Share

Kabanata 008

Inipon ko ang aking lakas para tumayo sa pagkakaupo sa sahig at nang mabawi ko ang aking lakas ay agad akong naglakad papunta sa banyo. Napahinga ako ng malalim nang makita ang aking sarili sa malaking salamin. Para akong isang babaeng baliw na pinabayaan ng minamahal o kapamilya, sabog-sabog ang buhok pati namamaga ang mga mata.

Pinilit kong ngumiti ngunit naging mistulang peke lamang ito. Tiningnan ko ang aking katawan at napangiwi nang ma-realize na sobrang nangangayayat na pala ako.

“Maganda ka, O…” sambit ko sa aking sarili at hinawakan ang aking pisngi. Inayos ko rin ang aking buhok na gulo-gulo saka pilit na ngumiti.

“Hindi ka pangit, maganda ka, tandaan mo ‘yan,” wika ko pa. Para akong baliw na kinakausap ang sarili pero sa paraang ito na-re-relax ang pakiramdam ko.

“Sabi nga ng nanay, maganda ako kahit hindi ako mag-ayos. Kaya lang naman ako naging gan’to kalosyang dahil kay Lincoln lang umiikot ang mundo ko. Sya lang ang importante para sa akin kaya kinalimutan ko ng alagaan din ang sarili ko.” Napangiti ako ng mapait dahil doon. Tumulo ang aking luha kaya naman agad kong hinilamusan ang aking mukha. Sawang-sawa na akong umiyak, dapat ay maging masaya ako ngayon dahil nakawala na ako sa peste kong buhay dati. Malaya na ako’t simula ngayon, uunahin ko na ang sarili ko.

Simula pa lang ay hindi naman ako ang tipo ni Lincoln, never niya akong binigyan ng pansin noon. Ang isang babaeng katulad ko ay hindi bagay sa kan’ya, simpleng babae lang naman ako at hindi maipagmamalaki. Hindi katulad kay Diana na sobrang sexy, malaki ang hinaharap at napakakinis ng legs, malayong-malayo sa kan’ya.

Napahinga ako ng malalim at napailing, dapat na itigil ko na ang pagkokompara, masasaktan lang ako lalo. Hindi ko dapat ikompara ang sarili sa babaeng iyon dahil malayong-malayo naman talaga kami sa isa’t-isa. Si Diana ay isang hitad at cheap na babae dahil pumapatol ito sa may asawa na. Yes, she’s gorgeous and sexy but she’s a cheap woman and a bitch. Tama, maganda nga siya ngunit isa naman siyang hitad na malansa.

Lumabas ako ng banyo at kinuha ang isang wine sa lamesa. Bigla akong nakaisip ng ideya, I should celebrate, right? Ipagdidiriwang ko ang araw ko ngayon dahil malaya na ako sa asawa ko. Hindi na ako gigising ng maaga para asikasuhin lamang siya’t hintayin hanggang sa makauwi ito ng late na. Hindi na rin ako mag-e-effort na mapansin niya’t maghahanda ng bongga para sa mga araw na espesyal gaya ng birthday niya at anibersaryo naming dalawa.

Dahan-dahan kong nilagyan ng wine ang aking baso , pinuno ko ito animo’y parang tubig lamang ang aking iinumin. Agad ko itong nilagok ng isahan saka napapikit ng mariin, sobrang sarap sa pakiramdam at nakakaadik. Napangisi ako nang makaramdam ako ng kaginhawaan dahil lang sa pag-inom ng alak. Sumalin pa ako ng isa at uminom ulit kaya napapikit na naman ako.

“Heaven!!” sambit ko nang makakalahati na ako ng bote.

“Sisiguraduhin kong matitikamn ni Lincoln at ang kabit niya ang mapait kong paghihiganti, hindi man ngayon pero nakakasiguro akong malapit na. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak sila, sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang huling halahakhak! Sisirain ko silang dalawa gaya ng pagsira nila ngayon sa aking buhay. Pagsisikapan ko na maging successful ako para naman mapantayan ko sila, no! Para mahigitan sila!”

