Share

Kabanata 003

Nilingon ko ang orasan sa aking harapan, mag-a-alas nuebe na ng gabi kaya agad akong nag-ayos ng aking sarili. Nilingon ko si Nanay na mahimbing na natutulog, napangiti ako ng dahil doon. Sabi ng doktor stable naman na ang lagay ng inay ngunit mananatili muna siya sa hospital ng ilang araw para obserbaran ang kalusugan niya. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.

Hindi ko pa nasabi sa aking ina na hiwalay na kami ni Lincoln at wala akong balak na sabihin iyon dahil alam kong makakasama lang iyon sa kalusugan niya. Ayaw ko na ring mag-isip pa siya at idamay sa problema ko.

Saktong alas nuebe ng gabi nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili. Hinalikan ko muna ang aking ina sa noo saka lumabas ng kan’yang kwarto. Tulog pa si Claire sa sofa kaya dahan-dahan ang aking mga galaw baka magising siya.

" S-Saan ka pupunta, O?" rinig kong bulong ni Claire sa akin kaya napahinto ako. Nilingon ko siya saka nginitian.

" Sa bahay may kukunin lang. Mabilis lang ako, pwede mo ba munang bantayan si Inay hangga't wala pa ako, Claire?" Tumango lamang si Claire saka kumunot ang noo.

"Sige pero mabilis ka lang ha. Baka hanapin ka ni 'Nay Lucia sa akin eh . Nasaan ba ang asawa mo? Bakit hindi mo na lang ipasuyo 'yang kukunin mo sa bahay niyo? " tanong pa nito.

Napaiwas ako ng tingin sa babae saka napakamot ng ulo.

" Alam mo naman iyon, sobrang busy-ng tao. Ayaw kong makaisturbo sa kan'ya," katwiran ko. Ayaw ko mang magsinungaling kay Claire ngunit kailangan. Narito kami sa loob ng kwarto kung saan naroon ang inay baka marinig niya kapag kinwento kong hiwalay na kami ng aking asawa.

Bukas ko na lang sasabihin sa babae ang lahat.

Tutal may bukas pa naman.

"A-Ah, sige. Mag-iingat ka, O ."

Ayaw pa sana akong pakawalan ni Claire ngunit wala na siyang magawa dahil agad akong nagpaalam sa kan'ya. Niyakap lamang ako nito ng mahigpit saka tumango. Alam kong alam nitong may problema kami ng asawa ko. Halatang-halata sa paningin ni Claire na alam niyang may hindi ako sinasabi sa kan'ya. Alam din niyang may problema.

Tanging si Claire lamang ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Lincoln dahil siya lang naman ang tangi kong pinagbubuntongan ng aking problema simula pa noong naging cold sa akin ang aking asawa. Siya lang din ang bukod tangi kong kaibigan wala ng iba.

Siguro naman wala pa sa mansion si Lincoln, kailangan ko kasing kunin ang lahat ng aking mga gamit sa bahay ng lalaki. Sigurado akong wala sa bahay ang lalaki dahil araw-araw namang late itong umuwi. Ang pinaka maaga ay alas dose ng umaga, pinaka-late na iyong alas tres.

Nang makarating ako sa mansion ay agad akong napahinga ng maluwag, bago pa man ako pumasok doon ay sinilip ko muna ang loob ng mansion. Wala ang sasakyan ni Lincoln hudyat na wala ang lalaki sa loob.

Tanging damit ko lamang ang kukunin ko dahil lahat naman ng mga gamit na nasa loob ay pagmamay-ari ng lalaki. Nang makapunta ako sa aming kwarto ay agad kong kinuha ang lahat ng aking damit sa aparador, wala akong itinira kahit isa man lang. Halos lahat ng gamit ko ay kinuha ko, ni wala akong kinuhang gamit na pagmamay-ari ng lalaki, ultimo ang mga regalo nito sa akin ay hindi ko kinuha. Ayaw kong makita ang mga iyon dahil sumasakit lamang ang dibdib ko.

