“MAMA MIA, andito na kami.” biglang sigaw ni Aleng Beka pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.
“Kami? Sinong kasama mo?” tugon naman nang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina. “Labas ka muna rito, ma. May unexpected bisita tayo, dali,” excited naman na sabi ni Aleng Beka. “Maupo muna kayo. Nagluluto pa kasi si Mama Mia.” dugtong naman nito. Inilapag na rin namin ang mga gamit namin sa gilid. Maya-maya ay lumabas na rin ang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina. “Si Karding na naman 'yan, ano?” Bigla namang napalitan nang tuwa ang reaksyon ni Aleng Mia nang makita niya si Ohani. Nilapitan naman agad nito si Ohani. “Ohani? Ikaw na ba iyan?.... Jusmiyo! Napakagandang bata.” namamanghang wika ni Aleng Mia habang sinusuri ang mukha at katawan ni Ohani. Nang lingunin ako ni Ohani ay saka lamang ako napansin ni Aleng Mia. “Ohhh.... Tisoy!” aniya. Nagtataka ko naman itong tiningnan. Kilala niya ako? Hindi pa naman kami nagkita. Ibinalik naman ni Aleng Mia ang atensyon kay Ohani. “Huhulaan ko. Boyfriend mo itong si Tisoy, ano?” nakangiting saad ni Aleng Mia. Umiling naman si Ohani. “Hindi po.” “Talaga? Akala ko rin kanina na boyfriend mo siya,” pagsingit naman ni Aleng Beka at saka umakbay sa kaniyang ina. Seryoso naman silang dalawa na nakatingin sa amin ni Ohani. Nagkatinginan rin kami ni Ohani. Lumapit naman sa akin si Ohani at saka humawak sa braso ko. “He's my husband po.” aniya. Pati ako ay nagulat din sa sinabi niya. Kaya hindi ako makapagsalita kanina ay dahil hinihintay ko lang siyang ipakilala ako, dahil baka hindi pa rin siya komportable na ipakilala ako bilang asawa niya. Mahirap na. Ayoko siyang pangunahan. “Seryoso?” sabay na bigkas nilang dalawa. Bakas pa rin sa mga mukha nilang ang pagkagulat. “Yes po,” sagot naman ni Ohani at pagkatapos ay may kinalkal ito sa loob nang mini shoulder bag niya na LV. Inilabas naman niya ang wedding ring namin, at ito'y kaniyang isinuot sa kaniyang daliri. Pagkatapos ipinagdikit naman niya ang kamay naming dalawa at saka ipinakita sa kanila ang suot namin na wedding ring. Napakurap-kurap naman silang dalawa. “Kailan pa kayo ikinasal? Bakit wala man lang kaming nabalitaan na ikinasal ka na pala, Ohani?” tanong naman ni Aleng Beka. “Uhm... Ako nga po pala si Rufus at last year lang po kami ikinasal ni Ohani. Actually, it's a secret wedding po. At... iyon po kasi ang huling kahilingan ng Daddy niya bago po ito mamaalam.” sagot ko. Natahimik naman silang dalawa at napatango nalang. Lumapit naman si Aleng Mia kay Ohani at saka niyakap niya ito. “Pasensya ka na at hindi kami nakadalaw man lang noong nakaburol pa ang Daddy mo.... Parang anak na rin ang turing ko kay Sheldon, kahit hindi kami nagtagal ng Grandpa mo,” mahabang saad ni Aleng Mia habang tinatapik ang balikat ni Ohani. Nagulat naman ako ng biglang humikbi si Ohani habang nakayakap na rin ito kay Aleng Mia. Mga tatlong linggo pagkatapos ng libing ng ama ni Ohani ay hindi ko na ito nakitang umiiyak. Ngayon ko nalang ulit siya narinig at nakitang umiyak. Nabaling naman ang atensyon namin ni Aleng Beka nang biglang mag-ring ang phone na nasa ibabaw ng mesa. Kaagad naman nitong kinuha at sinagot ang tawag. “Pupunta nga si Mama Mia, riyan.... Ako? Hindi ako interesado, Aleng Myrna. Si