Rufus POV: NAGTUNGO ako sa mini bar counter na nasa gilid ng event. Agad akong humingi ng margarita sa bartender at mabilis itong nilagok sa sandaling ipinatong niya iyon sa ibabaw ng counter. O-order pa sana akong muli nang may lalaking lumapit sa gilid ko at saka inalok ang kaniyang kamay sa babaeng katabi ko. “Puwede ba kitang isayaw?” kaagad na tanong ng lalaki. “Go away,” walang ganang tugon nito sa lalaki. Mas lalo lang nainis ang katabi ko ng hawakan ng lalaki ang kaniyang kamay na kaagad rin niyang nabawi. “You are hitting on my wife, mister,” matigas na Ingles ko habang nakatuon lang ang atensiyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon. “Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka sa harapan ng asawa ko ngayon din!” Dali-dali naman na umalis ang lalaki. Pagkalingon ko sa babaeng kaharap ko ngayon ay inirapan lang ako nito. Ano na naman ba ang problema niya? Tinotoyo na naman ba siya?... Mga babae nga naman. Nang tumayo ito ay tumayo na rin ako. “Don't follow me.” nakabu
PAGKAGISING ko, wala na sa loob ng kuwarto namin si Ohani kaya agad akong napabangon.Himala! First time nangyari 'to na hindi ko siya naabutan na tulog. Ako kasi lagi ang nagigising ng maaga dahil morning person ako at siya naman ay hindi. Kaya malaking himala talaga na maaga siyang nagising ngayon umaga.Naghilamos muna ako ng mukha ko bago ako nagbihis ng pang-jogging outfit at saka sinimulan ko nang mag-jogging sa labas.Pagkatapos kong mag-jogging ay dumiritso na ako sa loob ng dining area upang makapag-agahan na. Pasimple naman akong lumilingon sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko si Ohani pero wala akong nakikitang Ohani rito.Saan naman kaya nagpunta 'yon?Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ko ay dumiritso na ako sa kuwarto upang makaligo na. Marami naman kaming maids dito, pero ayoko na i-utos pa sa kanila ang mga bagay na kaya ko naman na gawin. Simpleng pagliligpit lang naman ng pinagkainan ang gagawin ko. Sobrang maliit na bagay lang.Simpleng white shirt at blac
“KUMUSTA kagabi?” biglang tanong ni Auntie Olla na nakangiti. Niyaya kasi ako nitong magkape sa labas ng mansyon.Nagtataka ko naman itong tiningnan. “Po?.. Ano po ang ibig ninyong sabihin?”Pabiro naman ako nitong sinapak sa kanang braso ko. “Alam mo na 'yon. Naku! Normal lang naman 'yan sa mag-asawa. Ano, okay na ba kayo ngayon ng pamangkin ko? Na-settle na ba kagabi?”Umiling naman ako. Kasi totoo naman na hindi pa kami okay, kasi sinubukan ko itong kausapin kagabi pero mukhang nagtulog-tulugan lang ito. Kaya hinayaan ko nalang. Nasanay na rin naman ako sa ganyang ugali niya, dahil kinabukasan naman o sa susunod na araw ay ito na ang nagkukusang kausapin ako.“Ano? Hindi pa rin kayo okay hanggang ngayon?” dismayadong tanong ni Auntie Olla.“Ganyan po talaga siya. Magkukusa rin po siyang kausapin ako.” sabi ko bago humigop ng kape sa aking tasa.“Ano?! Paano naman kayo magkaka-baby niyan kung wala kang ginagawa?” mabilisang tanong ni Auntie Olla dahilan para maubo ako sa kapeng inii
“I like Chichay... I thought I was going to get mad at her but she's nice naman pala.” aniya habang nagtutupi ito ng mga damit namin. Simula kasi ngayon ay hindi ko lang siya tuturuan na magtipid ng pera kundi ang gumawa rin ng mga gawaing bahay. Just in case rin na kapag mag-isa lang siya ay kaya na niya ang sarili niya. Mabilis kasi siyang magalit at kunti lang ang pasensya ng babaeng 'to. “Hindi ka ba nagtataka kanina? Ni-hindi nga niya sinagot ang tanong ko at nong nagalit ka na, maya-maya ay bigla nalang siyang aalis?” “Bakit ganyan ka mag-isip sa kanya? Sino ba sa ating dalawa ang kababata niya? 'Di ba ikaw? So, ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kanya because you already know her.... At saka buntis pa yung tao.” mahabang wika niya. “Hindi naman talaga kami ganoon ka close dati... Oo, magkababata kami, pero bihira ko na siyang makita noong nagdalaga na siya, dahil pabalik-balik siya rito sa maynila,” saad ko naman. “But still, naging close pa rin naman kayo... What if kail