“ Octavia…” Natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang pangalan ko. Agad kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses na iyon, napangiti ako ng mapait nang makita si Manang na nag-aalalang nakatingin sa akin.

“ M-Manang…” wika ko saka nilapitan ang matanda.

“ B-Bakit nag-aalsa-balutan ka? May nangyari ba sa inyo ni Lincoln?” tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin.

“ Maghihiwalay na po kami, Manang. Wala na akong rason para manatili rito kaya narito ako ngayon, kukunin ko ang mga gamit ko,” paliwanag ko sa kan’ya.

I saw a hint of pity and sadness in her eyes. That's why I made a reassuring smile. I don’t want her to get worried. Isa si Manang sa mga taong sobrang bait sa akin, simula noong ibinahay ako ni Lincoln– siya na ang naging pangalawa kong ina.

“ Okay lang po ako, Manang. Itong desisyon namin ay napag-usapan namin ng mabuti, kagustuhan naming dalawa ang desisyong ito. Hindi ko siya mabigyan ng anak kaya sumuko na lamang kami sa isa’t-isa.” Lies, it’s all a lie.

Ngayon lamang ako nagsinungaling kay Manang.

Sana ay hindi niya mahalatang gumagawa lamang ako ng kwento.

Si Lincoln lang naman ang sumuko ngunit ayaw kong malaman iyon ni Manang. Malaki ang respeto ni Manang sa lalaki, simula pagkabata ng lalaki ay siya na ang nag-alaga kay Lincoln. Alam kong masasaktan ang matanda kapag nalaman nitong ang itinituring niyang anak ay nakagawa ng kasalanan sa asawa. Hindi nakontento at naghanap ng iba.

Pinilit pa sana ako ni Manang na huwag umalis at ayusin ang relasyon namin ni Lincoln ngunit wala na itong magawa. Tanging mahigpit na yakap na lamang ang ginawa nito sa akin saka nagpaalam.

Gusto ko na rin kasing umuwi baka maabutan pa ako rito ni Lincoln sa mansion. Ayaw kong magpang-abutan kaming dalawa, hindi pa ako handa para harapin ang lalaki. I am tired of the drama and heartbreak.

Nang makababa ako sa hagdan ay agad akong nakarinig ng tawanan sa kusina, curiosity kills me kaya agad akong sumilip doon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang dalawang taong umiinom ng mamahaling wine. Para itong nag-ce-celebrate at sobrang saya ng kanilang mukha. Kitang-kita ko iyon dahil sobrang liwanag ng buwan sa labas, kahit na walang ilaw sa kusina.

Nanikip ang aking dibdib nang makita ang sekretarya niyang tinitingnan ang loob ng cabinet na puno ng alak na para bang may hinahanap. Ni minsan ay hindi ko man lang iyon nahawakan, ayaw kasi ni Lincoln na pakialaman ko ang cabinet na iyon sa kadahilanang baka mabasag ko raw ang mga ito. Hindi sapat ang isang buwan kong sahod sa kompanya niya kapag nabasag ko ang mga wine collection niya. Mamahalin pa naman ang mga iyon, mga galing sa iba't-ibang bansa, binili niya tuwing may business trip ito.

“Sa wakas at pumayag na rin ang pangit mong asawa na hiwalayan ka. Ilang buwan din akong nagtiis at naghintay, Hun. Ngayon, solong-solo na kita!” masiglang sabi ng babae sa aking asawa saka niyakap ang lalaki mula sa likuran. Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa sinabi ng hitad.

Kita ko ang pagngiti ni Lincoln saka hinarap ang sekretarya niya. Kitang-kita ko ang mga mata nitong nagniningning nang makita ang mukha ng babae, his eyes was full of admiration and lust. Bagay na hindi nagawa sa akin ng aking asawa simula noong nawala sa amin si Via.

