Share

HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE
HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE
Author: introverthomie

Kabanata 01

Rufus POV:

NAGTUNGO ako sa mini bar counter na nasa gilid ng event. Agad akong humingi ng margarita sa bartender at mabilis itong nilagok sa sandaling ipinatong niya iyon sa ibabaw ng counter.

O-order pa sana akong muli nang may lalaking lumapit sa gilid ko at saka inalok ang kaniyang kamay sa babaeng katabi ko.

“Puwede ba kitang isayaw?” kaagad na tanong ng lalaki.

“Go away,” walang ganang tugon nito sa lalaki.

Mas lalo lang nainis ang katabi ko ng hawakan ng lalaki ang kaniyang kamay na kaagad rin niyang nabawi.

“You are hitting on my wife, mister,” matigas na Ingles ko habang nakatuon lang ang atensiyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon. “Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka sa harapan ng asawa ko ngayon din!”

Dali-dali naman na umalis ang lalaki. Pagkalingon ko sa babaeng kaharap ko ngayon ay inirapan lang ako nito.

Ano na naman ba ang problema niya? Tinotoyo na naman ba siya?... Mga babae nga naman.

Nang tumayo ito ay tumayo na rin ako.

“Don't follow me.” nakabusangot na wika niya.

Hindi ko sinunod ang sinabi nito dahil baka kung saan na naman magpunta itong babaeng 'to. At baka makatulog din ito sa daan. Napaka-delikado rin ng panahon ngayon, especially sa mga babae.

Nasa labas na kami ngayon naglalakad sa may gilid ng kalsada, panay ang pag-irap nito sa 'kin sa tuwing lilingon ito sa akin. Nakasunod lang kasi ako rito.

“Ohani. Nakainom ka na. Tara na umuwi na tayo, please.” pakiusap ko rito. Kanina pa kasi kami lakad ng lakad. Hindi ko alam kong saan ba talaga kami pupunta.

“Tss! Then, go home. Stop following me!” inis na sagot nito at nagmamadaling maglakad.

Sa sobrang bilis ng paglalakad niya ay bigla itong natisod. Kaya naman sa sobrang inis niya ay itinapon niya sa kabilang side ng kalsada ang kaniyang isang pares ng stiletto. Sino ba naman ang hindi matitisod kapag naka-high heels ka tapos ang bilis mo pa maglakad, hindi ba? Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o ano?

Dali-dali ko itong nilapitan at saka inalalayan na makatayo. Hindi ko na ito sinermonan pa dahil baka mag-away lang kami rito sa daan. Chineck ko muna ang paa niya at mabuti naman at hindi ito nagka-sprain. May kaunting galos lang ito sa kaniyang tuhod at sa kaniyang mga palad.

Dadamputin ko na sana yung isang natitirang pares ng stiletto niya ng bigla niya itong kunin at hindi na ito nagdalawang-isip pa na itapon sa kabilang side ng kalsada—kung saan niya itinapon iyong isang pares kanina.

Napabuntong-hininga at napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko bago lumuhod ng patalikod sa harapan nito. “Sakay,” utos ko rito.

“And why would I? Do I know you?” malditang tanong niya.

“Bahala ka. 'Pag ikaw na-missing bukas; hinding-hindi kita hahanapin.” pananakot ko rito. Sa sobrang tigas ng ulo niya ay kailangan mo pa talaga siyang takutin para lang sumunod siya sa 'yo.

Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang magkabilaang braso ko dahilan para mabalik ako sa posisyon ko kanina. Sasakay rin naman pala, andami pang arte!

“Wait... Here.” Isinabit naman nito ang dala niyang mini shoulder bag na Gucci sa may leeg ko, bago ito sumakay sa likod ko.

“Humawak ka ng mabuti para hindi ka mahulog.” Sabi ko rito na kaagad rin naman niyang sinunod. “Uuwi na tayo para magamot ko 'yang mga sugat mo.” dugtong ko.

Malapit lang naman dito ang mansyon, kaya lalakarin ko nalang ito habang pasan-pasan ko siya. Hindi rin naman siya ganoon ka bigat, kaya ayos lang.

Tahimik lang kaming dalawa sa daan. Naramdaman ko nalang na nakatulog na ito nang biglang bumigat ang ulo niya sa may bandang kanang balikat ko.

Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto namin, dahan-dahan ko itong inilapag sa kaniyang kama at saka kinumutan ko na rin ito. Tama. Sa kaniyang kama, dahil kahit nasa iisang silid lang kami ay hindi kami magkatabi matulog, dahil sa kanya ang kama, at akin naman ang mahabang sofa rito sa loob.

Tinawag ko na rin si Manang Roda upang gamutin ang mga sugat niya at para mabihisan na rin siya ng pantulog na damit, para naman mas komportable ang pagtulog niya.

MAAGA akong nagising dahil marami pa akong kailangan gawin ngayong araw. Kahit nasa loob lang ako ng mansyon ay kailangan ko pa rin magtrabaho, dahil baka malugi ang kompanya nila at baka ako pa ang sisihin ng mga business partners ng Zuvittri.

Habang busy ako sa pagtitipa sa keyboard ng aking laptop, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa aking singsing sa daliri. Sa totoo lang kahit isang taon na kaming kasal ni Ohani, ni-hindi ko man lang naramdaman na may asawa na pala ako. Parang kagaya lang din noon na amo ko siya, at sinu-swelduhan ako ng tatay niya sa tuwing ako ang magbabantay sa kaniya.

Agad akong napalingon sa pintuan ng opisina ko rito sa loob ng mansyon ng biglang pumasok si Ohani na may dalang breakfast niya na nakalagay sa ibabaw ng tray niyang bitbit.

Kapag hindi na niya ako nakita sa loob ng kuwarto namin ay awtomatik na di-diretso na siya rito sa office ko. At dito na rin niya kakainin yung breakfast niya or lunch. Hindi ko rin alam kung bakit siya ganyan—pero one thing for sure, kahit pa iba-iba ang mood niya araw-araw, hindi ko maipaliwanag kung bakit natitiis ko talaga ang ugali niya.

Dahil din siguro matagal ko na siyang kilala?

“Good morning,” bati niya sa 'kin pagkaupo niya sa may couch.

“Good morning. Uhm... I heard you have a shoot today sa launch ng new product natin?” tanong ko rito at pinasadahan siya ng tingin. Just in case she forgot.

“Yeah, samahan mo 'ko,” tugon nito bago isinubo sa bibig niya ang bacon.

“I can't. Marami pa akong kailangan na i-check dito.” tugon ko at ibinalik na ulit ang atensyon sa laptop ko.

“Do you remember what Dad told you before?”

Napaangat naman ako ng tingin sa tanong niya.

“Fine. Sasamahan na kita.” pagsuko ko. Hindi talaga ako nananalo sa babaeng 'to pagdating sa trabaho niya. Gusto niya palagi akong kasama sa tuwing nasa shoot siya.

“Good. I'll change first.” ani niya at saka tumayo na.

Pinanuod ko pa siyang lumabas ng office ko. At saktong paglabas nito ay dali-dali na akong tumayo at nagbihis. Halos isang minuto pa akong naghanap ng susuotin ko hanggang sa mapagdesisyonan ko na mag-jogger pants nalang at shirt. O, 'di ba parang tanga lang?

All white ang suot ko ngayon pati ang sapatos ko. Hindi na ako nagbihis pa ng magarang damit dahil pagdating namin doon ay siya lang naman ang papansinin at palagi lang akong nasa gilid nakaupo.

Umakyat muna ako sa taas upang tanongin siya kung ano ang gagamitin naming sasakyan ngayon.

Reklamador pa naman itong si Madam Ohani, kaya mas mabuti na yung magtanong. Tiyaka nasanay na rin ako sa ganito.

Hindi na ako kumatok pagkapasok ko dahil kuwarto naman namin 'to.

“Ohani?” pagtawag ko sa pangalan nito. Wala kasi kaming tawagan at isa pa nakakahiya! Gets niyo naman siguro yung nararamdaman ko 'di ba?

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa dressing room niya bago ko pinihit ang doorknob. "Ohani?” pagtawag ko ulit sa pangalan niya ngunit wala akong nakitang Ohani roon sa loob.

Isa nalang ang hindi ko na-che-check. Ang banyo. Siguradong naliligo pa rin ito roon. Ang tagal pa naman nito matapos maligo.

Kinatok ko nang ilang beses ang pintuan ng banyo ngunit wala pa rin sumasagot. Nasaan ba ang babaeng 'yon? Iniwan na niya kaya ako? Imposible rin naman, dahil hindi ko naman siya nakasalubong kanina. Aalis na sana ako ng biglang may um-aray sa loob ng banyo. Kaagad kong idinikit ang tenga ko sa pintuan ng banyo.

“Ohani?.. Ayos ka lang ba riyan? Anong nangyari sa 'yo? Kailangan mo ba ng tulong ko?” sunod-sunod na tanong ko.

“Ru-rufus,” rinig kong tawag nito sa pangalan ko sa loob. Mukhang nag-aalinlangan pa itong bigkasin ang pangalan ko.

“Ano 'yon? May kailangan ka ba?” nag-aalalang tanong ko rito.

“I forgot my robe there. C-can you get it for me, please?” pakiusap nito.

