Share

Kabanata 04

“I like Chichay... I thought I was going to get mad at her but she's nice naman pala.” aniya habang nagtutupi ito ng mga damit namin.

Simula kasi ngayon ay hindi ko lang siya tuturuan na magtipid ng pera kundi ang gumawa rin ng mga gawaing bahay. Just in case rin na kapag mag-isa lang siya ay kaya na niya ang sarili niya. Mabilis kasi siyang magalit at kunti lang ang pasensya ng babaeng 'to.

“Hindi ka ba nagtataka kanina? Ni-hindi nga niya sinagot ang tanong ko at nong nagalit ka na, maya-maya ay bigla nalang siyang aalis?”

“Bakit ganyan ka mag-isip sa kanya? Sino ba sa ating dalawa ang kababata niya? 'Di ba ikaw? So, ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kanya because you already know her.... At saka buntis pa yung tao.” mahabang wika niya.

“Hindi naman talaga kami ganoon ka close dati... Oo, magkababata kami, pero bihira ko na siyang makita noong nagdalaga na siya, dahil pabalik-balik siya rito sa maynila,” saad ko naman.

“But still, naging close pa rin naman kayo... What if kailangan niya rin ng tulong mo?” aniya.

“Paano ko naman siya matutulungan kong ayaw niyang sabihin sa akin ang tunay niyang dahilan kung bakit niya ako dinalaw kanina? Tiyaka hindi ka ba magtataka na out of nowhere bigla nalang siyang bibisita sa akin? Ilang years na kaming 'di nagkikita ni Chichay, at hindi na rin ako bumalik sa amin simula noong maging asawa kita.” mahabang litanya ko.

Tumaas naman ang isang kilay niya. “Is that my fault? Hindi ka naman nagpapaalam sa akin na gusto mong umuwi sa inyo,”

Napaayos naman ako sa aking pagkakaupo.

“Wala naman talaga akong planong umuwi sa lugar namin... At saka kapag nagpaalam naman ako sa 'yo ay siguradong hindi ka papayag kapag hindi kita isinama, 'di ba?” mahinahong tanong ko rito.

“Exactly!” pagsang-ayon niya naman.

Napakamot nalang ako sa aking ulo. Kaya ayoko siyang isama roon dahil baka may mangyari sa kaniyang masama.

Sabay naman kaming napatingin na dalawa sa pinto ng biglang may kumatok.

“Madam, may malaking package po na dumating para sa inyo sa ibaba.” saad ni manang sa labas ng kuwarto.

Dali-dali naman na binuksan ni Ohani ang pintuan. “Kanino raw galing manang? May nakalagay ba na name sa package?” agad na tanong niya.

“Wala po ma'am. Basta ang sabi po no'ng nagbigay sa security guard kanina, para raw po sa inyo.” saad ni Manang Regina.

“Sige, thank you, Manang.” aniya at bumaba na ito.

Naiwan naman akong nagtataka pa rin sa loob ng kuwarto. Sino naman kaya ang nagpadala sa kaniya ng package? E, bukod kay Tana, wala na akong maalala na may ibang kaibigan pa siya rito sa pinas kasi nag-migrate na sa ibang bansa ang mga half filipino close friends niya.

Sumunod na ako rito sa ibaba at saktong papalapit na ako sa kanya ng bigla nalang itong sumigaw ng malakas kaya napatakbo ako papunta sa kinaroroonan niya.

“Anong problema?” nag-aalalang tanong ko rito.

Nagtago naman ito sa likuran ko at saka itinuro ang laman ng package na binuksan niya. Dahan-dahan akong lumapit sa package na nakalapag sa may mini table at nang matignan ko na ang laman nito ay pati ako ay nabigla rin sa aking nakita. Noong una akala ko ay ulo ito ng isang tao, ngunit nang matignan ko na ito ng mabuti, ang laman ng package ay maraming patay na daga pero hindi ito nangangamoy.

“Sino sa tingin mo ang nagpadala nito?.... Recently ba may inaway ka bukod sa akin, Ohani?” agad na tanong ko rito. Umiling naman ito.

“Nasaan si Auntie Olla? Dapat niyang malaman ito. Mukhang delikado ang buhay mo ngayon, Ohani,” saad ko.

“Auntie Olla is not here. Her old friends fetched her here earlier.” aniya.

“Tawagan mo na si Auntie Olla at sabihin mo sa kanya na huwag muna siyang uuwi rito sa mansyon.” utos ko rito na kaagad rin naman niyang sinunod.

Sana mali ang hinala ko tungkol kay Chichay.

Pinuntahan ko kaagad ang security room at saka chineck ko ang CCTV footage ngunit walang nakunan noong oras na 'yon dahil nakapatay ang lahat ng CCTV camera sa labas ng mansyon.

