“KUMUSTA kagabi?” biglang tanong ni Auntie Olla na nakangiti. Niyaya kasi ako nitong magkape sa labas ng mansyon.
Nagtataka ko naman itong tiningnan. “Po?.. Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Pabiro naman ako nitong sinapak sa kanang braso ko. “Alam mo na 'yon. Naku! Normal lang naman 'yan sa mag-asawa. Ano, okay na ba kayo ngayon ng pamangkin ko? Na-settle na ba kagabi?” Umiling naman ako. Kasi totoo naman na hindi pa kami okay, kasi sinubukan ko itong kausapin kagabi pero mukhang nagtulog-tulugan lang ito. Kaya hinayaan ko nalang. Nasanay na rin naman ako sa ganyang ugali niya, dahil kinabukasan naman o sa susunod na araw ay ito na ang nagkukusang kausapin ako. “Ano? Hindi pa rin kayo okay hanggang ngayon?” dismayadong tanong ni Auntie Olla. “Ganyan po talaga siya. Magkukusa rin po siyang kausapin ako.” sabi ko bago humigop ng kape sa aking tasa. “Ano?! Paano naman kayo magkaka-baby niyan kung wala kang ginagawa?” mabilisang tanong ni Auntie Olla dahilan para maubo ako sa kapeng iniinom ko. Hindi naman ako na-aware na iba pala ang iniisip niya. Inilapit naman nito ang mukha niya sa mukha ko. Mukhang sinusuri niya ang reaksyon ko. “Jusmiyo marimar! Hindi niyo pa na-try ng pamangkin ko na mag-ano 'no? Halata sa reaksyon mo ngayon... Paano na ako magkaka-apo niyan?” siguradong sabi niya at umayos na ng upo. Sasagot na sana ako ng biglang lumabas si Ohani na may dalang mansanas. Nagdadalawang isip pa itong tumabi sa 'kin kaya kay Auntie Olla nalang siya tumabi. Kagaya kahapon ay iniiwasan pa rin ako nito. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil nakatingin rin sa 'kin si Auntie Olla. “What happened to your face? Mukha kang pulang kamatis,” aniya. Kahit hindi ko ito nakikita ay sigurado akong inirapan na naman ako nito. Hindi ko nalang ito pinansin. Alangan naman na sabihin ko pa sa kanya, 'di ba? Tinapunan ko naman ng tingin si Auntie Olla na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. “Sinabihan ko kasi siya na ang kupad niya, dahil hanggang ngayon wala pa rin kayong baby. 'Di ba gusto mo na rin magka-baby, Hani?” Napanganga naman si Ohani sa sinabi ng kaniyang Auntie Olla. Na-curious ka pa kasi itong isa, kaya ayan tuloy. Dalawa na kaming naging pulang kamatis ngayon! “Baka nakakalimutan ninyong dalawa na hindi na ako bumabata.Tiyaka... magdadalawang taon na kayong kasal this december twenty-five, hindi ba? Wala talaga kayong plano magkaanak?” nanghihinayang na sabi ni Auntie Olla. “Sayang rin ang genes ninyong dalawa.” dugtong pa nito. Mas lalo lang tuloy kaming nagkailangan ni Ohani. Sa loob ng isang taon naming nagsama ni Ohani, kailan man ay hindi namin ito napag-usapan—ang magkaroon ng anak. Hindi rin naman namin masabi kay Auntie Olla na, kahit nasa iisang kuwarto lang kami ay hindi kami nagtatabi matulog ni Ohani. “P-Papasok na muna ako sa loob.” wika ni Ohani at dali-daling pumasok sa loob ng mansyon. “Ang cute ninyong dalawa asarin at saka pagmasdan... O, ito... