Share

Kabanata 006

Octavia POV

“O, ihahatid na kita,” saad ni Lincoln sa akin habang nakabuntot palabas ng hospital. Hindi ko man lang siya pinapansin simula nang i-cremate ang aking ina. Hindi na rin ako nag-eskandalo pa dahil pagod na pagod na ako, hinayaan ko na lamang siyang samahan ako sa pag-aasikaso ng labi ng aking ina buong araw at ngayong uuwi na ako ay hindi pa rin ako tinatantanan.

Ano ba ang problema niya? Siya itong gusto akong iwan bakit bumaliktad na ata ngayon?

“Huwag na, kaya ko na ang sarili ko at pwede ba hiwalay na tayong dalawa bakit ka pa buntot ng buntot sa akin?” inis kong tanong sa aking asawa saka sinamaan ito ng tingin. Napaatras naman si Lincoln dahil doon, kita ko ang lungkot sa kan’yang ekspresyon na para bang nasasaktan ito sa sinasabi ko. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang lalaki.

“Sige na, O. Iuuwi na kita, kailangan mong magpahinga…” Hinawakan niya ang aking kamay pilit na hinihila ako papasok sa kan’yang kotse ngunit tinabig ko lamang siya.

“Ano ba! Sinabi ng huwag na eh! Bingi ka ba? Hindi ako uuwi sa bahay mo!” galit kong sigaw sa kan’ya ngunit umiling lamang ito.

“Sige, hindi na kita iuuwi sa bahay ngunit hayaan mo akong ihatid ka sa hotel natin,” wika nito. Napailing ako.

“Huwag ng matigas ang ulo, O. Tingnan mo ang langit, sobrang dilim. Alam mong aabutan ka ng baha kapag umuwi ka pa sa inyo…” Tiningnan ko ang langit at hindi nga nagsisinungaling ang lalaki. Naramdaman kong nagsisipatakan na ang malalaking patak ng ulan at malakas na hangin sa paligid. Nagulat pa ako nang biglang dumagundong sa paligid ang kulog kaya napahawak ako ng dibdib. Natatakot pa naman ako sa kidlat at kulog.

Agad na binuksan ni Lincoln ang pintuan ng kotse nito kaya wala akong choice kung ‘di ang pumasok doon. Naiinis pa ako kay Claire dahil kanina ko pa ito hinahanap, hindi man lang ito nagpakita sa akin, sabay sana kaming umuwi.

Nang makapasok si Lincoln ay agad niyang pinaandar ang kotse, tumingin pa ito sa akin saka napabuntong-hininga. Mabilis naman kaming nakarating sa hotel niya, hindi nga siya nagkakamali, umaapaw na ang tubig sa palagid.

Hindi ko na hinintay si Lincoln na pagbuksan ako ng pinto. Kaagad akong pumasok sa loob. Para akong basang-sisiw nang makapasok sa hotel na iyon. Malaki ang hotel na pagmamay-ari ng mga Griffin. Baka nga hindi ko afford na mag-book sa mamahaling hotel na ito, kulang pa nga ata ang isang buwang sahod ko sa gagastusin ko dito. Bigla akong napaatras ngunit huli na nang makita ako ng receptionist.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na para bang hindi makapaniwala na makita ako roon sa loob. Kung tutuusin para akong isang pulubi na naligaw roon dahil sa gulo-gulong buhok at basang damit.

“Sorry, Ma’am pero puno na ang lahat ng kwarto ngayon. Hindi na kami nagtatanggap ng guest ngayon,” walang ganang wika nito sa akin. Para ba itong nandidiri sa akin kung makatingin, at inirapan pa talaga ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng energy, agad na akong tumalikod at akmang aalis na roon subalit pinigilan ako ni Lincoln.

“Ah-Salamat, miss.” Bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking katawan. Hindi ako nababagay sa mamahaling hotel na ito.

“Saan ka pupunta??” tanong nito.

“Aalis na ako, hindi ko afford ang ganitong hotel, isa pa fully-booked na ang hotel ninyo.” Biglang dumilim ang mukha ni Lincoln saka tiningnan ang babae.

