UMUWI agad kami pagkatapos ng shoot ni Ohani sa Lex Resort.“Sumabay ulit kayo sa amin ha, para mas masaya.. babush!” saad ni Madam Meran.“Sige po. Bye.” sagot naman ni Ohani habang kumakaway sa kanila. Kumaway rin pabalik yung mga staff pati na rin si Madam Meran. Kumaway nalang din ako. “Bye, ma'am Ohani. Bye, sir Rufus.” paalam ng mga staff sa Elites sa 'min.Pagkatapos isinarado na ng isang staff yung pinto ng van.“Ako na ang magdadala ng maleta mo.” saad ko at kinuha ko na mula sa kanyang kamay ang hawakan ng kanyang maleta.Habang naglalakad kami sa hallway biglang nagsalita si Ohani. “I felt guilty.” aniya.Napatingin naman ako sa kanya.Guilty saan? Sa nangyari kaya sa amin sa Lex Resort? Pero bakit naman siya magi-guilty e nagkiss lang naman kami?“Saan?” tanong ko rito.“Hindi "saan" kundi "kanino".... Guilty ako dahil kahit na alam kong responsibilidad ko na ngayon ang kompanya namin dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ni Dad, pinayagan pa rin ako ni Auntie Olla na t
NAGMAMADALI ako ngayon dahil nagtext sa akin si Auntie Olla na kailangan n'ya ng tulong ko sa kompanya ngayon dahil may gusot daw na kailangan na ayusin.Saktong paglabas ko nang mansyon naabutan ko si Ohani na papalapit sa akin. Kakatapos niya lang atang mag-jogging.“Where are you going?” bungad na tanong niya. Tagaktak ang mga pawis niya sa kanyang mukha.“Pinapapunta ako ni Auntie Olla sa kompanya dahil may gusot daw na kailangan ayusin ngayon doon.” sabi ko.“Don't forget our dinner tonight, okay?” tanong niya.Tumango naman ako, at tinalikuran ko na s'ya.Napatigil naman ako bigla sa aking paglalakad nang bigla akong hinarangan ni Ohani sa unahan.“Bakit? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko.“May nakalimutan ka, Rufus.” sabi niya.Huh? Ano naman iyong nakalimutan ko?Ipinakita ko naman sa kanya ang susi ng kotse na hawak ko.“Walq naman akong nakalimutan.” sabi ko sa kanya.“Not that.” sabi niya.Eh, ano?Napatingin naman ako sa aking relo.“Babalikan ko nalang mamaya yung nakali
LUMIPAS ang ilang linggo na hindi na muling nagparamdam sa amin si Mr. Dela Fuentes, at isa iyan sa ipinagpapasalamat ko. Sana nga hindi na sila magpakita sa amin dahil wala rin naman kaming magagawa dahil wala namang anak na lalaki si Dad, tanging si Ohani lang ang naging anak nila, dahil maagang nawala ang kaniyang asawa.Bahagya naman akong nagulat nang biglang tumabi sa akin si Ohani. “What are you thinking?... Are you okay?” agad na tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya.Nasa loob kami ng opisina ko ngayon dahil wala na raw siyang gagawin dahil maaga raw na natapos ang shoot nila kanina, kaya sumama siya sa akin na pumasok ngayon sa kompanya.“Lumabas ka pala? Ang akala ko ay kukuha ka lang ng makakain mo sa baba. Sana sinabihan mo ako para nasamahan kitang bumili n'yan.” sabi ko sa kanya nang makita ko ang bitbit niyang street foods.“It's okay. Kasama ko rin naman yung mga bodyguards, and I enjoyed buying this naman sa labas.” nakangitin
