Share

Kabanata 004

“‘Nay! ‘Nay! Huwag mo po akong iwan, ‘Nay!” sigaw ko habang hinahabol ang pigura ng aking ina na naglalakad patungo sa maliwanag na bahagi. Huminto lamang ako nang makita siyang huminto sa paglalakad saka lumingon sa akin. Nilapitan ako nito at ngumiti ng matamis, hindi ko magawang suklian iyon dahil iyak lamang ako ng iyak sa kan’ya. Napaupo na lamang ako at niyakap siya sa paa.

Umupo agad ito at pinakatitigan ako. Hinawakan nito ang aking magkabilang pisngi saka nagsalita. “Bakit umiiyak ang anak ko?” tanong nito kaya mas lalo pa akong umiyak.

“Shhh. Tahan na anak, ‘di ba sabi ko sa'yo; ayaw kong nakikita kang umiiyak?”

Napailing ako at agad na pinunasan ang aking mga luha. Pinilit kong magsalita kahit na nahihirapan akong bumigkas ng kahit isang salita man lang.

“I-Iiwan niyo na ako, ‘Nay! Hindi ko kayang mawala ka sa akin! Hindi ako papayag na iwan niyo ako. Kayo na lang ang natitirang nagmamahal sa akin dito, please ‘Nay isama niyo na lang ako sa inyo!” pagmamakaawa ko ngunit umiling lang si 'Nay Lucia.

“Patawad, anak. Patawarin mo si Nanay dahil maaga kitang iiwan. Pakatandaan mong palagi lang kaming nakabantay sa’yo ng iyong ama. Hinding-hindi ka namin papabayaan… Alam mong mahal na mahal ka namin anak at marami ka pang pwedeng gawin sa mundo. Kailangan ka pa ng mga nagmamahal sa’yo. Hindi mo pa oras, anak….”

Hagulhol lamang ang aking nagawa at mas hinigpitan pa ang yakap sa aking ina. Ayaw ko siyang mawala sa aking mga bisig kaya pilit ko siyang niyayakap ng mahigpit.

Sumasakit na ang aking lalamunan pati na ang aking dibdib. Tanging bulong lamang ang aking narinig sa kan’ya at paulit-ulit niya itong binibigkas sa akin.

“Patawarin mo ako, Octavia, anak… Patawarin mo ang nanay…”

****

Nagising ako sa isang mahinang boses na bumubulong sa akin. Biglang tumigil ang pagtibok ng aking puso nang makita si Lincoln sa aking tabi. Agad akong napabalikwas nang maalala ang nangyari kanina.

Si Nanay! Iyan lang ang tangi kong naiisip ngayon, hindi ko man lang pinansin ang aking asawang pumipigil sa aking tumayo.

“Huwag mo akong pigilan, Lincoln! Pupuntahan ko ang Nanay, kailangan niya ako!” sigaw ko sa kan’ya kaya agad itong napatigil. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso na para bang galing ako sa isang paligsahan. Narito pa rin ang takot at pangamba sa aking puso, takot na baka totoo ang napanaginipan ko kanina.

“Kailangan mong magpahinga, O. Hindi pa gaanong hilom ang mga sugat mo.” Doon lamang ako napahinto nang marinig ang sinabi niya at sa puntong iyon, naramdaman ko ang sakit at hapdi ng aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang maraming sugat ang aking mga braso pati na ang aking mga paa.

Ano nga ba ang nangyari sa akin??

“Naaksidente ka, Octavia. Mabuti na lamang at minor injury lang ang nakuha mo. Nasagasaan ka ng isang nagraragasang sasakyan, hindi rin matukoy kung sino ang driver ng sasakyang iyon dahil wala rin namang nakakita sa insidente. Mabuti na lamang at may nakakita agad sa’yo, agad kang idinala rito sa hospital. " Napalingon ako kay Claire na ngayon ko lang napansin. Pinilit ko ang aking sariling tumayo saka nilapitan siya, hindi ko ininda ang sakit na aking nararamdaman dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang malaman kung ano na ang kalagayan ng aking ina o kung panaginip lamang ang sinabi ng aking kaibigan kagabi.

“S-Si ‘Nay Lucia, Claire? Nasa-Nasaan s-siya??” naiiyak kong tanong sa dalaga. Kita ko ang pangingilid ng luha ni Claire saka unti-unti itong naging hikbi. Niyakap lamang ako nito ng mahigpit kaya may alam na ako kung ano ang nangyari.

Ayaw lamang iproseso iyon ng aking utak.

“P-Patay na siya, O. Patay na si ‘Nay Lucia.” hinagpis na sagot ni Claire sa akin. Agad akong napakalas ng yakap sa kan’ya at napaatras. Nanlaki ang aking mga mata saka napailing sa kan’ya. Napasabunot ako sa aking ulo saka umiyak ng iyak.

Ramdam kong may humahaplos sa aking likod na para bang pinapakalma ako. Si Lincoln iyon ngunit hindi ko siya pinansin.

“Kumalma ka, Octavia. Hindi ito makakatulong sa’yo…” Halatang-halata ang pag-aalala sa kan’yang boses ngunit agad akong lumayo sa lalaki. Tiningnan ko lamang siya ng masama.

“Hindi totoo ang sinasabi niyo! Buhay pa ang aking ina, nakausap ko pa lang siya kanina. Nayakap ko pa nga siya ng napakahigpit, eh! Nagsisinungaling lang kayo sa akin, buhay pa ang nanay ko!!” sigaw ko ngunit umiling lamang si Claire, pilit akong niyayakap ngunit panay iwas ko sa kan’ya.

“Totoo ang sinasabi ko, O. Hindi kami nagsisingungaling, kagabi lamang nawala si ‘Nay Lucia. Paulit-ulit kang hinahanap niya, binibigkas ang pangalan mo. Pilit kitang kinokontak ngunit panay ring lamang ang telepono mo.”

Sa pagkakataong iyon, alam kong nagsasabi na ng tototo ang aking kaibigan sa akin. Halos hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya.

“O, magpahinga ka na muna—”

Naputol ang sasabihin ni Lincoln nang malakas ko siyang sinampal sa pisngi. Galit ang aking naramdaman nang marinig ang boses niya. Bigla kong naalalang pumunta pala ako sa bahay niya para kunin ang mga gamit ko roon. Kung hindi ko sana sila nakita ng kan’yang sekretarya sa kusina ay naabutan ko pa sana ang aking ina.

“K-Kasalanan mo ito, Lincoln! Hinding-hindi kita mapapatawad!” galit kong wika sa kan’ya at agad na hinila si Claire palabas ng kwarto. Susundan pa sana ako ng lalaki ngunit nakita ko si Claire na umiling kay Lincoln kaya napahinto na lamang ang lalaki at napahinga ng malalim.

“Nasaan ang inay, Claire? G-Gusto ko siyang makita…”

Inipon ko ang aking lakas habang tinatahak namin ang bangkay ng aking ina at nang makita ko s’yang nakahiga sa isang malamig na higaan ay agad na kumirot ang aking puso. Para itong dinudurog ng pinong-pino hanggang sa maging parang pulbos. Wala ng tumutulong luha sa aking mga mata, gusto ko sanang maiyak ngunit para bang naubos na ang aking mga luha dahil kahapon pa pala ako iyak ng iyak.

Tiningnan ko lamang ang aking nanay, pilit na mini-memorya ang mukha nito. Ilang oras din ako roon hanggang sa sumuko na lamang ang aking katawan at napahiga sa tabi ng walang buhay kong ina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status