“Sandali,” kaagad kong tugon bago hinanap ang roba niya na nasa kama lang pala nakalagay. “I-ito na.”

“Get in. I can't walk,” rinig kong sabi niya sa loob. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan sa sinabi nito.

Nagpakawala muna ako ng isang malaking buntong-hininga bago pumasok sa loob ng banyo ng dahan-dahan with matching pikit ng mga mata. Alam niyo na at baka kung ano pa ang makita ko rito sa loob, at baka kasuhan rin ako nito. Mabuti na 'yong nag-iingat, 'di ba?

“Lapit ka pa ng kunti,” utos niya sa 'kin na kaagad ko rin na sinunod. “Kunti nalang. Nasa baba ako ng bathtub,” dagdag niya pa.

Napatalon naman ako ng biglang may humawak sa isang binti ko. “It's me, Rufus.” sagot niya at pinalo ang binti ko ng mahina. Hinawakan niya ulit ang binti ko at mas inilapit pa ako sa kanya.

“I-ito na, iyong r-roba mo,” ani ko at ibinigay sa kaniya ang roba niya habang nakapikit pa rin.

Pagkalipas ng ilang segundo ay natapos na rin ito. “Rufus, carry me. I-I slipped. I can't walk.” wika niya. Bakas sa boses niya ang sakit.

“O-okay.” sagot ko at dahan-dahan siyang binuhat. Napakapit naman ito sa may bandang leeg ko.

Hahakbang na sana ako ng bigla niya akong kurutin sa may dibdib.

Napadaing naman ako saglit. “B-bakit mo ako kinurot?” nagtatakang tanong ko rito.

“Rufus, how can you see when your eyes are still closed?!.. I already wore my robe for fvcking sake!” wika niya na nakapagpadilat ng mga mata ko. Oo nga naman. Bakit pa ba ako nakapikit? Baka madulas rin ako rito, o di kaya'y mabunggo.

“Tinutulungan ka na nga tapos ikaw pa 'tong may ganang magalit?!” ani ko habang buhat-buhat siya.

Dahan-dahan ko naman itong inilapag sa kaniyang kama niya.

“Sorry,” mahinang wika niya habang nakayuko ang ulo niya.

Laking gulat ko ng mag-angat ito ng tingin. Nanunubig ang kaniyang mga mata. Iiyak ba siya? Si Ohani na spoiled brat billionaire iiyak sa harapan ko?!

“Sorry.” paghingi niya ulit ng tawad sa 'kin bago bumagsak ang mga luha niya sa kaniyang mga pisngi.

Bigla naman akong nakonsensya. Sa loob ng isang taon naming nagsama sa iisang bubong; bilang mag-asawa ay ngayon ko pa lamang siya nakitang umiyak.

Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya. Tinabihan ko na rin ito pero sa dulo lang ako ng kaniyang kama nakaupo.

Nag-angat ulit ito ng tingin. Nagtama naman ang aming mga tingin. Bumuntong-hininga muna ako, bago muling nagsalita. “Sorry. Huwag ka ng umiyak.” saad ko at saka pinunasan ang kaniyang mga luha, gamit ang aking dalawang hintuturo.

“Hindi na ba masakit yung mga sugat mo? Itutuloy mo pa ba yung pagpunta sa shoot, ngayong araw?.. Hindi ba puwedeng sa susunod na araw nalang? Puwede mo naman ata silang pakiusapan?” sunod-sunod na tanong ko. Ngayon ko lang rin naalala na nagkasugat pala siya kagabi.

“You always act like you care about me,” ani niya at saka hinawi ang mga kamay ko na nakahawak sa magkabilaang pisngi niya.

Natigilan naman ako sa sinabi nito. “H-ha? What do you mean?.. I.. I really care about you.” sabi ko.

“You care about me because?... Is it because I am your wife, or dahil iyon ang inutos sa 'yo ni Dad?”

“Bakit mo ba palaging binabanggit yung pag-uutos sa 'kin ng Daddy mo noon?” nagtatakang tanong ko rito.

“Kasi palagi mong sinusunod si Dad,” sagot nito sa tanong ko.

“Wala naman akong nakikitang masama sa pagsunod ko sa mga utos ng Daddy mo, Ohani.” ani ko. Dahil wala naman talaga akong nakikitang masama.

“Rufus, just be your self. Palagi mong kinokonsider yung mga gusto ni Dad na gawin mo for me... And.. I don't want you to do that. I want you to be honest with me. I want you to be honest with your feelings!” naiinis na sabi nito.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya ngayon, dahil hindi ko talaga siya ma-gets. Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin sa 'kin? Para sa kapakanan niya lang naman ang ginagawa ko kaya ako sumusunod sa tatay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status