Share

Kabanata 06

HALOS mabingi na kaming dalawa ni Ohani rito sa loob ng kubo sa sobrang lakas ng tugtog nila. Nasa sahig ako nakatulala ngayon, at si Ohani naman ay nasa kama nakahiga habang nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mga tainga.

Mukhang wala kaming choice kundi ang maki-celebrate na rin sa kanila ngayong gabi. Nabalik naman ako sa ulirat nang bigla nalang tumayo si Ohani.

“Ugh! I can't take it anymore. Let's join them nalang.” saad niya at isinuot na ang kaniyang tsinelas na binili ko kanina lang.

Dali-dali naman akong tumayo at sumunod dito palabas.

“Sandali, hintayin mo 'ko.” saad ko habang inaayos ko pa ang isang tsinelas ko.

Huminto naman ito at inantay nga ako. At nang makarating na kami sa dulo, doon lang namin napagtanto na andami palang tao rito. May nagsasayawan, nag-iinuman, at yung iba naman ay nakaupo lang sa may gilid. Uupo na sana kami sa may gilid ng biglang may tumawag sa pangalan ni Ohani.

“Hani... Hani...”

Sino pa nga ba? Edi si Rael na naman.

Nagkunwari naman akong walang nakita ng makalapit na ito sa amin.

“Mabuti at nakapunta kayo. Dito tayo,” turan niya at nauna nang maglakad kasama si Ohani.

Mukhang magiging third wheel nga ako ngayon.

Bigla namang natahimik ang mga kaibigan niyang nagkakantyawan ng makalapit na kami sa kanila.

“Woah! Hanep din itong si Rael, e 'no? Kaya pala ayaw mo kay Remia dahil may chix ka na pala.” tukso naman ng isa sa mga kaibigan ni Rael. Nagkantyawan naman ulit sila.

“Excuse me? Hindi ko type si Rael ano!” pagtutol naman ng isang babaeng kasama nila. Mukhang ito si Remia.

“Asus, kunyare ka pa.” singit naman ng isang babaeng katabi ni Remia habang sinusundot-sundot pa nito ang tagiliran ng kaibigan niya.

“Tama na 'yan guys... Si Hani nga pala at si....” Bumaling naman ito sa akin.

“Tisoy.” sabi ko.

“Ang guwapo mo naman. Bagay sa 'yo ang palayaw na, Tisoy!” biglang sabi ng isang babae na katabi rin ni Remia. Nagtawanan naman ang mga kasamahan nila, pati na rin si Ohani.

“Hi, honey, I'm Andrew.” nahihiyang sabi nito bago ngumiti kay Ohani at saka dali-daling nagtago sa likod ng mga kaibigan niyang lalaki.

Muli naman silang nagtawanan. “Pasensya ka na, Ms. Honey. Shy type kasi itong kaibigan namin na si Andrew.” saad ng isa sa mga kaibigan ni Rael na lalaki.

“Tanga! Hindi H-O-N-E-Y ang spelling ng pangalan niya kundi H-A-N-I!” pagtatama naman ni Rael sa kaibigan niya. Napa-O naman yung mga kaibigan niya.

“Akala namin na Honey talaga yung pangalan mo.” Natatawang sabi ni Remia.

Pinahinto naman ni Rael ang babaeng dadaan sana sa harapan namin.

“Bakit?” nagtatakang tanong ng babae.

“Ito nga pala si Hani, at ito naman si Tisoy, ang kuya niya,” napangiti naman ako ng pilit sa sinabi niyang kuya ako ni Ohani.

“Hi,” nahihiyang bati ng babae.

“Si Alaska nga pala, ang birthday girl. She's my cousin.” pagpapakilala naman ni Rael kay Alaska.

“Happy birthday, Alaska.” nakangiting bati ni Ohani.

“Happy birthday,” bati ko rin.

“Thank you. Sana mag-enjoy kayo ngayong gabi.” aniya.

Maya-maya ay sinimulan na namin ang inuman. Ang katabi ko ngayon ay si Alaska, at si Ohani naman ang katabi ni Rael. Nasa iisang table lang kami.

Minsan kapag maganda yung tugtog ay nagsasayaw silang tatlo roon sa gitna. Inaaya nila ako pero hindi ko talaga magawang magsaya ngayon. Siguro wala lang talaga ako sa mood na magsaya.

“Bro, pwede ko bang isayaw ang kapatid mo?” biglang sulpot ni Rael sa harapan ko.

Palinga-linga lang kasi ako sa paligid kaya hindi ko na siya napansin. Sasagot na sana ako ng biglang hinigit ni Ohani si Rael sa gitna. Nagulat naman ako nang inilagay ni Ohani ang dalawang kamay ni Rael sa kaniyang bewang. Tiyaka ko lang napagtanto na iba na pala yung music, pang romantic na.

Napaayos naman ako sa aking pagkakaupo ng makita kong papalapit na si Alaska sa table namin.

“Don't worry. My cousin is a good guy.” agad na sabi niya.

Kung alam niyo lang talaga ang totoo.

“I think he really likes, Hani. Hindi ko pa siya nakikitang ganito ka saya ngayon,” aniya at tumingin naman ito sa akin. “Don't worry. Hindi sasaktan ng cousin ko ang kapatid mo.” dugtong pa niya. Napabuntong-hininga nalang ako.

Hindi naman kami magkapatid kaya mag-aalala talaga ako. Hindi pa nga namin alam kong safe ba talaga kami rito. Baka mamaya n'yan ay may nakamasid na pala sa amin nito.

Bumalik na ulit sila sa table ng matapos na ang kanta. Halos hindi na mabura ang ngiti sa labi ni Rael nang makaupo na sila.

“Baka mapunit na ang labi mo niyan, Rael.” tukso naman sa kaniya ng pinsan niya.

Tumingin naman sa akin si Rael. Biglang napawi ang ngiti sa kaniyang labi.

Anyare sa kanya?

Pasimple naman akong tumingin sa screen ng phone kong naka-off. Hindi ko rin alam kong bakit ang seryoso ng mukha ko ngayon. Kahit ako ay hindi ko ma-imagine ang sarili kong ganito ang mukha ko ngayon.

Nabaling naman ang atensiyon namin kay Alaska nang bigla nalang itong tumawa. Itinuro naman niya ang mukha ni Ohani na sobrang pula na at pinipigilan na nitong pumikit ang talukap ng kaniyang mga mata.

“Sorry. She's cute, when she's drunk pala.” saad naman ni Alaska.

Hindi na naituloy ni Rael ang paghawak sa mukha ni Ohani nang bigla nalang akong tumayo. Mukhang takot ito sa akin.

“Let's go. Babalik na tayo sa inn... Mauna na kami sa inyo.” paalam ko at inalalayan ko nang tumayo si Ohani na antok na antok na.

Pagkapasok namin sa inn, inihiga ko kaagad ito sa kama ng maayos. Tatalikod na sana ako ng bigla ako nitong hilahin at saka sinukahan pa ako nito.

Damn it!

BIGLA akong napabangon sa pagkakahiga ko sa sahig ng bigla nalang sumigaw si Ohani. Dali-dali naman akong humarap sa kanya. Nakapikit pa rin ang isang mata ko habang nakatingin sa kanya.

Tinuro pa ako nito. “Rufus, did you...” Pagkatapos ay itinuro niya naman ang kaniyang suot ngayon. “Y-You c-changed my clothes?” utal-utal niyang tanong. Tumango naman ako bilang sagot. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata.

“Why did you do that? What did you do to me, Rufus?.... Hey, y-you should know your boundaries, Rufus. Oo, kasal tayo pero....” Napahinto naman ito ng makita niya ang reaksyon ko.

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa bibig nito. Biglang nabuhay ang katawan ko na kaninang matamlay at inaantok pa.

“Gano'n ba talaga ang tingin mo sa akin, Ohani? Oo, ako ang nagbihis sa 'yo kagabi. Kasi sinukahan mo ako at nasukahan mo rin yung damit mo kagabi kaya kita binihisan. Pero habang binibihisan kita, nakapikit ako no'n. Ni-hindi ko nga magawang ilapat yung kahit dulo lang ng isang daliri ko sa katawan mo, tapos ganyan lang pala kababa ang tingin mo sa akin?” dismayadong sabi ko.

Kita ko naman ang gulat at pagsisisi sa kaniyang mukha.

“Aalis muna ako. Dito ka lang.” saad ko at dali-daling lumabas ng kubo.

Yung feeling na kakagising mo palang tapos na bwesit ka kaagad.

“Rufus...” rinig kong tawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na ito nilingon pa.

Nang may makita akong duyan sa may 'di kalayuan ay kaagad ko itong pinuntahan. Naupo ako roon nang mag-isa at saka ninamnam ang sariwang hangin.

Napatigil naman ako sa pagmuni-muni at pag-iisip nang bigla kong nakita si Ohani na papalapit sa puwesto ko. Tumatakbo pa ito.

“Ano naman ang ginagawa niya rito? Ang tigas talaga ng ulo niya.” I murmured at nagkunwari nalang ako na hindi ko ito nakita.

“Hey, Rufus,” rinig kong tawag niya sa akin. Lumingon naman ako sa kabilang side para hindi ko siya makita. Nakakainis ang babaeng 'to. “Hey, Auntie Olla called and she told me na kailangan na raw natin na umalis dito as soon as possible!” mabilisang dugtong niya.

Agad naman akong napalingon at saka napatayo nang marinig ko ang sinabi nito. “Bakit daw? Nasundan ba tayo?” tanong ko rito.

“Basta ang sabi ni Auntie Olla we need to go na sa address na tinext niya sa 'yo. Let's go.” wika niya at nauna na itong tumakbo pabalik.

Kinapa ko naman ang bulsa ng short ko, at ngayon ko lang napagtanto na naiwan ko pala ang phone ko sa sahig kanina kakamadali kong lumabas. Tumakbo na rin ako pabalik sa inn.

Dali-dali naman naming inayos ang mga gamit namin. Saktong pagkalabas namin ay nag-aabang pala sa labas si Rael na mukhang kakagising lang.

“Uhmm... Breakfast?” naguguluhang tanong niya.

“Sorry, Rael. Kailangan na talaga namin na umalis.” saad naman ni Ohani.

Kinuha ko na ang maleta niya at nauna na akong maglakad. Akmang lalampasan ko na sana si Rael nang bigla ako nitong hilahin pabalik.

“Pero bro, wala pa kayong one week dito, 'di ba?” tanong niya habang nakatitig ng seryoso sa mukha ko.

Tinanggal ko naman ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. “Hindi mo ba siya narinig? Ang sabi niya kailangan na naming umalis ngayon.” mariin na saad ko at nilampasan ko na siya.

“Nice meeting you, Rael. Hope to see you soon.” rinig kong sabi ni Ohani kay Rael.

“Wait... C-Can I get your number, Hani?” tanong naman ni Rael.

Napabalik naman ako agad sa puwesto ko kanina at saka hinigit ko na si Ohani papalayo kay Rael. Tinakpan ko naman ang bibig nito kaya kumaway nalang siya rito.

Habang naglalakad kami ni Ohani papuntang terminal, naramdaman agad namin na may nakasunod na sa amin ngayon, kaya mas lalo pa namin na binilisan ang aming paglalakad. Nakakapit naman ng mahigpit sa braso ko si Ohani.

Nang makarating na kami sa terminal, nagpaikot-ikot muna kami. Sinusubukan namin kong maililigaw ba namin ang isang lalaking nakasunod sa amin kanina. At nang makaabot na kami sa dulo, sakto namang may isang jeep na dalawang tao nalang ang kulang kaya hindi na kami nagdalawang-isip pa na sumakay.

Tiyaka lang kami nakahinga ng maluwag nang makaupo na kami ng tuluyan sa loob ng jeep. Si Ohani naman ay nakakapit pa rin sa braso ko hanggang ngayon. Sinubukan kong tanggalin na ang kaniyang mga kamay ngunit ayaw nito kaya hinayaan ko nalang ito. Akala niya siguro na okay na kami ngayon. Masama pa rin ang loob ko sa kaniya hanggang ngunit kailangan kong unahin kanina ang kapakanan niya, kaya isinantabi ko muna 'yong nararamdaman ko.

Pagkaandar ng jeep ay kinuha ko agad ang phone ko mula sa aking bulsa.

“Uhm... Excuse me po, alam niyo po ba kung saan ang lugar na ito?” tanong ko sa ale na nasa harapan namin.

Ipinakita ko naman sa kanya ang itinext sa akin kanina ni Auntie Olla na lugar.

“Sa amin iyan, iho. Magbabakasyon kayo roon?” tanong nito.

“Opo.” sagot ko. Nabuhayan naman ako ng loob nang marinig ko ang sinabi nito.

“Sino ang dadalawin ninyo roon? Sino ang mga kamag-anak ninyo?.... Maliit lang kasi ang bayan namin kaya kilala ko lahat ng mga tao roon sa amin.” Napatango-tango naman ako sa huling sinabi nito. “Si Aleng Beka po.” sagot ko.

Nagulat naman ito sa sinabi ko.

“Beka? As in Beka Rodriguez?” paniniguradong tanong nito.

“Opo,” agad na tugon ko nang maalala ko na ang apelyido nito.

“Kaano-ano ko kayong dalawa?” may kuryosidad na tanong nito.

Nagulat naman ako sa itinanong nito. So... Siya si Beka Rodriguez?

“Uhm.... A-Ako nga po pala si Rufus, at ito naman pong katabi ko si Ohani,” sagot.

“Rufus?..... Parang mas familiar sa akin ang pangalan na Ohani,” saad niya.

“Do you know, Olla Zuvittri po?” pagsingit naman ni Ohani.

Tumango naman kaagad si Aleng Beka. “Oo naman. Si Olla ay step-sister ko,”

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ohani, at pagkatapos ibinalik namin ulit ang tingin kay Aleng Beka.

“I'm her pamangkin po.” saad naman ni Ohani.

“Hani, ikaw na ba iyan? Naku... sobrang ganda mo namang bata ka, hindi kita nakilala ah,” aniya.

Binulungan ko naman si Ohani na magmano kay Aleng Beka, na agad rin naman niyang sinunod. Pagkatapos ni Ohani ay ako naman ang sunod na nagmano rito.

“Naku, siguradong matutuwa si Mama nito kapag nakita niya kayo.” nakangiting sabi ni Aleng Beka habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ohani.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status