan ako nito at ngumiti ng matamis, hindi ko magawang suklian iyon dahil iyak lamang ako ng iyak sa kan’ya. Napaupo na lamang ako at niyakap siya sa paa. Umupo agad ito at pinakatitigan ako. Hinawakan nito ang aking magkabilang pisngi saka nagsalita. “Bakit umiiyak ang anak ko?” tanong nito kaya mas lalo pa akong umiyak. “Shhh. Tahan na anak, ‘di ba sabi ko sa'yo; ayaw kong nakikita kang umiiyak?” Napailing ako at agad na pinunasan ang aking mga luha. Pinilit kong magsalita kahit na nahihirapan akong bumigkas ng kahit isang salita man lang. “I-Iiwan niyo na ako, ‘Nay! Hindi ko kayang mawala ka sa akin! Hindi ako papayag na iwan niyo ako. Kayo na lang ang natitirang nagmamahal sa akin dito, please ‘Nay isama niyo na lang ako sa inyo!” pagmamakaawa ko
“Ano? Hindi mo man lang siya napatay? Palpak ka na naman! Ano na lang ang sasabihin sa atin ni Boss?” tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Kinakabahan siya dahil sa galit na boses na nagmumula sa telepono, alam niyang palpak na naman siya kaya mas lalo pang magagalit ang boss nila sa kan’ya mas worst ay baka masisante siya sa trabaho. Kinagat niya ang kan’yang labi hanggang sa nalasahan niya ang dugo. Tiningnan niya ang kan’yang kapatid na nahihirapang huminga, pinikit na lamang niya ang kan’yang mga mata para hindi makita iyon, nahihirapan siya sa tuwing nakikita ang kapatid niyang hirap huminga dahil sa malubhang sakit. “P-Pasensya na, ginawa ko naman ang lahat eh, sadyang malakas ang babae at masamang damo kaya hindi ko siya natudas agad. Maipapadala mo ba ang pera sa akin ngayon? Kailangan na kailangan ko kasi iyon, kahit partial lang ang kunin ko alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, Pare , kailangan kong mapagamot ang aking kapatid sa lalong madaling panahon, baka lumubh