KINAUMAGAHAN, naisipan namin ni Ohani na sabay nalang kaming mag-jogging sa parke na malapit lang dito sa lugar namin. Hindi talaga kami nagsasabay dahil maaga akong nagigising at kailangan ko rin na pumasok nang maaga noon, at kabaliktaran naman si Ohani dahil late siyang nagigising sa umaga, pero ngayon hindi na dahil may trabaho na siya.Matiyaga naman akong naghihintay sa kanya sa labas dahil nagbibihis pa s'ya ng pang-jogging na outfit niya.Ngayon lang din naman ako naka-leave sa trabaho kaya sinusulit ko na nang kasama ko s'ya. Safe rin na nakabalik ng US si Auntie Olla kagabi kasama niya si Erika, naging alalay na rin niya ito sa kompanya.Pagkalabas niya inabot naman niya kaagad sa akin 'yong aquaflask na tumbler niya.“Mas lalo kang sumi-seksi ngayon sa suot mo.” komento ko sa kanyang suot. Naka-croptop siya ngayon na color white with fit black leggings.“Hmph! nagiging bolero ka na ha..... Let’s go!” aniya at nagsimula na kaming tumakbo palabas ng gate. Medyo may kalayuan
PABAGSAK akong nahiga sa kama pagkauwi ko galing sa trabaho.Nakakapagod ang araw na ito. Nagkaroon din ng problema kanina sa kompanya dahil nawalan kami ng tatlong milyon. Hanggang ngayon ay tini-trace pa rin nila ang may-ari ng bank account na kumuha ng pera.Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na kaagad ako. Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Hindi kasi makakauwi ng isang linggo si Ohani, dahil may fashion show siya ngayon this week sa Paris, at kahit gustuhin kong sumama ay ayaw ko naman na lagi akong nakabuntot sa asawa ko. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya kaya hinahayaan ko s'yang mag-enjoy roon. Nag-a-update rin naman siya ng kusa sa akin sa tuwing may time siya at kung gaano s'ya kakaba dahil ito ang first fashion show niya as a model sa Elites at bilang asawa niya, todo suporta lang ako sa kanya.Aapak na sana ako sa hagdanan ng biglang may nag-doorbell kaya bigla akong huminto. Sinenyasan ko naman ang dalawang kasambahay na ako nalang ang magbubukas ng pinto, saka nag
ILANG ARAW na ang lumipas at puro lang ako trabaho—sa trabaho ko lang lahat iginugugol ang lahat ng oras ko dahil may mga kaunting problema pa rito sa kompanya na kailangan pagtuonan ng pansin.Pumunta kaagad ako sa police station pagkatawag sa akin ng sekretarya ko. Naghintay nalang ako ng update dahil masama ang pakiramdam ko kaninang umaga pa lang pagkagising ko.Pagkapasok ko pa lang sa loob ay may narinig agad ako na isang pamilyar na boses. Nagmamakaawa ito sa mga police na huwag siyang ikulong—at tama nga ang hinala ko, si Chichay nga ito.Ano naman ang ginagawa niya rito? Saka ano yung narinig ko kanina na huwag siya kamong ikulong? Ano ba ang ginawa niya?Dali-dali naman na lumapit sa akin si Chichay nang makita niya ako.“Rufus, tulungan mo ako! H-Hindi ako ang kumuha ng pera. Wala sa akin ang pera ninyo—gi-ginamit lang nila ang pangalan ko para makuha nila yung pera!” umiiyak at nagmamakaawang sabi ni Chichay.So, sa kanya pala nakapangalan 'yong bank account na kumuha ng p
KAGAYA nga nang sinabi sa akin ni Ohani na pagkaling ko ay magbe-beach agad kami—heto na kami ngayon sa Elites beach resort. Noong una ay hindi rin ako makapaniwala na may beach resort pa lang ipinatayo itong si Madam Meran.“Iwan ko muna kayong dalawa riyan ha, asikasuhin ko lang ‘yong ibang mga bisita.” paalam ni Madam Meran, saka ito naglakad palayo sa amin.Naiwan naman kaming dalawa ni Ohani na nakaupo roon sa isang malaking duyan. Nakaalalay lang ang isa kong kamay sa kanyang likuran. Hindi ko muna siya pinasuot ng bikini ngayon dahil baka umusok lang ang ilong ko sa selos. Hahaha syempre joke lang, 'di naman ako gano'n.Sa Boracay dapat kami pupunta ang kaso lang ay inimbitahan kami ni Madam Meran na dumalo sa opening ng kanyang resort kaya ayon pina-cancel nalang namin yung na-book namin na flight saka iyong hotel na rin. Syempre kasama rin namin sina Mama Mia at Ate Beka, pambawi na rin sa kanila at para na rin mabawasan kahit papaano ang alalahanin nila. Naniniwala rin ako n
