“MAAM, SIR, gumising na po kayo,”
Ang akala ko ay nananaginip lang ako. Nang maramdaman kong may tumatapik sa akin ay agad akong nagmulat ng mga mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay mahimbing pa rin ang tulog ni Ohani. “Mabuti naman at nagising na kayo, sir. Babalik na po kasi kami ngayon sa terminal, kapag naibalik na yung gulong. Pasensya na po at kailangan niyo na pong bumaba.” Nabaling naman ang tingin ko kay manong nang magsalita ito. “Pasensya na rin po, manong.” sabi ko at ginising ko na rin si Ohani. Nang magmulat ito ng kaniyang mga mata ay bakas sa kanyang mukha ang inis. “Rufus, don't disturb me.” aniya at muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. “Nasa bus tayo, Ohani. Wala tayo sa mansyon.” wika ko na nakapagmulat nang kaniyang mga mata. Agad naman itong napabangon. Napahawak pa ito sa kaniyang ulo. “What?! It's not a dream?!” Umiling naman ako sa kanya. “Pasensya na po, ma'am. Kailangan niyo na po talagang bumaba ngayon.” saad naman ni manong. “Tara na,” sabi ko at hinila ko na ito pababa ng bus. Kinuha ko na rin ang malaking maletang dala niya. Hindi talaga ito mawawala dahil nakatatak ang mukha ni Ohani sa maletang dala niya. Kanina ko lang rin napansin na may mukha niya pala ito. Pero maliit lang at may pangalan niya rin sa ibaba. “Where are we?” kaagad na tanong niya pagkababa namin ng bus. Sinuot na rin niya ang kaniyang sunglass. “Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko, nasa may probinsya na tayo.” sabi ko. “Do you have relatives here?” tanong niya. “Wala.” sagot ko. “What?! How can we survive here, Rufus?” hindi mapakaling sabi niya. Nagtataka ko naman itong tiningnan. Kala mo naman talaga nasa isang disyerto kami. “Hindi ka kasi sanay na mamuhay ng mag-isa. Hayaan mo at tuturuan kita kung paano mabuhay sa probinsya... Oo, malayo ito sa kinagisnan mo pero masasanay ka rin basta marunong ka lang makipagkapwa-tao,” mahabang litanya ko. “Tara na. Sumunod ka lang sa akin.” dugtong ko. Pagkarating namin sa may baybayin ay manghang-mangha naman si Ohani. “Wow! They have a nice beach here. I want to swim na.” “Sandali. Magchecheck-in muna tayo, Ohani.” sabi ko at hinigit na siya. Pagkatapos kong bayaran ang one week stay namin ay dumiretso na agad kami sa may inn. “Wow! It's so nice here,” namamanghang sabi niya ulit. “Pasensya ka na at isang kuwarto nalang ang available ngayon.” sabi ko at inilagay na ang mga gamit namin sa loob. “It's alright... Can I swim na, Rufus?” aniya with matching puppy eyes. Napakamot naman ako ng wala sa oras sa aking ulo. Ano ba itong inaakto niya ngayon? Hindi naman ganito ang Ohani na nakilala ko. “Ikaw ang bahala. Basta 'pag tinawag na kita, umahon ka kaagad ha?” saad ko rito. Tumango naman ito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang akma na niyang itataas ang laylayan ng kaniyang damit. “Ohani, a-anong ginagawa mo?” kinakabahan na tanong ko rito. Nagtataka naman itong bumaling sa akin. “What do you mean? This?” pagtukoy niya sa pagtaas niya ng kaniyang damit. “Rufus, I'm going to swim. Do you want me to swim like this?” pagtukoy niya ulit sa suot niya. Naka-pants kasi ito at white shirt. Never in my life na nakita kong nakabikini lang si Ohani. Kapag nasa swimming pool na kasi ito ay umaalis na agad ako, at bumabalik lang ako kapag tapos na siyang maligo dahil siguradong uutusan na naman niya ako, at nakaroba na rin naman siya no'n. “D-doon ka sa banyo ng mga babae ma-magbihis,” utal-utal na sambit ko. “Your voice is shaking, Rufus... Are you afraid of seeing me wearing a bikini?!” hindi makapaniwalang sabi niya. “H-hindi naman sa ganon. Ang sa akin lang naman ay syempre babae ka pa rin, at may kasama kang lalaki rito sa loob ng kubo.” pagpapaliwanag ko. “Did you forgot, Rufus, that we're already married?” “Kahit na, Ohani. Pu-pumunta ka na roon. Sige na,” utos ko rito. Mas lalo lang akong kinabahan nang bigla itong ngumisi ng malapad, at walang pag-aalinlangan na hinubad ang kaniyang pang itaas na damit. Kaagad naman akong tumalikod. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko na ang presensya nito sa aking likuran. Maya-maya ay dahan-dahan nitong isinabit ang kaniyang shirt at pants sa aking balikat. Paglingon ko sa aking likuran ay saktong paglabas naman nito na nakabikini lang talaga. Itinapon ko naman agad ang mga damit niyang nakasabit pa rin sa balikat ko. Dali-dali akong lumabas at nag-order na ng pagkain namin ni Ohani. Pagkatapos ay dinala ko na ang mga pagkain sa labas nang kubo namin. Nagpalit na rin ako ng damit bago ko hinanap si Ohani. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang lalaki na mukhang ka-edad niya lang rin. “Ohani...” tawag ko sa pangalan nito. Nang hindi ito lumingon ay muli kong tinawag ang pangalan nito, at saka palang ako nito narinig. Ang akala ko ay magpapaalam na ito sa lalaki ngunit nakisabay pa ito sa kaniya. Kaagad ko naman itong nilapitan pagkaahon nito, at saka ko itinapis sa kanyang katawan ang tuwalya na dala ko. “Thanks,” nakangiting wika niya. “Uhm... Rael, this is my—” Pinutol ko naman ang sasabihin nito. “Husband.” dugtong ko at inilahad ang kamay ko sa kaniyang harapan. Nagulat naman ito sa sinabi ko. Tinanggap naman nito ang aking pakikipagkamay. Pabiro naman akong sinapak ni Ohani sa aking braso. “Silly! Sorry, my brother is just joking.” Nagulat naman ako sa sinabi nito. BROTHER?! KAILAN NIYA PA AKO NAGING KUYA? Noong nagtatrabaho pa nga ako sa tatay niya ay never niya akong nirespeto. Hindi niya ako tinatawag na 'Brother o Kuya'. “Ah... I thought he is really your husband.” Mukhang nakahinga pa ito nang maluwag. Nakita ko pang ilang beses na kumurap-kurap si Ohani sa aking harapan. Nakatalikod kasi ito kay Rael, kaya hindi niya nakikita. Mapait naman akong ngumiti. “Binibiro lang kita, dude!” sabi ko at pabiro ko itong hinampas sa kaniyang likod. Napadaing naman ito. “Sige, mamaya nalang ulit, Hani.” paalam ni Rael. “Bye, see you later!” sagot naman ni Ohani. Nadaing naman ako ng bigla akong kurutin ni Ohani sa tagiliran nang makaalis na ito ng tuluyan. “Masakit, 'di ba?!” aniya at nauna na itong maglakad. Sumunod naman ako rito. Pagkaupo ko sa tabi niya ay tinarayan pa ako nito. “Gutom lang 'yan.” sabi ko at nilagyan ko ang paper plate nito nang kanin. “Baka ikaw ang gutom,” saad niya. “Kung hindi lang kita kilala ay baka iisipin kong nagseselos ka kanina, kay Rael.” dugtong pa niya. “Ano? Ako magseselos sa lalaking 'yon?! E, mas guwapo naman ako.” sabi ko bago ko nilagyan ng kanin ang paper plate ko. Hindi naman ito umimik. Patuloy lang ito sa paglalagay niya ng ulam sa ibabaw ng kaniyang kanin. “Uhm..... About pala roon sa itinawag mo sa akin kanina.... Na-nahihiya ka bang aminin sa