Share

Kabanata 007

Bigla akong nagising nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata’t nakita si Lincoln na sobrang lapit na ng mukha sa akin. Agad akong napabalikwas dahil sa sobrang gulat.

What the actual fuck?? Naliligo lang ako kanina bakit nasa malambot na ako na kama? Mabilis kong binusisi ang aking katawan, napasinghap ako nang makitang nakasuot na ako ng puting roba.

“Anong… Anong ginawa mo sa akin??” tanong ko kay Lincoln. Napaatras naman ang lalaki saka napailing.

“Wala akong ginawa sa’yo. Sobrang himbing ng tulog mo sa loob ng banyo, hindi mo ba alam na sobrang delikadong matulog doon? Paano kung nalunod ka?” nag-aalalang sagot nito sa akin ngunit napairap lamang ako.

“Look who’s talking right now? Concern ka sa akin? Himala ata? Mas gusto ko nga iyon, eh. Para naman makasama ko na ang aking Inay…”

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala na naman ang aking pinakamamahal na ina. Sa ngayon, ako na lamang ang mag-isa. Ako na lamang ang mag-aalalaga’t magmamahal sa aking sarili. Iniwan na ako ng aking ina at itong kaharap ko ay iiwan na rin ako. Gusto kong maawa sa sarili pero para ano pa? Sawang-sawa na akong kaawan ang sarili ko.

“Huwag mo ngang sabihin iyan, that is not pleasant to hear. Look, Octavia—” Agad akong umupo sa pagkakahiga, pilit niya akong hinahawakan ngunit iniiwasan ko lamang siya.

“Don’t you ever touch me, Lincoln. Nandidiri ako sa’yo!” Kita ko ang sakit sa kan’yang mga mata ngunit pahapyaw lamang iyon. “Mas maganda na umalis na lang ako rito sa hotel mo. Ayaw na kitang makita at makasama dahil nasusuka lamang ako sa pagmumukha mo!” galit kong dagdag pa. Kulang pa itong mga masasakit na salita sa kan’ya dahil mas masakit pa ito sa ginawa niyang pambababoy sa akin at sa relasyon namin. Biglang rumehistro sa aking isipan ang halikan nila ng sekretarya niya kaya mas lalong imigting pa ang aking galit na nararamdaman.

“Gano’n mo na ba ako kinasusuklaman? Wala na bang pagmamahal na natitira riyan sa puso mo, Octavia?” tanong nito saka lumapit sa akin. Pilit naman akong umaatras hanggang sa lumapat na sa pader ang aking likod nangangahulugang wala na akong kawala sa kan’ya. Buong lakas ko siyang tinulak ngunit sobrang hina ko kumpara sa lalaking ito. Hindi ako kasing lakas niya kaya naman hindi man lang natinag ang lalaki. Agad niyang nahuli ang aking dalawang kamay saka mas dinikit pa ako sa pader.

“B-Bitawan m-mo a-ako, Lincoln,” bulong ko na may halong pagmamakaawa, nakaramdam ako ng kaba dahil sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sobrang nag-pa-panic na ako. Wala akong ibang maisip kung ‘di ang makaalis sa  lalaking ito. 

“Please, Lincoln, bitawan mo na ako… Hindi na ako makahinga,” nahihirapang wika ko ngunit ngumisi lang ito. Nagsimulang mandilim ang kan’yang mga mata habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang aking baba saka iginaya ang aking mukha pataas para magkatitigan kaming dalawa. 

“Hindi ka bibitawan hangga’t hindi mo ako sinasagot sa tanong ko,” bulong nito. Kita ko ang pahapyaw na lungkot sa mga mata nito ngunit kaagad namang napalitan ng galit. Nanlilisik at nandidilim ang mga nito bagay na ikinanginig ng aking tuhod. 

Huminga ito ng malalim saka nagsalita, “Bakit mo ako niloko, Octavia? Anong nagawa kong mali sa’yo para lokohin ako at saktan ako ng ganito?” 

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. What the—ano bang pinagsasabi nito? Uminit ang aking ulo dahil sa sinabi nito, ang nararamdaman kong kaba kanina ay napalitan ng sobrang galit at suklam sa aking asawa. 

