sorry medyo matagal yung update ng chapters, busy kasi and minsan walang load hehe, thank you sa pagbabasa! 😊😙
“RUFUS, GET UP!” biglang sigaw ni Ohani sa may bandang tenga ko kaya dali-dali akong napabangon.Dahil sa pagmamadali kong bumangon natamaan ko tuloy iyong noo niya.Umatras tuloy bigla yung antok ko, napalitan nang sakit.“Ouch!” daing niya at saka sinapak ako nito sa braso.“Bakit ka kasi sumisigaw sa may tenga ko?” reklamo ko habang hinihilot ko ang noo ko.Nilingon ko naman ito nang hindi ito magsalita. Nakayuko lang ito habang nakahawak sa kanyang noo.“Sandali, ikukuha kita ng ice.” sabi ko at saka bumangon na ako mula sa kama.Pagkababa ko ng hagdanan dumiretso agad ako sa kusina at doon nalang ako naghilamos ng mukha ko, at pagkatapos kinuha ko na iyong ice pack na nakalagay sa ibabaw ng ref at nilagyan ko na ito ng ice cube mula sa loob ng freezer.Dinampian ko muna ang noo ko upang hindi ito mamaga hanggang sa makapasok ako ng kuwarto.Nilapitan ko na si Ohani nang makita kong nakaupo pa rin ito roon sa kama habang nakahawak ito sa kanyang ulo.“Ayos ka lang? Ipatong mo ito
UMUWI agad kami pagkatapos ng shoot ni Ohani sa Lex Resort.“Sumabay ulit kayo sa amin ha, para mas masaya.. babush!” saad ni Madam Meran.“Sige po. Bye.” sagot naman ni Ohani habang kumakaway sa kanila. Kumaway rin pabalik yung mga staff pati na rin si Madam Meran. Kumaway nalang din ako. “Bye, ma'am Ohani. Bye, sir Rufus.” paalam ng mga staff sa Elites sa 'min.Pagkatapos isinarado na ng isang staff yung pinto ng van.“Ako na ang magdadala ng maleta mo.” saad ko at kinuha ko na mula sa kanyang kamay ang hawakan ng kanyang maleta.Habang naglalakad kami sa hallway biglang nagsalita si Ohani. “I felt guilty.” aniya.Napatingin naman ako sa kanya.Guilty saan? Sa nangyari kaya sa amin sa Lex Resort? Pero bakit naman siya magi-guilty e nagkiss lang naman kami?“Saan?” tanong ko rito.“Hindi "saan" kundi "kanino".... Guilty ako dahil kahit na alam kong responsibilidad ko na ngayon ang kompanya namin dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ni Dad, pinayagan pa rin ako ni Auntie Olla na t
NAGMAMADALI ako ngayon dahil nagtext sa akin si Auntie Olla na kailangan n'ya ng tulong ko sa kompanya ngayon dahil may gusot daw na kailangan na ayusin.Saktong paglabas ko nang mansyon naabutan ko si Ohani na papalapit sa akin. Kakatapos niya lang atang mag-jogging.“Where are you going?” bungad na tanong niya. Tagaktak ang mga pawis niya sa kanyang mukha.“Pinapapunta ako ni Auntie Olla sa kompanya dahil may gusot daw na kailangan ayusin ngayon doon.” sabi ko.“Don't forget our dinner tonight, okay?” tanong niya.Tumango naman ako, at tinalikuran ko na s'ya.Napatigil naman ako bigla sa aking paglalakad nang bigla akong hinarangan ni Ohani sa unahan.“Bakit? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko.“May nakalimutan ka, Rufus.” sabi niya.Huh? Ano naman iyong nakalimutan ko?Ipinakita ko naman sa kanya ang susi ng kotse na hawak ko.“Walq naman akong nakalimutan.” sabi ko sa kanya.“Not that.” sabi niya.Eh, ano?Napatingin naman ako sa aking relo.“Babalikan ko nalang mamaya yung nakali
