Still Tanya
-After 2 years- “Congratulations, you’re hired,” ngumiti ako at nakipagkamay kay Mrs. Chavez, ang asawa ng may-ari ng bagong hotel na ito. “Salamat, ma’am,” ang sabi ko. “Pwede ka ng magsimula bukas,” sabi niya at magalang akong tumango. Umuwi ako ng bahay at naabutan sa labas ng pintuan ang mga bulaklak na alam kong galing kay Renan. Kinuha ko ang bulaklak at itinapon sa basurahan. Hindi nga ako literal na nakakulong, ngunit lahat naman ng kilos ko ay bantay sarado niya. “Hindi mo kailangang itapon ang bulaklak, hija,” napalingon ako sa likuran at nakita ang ama ni Renan. “Anong ginagawa niyo dito?” “Tanggapin mo ang pinamili namin sa ‘yo,” sabi nito. “Kunin niyo na ‘yan, hindi ko tatanggapin iyan,” Hindi siya nakinig at pinapasok sa mga tauhan niya ang mga binili niya. “Gusto kong magpasalamat at nakumbinsi mo ang anak ko na magpatingin sa psychiatrist,” sabi niya. Pagak akong natawa. “Wala naman akong choice. At mabuti na rin iyon kesa paulit ulit niya akong halayin at
“Tao po,” tumambad sa harapan ko si Ernesto. Ang baklang kapit-bahay ko na suki manghingi ng ulam sa akin. “Pasok ka,” sabi ko. “Pinapanood mo iyan?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa TV kung saan bali-balitang dinadakip ng pulisya ngayon si Renan. Umabot ng halos anim na buwan ang kaso at ngayon, nahatulan na siya ng guilty sa patong patong na kasong isinampa sa kaniya. “Gusto ko siyang patayin,” puno ng gigil na sabi ko. “Tanya,” Nanginginig ako sa galit habang nakatingin sa mukha ni Renan sa TV. Hayop siya! Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Ernesto. “Kumalma ka Tanya… Tapos na ang problema mo. Pwede mo ng balikan ang mga anak mo.” Ang bulong sa akin ni Ernesto. Napahagolhol ako sa sinabi niya.. Makukuha ko na ang anak ko. Tama, tapos na ang lahat Tanya. Kumalat ang buong balita sa Pinas. Sa kahihiyan, umalis ang ama ni Renan dito at pumuntang Europe. Si Renan, nakulong.. Mahihirapan na silang bawiin ang impluwensya ng pamilya nila dahil sa nangyari at kasabay
“Wala pa rin?” tanong ko. “Wala pa rin ma’am. Ilang taon na kaming pabalik balik ng Cebu halos pati ang ibang lugar dito sa Visayas ay naikot na namin. Hindi namin mahanap itong si Virginia Yurong at anak niyo.” “Pamilya ni Alfredo? May lead ba kayo?” “Ma’am Tanya, marami pong Alfredo sa mundo.” Nanlulumo akong umupo sa couch sa sinabi ng informant. Hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin si Virginia at Alfred. Hindi ko alam bakit sila umalis sa lumang bahay nila.. Ayaw ba ibigay ni Virgie ang anak ko sa akin? Umiyak ako. Gusto ko nang makita ang anak ko. Lumipas ulit ang ilang taon at ganap ng dalaga si Clarissa. Nasa kolehiyo na siya at alam kong high school na ngayon ang anak ko na nasa kay Virgie. Marami ng nagbago. The chairman and his wife got separated at ngayon ang unico hijo nila na si Rod ay sinasanay na para maging sunod na tagapagmana. Mas naging kilala si chairman hindi lang bansa kun’di sa buong Asia at bilang matagal ng naninilbihan sa kaniya, I know he trus
“Tanya, kailan ka babalik?” “Chairman-” “Bumalik ka na ng opisina. Kailangan kita. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan kun’di ikaw lang, Tanya,” Yumuko ako.. “Isang taon ka ng nagpapahinga… Wala na si Renan.. Ligtas ka na.” Napapikit ako at nagsimula na namang umiyak. No’ng araw na iyon, tumakas siya sa presinto kaya niya ako napuntahan. No’ng nagising ako matapos ng aksidente nasa hospital na ako at ilang araw na walang malay.. Hindi ako nakulong sa pagpatay ko sa kaniya dahil self-defense ang ginawa ko.. Tinulungan ako ni chairman sa kasong iyon. Ngunit huminto ako sa pagta-trabaho. Hindi na muna ako pumasok at halos isang taon akong nasa bahay, nakakulong. “Huwag mong sayangin ang buhay mo Tanya. Hihintayin kita,” ang sabi niya. Nang mawala si chairman, agad na sinirado ni Ernesto ang pintuan. “Maaaring hindi mo na makita si April, Tanya pero hindi ba may isa ka pang anak?” Napatingin ako sa kaniya. “Ituon mo nalang kay Clarissa ang attention mo,” Nang sabihin niya iyon