kaniya na asawa mo 'ko o sadyang ayaw mo lang talaga na malaman nila?” tanong ko rito habang ang tingin ay nakatutok lang sa pagkain na nasa harapan namin. “Huh?.... But you told me 'di ba na, bawal kong sabihin kong ano ang totoong pangalan ko? So, I told him that my name is Ohani,” wika niya. “Ano naman ang koneksyon non sa hindi mo pag amin na asawa mo ako?” seryosong tanong ko. “You don't like it ba?” tanong rin niya. Napailing naman ako. “Nevermind. Na tanong ko lang naman.... So, Hani na muna ang itatawag ko sa 'yo?” Tumango naman ito bilang sagot. “I'll call you, Ufus na rin.” nakangiting sabi niya. Muntik naman akong mabulunan sa iniinom kong tubig. “Ano ba 'yan, ang bantot naman.” saad ko. “What? It's cute kaya. Ufus!” aniya. “Tisoy nalang ang itawag mo sa akin.” sabi ko. “What's that mean?” tanong niya bago isinubo ang kanin at ulam sa kaniyang bibig. “Basta. 'Yan kasi ang tawag nila sa akin sa probinsya namin.” sabi ko. “Okay, Tisoy!” saad niya. “Magkikita pa ba kayo mamaya ni Rael?” tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. “Yeah. Inimbitahan niya ako kanina, may event daw mamaya rito sa resort nila,” Bigla naman akong napatingin sa kaniya. “Sa kanila itong resort?” gulat na tanong ko. “Yup! Sa kanilang magkakaibigan daw.” sagot naman niya bago s******p sa kaniyang buko juice na nakalagay mismo sa loob ng buko. Natahimik naman ako. Kung minamalas ka nga naman. Ang akala ko pa naman ay dayo lang din dito yung lalaking 'yon. “Do you want to come with me?” “Talaga isasama mo ako?” paninigurado ko. “Bakit naman hindi? The more, the merrier!” tugon niya naman. “Baka maging third wheel lang ako sa inyo niyan.” Natawa naman ito sa sinabi ko. “Are you crazy? We're already married, Rufus, I mean, Tisoy!” “Mabuti naman at hindi mo pa nakakalimutan na asawa mo ako.” pabirong sabi ko. “Of course not. And I won't let him flirt with me, okay? He's not my type naman,” pagsisigurado niya. “Ano ba ang type mo?” agad na tanong ko rito. “The one who's willing to take care of me and especially to protect me—woah! Wait! Why am I telling you about this? You aren't supposed to know about this.” umiiling na sabi niya. Palihim naman akong napangiti. Nang matapos na kaming kumain ay agad kong tinawagan si Auntie Olla, habang si Ohani ay naliligo pa. [ “Rufus, ayos lang ba kayo riyan ni Hani ko?” ] “Huwag po kayong mag-alala, Auntie Olla, ayos lang po kami rito ni Hani,” [ “Wait... Did you just call her, Honey or Hani?” ] Natawa naman ako sa itinanong nito. “Hani po, Auntie Olla. Kagaya po ng tawag ninyo sa kanya.” [ “Right. That's good. Huwag muna ninyong gamitin ang mga totoong pangalan ninyo, para na rin sa kaligtasan ninyong dalawa riyan. Mang-iingat kayo lagi at ingatan mo ang Hani ko,” ] “Opo, Auntie,” [ “Mabuti nalang at ikaw ang naging asawa niya, Rufus. Sobrang thankful ako sa 'yong bata ka.” ] Natawa naman ako ulit sa sinabi nito. “Ayos lang po ba kayo riyan, Auntie Olla? Huwag na po muna kayong babalik sa mansyon.” saad ko. [ “Huwag na kayong mag-alala sa akin at yung tungkol naman sa mansyon ay ako na ang bahala roon. Pupunta kami roon bukas. Kasama ko naman ang mga pulis, at sisiguraduhin kong mananagot silang lahat.” ] Agad naman akong nabahala sa narinig ko. “Auntie Olla, sigurado na ho ba kayo riyan? Mag-iingat po kayo.” [ “Huwag kang mag-alala. Retired agent ako, Rufus, alam mo naman 'yan. Kayang-kaya ko pa rin magpatumba ng tao.” ] Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko. “Is that, Auntie Olla?” pagtukoy ni Ohani sa kausap ko. “Pinakaba mo naman ako,” sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko. “Gusto mo ba siyang kausapin?” dugtong ko pa. Ibinigay ko na sa kaniya ang phone ko at lumabas muna ito. Hinayaan ko munang magkausap ang dalawa. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik na ito sa loob ng kubo. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. May mga butil din ng luha na naiwan pa sa kanyang mga pisngi. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at saka niyakap ako nito. Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan. “Malalampasan din natin 'to.” sabi ko habang hinahaplos ko ang kaniyang likod. “I want to go home.” naiiyak na sambit niya. “Makakauwi ka rin. Makakauwi rin tayo, Ohani.” Pagpapatibay ko sa loob nito. Napatigil naman kami ng biglang may kumatok. Bumitaw muna sa pagkakayakap sa akin si Ohani bago ko binuksan ang pintuan. Bumungad naman ang mukha ni Rael. “Hi, brother. Andyan ba si Hani?” agad na tanong niya. BROTHER MO MUKHA MO! “Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?” tanong ko rin. “Uhm.... Aayain ko sana siyang mamasyal, bro. Kung ayos lang sa 'yo?” nakangising sabi niya. Nakakainis yung mukha niya! Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Ohani kaya napausog naman ako. “Sorry, Rael. I'm not feeling well.” aniya. “Gano'n ba? Ma-makakapunta ka naman mamaya, 'di ba?” tanong naman ni Rael. Ang kulit din nito. “I will try.” sagot naman ni Ohani. Peke naman akong umubo. “Saan ba ang event mamaya?” tanong ko kay Rael. “Malapit lang naman. Sa may dulo ng mga kubo.” sagot naman nito. “Okay. Magpapasama nalang ako mamaya kay, Ru—sa kanya kapag maisipan kong pumunta.” tugon naman ni Ohani. “Okay sige. Then... see you later.” saad niya bago ito umalis. Dali-dali ko naman na isinarado ang pintuan. Baka kasi bumalik pa ito.HALOS mabingi na kaming dalawa ni Ohani rito sa loob ng kubo sa sobrang lakas ng tugtog nila. Nasa sahig ako nakatulala ngayon, at si Ohani naman ay nasa kama nakahiga habang nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mga tainga.Mukhang wala kaming choice kundi ang maki-celebrate na rin sa kanila ngayong gabi. Nabalik naman ako sa ulirat nang bigla nalang tumayo si Ohani.“Ugh! I can't take it anymore. Let's join them nalang.” saad niya at isinuot na ang kaniyang tsinelas na binili ko kanina lang.Dali-dali naman akong tumayo at sumunod dito palabas.“Sandali, hintayin mo 'ko.” saad ko habang inaayos ko pa ang isang tsinelas ko.Huminto naman ito at inantay nga ako. At nang makarating na kami sa dulo, doon lang namin napagtanto na andami palang tao rito. May nagsasayawan, nag-iinuman, at yung iba naman ay nakaupo lang sa may gilid. Uupo na sana kami sa may gilid ng biglang may tumawag sa pangalan ni Ohani.“Hani... Hani...”Sino pa nga ba? Edi si Rael na naman.Nagkunwari nama
“MAMA MIA, andito na kami.” biglang sigaw ni Aleng Beka pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.“Kami? Sinong kasama mo?” tugon naman nang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina.“Labas ka muna rito, ma. May unexpected bisita tayo, dali,” excited naman na sabi ni Aleng Beka. “Maupo muna kayo. Nagluluto pa kasi si Mama Mia.” dugtong naman nito.Inilapag na rin namin ang mga gamit namin sa gilid. Maya-maya ay lumabas na rin ang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina. “Si Karding na naman 'yan, ano?” Bigla namang napalitan nang tuwa ang reaksyon ni Aleng Mia nang makita niya si Ohani.Nilapitan naman agad nito si Ohani. “Ohani? Ikaw na ba iyan?.... Jusmiyo! Napakagandang bata.” namamanghang wika ni Aleng Mia habang sinusuri ang mukha at katawan ni Ohani.Nang lingunin ako ni Ohani ay saka lamang ako napansin ni Aleng Mia.“Ohhh.... Tisoy!” aniya. Nagtataka ko naman itong tiningnan.Kilala niya ako? Hindi pa naman kami nagkita.Ibinalik naman ni Aleng Mia ang atensyon kay Ohani.“Huhu
NGAYON ay kausap na ni Ate Beka si Auntie Olla.Iyong tungkol naman sa nangyari kanina ay wala rin akong kahit isang ideya, kung bakit iyon pa ang napiling itanong sa akin ni Ohani. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot ang tanong niya dahil nagkunwari akong tulog kanina, at hanggang sa makatulog na talaga ako.Si Ohani ay nasa kusina ngayon tumutulong kay Ate Beka magluto nang hapunan. At ako naman, kinakabit ko ang malaking ceiling fan sa taas.Pagkatapos kong ikabit ang ceiling fan sa taas ay nag-isip muna ako ng ibang gagawin, at iyon ay ang pag-aayos ng mga gamit ko sa aparador. Parang hindi ko ata kaya ngayon na lumabas nang kuwartong ito.Nataranta naman ako nang biglang bumukas ang pintuan. Hindi ko na napansin na nahulog na pala yung mga damit ko.“Ayos ka lang ba, Rufus? Pasensya ka na, nagulat ba kita?” agad na tanong ni Ate Beka.Akala ko si Ohani ang nagbukas ng pinto.“A-Ayos lang po.” sagot ko at dinampot ko na isa-isa yung mga damit ko na nahulog kanina.“Tig
KINAUMAGAHAN, pagmulat ng aking mga mata, ang una kong nakita ay isang 'di pamilyar na mukha. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ko ay halos maduling na ako.Napabalikwas naman ako mula sa pagkakahiga nang ma-proseso ko na ang nangyayari ngayon sa utak ko.“Sino ka?!” agad na tanong ko rito.Napaatras naman ako hanggang sa mapunta ako sa puwesto ni Ohani sa kama. Saka ko lang din napagtanto na nasa gilid lang pala si Ohani. Naka-ekis pa ang kaniyang dalawang braso habang nakatitig ito ng seryoso sa babaeng nasa harapan namin.“Jenna, stop that! You're scaring him. Know your limits!” saway naman ni Ohani rito.“Okay fine,” pagsuko nito at ngumiti naman ito sa akin. “Sorry dahil nagulat kita. By the way, I am Jenna.” dugtong pa niya.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.“You are?” tanong nito sa akin. “Sorry, ayaw kasi sabihin sa akin ni Ohani ang pangalan mo.” dugtong pa niya at saka tinarayan pa nito si Ohani. Tinarayan din naman ito ni Ohani pabalik.Pinakalma
SINUNDO kami ng family driver nila Ohani na galing sa states.Mukhang pinabalik na ni Auntie Olla yung mga trusted old family drivers nila sa states, at hanggang ngayon ay wala kaming imikan ni Ohani sa biyahe hanggang sa makarating kami sa mansyon.Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Hindi na tuloy kami nakapagpaalam ng maayos kina Ate Beka at Mama Mia dahil sa pagmamadali niya.Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto naabutan ko roon si Ohani na nagsasalita mag-isa.“It’s nice to be back!” sabi niya at nagpaikot-ikot ito sa loob ng kuwarto namin.Habang umiikot ito bigla naman itong natisod. Mabuti nalang at nasalo ko kaagad ito. Nabitawan ko rin tuloy yung bag ko.“Dahan-dahan kasi.” sabi ko sa kanya.Nang tumingala ito ay nagtama ang aming mga tingin. Ilang beses itong kumurap-kurap bago dali-daling tumayo at iniwan ako roon sa loob ng kuwarto na mag-isa at tulala.“Ohani....” tawag ko sa kanya nang marinig kong tumigil ito sa may tapat ng pintuan.Hindi ito sumagot bagku