LUMIPAS ang ilang linggo na hindi na muling nagparamdam sa amin si Mr. Dela Fuentes, at isa iyan sa ipinagpapasalamat ko. Sana nga hindi na sila magpakita sa amin dahil wala rin naman kaming magagawa dahil wala namang anak na lalaki si Dad, tanging si Ohani lang ang naging anak nila, dahil maagang nawala ang kaniyang asawa.Bahagya naman akong nagulat nang biglang tumabi sa akin si Ohani. “What are you thinking?... Are you okay?” agad na tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya.Nasa loob kami ng opisina ko ngayon dahil wala na raw siyang gagawin dahil maaga raw na natapos ang shoot nila kanina, kaya sumama siya sa akin na pumasok ngayon sa kompanya.“Lumabas ka pala? Ang akala ko ay kukuha ka lang ng makakain mo sa baba. Sana sinabihan mo ako para nasamahan kitang bumili n'yan.” sabi ko sa kanya nang makita ko ang bitbit niyang street foods.“It's okay. Kasama ko rin naman yung mga bodyguards, and I enjoyed buying this naman sa labas.” nakangitin
KINAUMAGAHAN, naisipan namin ni Ohani na sabay nalang kaming mag-jogging sa parke na malapit lang dito sa lugar namin. Hindi talaga kami nagsasabay dahil maaga akong nagigising at kailangan ko rin na pumasok nang maaga noon, at kabaliktaran naman si Ohani dahil late siyang nagigising sa umaga, pero ngayon hindi na dahil may trabaho na siya.Matiyaga naman akong naghihintay sa kanya sa labas dahil nagbibihis pa s'ya ng pang-jogging na outfit niya.Ngayon lang din naman ako naka-leave sa trabaho kaya sinusulit ko na nang kasama ko s'ya. Safe rin na nakabalik ng US si Auntie Olla kagabi kasama niya si Erika, naging alalay na rin niya ito sa kompanya.Pagkalabas niya inabot naman niya kaagad sa akin 'yong aquaflask na tumbler niya.“Mas lalo kang sumi-seksi ngayon sa suot mo.” komento ko sa kanyang suot. Naka-croptop siya ngayon na color white with fit black leggings.“Hmph! nagiging bolero ka na ha..... Let’s go!” aniya at nagsimula na kaming tumakbo palabas ng gate. Medyo may kalayuan
PABAGSAK akong nahiga sa kama pagkauwi ko galing sa trabaho.Nakakapagod ang araw na ito. Nagkaroon din ng problema kanina sa kompanya dahil nawalan kami ng tatlong milyon. Hanggang ngayon ay tini-trace pa rin nila ang may-ari ng bank account na kumuha ng pera.Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na kaagad ako. Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Hindi kasi makakauwi ng isang linggo si Ohani, dahil may fashion show siya ngayon this week sa Paris, at kahit gustuhin kong sumama ay ayaw ko naman na lagi akong nakabuntot sa asawa ko. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya kaya hinahayaan ko s'yang mag-enjoy roon. Nag-a-update rin naman siya ng kusa sa akin sa tuwing may time siya at kung gaano s'ya kakaba dahil ito ang first fashion show niya as a model sa Elites at bilang asawa niya, todo suporta lang ako sa kanya.Aapak na sana ako sa hagdanan ng biglang may nag-doorbell kaya bigla akong huminto. Sinenyasan ko naman ang dalawang kasambahay na ako nalang ang magbubukas ng pinto, saka nag
ILANG ARAW na ang lumipas at puro lang ako trabaho—sa trabaho ko lang lahat iginugugol ang lahat ng oras ko dahil may mga kaunting problema pa rito sa kompanya na kailangan pagtuonan ng pansin.Pumunta kaagad ako sa police station pagkatawag sa akin ng sekretarya ko. Naghintay nalang ako ng update dahil masama ang pakiramdam ko kaninang umaga pa lang pagkagising ko.Pagkapasok ko pa lang sa loob ay may narinig agad ako na isang pamilyar na boses. Nagmamakaawa ito sa mga police na huwag siyang ikulong—at tama nga ang hinala ko, si Chichay nga ito.Ano naman ang ginagawa niya rito? Saka ano yung narinig ko kanina na huwag siya kamong ikulong? Ano ba ang ginawa niya?Dali-dali naman na lumapit sa akin si Chichay nang makita niya ako.“Rufus, tulungan mo ako! H-Hindi ako ang kumuha ng pera. Wala sa akin ang pera ninyo—gi-ginamit lang nila ang pangalan ko para makuha nila yung pera!” umiiyak at nagmamakaawang sabi ni Chichay.So, sa kanya pala nakapangalan 'yong bank account na kumuha ng p