Ohani's POV:“NAKADEPENDE lang ba talaga sa akin lahat ng desisyon nating mag-asawa sa buhay? Wala ka bang sariling plano, Rufus?” dismayadong tanong ko sa kanya.I know he has a plan at kasama na ako ro'n, but too late dahil nasabi ko na—hindi ko na puwedeng bawiin iyong mga sinabi ko. Minsan talaga kapag galit ako hindi ko na mapigilan ang bibig kong sabihin ang mga bagay na ayaw ko naman talagang sabihin. I can't control my mouth, especially my feelings na hindi ko alam na nakakasakit na pala ako ng damdamin ng ibang tao.I'm sorry, Hubby, hindi ko naiintindihan ang punto mo. And I guess, hindi lang talaga tayo naging vocal sa isa't isa.“Hindi naman sa gano'n. Marami naman akong mga plano sa buhay na kasama ka—ang sa akin lang naman ay sana magtiwala ka rin sa 'kin...” I trust you, hubby. “Saka alam mo rin naman na hindi pa maganda ang sitwasyon natin ngayon, hindi ba?” malumanay na paliwanag niya sa akin, saka niya dinampot ang tuwalya ko sa sahig habang nakatingin lang s'ya nang
(Flashback: Official bodyguard)"CONGRATS! You're my official bodyguard from now on." Nakangiting sabi ni ma'am Ohani habang katabi niya na nakaupo sa sofa ang kanyang daddy.Nakasuot lang sila ng pambahay kagaya ko dahil syempre nasa bahay lang naman kami pero may pinagkaiba pa rin naman, dahil 'yong mga suot nila ay mamahalin—iyong akin lang ang hindi. Binili ko lang kasi ito sa may ukay-ukay ngunit hindi naman na halata dahil branded naman ang tela HAHAHA.Napayuko na lamang ako.Dapat ba talaga akong matuwa? Hindi ko talaga gustong maging bodyguard niya pero no choice naman ako."Dad, isn't he happy?" Rinig kong pabulong na tanong ni ma'am Ohani sa kanyang ama, kaya napatingala naman ako."Hindi naman po sa gano'n, ma'am. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko ngayon." Saad ko.Nanghihinayang pa rin talaga ako, dahil nagugustuhan ko na ang trabaho ko bilang right-hand man ni Mr. Sheldon tapos bumalik na naman ulit ako ngayon sa pagiging bodyguard."What's your problem? Tell me, ma
"GOOD MORNING, HUBBY." Inaantok pa na bati sa akin ng asawa ko habang papalapit ito sa akin.Niyakap niya kaagad ako sa may likuran nang makalapit niya siya sa akin.Bumalik muna si Auntie Olla sa states dahil may aasikasuhin daw siya roon at sa linggo na s'ya babalik dito sa pinas. Si Tana naman ay gano'n din. Kailangan niyang bumalik ng US dahil doon ikakasal ang kuya niya at ang fiancé nito."Bakit ikaw ang gumagawa ng breakfast natin ngayon? Asan sina manang?" Tinatamad na tanong niya bago siya humikab habang nakayakap pa rin ito sa akin."Bakit, ayaw mo bang ipagluto kita?" Tanong ko sa kanya."Syempre gusto ko. Namimiss ko na ang luto mo, hubby," saad niya.Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya ngayon."Done na." Saad ko nang matapos na ako sa pagluluto ng paborito niyang fried rice na may bacon.Hinarap ko s'ya at hinagkan ko ito sa kanyang mga labi."Namiss din kita. Namiss ko kayong alagaan ni baby." Nakangiting saad ko pagkatapos kong pakawalan ang kanyang