Mama Mia nalang ho.” malumanay na saad naman ni Aleng Beka sa kaniyang katawag sa kabilang linya, bago niya ibinalik ang phone sa ibabaw ng mesa. Bumitaw naman sa pagkakayakap si Ohani kay Aleng Mia. “Sorry po.” wika niya. “Ayos lang 'yon. Maiwan ko muna kayong dalawa kay Ate Beka ninyo ha? May pupuntahan pa kasi akong birthday party.” saad naman ni Aleng Mia bago ito umakyat sa second floor. “Uhm.... Maiwan ko muna kayong dalawa rito ha, magbibihis lang muna ako sa taas.” paalam naman ni Aleng Beka. Sumunod naman ito sa kaniyang ina sa second floor. Naiwan naman kami ni Ohani sa sala. Uupo na sana ako sa sofa nang biglang humikbi na naman si Ohani kaya nilapitan ko na ito. Sinapo ko naman ang mukha nito. Mabilis na nagsipatakan ang mga luha niya sa kaniyang mga pisngi nang magtama ang aming mga tingin. “I-I'm tired of pretending.... I-I am not really o-okay, Rufus.” umiiling-iling na sabi nito habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Niyakap ko naman ito pagkatapos kong punasan ang mga luha sa kaniyang mga pisngi. “I understand you. Iiyak mo lang. At kapag ready ka nang mag-open up sa akin, sabihin mo lang. Handa akong pakinggan ka.” saad ko rito habang tinatapik ko ng mahina ang likod nito. “Don't leave me, Rufus. I-I'm sorry if I didn't introduce you to, Rael, that you're my husband.” aniya. “Ayos lang 'yon. Hindi naman gano'n ka big deal sa akin 'yon. Naging kapatid din naman kita.” Natawa naman ito sa sinabi ko. “A-About kanina? I'm sorry too. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina kaya ko nasabi ang mga salitang 'yon.... I'm really really sorry. I can't control my mouth every time na mas nangingibabaw yung emotions ko. I'm sorry.” mahabang saad niya at saka yumakap ito pabalik. Isang malaking buntong-hininga naman ang pinakawalan ko. “Ang sweet niyo naman.” biglang sabi ni Aleng Beka mula sa aking likuran. Napabitiw naman agad kami ni Ohani. “Ay! Sorry, dapat pala hindi nalang ako nagsalita.” Napakamot naman sa kanyang ulo si Aleng Beka. “A-Ayos lang po.” sabi ko at nag-iwas ng tingin. Natawa naman ito ng bahagya. “Anyway, you can call me, Ate Beka. At kay Mama naman ay Mama Mia rin. Mas sanay kasi si Mama sa gano'n. Ayaw niya na tinatawag siyang 'Lola'.” natatawang sabi ni Aleng Beka. Ay, Ate Beka na pala! Masyado kasi akong nasanay sa 'Ale'. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumaba na rin si Mama Mia. Naka-dress ito na kulay puti with sandals na kulay puti rin. “O, 'di ba hindi halatang sixty six years old na ang Mama Mia ko?” Napanganga naman si Ohani sa kaniyang narinig. Maski ako rin ay nagulat. Napakaganda pa rin nito. Hindi halatang sixty six years old na si Mama Mia. Umikot naman si Mama Mia para ipakita sa amin ang kaniyang suot. “Bagay ba sa akin, mga anak?” tanong nito. Tumango naman ako. “It suits you po, Mama Mia.” saad naman ni Ohani. “Ay bet ko 'yan. From now on, call me Mama Mia na okay, Ohani?” nakangiting tumango naman si Ohani sa itinanong nito. “Ikaw din, Rukus, okay?” tanong din nito sa akin. “Mama, Rufus hindi Rukus!” singit naman agad ni Ate Beka. Napangiti naman ako. “Ay, Rufus ba? Pasensya ka na ha? Minsan humihina yung pandinig ko.” natatawang sabi niya. “Ayos lang po.” sagot ko naman. “O siya sige, mauna na ako sa inyo. Babush mga anak ko!” Kumaway pa ito bago rumampa palabas ng bahay nila. Nagulat naman kami ng bigla itong bumalik sa loob ng bahay. Nakalimutan niya raw palang b****o sa aming tatlo. Pagkatapos nitong b****o ay umalis na talaga ito ng tuluyan. “Pagpasensyahan niyo na yung Mama Mia ko ha? Gano'n talaga 'yon.” saad naman ni Ate Beka. “She's cute pa rin po.” saad rin ni Ohani. Napangiti naman si Ate Beka sa sinabi nito. “Uhm... Ilang araw or weeks nga pala kayong mananatili rito?” tanong nito. “Uhm.... Sa totoo lang, Ate Beka, hindi pa namin alam.” saad ko. Tumango-tango naman ito. “Naku. Ayos lang iyon. Mabuti na rin 'yon at para may kasama ako rito sa bahay sa tuwing aalis si Mama Mia,” tugon naman nito. “Kakausapin daw naman po kayo ni Auntie Olla, mamaya.” sabi ko. Natuwa naman ito sa kaniyang narinig. “Mabuti naman kung gano'n. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakakausap.... Uhm... Ayos lang ba sa inyo kung dito kayo matutulog sa ibaba? Dalawa lang kasi yung kuwarto namin sa taas at itong kuwarto lang sa ibaba yung available. Hindi naman kasi kayo nagsabi na pupunta kayo rito. Sana nalinis ko man lang yung kuwarto ko sa taas para roon muna kayo.” aniya. “Ayos lang po, Ate Beka. Kami nalang po rito sa ibaba at saka nakakahiya naman po kung kayo pa ang mag-a-adjust. Okay na po kami rito sa baba.” saad ko. Napatingin naman ako kay Ohani nang tumingin din sa kanya si Ate Beka. “Don't worry about me, Ate Beka.” agad naman na sabi ni Ohani. “Pasensya ka na talaga, Hani. Uhm.... wala rin kasi kaming aircon dito, electric fan lang at saka ceiling fan.” nahihiyang sabi ni Ate Beka kay Ohani. Napatingin naman sa akin si Ohani. Ngumiti nalang ako, pinipigilan kong 'wag matawa dahil iyon talaga ang una niyang iniisip sa tuwing hindi siya sa mansyon matutulog. “It's okay po. Masasanay din po ako.” saad naman ni Ohani. “Huwag kang mag-alala, Ate Beka. Ako na ang bahala sa kanya. At kapag nagreklamo pa ito, sa labas ko nalang siya patutulugin. Libre aircon na rin 'yon.” sabi ko. Tiningnan naman ako nito nang masama. Natawa nalang sa amin si Ate Beka. “Tara ipasok niyo na rito yung mga gamit ninyo. Malinis naman itong kuwarto na 'to sa ibaba, dahil nililinisan ko naman ito tuwing sabado or linggo kasi rito natutulog ang pamangkin ko kapag nasa mood siya.” paliwanag na saad ni Ate Beka. Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at kinuha ko na rin ang malaking maleta ni Ohani. Nahirapan pa kaming ipasok ito sa loob pero kalaunan ay nagkasya na rin ito. “Oh my goodness. I really really like pink!” namamanghang wika ni Ohani habang pinagmamasdan ang loob ng kuwarto. Natawa naman si Ate Beka sa inasal niya. Nilapitan naman ako ni Ate Beka. “Ayos lang ba sa 'yo, Rufus, na pink lahat ng nasa loob ng kuwarto?” mahinang saad ni Ate Beka sa akin. “Ayos lang po. Mukhang natutuwa naman iyong isa. Wala po akong choice.” pagtukoy ko kay Ohani sa mahinang boses. Natawa naman ulit si Ate Beka. Nilapitan naman nito si Ohani at nag-usap muna sila saglit bago ito magpaalam at saka umalis sa loob ng kuwarto. Ngayon, kaming dalawa nalang ni Ohani ang natira sa loob ng kuwarto. Hindi naman gano'n ka liit yung kuwarto, at yung kama rito ay malaki naman ito para sa akin, ewan ko lang kay Ohani. Pinagmamasdan ko naman ito habang nag-aayos ito ng mga gamit niya. Nagpaalam na rin ito kay Ate Beka kung ayos lang na gamitin niya ang aparador at pinayagan naman siya nito. Dahil wala naman akong ginagawa rito sa loob, nahiga nalang muna ako roon sa kama. “Dating gawi ulit. Dito ka sa kama, at dito ako sa sahig.” saad ko habang nakatitig sa kisame ng kuwarto. Ang akala ko ay papayag ito ngunit iba ang kaniyang sinabi. “Malaki naman ang kama, kasya naman tayong dalawa riyan.” rinig kong sabi nito sa mahinang boses niya. Napaayos naman ako nang upo. “A-Anong sabi mo? Paki-ulit nga, hindi ko masyadong narinig,” pagsisinungaling ko. “I said, we can share in the bed. You don't have to sleep on the floor.” pag-uulit niya habang patuloy pa rin sa pag-aayos ng mga kagamitan niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. “Sigurado ka ba?” paniniguradong tanong ko rito. “Of course. You don't do anything to me naman, 'di ba?” tanong nito. “Oo naman” sagot ko. “Then, good.” aniya. Napabalik naman ako sa pagkakahiga bago ko ipinikit ang mga mata ko. Maya-maya ay naramdaman kong lumubog ang kama sa tabi ko dahilan para maidilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko si Ohani pala. Nakahiga na rin ito sa tabi ko. “Why are you looking at me?” tanong nito habang nakatitig lang ito sa kisame. Hindi naman ako nakasagot at saka tumitig na rin ako sa kisame. “Aren't you going to arrange your clothes? May space pa naman roon sa closet.” saad niya. “Ma-mamaya nalang siguro,” sagot ko at tumingin sa kanya. “Okay...” aniya at tumingin rin ito sa akin. Nagkatitigan naman kaming dalawa. Sa huli ay nag-iwas din ako nang tingin. “Rufus,” tawag nito sa pangalan ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. “Hindi mo ba talaga ako nagustuhan?” dagdag pa niya. Nagulat naman ako sa itinanong nito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.NGAYON ay kausap na ni Ate Beka si Auntie Olla.Iyong tungkol naman sa nangyari kanina ay wala rin akong kahit isang ideya, kung bakit iyon pa ang napiling itanong sa akin ni Ohani. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot ang tanong niya dahil nagkunwari akong tulog kanina, at hanggang sa makatulog na talaga ako.Si Ohani ay nasa kusina ngayon tumutulong kay Ate Beka magluto nang hapunan. At ako naman, kinakabit ko ang malaking ceiling fan sa taas.Pagkatapos kong ikabit ang ceiling fan sa taas ay nag-isip muna ako ng ibang gagawin, at iyon ay ang pag-aayos ng mga gamit ko sa aparador. Parang hindi ko ata kaya ngayon na lumabas nang kuwartong ito.Nataranta naman ako nang biglang bumukas ang pintuan. Hindi ko na napansin na nahulog na pala yung mga damit ko.“Ayos ka lang ba, Rufus? Pasensya ka na, nagulat ba kita?” agad na tanong ni Ate Beka.Akala ko si Ohani ang nagbukas ng pinto.“A-Ayos lang po.” sagot ko at dinampot ko na isa-isa yung mga damit ko na nahulog kanina.“Tig