KAGAYA nga nang sinabi sa akin ni Ohani na pagkaling ko ay magbe-beach agad kami—heto na kami ngayon sa Elites beach resort. Noong una ay hindi rin ako makapaniwala na may beach resort pa lang ipinatayo itong si Madam Meran.“Iwan ko muna kayong dalawa riyan ha, asikasuhin ko lang ‘yong ibang mga bisita.” paalam ni Madam Meran, saka ito naglakad palayo sa amin.Naiwan naman kaming dalawa ni Ohani na nakaupo roon sa isang malaking duyan. Nakaalalay lang ang isa kong kamay sa kanyang likuran. Hindi ko muna siya pinasuot ng bikini ngayon dahil baka umusok lang ang ilong ko sa selos. Hahaha syempre joke lang, 'di naman ako gano'n.Sa Boracay dapat kami pupunta ang kaso lang ay inimbitahan kami ni Madam Meran na dumalo sa opening ng kanyang resort kaya ayon pina-cancel nalang namin yung na-book namin na flight saka iyong hotel na rin. Syempre kasama rin namin sina Mama Mia at Ate Beka, pambawi na rin sa kanila at para na rin mabawasan kahit papaano ang alalahanin nila. Naniniwala rin ako n
I'M SO EXCITED TODAY, dahil uuwi na ang asawa ko kasama si Auntie Olla. Gusto ko nga sanang sumama sa airport kila Ate Beka, Kuya Ronald at Tana, kaso nga lang ay ayaw ni Auntie Olla na sumama pa ako kaya nagpaiwan na lamang ako rito sa mansyon. Ngunit, may kasama naman ako ngayon dito sa mansyon, si Mama Mia. Siya na lamang ang nagpaiwan para may kasama raw ako rito. Bibisita nga lang daw sila saglit dito nang malaman nila na nahanap na si Rufus ngunit ayaw naman ni Auntie Olla dahil gusto niya kahit gawin na lamang daw nila na hanggang isang buwan. Hindi rin kasi nila ako nasamahan dito kaya si Tana na lang ang nag-volunteer no'n na alagaan at saka samahan ako rito, dahil na ospital daw ang pamangkin ni Kuya Ronald at walang mag-aalaga sa bata dahil nag-abroad na raw ang kapatid ni Kuya Ronald kaya ipinagpaliban muna nila ang pagbisita sa akin, at ngayon na lamang daw sila babawi sa akin."Malapit ka na talagang manganak, Hani. Pasensya ka na at hindi ka namin nasamahan noong may pi
KASAMA namin kahapon si Auntie Olla na dumalaw sa baby angel namin ni Rufus. Hindi ko napigilan ang sarili ko na h'wag maging emosyonal. Kailangan ko na rin kasing maging maingat dahil ayokong mawala sa akin ang natitirang anak namin ni Rufus ngunit hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko kahapon.Ganito pala ka sakit ang mawalan ng anak. Saka, mas lalo pa palang mas sasakit ang mararamdaman mo kapag nakita mo na mismo ang anak mong nakabiling na, at wala ka nang magagawa pa kundi ang umiyak na lamang sa kanyang puntod.Months passed by and eight months na ang baby namin ni Rufus. Hanggang ngayon din ay hindi pa rin namin s'ya mahanap. As usual, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mapaluha minsan sa tuwing naiisip ko siya. Walang araw na hindi ko siya namimiss. I miss him so damn much! I hope mahanap na nila ang asawa ko."Hani girl," rinig kong tawag sa akin ni Tana dahilan para mapalingon ako sa kanya."Yes, Tana girl?" tanong ko sa kanya nang tumabi na siya sa akin.Nasa