RUFUS’S POV(Flashback: Pagkikita)"SIR, nasa airport na raw po ang anak mo." Saad ko habang naglalakad kami ni Mr. Sheldon papunta sa kanyang opisina."Good. You better make sure na makarating siya ng safe sa mansyon." Tugon nito na hindi ko agad na proseso sa utak ko.Napatigil naman ako sa paglalakad at napansin niya agad ito, kaya nilingon niya ako."What's wrong?" Tanong nito."You mean... ako ho ang magsusundo sa kanya sa airport ngayon?" Gulat na tanong ko habang nakaturo pa ako sa sarili ko.Tumango naman kaagad ito."Of course. Ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan kong magbantay sa anak ko."Napakurap-kurap naman ako. Nabalitaan kong sobrang strikto ni si Mr. Sheldon pagdating sa taong nakapaligid sa anak niya tapos pinagkatiwalaan niya agad ako?"Why? Hindi mo ba susundin ang utos ko? Kaya nga hindi kita pinasuot ng pormal dahil hindi na muna kita isasama sa meeting ko ngayon... Ah, s'ya nga pala, hindi ko nga pala ito nasabi sa iyo kahapon. Simula ngayon si Dexter na muna
I'M SO EXCITED TODAY, dahil uuwi na ang asawa ko kasama si Auntie Olla. Gusto ko nga sanang sumama sa airport kila Ate Beka, Kuya Ronald at Tana, kaso nga lang ay ayaw ni Auntie Olla na sumama pa ako kaya nagpaiwan na lamang ako rito sa mansyon. Ngunit, may kasama naman ako ngayon dito sa mansyon, si Mama Mia. Siya na lamang ang nagpaiwan para may kasama raw ako rito. Bibisita nga lang daw sila saglit dito nang malaman nila na nahanap na si Rufus ngunit ayaw naman ni Auntie Olla dahil gusto niya kahit gawin na lamang daw nila na hanggang isang buwan. Hindi rin kasi nila ako nasamahan dito kaya si Tana na lang ang nag-volunteer no'n na alagaan at saka samahan ako rito, dahil na ospital daw ang pamangkin ni Kuya Ronald at walang mag-aalaga sa bata dahil nag-abroad na raw ang kapatid ni Kuya Ronald kaya ipinagpaliban muna nila ang pagbisita sa akin, at ngayon na lamang daw sila babawi sa akin."Malapit ka na talagang manganak, Hani. Pasensya ka na at hindi ka namin nasamahan noong may pi
KASAMA namin kahapon si Auntie Olla na dumalaw sa baby angel namin ni Rufus. Hindi ko napigilan ang sarili ko na h'wag maging emosyonal. Kailangan ko na rin kasing maging maingat dahil ayokong mawala sa akin ang natitirang anak namin ni Rufus ngunit hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko kahapon.Ganito pala ka sakit ang mawalan ng anak. Saka, mas lalo pa palang mas sasakit ang mararamdaman mo kapag nakita mo na mismo ang anak mong nakabiling na, at wala ka nang magagawa pa kundi ang umiyak na lamang sa kanyang puntod.Months passed by and eight months na ang baby namin ni Rufus. Hanggang ngayon din ay hindi pa rin namin s'ya mahanap. As usual, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mapaluha minsan sa tuwing naiisip ko siya. Walang araw na hindi ko siya namimiss. I miss him so damn much! I hope mahanap na nila ang asawa ko."Hani girl," rinig kong tawag sa akin ni Tana dahilan para mapalingon ako sa kanya."Yes, Tana girl?" tanong ko sa kanya nang tumabi na siya sa akin.Nasa
ILANG taon na ang lumipas at hindi pa rin namin nahahanap ang asawa kong si Rufus. Hindi namin alam kong buhay pa ba s'ya o hindi na. Kaunting pag-asa na lamang ang natitirang kinakapitan ko ngayon."Mommy, where's my daddy po?" Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang biglang magtanong ang anak ko.Binitawan ko muna ang papeles na binabasa ko at saka ako tumingin sa kanya. Hinarap ko s'ya at hinawakan ko ang kanyang maliliit na mga kamay."Why did you suddenly ask me this question, baby? Did your classmates bully you?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.Napailing naman siya."No po, mommy. It's just that, why sila po may naghahatid sa kanila na mga daddy nila?" inosenteng tanong niya na ikinasikip ng dibdib ko.He's only five years old, pero 'yong mga tanong niya ay nahihirapan na akong sagutin, lalo na kapag tungkol sa daddy niya."Baby, listen to mommy, okay?" Napatango naman kaagad s'ya na ikinangiti ko. "Si Daddy mo ay nasa malayo pa..." Napabuntong hininga naman ako. "But, uuwi