KINAUMAGAHAN, pagmulat ng aking mga mata, ang una kong nakita ay isang 'di pamilyar na mukha. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ko ay halos maduling na ako.Napabalikwas naman ako mula sa pagkakahiga nang ma-proseso ko na ang nangyayari ngayon sa utak ko.“Sino ka?!” agad na tanong ko rito.Napaatras naman ako hanggang sa mapunta ako sa puwesto ni Ohani sa kama. Saka ko lang din napagtanto na nasa gilid lang pala si Ohani. Naka-ekis pa ang kaniyang dalawang braso habang nakatitig ito ng seryoso sa babaeng nasa harapan namin.“Jenna, stop that! You're scaring him. Know your limits!” saway naman ni Ohani rito.“Okay fine,” pagsuko nito at ngumiti naman ito sa akin. “Sorry dahil nagulat kita. By the way, I am Jenna.” dugtong pa niya.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.“You are?” tanong nito sa akin. “Sorry, ayaw kasi sabihin sa akin ni Ohani ang pangalan mo.” dugtong pa niya at saka tinarayan pa nito si Ohani. Tinarayan din naman ito ni Ohani pabalik.Pinakalma
SINUNDO kami ng family driver nila Ohani na galing sa states.Mukhang pinabalik na ni Auntie Olla yung mga trusted old family drivers nila sa states, at hanggang ngayon ay wala kaming imikan ni Ohani sa biyahe hanggang sa makarating kami sa mansyon.Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Hindi na tuloy kami nakapagpaalam ng maayos kina Ate Beka at Mama Mia dahil sa pagmamadali niya.Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto naabutan ko roon si Ohani na nagsasalita mag-isa.“It’s nice to be back!” sabi niya at nagpaikot-ikot ito sa loob ng kuwarto namin.Habang umiikot ito bigla naman itong natisod. Mabuti nalang at nasalo ko kaagad ito. Nabitawan ko rin tuloy yung bag ko.“Dahan-dahan kasi.” sabi ko sa kanya.Nang tumingala ito ay nagtama ang aming mga tingin. Ilang beses itong kumurap-kurap bago dali-daling tumayo at iniwan ako roon sa loob ng kuwarto na mag-isa at tulala.“Ohani....” tawag ko sa kanya nang marinig kong tumigil ito sa may tapat ng pintuan.Hindi ito sumagot bagku
NGAYON, alam na namin kung sino ang may pakana ng paglusob ng mga armadong lalaki rito sa loob ng mansyon. Walang iba kundi ang mga kalaban ng Daddy ni Ohani sa negosyo.Natanong din ni Auntie Olla kanina ang tungkol sa aming dalawa ni Ohani ngunit wala pa talaga kaming maayos na sagot kay Auntie Olla. Hanggang ngayon ay confused pa rin ako, ewan ko lang kay Ohani.Nabanggit din kanina ni Auntie Olla na kaya niya kami pinabalik ng maaga rito sa mansyon ay dahil tuturuan na niyang mag-handle ng business nila si Ohani. Mabuti na rin 'yon dahil kay Auntie Olla lang talaga siya nakikinig. Ako, wala naman akong magagawa dahil asawa niya lang naman ako sa papel at para sa 'kin parang boss ko pa rin naman siya. Sumusunod ako sa mga ayaw at gusto niyang gawin niya sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na maging ganito ang sitwasyon ko ngayon.“What are you thinking?... Kanina ka pa ba rito?” biglang tanong ni Ohani. Kakalabas lang nito galing sa banyo.“Iniisip ko ang pagkan
“GET READY. We're next.” agad na bungad ni Auntie Olla pagkapasok niya palang sa loob ng dressing room. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. “Auntie, do we really have to do this live interview?” nakabusangot na tanong ni Ohani habang mini-makeup-an ito ng isang sikat na makeup artist dito sa pinas. Natanggal na rin ang benda sa may braso ni Ohani at maayos na rin ang kanyang paglalakad. Mabuti nalang talaga at hindi siya nabalian ng buto. Isang himala talaga ang nangyari sa kanya dahil akalain niyo 'yon, kahit sobrang sama niya sa akin iniligtas pa rin siya ng guardian angel niya... CHAROT LANG! Baka isumbong ninyo ako kay Ohani HAHAHA. Nilapitan naman siya agad ni Auntie Olla. Naupo naman ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Ohani. Kahit ako ay kinakabahan din dahil first time kong gawin ito. "Hani, remember, you already promised me that you would listen to what I say." wika ni Auntie Olla. “Alright. I will do it.” pagsuko nito. Humarap naman pagkatapos sa akin si Auntie Olla at
