KAGAYA nga nang sinabi sa akin ni Ohani na pagkaling ko ay magbe-beach agad kami—heto na kami ngayon sa Elites beach resort. Noong una ay hindi rin ako makapaniwala na may beach resort pa lang ipinatayo itong si Madam Meran.“Iwan ko muna kayong dalawa riyan ha, asikasuhin ko lang ‘yong ibang mga bisita.” paalam ni Madam Meran, saka ito naglakad palayo sa amin.Naiwan naman kaming dalawa ni Ohani na nakaupo roon sa isang malaking duyan. Nakaalalay lang ang isa kong kamay sa kanyang likuran. Hindi ko muna siya pinasuot ng bikini ngayon dahil baka umusok lang ang ilong ko sa selos. Hahaha syempre joke lang, 'di naman ako gano'n.Sa Boracay dapat kami pupunta ang kaso lang ay inimbitahan kami ni Madam Meran na dumalo sa opening ng kanyang resort kaya ayon pina-cancel nalang namin yung na-book namin na flight saka iyong hotel na rin. Syempre kasama rin namin sina Mama Mia at Ate Beka, pambawi na rin sa kanila at para na rin mabawasan kahit papaano ang alalahanin nila. Naniniwala rin ako n
Ohani's POV:“NAKADEPENDE lang ba talaga sa akin lahat ng desisyon nating mag-asawa sa buhay? Wala ka bang sariling plano, Rufus?” dismayadong tanong ko sa kanya.I know he has a plan at kasama na ako ro'n, but too late dahil nasabi ko na—hindi ko na puwedeng bawiin iyong mga sinabi ko. Minsan talaga kapag galit ako hindi ko na mapigilan ang bibig kong sabihin ang mga bagay na ayaw ko naman talagang sabihin. I can't control my mouth, especially my feelings na hindi ko alam na nakakasakit na pala ako ng damdamin ng ibang tao.I'm sorry, Hubby, hindi ko naiintindihan ang punto mo. And I guess, hindi lang talaga tayo naging vocal sa isa't isa.“Hindi naman sa gano'n. Marami naman akong mga plano sa buhay na kasama ka—ang sa akin lang naman ay sana magtiwala ka rin sa 'kin...” I trust you, hubby. “Saka alam mo rin naman na hindi pa maganda ang sitwasyon natin ngayon, hindi ba?” malumanay na paliwanag niya sa akin, saka niya dinampot ang tuwalya ko sa sahig habang nakatingin lang s'ya nang
NAKANGISING nakatingin sa akin ngayon si Mariah habang nakaupo ito sa sofa sa loob ng opisina, at ako naman ay nakaupo sa swivel chair ng asawa ko habang nakahalukipkip.Tumayo siya at saka nilapitan ako. Umupo ito sa may upuan na kaharap ko. Lamesa lang ang pagitan naming dalawa at kayang-kaya ko pa rin siyang sabunutan kapag iti-trigger na naman n'ya ako.“What are you doing here?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.Napataas naman ang isang kilay ko. “Ako dapat ang magtanong sa 'yo n'yan... Ikaw, anong ginagawa mo rito sa loob ng opisina ng asawa ko?” kalmadong tanong ko sa kanya.“Bakit masama bang dalawin si Rufus?” tanong niya naman.“Masama—kung masama ang intensyon mo kaya ka dumalaw. Saka, puwede bang layuan mo na ang asawa ko? Andami naman na mga lalaki riyan na wala pang asawa. Pinangarap mo ba ang maging kabet?” sunod-sunod na tanong ko. “Sabagay, bagay naman sa 'yo. Pero one thing for sure, hinding-hindi ka papatulan ng asawa ko.” nakangiting dagdag ko.“Hindi mo ako
“I love you.” rinig kong bulong ni Rufus sa aking tainga dahilan para maimulat ko ang aking mga mata.I knew it was Rufus, and I am still half asleep kasi kakatulog ko lang din naman.“Anong oras na?” agad na tanong ko sa kanya nang yakapin ko s'ya.“Sorry if I wake you up. It's already 11 pm.” sagot niya naman.“It's late na. Why ngayon ka lang?” tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong halikan sa aking noo.“May inasikaso lang na importante.” sabi niya.“Kumain ka na ba?” tanong ko.Babangon na sana ako ng bigla niya akong pigilan.“Tapos na. Gising pa naman si Manang Roda kaya siya na ang nag-asikaso sa 'kin.” sagot niya.Kumunot naman ang noo ko.“Next time i-remind mo 'yong sekretarya mo na dalhan ka ng foods sa office mo or pwede rin naman akong magpadeliver ng food.” saad ko.“Ni-remind ko naman s'ya. Masama lang ang pakiramdam niya kanina kaya maaga ko s'yang pinauwi.” sagot niya.“Hubby, marami naman tayong staff...” sabi ko.Tumango-tango na lang ito habang nakasiksik ang ka
FINALLY at dumating na rin si impakta! Kanina ko pa s'ya hinihintay. Ang tagal-tagal naman niyang dumating, at syempre hindi ko kinain ang pagkain na ni-request ko sa lalaki kanina dahil baka nilagyan niya pa 'yon ng lason—mahirap na baka inutusan s'ya ni Mariah. Mabuti na iyong nag-iingat. Hindi naman ako gano'n ka stüpid! “Ano pa ang hinihintay mo? Kumain ka na riyan.” maawtoridad na sabi niya. Nanatili lang akong nakatitig sa taong nasa likuran niya. “Tabi,” Hinawi ni impakta ang tauhan niya at s'ya na ang pumalit sa puwesto nito. Binitbit na rin ng tauhan niya iyong pagkain at s'ya na ang kumain nito habang naglalakad ito palayo sa amin. I guess, wala ngang lason iyong mga pagkain na binili niya. “I guess you already knew na ako ang nagpakidnap sa 'yo, dahil mukhang hindi ka na nagulat sa presensya ko.” dagdag pa niya. Inikutan ko na lang s'ya ng mga mata ko. “Tss... I'm not that stüpid, Impakta!” I said while glaring at her. She crossed her arms. “Oh, really? Kaya pala nan
"MARIAH, TAMA NA, PLEASE!" pagmamakaawa ng asawa ko sa kanya habang hawak-hawak niya pa rin ako.Hindi pa rin ako makatayo nang maayos dahil sobrang nangangalay ang mga tuhod ko.“Rufus, parehas lang naman kaming spoiled brat ni Ohani. Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?" biglang tanong niya kay Rufus."Spoiled brat nga siya kagaya mo—pero hindi siya obsessed sa lalaki. Hindi kayo magkapareha, Mariah. So, don't you ever compare yourself to my wife." may diin na sabi niya.Alam kong hindi ito ang oras para kiligin, but I can't stop myself from smiling. Hindi ko nakikita ang reaksyon ngayon ni Mariah pero sigurado akong nasaktan siya sa sinabi ng asawa ko. At ito lang ang masasabi ko sa kanya ngayon, deserve!"Nakapatay na ako ng isang tao, Rufus. Kayang-kaya ko ulit na gawin 'yon, at isusunod ko ang babaeng 'yan." rinig kong sabi ni Mariah.Ilang segundo lang ay naramdaman ko na lang ang pagsabunot sa akin ni Mariah sa aking buhok. Mabuti na lang at medyo nakakabawi na ako ng lakas
BALAK ko sanang dalawin sa presinto si Mariah—I mean not totally dadalawin kasi sino ba s'ya para dalawin ko? Halerrr! We're not even close. Sayang lang kasi ayaw akong payagan ng asawa ko, kaya heto ako ngayon, nasa loob lang ng aming kuwarto. Kanina pa ako hindi lumalabas dahil iniiwasan ko talaga si Auntie Olla.Kinuha ko ang phone ko at nagtipa sa aking keyboard.Me: Ate Beka, is Auntie still there pa po ba?Napangiti naman ako nang makatanggap agad ako nang mensahe galing kay Ate Beka.Ate Beka: Oo.Ate Beka: Lumabas ka na rito. Paalis na rin naman si Olla.Me: Text me na lang po kapag nakaalis na si Auntie Olla. Thank you. 😊Ate Beka: HAHAHAHA sige2Nahiga muna ako sa kama habang nginunguya ang tatlong piraso ng grapes sa aking bibig. Syempre binili ito ng asawa ko kaya dapat lang na ubusin ko ito lahat ano.... and I'm a jobless woman now. Actually, hindi naman talaga jobless na literal! It's just that... uhm.... yeah jobless nga, dahil pina-leave muna ako ni Rufus ng ilang tao