NGAYON, alam na namin kung sino ang may pakana ng paglusob ng mga armadong lalaki rito sa loob ng mansyon. Walang iba kundi ang mga kalaban ng Daddy ni Ohani sa negosyo.Natanong din ni Auntie Olla kanina ang tungkol sa aming dalawa ni Ohani ngunit wala pa talaga kaming maayos na sagot kay Auntie Olla. Hanggang ngayon ay confused pa rin ako, ewan ko lang kay Ohani.Nabanggit din kanina ni Auntie Olla na kaya niya kami pinabalik ng maaga rito sa mansyon ay dahil tuturuan na niyang mag-handle ng business nila si Ohani. Mabuti na rin 'yon dahil kay Auntie Olla lang talaga siya nakikinig. Ako, wala naman akong magagawa dahil asawa niya lang naman ako sa papel at para sa 'kin parang boss ko pa rin naman siya. Sumusunod ako sa mga ayaw at gusto niyang gawin niya sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na maging ganito ang sitwasyon ko ngayon.“What are you thinking?... Kanina ka pa ba rito?” biglang tanong ni Ohani. Kakalabas lang nito galing sa banyo.“Iniisip ko ang pagkan
“GET READY. We're next.” agad na bungad ni Auntie Olla pagkapasok niya palang sa loob ng dressing room. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. “Auntie, do we really have to do this live interview?” nakabusangot na tanong ni Ohani habang mini-makeup-an ito ng isang sikat na makeup artist dito sa pinas. Natanggal na rin ang benda sa may braso ni Ohani at maayos na rin ang kanyang paglalakad. Mabuti nalang talaga at hindi siya nabalian ng buto. Isang himala talaga ang nangyari sa kanya dahil akalain niyo 'yon, kahit sobrang sama niya sa akin iniligtas pa rin siya ng guardian angel niya... CHAROT LANG! Baka isumbong ninyo ako kay Ohani HAHAHA. Nilapitan naman siya agad ni Auntie Olla. Naupo naman ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Ohani. Kahit ako ay kinakabahan din dahil first time kong gawin ito. "Hani, remember, you already promised me that you would listen to what I say." wika ni Auntie Olla. “Alright. I will do it.” pagsuko nito. Humarap naman pagkatapos sa akin si Auntie Olla at
“RUFUS, GET UP!” biglang sigaw ni Ohani sa may bandang tenga ko kaya dali-dali akong napabangon.Dahil sa pagmamadali kong bumangon natamaan ko tuloy iyong noo niya.Umatras tuloy bigla yung antok ko, napalitan nang sakit.“Ouch!” daing niya at saka sinapak ako nito sa braso.“Bakit ka kasi sumisigaw sa may tenga ko?” reklamo ko habang hinihilot ko ang noo ko.Nilingon ko naman ito nang hindi ito magsalita. Nakayuko lang ito habang nakahawak sa kanyang noo.“Sandali, ikukuha kita ng ice.” sabi ko at saka bumangon na ako mula sa kama.Pagkababa ko ng hagdanan dumiretso agad ako sa kusina at doon nalang ako naghilamos ng mukha ko, at pagkatapos kinuha ko na iyong ice pack na nakalagay sa ibabaw ng ref at nilagyan ko na ito ng ice cube mula sa loob ng freezer.Dinampian ko muna ang noo ko upang hindi ito mamaga hanggang sa makapasok ako ng kuwarto.Nilapitan ko na si Ohani nang makita kong nakaupo pa rin ito roon sa kama habang nakahawak ito sa kanyang ulo.“Ayos ka lang? Ipatong mo ito