ILANG taon na ang lumipas at hindi pa rin namin nahahanap ang asawa kong si Rufus. Hindi namin alam kong buhay pa ba s'ya o hindi na. Kaunting pag-asa na lamang ang natitirang kinakapitan ko ngayon."Mommy, where's my daddy po?" Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang biglang magtanong ang anak ko.Binitawan ko muna ang papeles na binabasa ko at saka ako tumingin sa kanya. Hinarap ko s'ya at hinawakan ko ang kanyang maliliit na mga kamay."Why did you suddenly ask me this question, baby? Did your classmates bully you?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.Napailing naman siya."No po, mommy. It's just that, why sila po may naghahatid sa kanila na mga daddy nila?" inosenteng tanong niya na ikinasikip ng dibdib ko.He's only five years old, pero 'yong mga tanong niya ay nahihirapan na akong sagutin, lalo na kapag tungkol sa daddy niya."Baby, listen to mommy, okay?" Napatango naman kaagad s'ya na ikinangiti ko. "Si Daddy mo ay nasa malayo pa..." Napabuntong hininga naman ako. "But, uuwi
My life has been hard lately....I thought kakayanin ko, pero kahit ano pa ang sabihin ko sa sarili ko nalulungkot at naiiyak pa rin talaga ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Minsan naiisip ko rin na, bakit ako pa?Sobrang sakit ang mawalan ng anak!Sobrang sakit sa bawat araw na lilipas na hindi pa rin nahahanap ang asawa ko.Para akong lantang gulay ngayon. Nasa loob lang ako ng kuwarto namin ni Rufus habang nakahiga sa may kama, habang nakatitig sa may kisame.My life now is half hopeless.Gustuhin ko man na bumitaw na ngunit kailangan pa ako ng isang anak ko. I don't want to be unfair with him. He deserved to be with me—to be with us, with his Daddy. We will find you, hubby.Dahan-dahan akong bumangon, saka ko inayos ang sarili ko habang nakatitig ako sa salamin.You have to fight this battle, Ohani Zuvittri Madrid. Walang ibang tutulong sa akin kun'di ang sarili ko lang. But being Auntie Olla by my side right now is a blessing, she's my emotional support right now. Kaya wa
NANGINGINIG ang mga kamay ko nang mahawakan ko ang sarili kong dugo. Dahan-dahan naman akong umupo."Rufus...." Umiiyak na tawag ko sa pangalan niya habang nanginginig pa rin ako.Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil sa sobrang kaba ko.Nasaan ka na Rufus? Kailangan kita—kailangan ka namin ni baby ngayon....Napailing naman ako nang biglang sumagi sa isipan ko na baka makunan ako... Hindi! Hindi ko kaya....Napalingon naman ako sa aking likuran nang biglang tumawa ng malakas si Mariah. Nakadapa pa rin siya sa sahig habang tumatawa ito nang nakatingin sa akin.Puno ng mga luha ang kanyang buong mukha."Wala na ang baby mo!" Sigaw niya at muli siyang tumawa.Umiling naman ako. "Hindi! Hindi totoo 'yan!" sabi ko habang umiiling-iling pa rin.Nang makita ko siyang tumayo ng dahan-dahan habang masama siyang nakatingin sa akin, dali-dali rin akong tumayo kahit nanginginig pa rin ang katawan ko ay pinilit ko talagang tumayo.Ngumiti siya sa akin nan
NOONG isang araw ay pinuntahan talaga mismo ni Auntie Olla ang mental hospital na pinagdalhan kay Mariah at nakita rin ng mismong mga mata niya na naroon talaga sa loob si Mariah—nakatulala raw ito habang nakatingin lang sa puting pader.It's kinda creepy! So, sino pala ang nakita ko no'n that day? Huwag ninyong sabihin sa 'kin na may kakambal pala siya? Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil halos hindi ako makatulog nang gabing iyon.SOBRANG busy ngayon si Dra. Liñez kaya ako na lamang ang pumunta sa hospital dahil ngayon ang schedule ng ultrasound ko, and I am so excited din na malaman kung ano ang gender ng magiging anak namin ni Rufus. Excited na rin kasi siyang bumili ng mga gamit para sa bata. Hahabol na lang daw siya kapag maagang natapos ang meeting dahil importanteng meeting ang gaganapin ngayon, and I understand naman dahil gagawan din naman daw niya ng paraan.... pero mukhang, hindi na s'ya makakaabot dahil baka pagdating niya ay nakauwi na siguro ako HAHAHA kaya sa mansyon