“Imposible!” hindi makapaniwalang sabi ko.

Pagkatapos ko sa security room, dumiretso na ako sa kuwarto namin ni Ohani. Naabutan ko siya roon na nakaupo lang sa may sulok.

“Akin na yung phone mo, Ohani.” saad ko.

Nilapitan ko na ito nang makita kong nakatulala lang siya. Pinantayan ko naman ito.

Tiningnan naman ako nito. “I-I'm scared, Rufus,” wika niya.

Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at dahan-dahan ko itong inilapit sa may bandang dibdib ko. Niyakap naman ako nito.

“Andito ako. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa 'yo.” saad ko upang gumaan ang pakiramdam nito.

“Don't leave me, Rufus.” Mas humigpit pa ang yakap niya pagkatapos niyang sabihin ito.

“I won't. I will never leave you, Ohani... Pinangako ko iyan sa Daddy mo,” sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok nito. “Pahiram muna ako ng phone mo. May titingnan lang ako saglit.” dagdag ko pa.

Pagkabigay niya sa akin ng phone niya, agad kong chineck ang CCTV footage sa buong bahay.

Tama nga ang hinala ng Daddy niya bago ito mawala. Hindi ko alam na pati ang buhay ni Ohani ay manganganib rin ngayon. Ang alam lang kasi ni Ohani ay maayos na nagtatrabaho ang kaniyang ama at wala itong kahit na isang problema sa kompanya nila.

“What's that?” nagtatakang tanong nito at sumilip sa pinapanuod ko sa phone niya.

“Nag-install ako ng cctv camera sa phone mo,” sabi ko habang nakatutok lang sa screen ng phone niya.

“What?! How come I didn't know about this?” tanong niya.

“Dahil alam kong hindi ka mahilig mag-check sa ibang apps ng phone mo kapag hindi mo naman ito madalas na ginagamit.” tugon ko.

“But why did you install it on my phone, Rufus? You have your own phone naman.... Paano rin kong maiwala ko ang phone k—” Kaagad kong tinakpan ang bibig nito gamit ang isang kamay ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Andaming mga armadong lalaki na isa-isang pumapasok sa loob ng mansyon. At ang nakakaalarma pa ay hinahayaan lang sila ng mga security guard namin na makapasok sila sa loob. Mukhang planado na nila nito.

Nang makita kong nagtipon-tipon muna ang mga ito sa living room, kaagad kong pina-impake ng mga gamit niya si Ohani. Kumuha na rin ako ng kaunting mga damit at saka inilagay ko na ang mga ito sa loob ng bag. Si Ohani naman ay isang malaking maleta ang dala niya. Napailing nalang ako.

“Magbihis ka. Yung makakatakbo ka ng komportable.” utos ko rito.

Oversized shirt at shorts lang kasi ang suot nito. Sanay na ako na ganyan ang suot niya basta nasa loob lang siya ng mansyon pero ngayon, hindi puwedeng ganyan ang suot niya.

Nagdabog pa ito ngunit sa huli ay sinunod niya rin naman ang sinabi ko. Pagkatapos niyang magbihis, dumiretso na kami sa loob ng dressing room niya.

“What are we doing here?... Are we going to hide here, Rufus? For real?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Hindi. Sa tingin mo ba kapag nanatili lang tayo rito ay hindi nila tayo babarilin?” Natakot naman ito sa sinabi ko kaya naman ay sumiksik pa ito sa akin.

Dali-dali kong inalis ang mga damit niyang nasa closet na naka-hanger at saka itinulak ko ng malakas ang likod ng closet niya, at dahan-dahan itong bumukas. Napanganga naman si Ohani sa kaniyang nakita. “What?! How... How did that happen?”

Hindi na ako nagpaliwanag at hinigit ko na ito papasok sa loob. Wala siyang bitbit ngayon dahil kapag siya ang nagdala ng malaking maleta niya ay for sure mahuhuli na kami nito.

Pagkatapos ay isinarado ko na ng mabuti ang pinto. Siguro akong hindi nila mahahalata na may pintuan sa loob ng closet ni Ohani.

Habang tinatahak naman ang daan pababa, napapansin kung panay ang tingin niya sa akin. “Huwag ngayon. Tiyaka ko na sasagutin ang lahat ng mga tanong mo kapag nailayo na kita rito sa mansyon.”

Inalalayan ko naman ito pababa ng tunnel.

“Si Daddy ba ang nagpagawa mismo nitong tunnel?” tanong niya habang patuloy lang kami sa paglalakad.