“MAAM, SIR, gumising na po kayo,”Ang akala ko ay nananaginip lang ako. Nang maramdaman kong may tumatapik sa akin ay agad akong nagmulat ng mga mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay mahimbing pa rin ang tulog ni Ohani.“Mabuti naman at nagising na kayo, sir. Babalik na po kasi kami ngayon sa terminal, kapag naibalik na yung gulong. Pasensya na po at kailangan niyo na pong bumaba.” Nabaling naman ang tingin ko kay manong nang magsalita ito.“Pasensya na rin po, manong.” sabi ko at ginising ko na rin si Ohani.Nang magmulat ito ng kaniyang mga mata ay bakas sa kanyang mukha ang inis. “Rufus, don't disturb me.” aniya at muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.“Nasa bus tayo, Ohani. Wala tayo sa mansyon.” wika ko na nakapagmulat nang kaniyang mga mata.Agad naman itong napabangon. Napahawak pa ito sa kaniyang ulo. “What?! It's not a dream?!” Umiling naman ako sa kanya.“Pasensya na po, ma'am. Kailangan niyo na po talagang bumaba ngayon.” saad naman ni manong.“Tara na,” sabi ko at hini
HALOS mabingi na kaming dalawa ni Ohani rito sa loob ng kubo sa sobrang lakas ng tugtog nila. Nasa sahig ako nakatulala ngayon, at si Ohani naman ay nasa kama nakahiga habang nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mga tainga.Mukhang wala kaming choice kundi ang maki-celebrate na rin sa kanila ngayong gabi. Nabalik naman ako sa ulirat nang bigla nalang tumayo si Ohani.“Ugh! I can't take it anymore. Let's join them nalang.” saad niya at isinuot na ang kaniyang tsinelas na binili ko kanina lang.Dali-dali naman akong tumayo at sumunod dito palabas.“Sandali, hintayin mo 'ko.” saad ko habang inaayos ko pa ang isang tsinelas ko.Huminto naman ito at inantay nga ako. At nang makarating na kami sa dulo, doon lang namin napagtanto na andami palang tao rito. May nagsasayawan, nag-iinuman, at yung iba naman ay nakaupo lang sa may gilid. Uupo na sana kami sa may gilid ng biglang may tumawag sa pangalan ni Ohani.“Hani... Hani...”Sino pa nga ba? Edi si Rael na naman.Nagkunwari nama
“MAMA MIA, andito na kami.” biglang sigaw ni Aleng Beka pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.“Kami? Sinong kasama mo?” tugon naman nang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina.“Labas ka muna rito, ma. May unexpected bisita tayo, dali,” excited naman na sabi ni Aleng Beka. “Maupo muna kayo. Nagluluto pa kasi si Mama Mia.” dugtong naman nito.Inilapag na rin namin ang mga gamit namin sa gilid. Maya-maya ay lumabas na rin ang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina. “Si Karding na naman 'yan, ano?” Bigla namang napalitan nang tuwa ang reaksyon ni Aleng Mia nang makita niya si Ohani.Nilapitan naman agad nito si Ohani. “Ohani? Ikaw na ba iyan?.... Jusmiyo! Napakagandang bata.” namamanghang wika ni Aleng Mia habang sinusuri ang mukha at katawan ni Ohani.Nang lingunin ako ni Ohani ay saka lamang ako napansin ni Aleng Mia.“Ohhh.... Tisoy!” aniya. Nagtataka ko naman itong tiningnan.Kilala niya ako? Hindi pa naman kami nagkita.Ibinalik naman ni Aleng Mia ang atensyon kay Ohani.“Huhu
NGAYON ay kausap na ni Ate Beka si Auntie Olla.Iyong tungkol naman sa nangyari kanina ay wala rin akong kahit isang ideya, kung bakit iyon pa ang napiling itanong sa akin ni Ohani. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot ang tanong niya dahil nagkunwari akong tulog kanina, at hanggang sa makatulog na talaga ako.Si Ohani ay nasa kusina ngayon tumutulong kay Ate Beka magluto nang hapunan. At ako naman, kinakabit ko ang malaking ceiling fan sa taas.Pagkatapos kong ikabit ang ceiling fan sa taas ay nag-isip muna ako ng ibang gagawin, at iyon ay ang pag-aayos ng mga gamit ko sa aparador. Parang hindi ko ata kaya ngayon na lumabas nang kuwartong ito.Nataranta naman ako nang biglang bumukas ang pintuan. Hindi ko na napansin na nahulog na pala yung mga damit ko.“Ayos ka lang ba, Rufus? Pasensya ka na, nagulat ba kita?” agad na tanong ni Ate Beka.Akala ko si Ohani ang nagbukas ng pinto.“A-Ayos lang po.” sagot ko at dinampot ko na isa-isa yung mga damit ko na nahulog kanina.“Tig