PAGKATAPOS ng kasal nila Ate Beka, kinabukasan din ay umuwi na kami sa mansyon. Hay.... kaming tatlo na lang ulit ngayon sa mansyon. Parang may kaunting space na nawawala rito sa mansyon. Saka, wala na rin akong kausap sa tuwing nagtatrabaho sina Rufus at Auntie Olla. "Ayos ka lang ba?" Tanong agad ng asawa ko nang mapansin niyang nakatulala lang ako habang nakaupo sa may kama. "I'm not... I miss them." Malungkot kong sabi. "Namimiss ko rin naman sila. Pero... wala naman tayong magagawa," Sabi n'ya habang pinagbabalat n'ya ako ng orange. "Saka, puwede ka naman na tumawag sa kanila. Marami naman paraan, wifey. Kong gusto mo mag-video call agad kayo mamaya para maibsan 'yang lungkot mo." Dugtong niya naman. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Talaga? Hindi mo ako papatulugin ng maaga, hubby?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman s'ya sa paghati ng orange na hawak n'ya, saka n'ya ako tinitigan. "Puwede naman kayong mag-video call mamaya habang kumakain tayo ng dinner,
"SIGURADO ka bang gusto mong sumama sa akin, Hani? Ibalik na lang kaya kita tapos ako na lang ang pupunta ro'n?" Saad ni Ate Beka habang naglalakad kaming dal'wa."Ate Beka, kinaladkad mo na ako papunta dito, tapos ngayon mo pa sasabihin sa akin 'yan na malapit na tayo sa bahay ng ex ni Kuya Ronald?" sabi ko at palihim naman akong natawa."Oo nga 'no. Pasensya ka na... gusto lang naman kita ibalik do'n dahil baka mahimatay ka kapag nakita mo si Rufus do'n." Sabi naman niya.Napaisip naman ako saglit sa sinabi niya. Anong ibig sabihin no'n? May ibang meaning ba 'yon?"Ate Beka, syempre makikita ko s'ya roon dahil kasama niya nga si Kuya Ronald." Sabi ko na ikinatawa niya naman. "Oo nga pala. Nakalimutan ko." Sabi n'ya, saka n'ya pinunasan ang pawis n'ya sa kanyang noo.Napatigil naman ako sa paglalakad na ikinahinto niya rin. Nagtataka naman s'yang tumingin sa akin. "Ayos lang po ba kayo? Chill lang po kayo, Ate Beka. Ako naman ang kinakabahan sa inyo, dahil baka ikaw ang himatayin sa
PAGKARATING namin sa probinsya ng Leyte na kinalakihan ni Kuya Ronald, naramdaman agad namin ang taos pusong pag-welcome nila sa amin sa kanilang barangay.Para kaming mga artistang pinagkakaguluhan dahil sa dami ng mga taong nakapalibot sa amin. Ganito raw talaga dito sa kanila kapag may dayo sabi ni Kuya Ronald, lalo na 'pag galing maynila at ibang bansa."Tito Ronald, may biskwit daw ba sabi ng mga kapitbahay?" Natatawang sabi ng isa sa pamangkin ni Kuya Ronald na babae."Sus! Tuo man ka ana, Tito Ronald. S'ya ra guro ga ingon ana. (Sus! H'wag kang maniwala sa kanya, Tito Ronald. S'ya lang ata nagsabi n'yan.)" Sabi naman ng pamangkin ni Kuya Ronald na lalaki na hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.Galit ba s'ya?Kaya ko pala alam na pamangkin n'ya iyong dalawa ay dahil ipinakilala na sila sa amin ni Kuya Ronald kanina.Nakapambahay na rin ako ngayon. Kaninang madaling araw kasi kami dumating at tanghali na ngayon kaya naka-dress na ako dahil mainit."Sabihin mo mamaya na tayo ma