“Oo. Alam mo naman na anak ka ng bilyonaryo. Kaya mas importante na yung may pagtataguan ka o paglalabasan sa tuwing may magbabanta man sa buhay mo,” mahabang paliwanag ko.

“But I don't get it. Wala namang naging kaaway si Dad sa business, right? His business went smoothly naman, 'di ba?” tanong ulit nito.

Napatigil naman ako no'ng marinig ko ang sinabi niya. Hinarap ko naman ito. “Ohani, maraming competitors ang ama mo, at syempre ayaw ka na niyang mamroblema pa sa business ninyo. Alam mo naman kong gaano ka ka-mahal ng Daddy mo, hindi ba? Lahat gagawin niya mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan at masunod lahat ng mga gusto mo pati na rin ang mga luho mo sa buhay... Kaya ayan lumaki na tuloy ang ulo mo.”

Hindi naman ito nakasagot sa sinabi ko. Matalino naman siyang anak, sadyang tamad lang talaga siya kaya ako ang namamahala ngayon sa business nila.

Pagkarating namin sa dulo ng tunnel ay agad kong binuksan ang tarangkahan upang makalabas na kami. Isinarado ko na rin ito nang tuluyan na kaming makalabas.

“Where are we, Rufus?” agad na tanong niya pagkalabas.

“Nasa maynila pa tayo. Kailangan muna nating makalayo rito.... Siguro sa isla or probinsya muna tayo mananatili pansamantala.” sagot ko.

“For real? I'm not prepared, Rufus. I can't sleep without an aircon, you know that naman,” Napasapo naman ako sa aking noo sa kaniyang sinabi.

“Seriously, Ohani? Iniisip mo pa rin 'yang aircon sa kuwarto?.... Alam mo kung ayaw mong sumama, bahala ka na sa buhay mo.” mariin na sabi ko at nauna nang maglakad. Iniwan ko na rin ang maleta niya.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Alam kong sumunod ito sa akin dahil sa ingay ng maleta niya. “Hey, Rufus... I-I'm just joking lang naman... I have a mini fan naman here. They have electricity naman there, 'di ba?” Natawa naman ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

Halos isang oras na ang lumipas at hindi ko pa rin ito pinapansin, pero nakasunod pa rin naman ito sa akin.

“Rufus, I'm tired! Ayoko na.” rinig kong sigaw niya mula sa likuran ko at mukhang huminto na ito sa paglalakad.

Napabuntong-hininga nalang ako bago ko siya nilingon. Napanganga pa ako ng makita ko ang itsura niya ngayon. Tagaktak ang mga pawis niya sa mukha, at basa na rin ang kaniyang damit ng pawis niya. Nilapitan ko naman agad ito.

Masamang tingin naman ang ipinukol niya sa akin nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. “Look. I was full of pawis na because of you! Para na akong nag-jogging nito.”

Hindi ko alam kong maaawa ba ako sa kanya o matatawa.

“Tumayo ka na riyan,” sabi ko habang pinipigilan ko ang pagngiti. Inilapag ko muna ang bag ko sa sahig.

“Rufus, stop smiling! Hindi ka nakakatuwa!” galit niyang sabi bago tumayo.

“Hindi ko kasi alam kong maaawa ba ako sa kanya o matatawa,” iiling-iling na sabi ko.

“Look,” biglang sabi niya at may itinuro roon sa malayo dahilan para mapalingon ako.

Nagulat naman ako nang biglang itong sumakay sa likod ko.

“Amoy pawis ka, Ohani.” saway ko rito at pilit itong pinapababa ngunit nakakapit ito na parang tuko.

“It's your punishment, Rufus. Bare with my pawis!” aniya.

Napabuntong-hininga nalang ulit ako. Hindi ko alam kong ilang beses na akong bumubuntong-hininga ngayon.

Wala na akong nagawa pa at pinasan ko nalang ito hanggang sa makarating kami sa may train station. Pagkababa namin sa train, sumakay naman kami ng bus at bahala na kung saan kami mapadpad na dalawa. Basta ang importante ngayon ay ang kaligtasan niya.

“Ohani... Ipapaalala ko lang sa 'yo na hindi mo puwedeng sabihin sa kahit na sinong taong makakasalamuha natin kung ano ang totoong pangalan mo, okay?” Agad naman itong tumango sa sinabi ko at humikab pa ito.

“I'm tired and sleepy,” aniya at humikab ulit.

Tinapik ko naman ang balikat ko. Napangiti naman ito. “What? You're not afraid of my pawis anymore?”

“Wala ka ng pawis, tuyo na. Gigisingin nalang kita mamaya kapag huminto na itong bus para makapagbihis ka.” sabi ko.

Sumandal naman ito sa balikat ko, at dahan-dahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status