Tumawa ng malakas na para bang nababaliw na at uminom ng wine, imbis na sa baso ay sa bote na ako tumungga, inubos ko ang lahat ng nasa loob noon ni patak ng alak ay wala akong pinalampas. Tumulo ang aking luha sa aking pisngi hanggang sa hindi ko namalayang hinubad ko na pala ang lahat ng aking kasuotan dahil nakakaramdam na ako ng init, siguro’y epekto ito ng alak. Umiinit ang aking katawan na para bang niluluto ako sa isang malaking oven, agad kong kinuha ang remote ng aircon at mas pinalakasan pa ang hangin ngunit wala pa rin itong epekto.

Ang impluwensya ng alak ay sobrang lakas para sa akin lalo na’t hindi naman ako sanay uminom. Hubo’t-hubad man ay gumapang ako papuntang higaan at doon humiga. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sobra akong nahihilo, para bang umiikot ang kwarto’t dinuduyan ako. Nararamdaman ko rin ang bigat ng aking talukap hudyat na inaantok na ako. Napahawak ako sa aking ulo dahil nakakaramdam ako na para bang pinupokpok ng isang martilyo ito. Napahinga ako ng malalim, pinagsisihan kong inubos ko ang isang boteng alak na iyon!

“SHIT!” inis kong sambit.

Ilang minuto ang nakalipas ngunit gano’n pa rin ang aking nararamdaman, hanggang sa ‘di ko namalayang nakatulog na pala ako ng hubo’t-hubad sa kama.

***

Nagising ang aking diwa nang makarinig ng ugong ng pintuan na dahan-dahang bumukas, gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit ng aking ulo. Mas gugustuhin ko pang matulog sa mga oras na iyon ngunit pilit na sinasabi ng aking diwa na ‘huwag akong matutulog dahil baka bumalik si Lincoln sa kwarto, na baka si Lincoln ang pumasok sa loob’

Sa pagkakataong iyon ay naimulat ko na ang aking mga mata ngunit kaunti lamang. Napangiti ako nang makita ang isang pigura ng lalaki na papalapit sa akin. Hubog iyon ng aking asawa kaya nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi.

“L-Lincoln, bu-bumalik ka….” naiiyak kong wika. Hindi ko alam kung panaginip lamang ang aking nakikita ngunit masaya ako dahil bumalik si Lincoln sa akin. Akala ko tuluyan na niya akong iniwan dito sa hotel. Kanina pa ako isip ng isip kung nasaan siya at kung baka na kay Diana na naman siya.

Nakaramdam ako ng lamig kaya napayakap ako sa aking katawan. Napangiti ako ng mapait nang maalalang lango pala ako sa alak at alam kong nag-ha-hallucinate lamang ako. Siguro nga’y panaginip lamang ito. Alam kon imposibleng balikan ako ng lalaki dahil wala naman itong nararamdaman sa akin.

Bagamat kahit na panaginip lamang ito, nararamdaman kong tunay ang lalaking nasa harapan ko. Sobrang gwapo pa rin niya at sexy sa aking panaginip. Almost perfect ika nga. Kahit na sa panaginip ay hindi siya nabibigong akitin ako, napakagat ako ng labi dahil nakaramdam ako ng init sa katawan. Para ba akong naglalaway at nag-cra-crave sa kan’ya.

Ilang buwan na rin akong walang dilig?

Tatlo? Hindi, limang buwan pala. Limang buwan na akong hindi nasisiping ng aking asawa gawa ng sobrang busy ito palagi sa trabaho o baka sa kabit niya. Iginiya ko ang aking mga kamay sa harap niya na para bang pinapalapit siya sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kan’ya ngunit tiningnan lamang ako nito ng seryoso.

Kahit ngayon lang, kahit na sa panaginip lang gusto kong maranasan ulit na angkinin niya dahil hindi ko na ito mararanasang muli. Napangiwi ako dahil kahit na sa paniginip ay cold pa rin ito sa akin. Ang mga mata nito ay sobrang lungkot that’s why I feel disappointed. Kahit sa panaginip, binigo na naman niya ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status