I already apologized to Auntie Olla yesterday for avoiding her, and you know what's more funny? She forced me yesterday na magpahilot kay Manang Roda or kay Ate Tes, but I kept saying "no" kasi hindi naman talaga masakit ang butt at ko yesterday.But the worst thing I did yesterday was ignoring my husband, for real! Nahihiya pa rin talaga ako kaya ayon nagtulog-tulugan na lang ako pagkauwi niya, and when we had dinner yesterday, kinapalan ko na lang talaga ang mukha ko and I acted like nothing happened—actually hanggang ngayon pa rin."What do you want to eat? O-order na lang ako online dahil wala sina Manang Roda pati na rin sina Mama Mia at Ate kasi isinama sila ni Auntie Olla sa isang family resort ninyo." sabi niya.Simula noong may mangyari sa aming dalawa every time na magsasalita s'ya ay kinakabahan ako... Bakit kaya gano'n?"T-talaga?" Tumikhim ako nang mapansin kong nauutal ako. "B-bakit h-hindi nila tayo isinama?" mas nilakasan ko na ang boses ko sa bandang hulihan na sinabi
I'M SO EXCITED TODAY, dahil uuwi na ang asawa ko kasama si Auntie Olla. Gusto ko nga sanang sumama sa airport kila Ate Beka, Kuya Ronald at Tana, kaso nga lang ay ayaw ni Auntie Olla na sumama pa ako kaya nagpaiwan na lamang ako rito sa mansyon. Ngunit, may kasama naman ako ngayon dito sa mansyon, si Mama Mia. Siya na lamang ang nagpaiwan para may kasama raw ako rito. Bibisita nga lang daw sila saglit dito nang malaman nila na nahanap na si Rufus ngunit ayaw naman ni Auntie Olla dahil gusto niya kahit gawin na lamang daw nila na hanggang isang buwan. Hindi rin kasi nila ako nasamahan dito kaya si Tana na lang ang nag-volunteer no'n na alagaan at saka samahan ako rito, dahil na ospital daw ang pamangkin ni Kuya Ronald at walang mag-aalaga sa bata dahil nag-abroad na raw ang kapatid ni Kuya Ronald kaya ipinagpaliban muna nila ang pagbisita sa akin, at ngayon na lamang daw sila babawi sa akin."Malapit ka na talagang manganak, Hani. Pasensya ka na at hindi ka namin nasamahan noong may pi
KASAMA namin kahapon si Auntie Olla na dumalaw sa baby angel namin ni Rufus. Hindi ko napigilan ang sarili ko na h'wag maging emosyonal. Kailangan ko na rin kasing maging maingat dahil ayokong mawala sa akin ang natitirang anak namin ni Rufus ngunit hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko kahapon.Ganito pala ka sakit ang mawalan ng anak. Saka, mas lalo pa palang mas sasakit ang mararamdaman mo kapag nakita mo na mismo ang anak mong nakabiling na, at wala ka nang magagawa pa kundi ang umiyak na lamang sa kanyang puntod.Months passed by and eight months na ang baby namin ni Rufus. Hanggang ngayon din ay hindi pa rin namin s'ya mahanap. As usual, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mapaluha minsan sa tuwing naiisip ko siya. Walang araw na hindi ko siya namimiss. I miss him so damn much! I hope mahanap na nila ang asawa ko."Hani girl," rinig kong tawag sa akin ni Tana dahilan para mapalingon ako sa kanya."Yes, Tana girl?" tanong ko sa kanya nang tumabi na siya sa akin.Nasa
ILANG taon na ang lumipas at hindi pa rin namin nahahanap ang asawa kong si Rufus. Hindi namin alam kong buhay pa ba s'ya o hindi na. Kaunting pag-asa na lamang ang natitirang kinakapitan ko ngayon."Mommy, where's my daddy po?" Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang biglang magtanong ang anak ko.Binitawan ko muna ang papeles na binabasa ko at saka ako tumingin sa kanya. Hinarap ko s'ya at hinawakan ko ang kanyang maliliit na mga kamay."Why did you suddenly ask me this question, baby? Did your classmates bully you?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.Napailing naman siya."No po, mommy. It's just that, why sila po may naghahatid sa kanila na mga daddy nila?" inosenteng tanong niya na ikinasikip ng dibdib ko.He's only five years old, pero 'yong mga tanong niya ay nahihirapan na akong sagutin, lalo na kapag tungkol sa daddy niya."Baby, listen to mommy, okay?" Napatango naman kaagad s'ya na ikinangiti ko. "Si Daddy mo ay nasa malayo pa..." Napabuntong hininga naman ako. "But, uuwi
My life has been hard lately....I thought kakayanin ko, pero kahit ano pa ang sabihin ko sa sarili ko nalulungkot at naiiyak pa rin talaga ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Minsan naiisip ko rin na, bakit ako pa?Sobrang sakit ang mawalan ng anak!Sobrang sakit sa bawat araw na lilipas na hindi pa rin nahahanap ang asawa ko.Para akong lantang gulay ngayon. Nasa loob lang ako ng kuwarto namin ni Rufus habang nakahiga sa may kama, habang nakatitig sa may kisame.My life now is half hopeless.Gustuhin ko man na bumitaw na ngunit kailangan pa ako ng isang anak ko. I don't want to be unfair with him. He deserved to be with me—to be with us, with his Daddy. We will find you, hubby.Dahan-dahan akong bumangon, saka ko inayos ang sarili ko habang nakatitig ako sa salamin.You have to fight this battle, Ohani Zuvittri Madrid. Walang ibang tutulong sa akin kun'di ang sarili ko lang. But being Auntie Olla by my side right now is a blessing, she's my emotional support right now. Kaya wa
NANGINGINIG ang mga kamay ko nang mahawakan ko ang sarili kong dugo. Dahan-dahan naman akong umupo."Rufus...." Umiiyak na tawag ko sa pangalan niya habang nanginginig pa rin ako.Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil sa sobrang kaba ko.Nasaan ka na Rufus? Kailangan kita—kailangan ka namin ni baby ngayon....Napailing naman ako nang biglang sumagi sa isipan ko na baka makunan ako... Hindi! Hindi ko kaya....Napalingon naman ako sa aking likuran nang biglang tumawa ng malakas si Mariah. Nakadapa pa rin siya sa sahig habang tumatawa ito nang nakatingin sa akin.Puno ng mga luha ang kanyang buong mukha."Wala na ang baby mo!" Sigaw niya at muli siyang tumawa.Umiling naman ako. "Hindi! Hindi totoo 'yan!" sabi ko habang umiiling-iling pa rin.Nang makita ko siyang tumayo ng dahan-dahan habang masama siyang nakatingin sa akin, dali-dali rin akong tumayo kahit nanginginig pa rin ang katawan ko ay pinilit ko talagang tumayo.Ngumiti siya sa akin nan
NOONG isang araw ay pinuntahan talaga mismo ni Auntie Olla ang mental hospital na pinagdalhan kay Mariah at nakita rin ng mismong mga mata niya na naroon talaga sa loob si Mariah—nakatulala raw ito habang nakatingin lang sa puting pader.It's kinda creepy! So, sino pala ang nakita ko no'n that day? Huwag ninyong sabihin sa 'kin na may kakambal pala siya? Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil halos hindi ako makatulog nang gabing iyon.SOBRANG busy ngayon si Dra. Liñez kaya ako na lamang ang pumunta sa hospital dahil ngayon ang schedule ng ultrasound ko, and I am so excited din na malaman kung ano ang gender ng magiging anak namin ni Rufus. Excited na rin kasi siyang bumili ng mga gamit para sa bata. Hahabol na lang daw siya kapag maagang natapos ang meeting dahil importanteng meeting ang gaganapin ngayon, and I understand naman dahil gagawan din naman daw niya ng paraan.... pero mukhang, hindi na s'ya makakaabot dahil baka pagdating niya ay nakauwi na siguro ako HAHAHA kaya sa mansyon