Rinig na rinig ang lakas ng sampal na ibinigay ko kay Lincoln sa loob ng kwarto. Sa sobrang lakas ng impact ng aking pagkakasampal sa kan’ya ay humahapdi na rin ang aking kamay pati na ang pisngi ng lalaki ay kitang-kita ang pamumula nito. 

Tiningnan ko siya ng masama, gusto kong hampasin, bugbugin at sipain ang lalaking nasa harapan ko. Halos lahat ng brutal na gawain ay gusto kong gawin sa kan’ya. Gusto kong dukutin ang kan’yang puso at pagtatapak-tapakan ito, gano’n ako kagalit ngayon sa kan’ya. Pero hindi iyon sapat upang maibsan ang nararamdaman ko ngayon. 

Hinding-hindi ko magagawang manloko sa kan’ya. Paano niya nasasabi ito? Wala akong ibang ginusto kung ‘di siya lamang. Siya lang naman ang lalaki sa buong buhay ko. Siya lang at wala ng iba. Kay Lincoln nga lang umiikot ang mundo ko, mahal na mahal ko siya, sa sobrang pagmamahal ko sa kan’ya ay pati sarili ko kinalimutan ko na. 

“Octavia? Bakit mo ako niloko? Anong nagawa ko sa’yo para lokohin mo lang ako?” tanong nito kaya mas bumigat pa ang nararamdaman ng aking puso. Kinuyom ko ang aking kamaong gustong suntukin siya. Napangiwi ako nang biglang mas inipit pa nito ang sarili sa akin kaya mas napasandal pa ako sa pader. 

“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Lincoln. Bitawan mo nga ako!” Pilit akong pumipiglas sa kan’ya ngunit ayaw pa rin niya akong pakawalan. 

“Akala ko ba mahal mo ako pero bakit sa unang taon pa lang nating ikasal, naghanap ka na ng iba??” tanong pa ulit nito. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Lincoln, ako? Nagloko? Hindi ko iyon magawa sa kan’ya, swear to God! Bigla akong na-stress dahil doon. Hirap na hirap na nga ako dahil sa posisyon naming dalawa ngayon, dadagdagan pa niya ng walang kabuluhang panbibintang?

Hindi ko ma-explain kong ano ang nararamdaman ko ngayon, sobrang inis at gigil na gigil ako sa lalaking kaharap ko. Pinagbibintangan niya akong nanloko sa kan’ya when in fact siya ang nagloko sa amin. Kitang-kita pa ng dalawa kong mga mata! Tiningnan ko siya ng matalim saka matigas na nagsalita, “Fuck you, Lincoln! Ikaw ang nagloko sa atin, bakit ipapasa mo ang kasalanan mo sa akin? You cheater!” Huminga ako ng malalim dahil alam kong kapag hindi ako kumalma ay magbabadya na namang tumulo ang aking luha. “Hindi kita niloko, gago ka. Hinding-hindi ko iyon magagawa sa’yo lalong-lalo na’t kasal at may sinumpaan tayo. I vow to be faithful and love you with all my heart and soul. Huwag mo akong igaya sa’yo, Lincoln. Hindi ako ang nagloko rito, kung ‘di IKAW!”

 Napapikit ako ng mga mata nang biglang itaas nito ang palad sa ere, handang sampalin ako. Hinintay ko ang paglapat ng kamay nito sa aking pisngi ngunit wala akong naramdaman. Napahinga ako ng maluwag dahil doon. Rinig ko ang mahihina nitong mura at malalim na paghangos. 

Ako naman ay napahinga ng maluwag nang binitawan ako nito at agad na umalis sa kwarto. Malakas nitong sinara ang pintuan kaya napahawak ako sa aking dibdib. Doon nagsimulang tumulo ang aking mga luha at napaupo na lamang sa sahig. Hagulhol ang aking ginawa’t wala akong pakialam kung marinig man ng mga tao sa labas tutal sobrang lakas din naman ng ulan sumasabay sa aking nararamdaman. Nakikidalamhati siguro sa akin ang ulan. 

I hate you so much, Lincoln Griffin... I hate you!

Sana mawala ka na sa buhay ko!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
bobo ka O. bkt hndi mo kinakausap ng magkatapatan kayo Kong ano ba tlga ung totoanga bobo nkka bwisit lang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status