Ni hindi ko siya nakitang tumingin sa akin kagaya ng ginagawa niya ngayon sa kan’yang sekretarya. Ang kan’yang mga ngiti na pinapangarap kong makita ulit kapag kasama ako ay hindi man lang natupad pero ngayon, napakadali lamang na gawin niya iyon sa kan’yang babae.

“Bakit ka ba nakatingin ng malagkit sa akin? Gandang-ganda ka na naman sa akin, Mr. Griffin,” hagikhik ng babae sa aking asawa, or should I say, ex-husband.

Gusto kong umalis na sa mansion ngunit para ba akong naestatuwa sa aking kinatatayuan, para bang ayaw ng mga paa kong umalis doon. Napaka-martyr ng aking katawan dahil gustong-gusto pa ring makita ang mga nangyayari sa loob.

“Wait, nasaan na nga ba ang asawa mo? I am sure iyak iyon ng iyak nang maibigay mo ang divorce paper sa kan’ya. Poor, Octavia, ilang buwan na siyang niloloko ng kan’yang asawa ngunit walang kaalam-alam, napakatanga talaga ng asawa mo, Hun! She’s so funny!!” natatawang sabi ng babae.

“Let’s forget about her, Dianna. Wala na siya, hiniwalayan ko na, she’s already my ex-wife,” naiiritang wika ni Lincoln na para bang kinamumuhian ako nitong pag-usapan.

Humagikhik naman ang babae at agad na hinalikan si Lincoln sa labi. Napatakip ako ng bibig upang mapigilan ang aking paghikbi. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang makita ang aking asawang sarap na sarap sa kahalikan niya.

I almost died seeing him kissing another woman passionately.

Sobrang nakakainsulto at nakakapanghina. Nanginginig ang aking mga tuhod ngunit nagawa ko pa ring tumalikod. Gusto kong sumugod ngunit hindi ko gawain iyon. Ayaw ko ng gulo't sobrang hina ko na, baka ako pa ang makawawa kapag sumugod ako sa babae ni Lincoln.

Kung tutuusin pwede ko silang idemanda, pwede ko rin silang patayin. Gusto ko silang patayin subalit hindi ako ganong klaseng tao. Ayaw kong mabaharin ang aking mga kamay ng dugo. Hindi ako kasing sama nila na nakakayang saktan ang inosenteng taong walang ginawang mali sa kanila.

I will never be like them!

Agad akong lumayo sa lugar na iyon yakap-yakap ang bag na puno ng aking damit. Ang bag na iyon ang nagsilbing lakas at sandalan ko para makalabas ako sa impyernong iyon. Niyakap ko lamang ng mahigpit ang aking bag na para bang doon ako kumukuha ng lakas. Hindi ko na alam kung saan man ako patungo ngunit takbo lamang ako ng takbo.

Hanggang sa biglang sumuko ang aking mga paa’t napaupo na lamang ako sa gilid ng kalsada.

Kahit na pinagtitinginan na ako ng iilang tao sa labas ay wala akong pakialam.

Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa kumalma. Wala na akong naramdaman pa, sobrang durog na durog na ang aking puso. Paulit-ulit na lamang akong nasasaktan, hindi pa nga natatapos ang araw ngunit ubos na ubos na ako.

Wala na bang ikakasakit ito, Lord? Sana wala na baka hindi ko na kayanin pa. Pinunasan ko ang aking mukhang puno ng aking luha. Para na akong baliw sa gilid ng kalsada't nakakakuha na ng atensyon sa madla.

Napukaw ang aking atensyon sa sunod sunod na tunog sa aking telepono.

Tiningnan ko ito't ilang missed call at text na pala ang aking natanggap mula kay Claire. Sa ilang mensahe na naroon, isang mensahe lamang ang napukaw ng aking paningin at nagpahinto ng aking mundo.

“Octavia, Nasaan ka? I’m sorry, O. Patay na si ‘Nay Lucia.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status