PAGKATAPOS ng kasal nila Ate Beka, kinabukasan din ay umuwi na kami sa mansyon. Hay.... kaming tatlo na lang ulit ngayon sa mansyon. Parang may kaunting space na nawawala rito sa mansyon. Saka, wala na rin akong kausap sa tuwing nagtatrabaho sina Rufus at Auntie Olla. "Ayos ka lang ba?" Tanong agad ng asawa ko nang mapansin niyang nakatulala lang ako habang nakaupo sa may kama. "I'm not... I miss them." Malungkot kong sabi. "Namimiss ko rin naman sila. Pero... wala naman tayong magagawa," Sabi n'ya habang pinagbabalat n'ya ako ng orange. "Saka, puwede ka naman na tumawag sa kanila. Marami naman paraan, wifey. Kong gusto mo mag-video call agad kayo mamaya para maibsan 'yang lungkot mo." Dugtong niya naman. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Talaga? Hindi mo ako papatulugin ng maaga, hubby?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman s'ya sa paghati ng orange na hawak n'ya, saka n'ya ako tinitigan. "Puwede naman kayong mag-video call mamaya habang kumakain tayo ng dinner,
"SIGURADO ka bang gusto mong sumama sa akin, Hani? Ibalik na lang kaya kita tapos ako na lang ang pupunta ro'n?" Saad ni Ate Beka habang naglalakad kaming dal'wa."Ate Beka, kinaladkad mo na ako papunta dito, tapos ngayon mo pa sasabihin sa akin 'yan na malapit na tayo sa bahay ng ex ni Kuya Ronald?" sabi ko at palihim naman akong natawa."Oo nga 'no. Pasensya ka na... gusto lang naman kita ibalik do'n dahil baka mahimatay ka kapag nakita mo si Rufus do'n." Sabi naman niya.Napaisip naman ako saglit sa sinabi niya. Anong ibig sabihin no'n? May ibang meaning ba 'yon?"Ate Beka, syempre makikita ko s'ya roon dahil kasama niya nga si Kuya Ronald." Sabi ko na ikinatawa niya naman. "Oo nga pala. Nakalimutan ko." Sabi n'ya, saka n'ya pinunasan ang pawis n'ya sa kanyang noo.Napatigil naman ako sa paglalakad na ikinahinto niya rin. Nagtataka naman s'yang tumingin sa akin. "Ayos lang po ba kayo? Chill lang po kayo, Ate Beka. Ako naman ang kinakabahan sa inyo, dahil baka ikaw ang himatayin sa
PAGKARATING namin sa probinsya ng Leyte na kinalakihan ni Kuya Ronald, naramdaman agad namin ang taos pusong pag-welcome nila sa amin sa kanilang barangay.Para kaming mga artistang pinagkakaguluhan dahil sa dami ng mga taong nakapalibot sa amin. Ganito raw talaga dito sa kanila kapag may dayo sabi ni Kuya Ronald, lalo na 'pag galing maynila at ibang bansa."Tito Ronald, may biskwit daw ba sabi ng mga kapitbahay?" Natatawang sabi ng isa sa pamangkin ni Kuya Ronald na babae."Sus! Tuo man ka ana, Tito Ronald. S'ya ra guro ga ingon ana. (Sus! H'wag kang maniwala sa kanya, Tito Ronald. S'ya lang ata nagsabi n'yan.)" Sabi naman ng pamangkin ni Kuya Ronald na lalaki na hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.Galit ba s'ya?Kaya ko pala alam na pamangkin n'ya iyong dalawa ay dahil ipinakilala na sila sa amin ni Kuya Ronald kanina.Nakapambahay na rin ako ngayon. Kaninang madaling araw kasi kami dumating at tanghali na ngayon kaya naka-dress na ako dahil mainit."Sabihin mo mamaya na tayo ma