“At sino nagsabing fully-booked na ang hotel na ito? Kakasabi pa lang ng supervisor niyo na may isa pang VIP room na bakante rito. Where’s your supervisor? I want to talk to him.” Nabigla ang empleyadong babae sa sinabi ni Lincoln, hindi naman ito mapakali sa kinatatayuan, yumuko lamang ito sa amin na para bang nahihiya o kaya’y natatakot.

“What’s the problem, Mr. Griffin?” Biglang sumulpot ang isang lalaki sa likuran namin. Agad namang binati ito ng empleyadong babae saka tumayo sa tabi nito.

“Your employee has a lack of training. Hindi ko gusto ang ugaling pinapakita nito sa costumer. I want her out of this hotel, NOW!”

Nakita kong lumuhod ang empleyadong babae sa harapan ni Lincoln ngunit naging matigas lamang ang ekspresyon nito. Ni hindi man lang nilingon ng lalaki ang babaeng nagmamakaawa sa harapan nito. Iyak ito ng iyak habang nagmamakaawang huwag sesantihin dahil may mga anak ito.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa babae subalit nawala iyon nang marinig ang sinabi nito.

“Siya po ang unang nangmaliit sa akin! Ang babaeng iyan, kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin, sinasabi niyang isa akong hamak na empleyado lamang! Siya ang nauna Mr. Cruz, siya dapat ang palayasin niyo!”hagulhol ng babae saka sinamaan ako ng tingin. Nanlalaki naman ang aking mga mata nang sabihin niya iyon, nagsisinungaling ang babaeng ito, ni hindi ko na siya kinausap at nang sabihin niyang puno na ang mga kwarto sa hotel ay agad akong umalis at nagpasalamat. Kumuyom ang aking kamao, magsasalita na sana ako para ipagtanggol ang aking sarili subalit nagulat na lamang ako nang dumgundong sa paligid ang tunog ng isang malakas na sampal.

“Nasisiraan ka na ba ng ulo? Hindi mo ba kilala ang mga nasa harapan mo? Sila ang nagmamay-ari ng hotel na ito at ang babaeng pinagbibintangan mo ay ang asawa ni Mr. Lincoln Griffin na si Mrs. Octavia Griffin! Umayos ka nga!” sigaw ni Mr. Cruz matapos sinampal ang empleyado niya. Naging parang estatuwa ang babae sa aming harapan, tila ba napipi ito dahil sa sobrang gulat.

As expected, kukunti lamang ang nakakakilala sa akin bilang asawa ni Lincoln. Ni minsan kasi ay hindi ako nito sinasama sa mga business meeting o kaya party nito. Halos ang sekretarya ni Lincoln ang kasama niya palagi.

“Paumanhin, Ma’am at Sir. Hindi naman ako nagkulang na ipakilala kayo sa mga empleyado ko, hindi ko alam kung bakit hindi man lang kayo nakilala ng isang ito. Huwag ho kayong mag-alala bukas na bukas ay hindi niyo na makikita ang kan’yang pagmumukha.”

Agad na umalis si Mr. Cruz sa aming harapan habang hila-hila ang babae. Para itong naging isang lantang-gulay, walang nagawa kung ‘di ang tumititig lamang sa kawalan habang umiiyak.

“Okay ka lang, O?” tanong ni Lincoln kaya napatango ako.

Dahil sa nangyari kanina ay para bang nawala ang naipon kong lakas kanina. Gusto ko na lamang magpahinga, hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lamang kay Lincoln. Nang binuksan niya ang pintuan ay agad akong pumasok, kumunot naman ang aking noo nang makitang pumasok ang lalaki. Tiningnan ko lamang siya ng may pagtataka kaya napatikhim siya.

“Isa lang ang available VIP room sa hotel, hindi rin ako makakauwi sa atin dahil sa lakas ng ulan at baha pa sa labas. There’s nothing wrong about sharing a room with you, in the first place you are my wife,” tuloy-tuloy na saad nito saka napaupo sa king-sized na higaan.

“Correction, EX-WIFE!” inis na sagot ko saka mabilis na kinuha ang roba sa gilid at pumasok sa banyo. Bigla kasi akong nilamig dahil sobrang basang-basa ko na, wala akong choice kung ‘di ang maligo baka lagnatin ako kinabukasan. Nang mapuno ng tubig ang bathtub ay agad akong nagbabad doon at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status