But my liking to this child dropped when I saw her with Rod being intimate. Nagbago ang pananaw ko sa batang ito. I saw her as a threat to my daughter’s future. I can no longer see her just like the first time I saw her. Sa likod ng maamo niyang mukha, hindi ko aakalain na malan-di siya. Alam niyang nakatakda na si Rod para sa anak ko. “Hindi kaya sobra na ang ginagawa mo sa batang iyon, Tanya?” nag-aalalang tanong ni Ernesto. “Binalaan ko na siya. Sabi ko layuan niya si Rod dahil ikakasal na si Rod at anak ko,” “Pero alam mong walang gusto ang batang Chavez kay Clarissa.” “At bakit hindi niya magugustuhan ang anak ko? Maganda at mabait ang anak ko, Ernesto.” Nag-aalala siyang tumingin sa akin. “Tanya, sobra ka na. Anong laban no’ng bata sa ‘yo?” Hindi ako sumagot. “Para namang hindi ka nagmahal. Oo, sinaktan ka ni Quilacio pero Tanya naman, bakit? Bakit mo tinatakot ang bata?” Hindi ako sumagot at dumiretso sa couch. “Hindi ko siya tatakutin kung lalayuan niya ang para sa a
Kalat sa maraming tao ngayon ang pagpapahiya ni Quilacio sa anak naming si Clarissa. Matapos niya akong sumbatan sa lahat ng naging kasalanan ko sa kaniya, naiintidihan ko na si Manilou. Kung bakit importante sa kaniya ang kaligayahan ni Rod. Dahil no’ng umiyak si Clarissa sa harapan ko, doon ko napagtanto na hindi pera o kayamanan ang gusto niya.. Iba ang kasiyahan niya na hindi ko alam kung ano. “Tumahimik ka! Wala kang kwenta!” Rinig na rinig nang lahat ng tao na dumalo sa party na ito ang sinabi ni Quil habang dinuduro ang anak namin. Hindi na ako nakapagpigil, nasampal ko si Quilacio na sana noon ko pa ginawa. Nanginginig ang kamay ko sa ginawa niya sa anak ko. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Naramdaman ko nalang na sinampal ako ng asawa ni Quilacio ngunit sinampal ko rin siya pabalik. Matagal na rin ako nagtitimpi sa babaeng ito. Marami siyang ginawang kasalanan sa anak ko. Alam ko ang mga pinaggagawa niya kay Clarissa at hindi nalang ako basta tatayo at panoorin sila na
Pag-uwi ko ng bahay, tumambad sa akin ang mukha ni Ernesto na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin na gulat na gulat. "Tanya, teka... Anong nangyari sa'yo?" napatili siya nang bigla akong umupo sa sahig at natulala. Agad niya akong dinaluhan pero iyong mata ko ay nagsimula na namang umiyak. "Tanya, anong nangyari? Magsalita ka.." Tumingin ako sa kaibigan ko. "Ernesto, a-anong nagawa ko?" "Teka. Naguguluhan ako. Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" Humagolhol na ako ng iyak habang yumayakap sa kaniya. "Tanya, nag-aalala na ako..." "Ernesto... Iyong anak ko..." "Bakit? Anong nangyari kay Clarissa? Tanya, magsalita ka." "Umiling ako... Si March, Ernesto... Anak ni Virginia at Alfredo si March.. Si March..." Halos hindi ko na masundan ang sasabihin ko. "Si March, anak ko si March..." Napasinghap si Ernesto. "Anong gagawin ko? I'm sure kinamumuhian na ako ngayon ng anak ko.. Ernesto anong gagawin ko? T-Tulungan mo 'ko," halos nagmamakaawa na ako sa harapan ng ka
Tulala akong naglalakad papunta sa itinuro sa akin kung saan ang puntod ni Virgie. Malayo palang, natanaw ko na ang litrato niyang nakangiti. Kahit tumanda siya, maganda pa rin siya. Nilapag ko ang bulaklak at sinindihan ang kandila. Nilinis ko rin ang dumi na nasa paligid niya. At nang makuntento na ako ay saka pa ako, umupo. "Virgie, kamusta ka na?" Ngumiti ako habang nakatingin sa litrato niya. Nagkita rin kami ngayon. Matapos ng mahabang paghahanap, nandito lang pala siya sa Salay all the time. Pinahanap ko pa sila sa Cebu ni Alfredo, halos paikutin ko na ang buong Visayas, iyon pala nandito lang sila. Wala akong karapatan na sumbatan siya o magalit sa kanila ni Leon dahil wala silang ibang ginawa kun'di ang alagaan at palakihin ang anak ko. "Pasensya na at inabot ako 28 years bago ka napuntahan ulit," may tumulong luha sa mata ko. "Kamusta ka na diyan sa langit? Masaya ka ba?" Miss ko na siya. Sobrang miss ko na siya dahil no'ng napadpad ako dito sa Salay, hindi ko