My life has been hard lately....I thought kakayanin ko, pero kahit ano pa ang sabihin ko sa sarili ko nalulungkot at naiiyak pa rin talaga ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Minsan naiisip ko rin na, bakit ako pa?Sobrang sakit ang mawalan ng anak!Sobrang sakit sa bawat araw na lilipas na hindi pa rin nahahanap ang asawa ko.Para akong lantang gulay ngayon. Nasa loob lang ako ng kuwarto namin ni Rufus habang nakahiga sa may kama, habang nakatitig sa may kisame.My life now is half hopeless.Gustuhin ko man na bumitaw na ngunit kailangan pa ako ng isang anak ko. I don't want to be unfair with him. He deserved to be with me—to be with us, with his Daddy. We will find you, hubby.Dahan-dahan akong bumangon, saka ko inayos ang sarili ko habang nakatitig ako sa salamin.You have to fight this battle, Ohani Zuvittri Madrid. Walang ibang tutulong sa akin kun'di ang sarili ko lang. But being Auntie Olla by my side right now is a blessing, she's my emotional support right now. Kaya wa
NANGINGINIG ang mga kamay ko nang mahawakan ko ang sarili kong dugo. Dahan-dahan naman akong umupo."Rufus...." Umiiyak na tawag ko sa pangalan niya habang nanginginig pa rin ako.Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil sa sobrang kaba ko.Nasaan ka na Rufus? Kailangan kita—kailangan ka namin ni baby ngayon....Napailing naman ako nang biglang sumagi sa isipan ko na baka makunan ako... Hindi! Hindi ko kaya....Napalingon naman ako sa aking likuran nang biglang tumawa ng malakas si Mariah. Nakadapa pa rin siya sa sahig habang tumatawa ito nang nakatingin sa akin.Puno ng mga luha ang kanyang buong mukha."Wala na ang baby mo!" Sigaw niya at muli siyang tumawa.Umiling naman ako. "Hindi! Hindi totoo 'yan!" sabi ko habang umiiling-iling pa rin.Nang makita ko siyang tumayo ng dahan-dahan habang masama siyang nakatingin sa akin, dali-dali rin akong tumayo kahit nanginginig pa rin ang katawan ko ay pinilit ko talagang tumayo.Ngumiti siya sa akin nan
NOONG isang araw ay pinuntahan talaga mismo ni Auntie Olla ang mental hospital na pinagdalhan kay Mariah at nakita rin ng mismong mga mata niya na naroon talaga sa loob si Mariah—nakatulala raw ito habang nakatingin lang sa puting pader.It's kinda creepy! So, sino pala ang nakita ko no'n that day? Huwag ninyong sabihin sa 'kin na may kakambal pala siya? Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil halos hindi ako makatulog nang gabing iyon.SOBRANG busy ngayon si Dra. Liñez kaya ako na lamang ang pumunta sa hospital dahil ngayon ang schedule ng ultrasound ko, and I am so excited din na malaman kung ano ang gender ng magiging anak namin ni Rufus. Excited na rin kasi siyang bumili ng mga gamit para sa bata. Hahabol na lang daw siya kapag maagang natapos ang meeting dahil importanteng meeting ang gaganapin ngayon, and I understand naman dahil gagawan din naman daw niya ng paraan.... pero mukhang, hindi na s'ya makakaabot dahil baka pagdating niya ay nakauwi na siguro ako HAHAHA kaya sa mansyon