“RUFUS, GET UP!” biglang sigaw ni Ohani sa may bandang tenga ko kaya dali-dali akong napabangon.Dahil sa pagmamadali kong bumangon natamaan ko tuloy iyong noo niya.Umatras tuloy bigla yung antok ko, napalitan nang sakit.“Ouch!” daing niya at saka sinapak ako nito sa braso.“Bakit ka kasi sumisigaw sa may tenga ko?” reklamo ko habang hinihilot ko ang noo ko.Nilingon ko naman ito nang hindi ito magsalita. Nakayuko lang ito habang nakahawak sa kanyang noo.“Sandali, ikukuha kita ng ice.” sabi ko at saka bumangon na ako mula sa kama.Pagkababa ko ng hagdanan dumiretso agad ako sa kusina at doon nalang ako naghilamos ng mukha ko, at pagkatapos kinuha ko na iyong ice pack na nakalagay sa ibabaw ng ref at nilagyan ko na ito ng ice cube mula sa loob ng freezer.Dinampian ko muna ang noo ko upang hindi ito mamaga hanggang sa makapasok ako ng kuwarto.Nilapitan ko na si Ohani nang makita kong nakaupo pa rin ito roon sa kama habang nakahawak ito sa kanyang ulo.“Ayos ka lang? Ipatong mo ito
UMUWI agad kami pagkatapos ng shoot ni Ohani sa Lex Resort.“Sumabay ulit kayo sa amin ha, para mas masaya.. babush!” saad ni Madam Meran.“Sige po. Bye.” sagot naman ni Ohani habang kumakaway sa kanila. Kumaway rin pabalik yung mga staff pati na rin si Madam Meran. Kumaway nalang din ako. “Bye, ma'am Ohani. Bye, sir Rufus.” paalam ng mga staff sa Elites sa 'min.Pagkatapos isinarado na ng isang staff yung pinto ng van.“Ako na ang magdadala ng maleta mo.” saad ko at kinuha ko na mula sa kanyang kamay ang hawakan ng kanyang maleta.Habang naglalakad kami sa hallway biglang nagsalita si Ohani. “I felt guilty.” aniya.Napatingin naman ako sa kanya.Guilty saan? Sa nangyari kaya sa amin sa Lex Resort? Pero bakit naman siya magi-guilty e nagkiss lang naman kami?“Saan?” tanong ko rito.“Hindi "saan" kundi "kanino".... Guilty ako dahil kahit na alam kong responsibilidad ko na ngayon ang kompanya namin dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ni Dad, pinayagan pa rin ako ni Auntie Olla na t
NAGMAMADALI ako ngayon dahil nagtext sa akin si Auntie Olla na kailangan n'ya ng tulong ko sa kompanya ngayon dahil may gusot daw na kailangan na ayusin.Saktong paglabas ko nang mansyon naabutan ko si Ohani na papalapit sa akin. Kakatapos niya lang atang mag-jogging.“Where are you going?” bungad na tanong niya. Tagaktak ang mga pawis niya sa kanyang mukha.“Pinapapunta ako ni Auntie Olla sa kompanya dahil may gusot daw na kailangan ayusin ngayon doon.” sabi ko.“Don't forget our dinner tonight, okay?” tanong niya.Tumango naman ako, at tinalikuran ko na s'ya.Napatigil naman ako bigla sa aking paglalakad nang bigla akong hinarangan ni Ohani sa unahan.“Bakit? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko.“May nakalimutan ka, Rufus.” sabi niya.Huh? Ano naman iyong nakalimutan ko?Ipinakita ko naman sa kanya ang susi ng kotse na hawak ko.“Walq naman akong nakalimutan.” sabi ko sa kanya.“Not that.” sabi niya.Eh, ano?Napatingin naman ako sa aking relo.“Babalikan ko nalang mamaya yung nakali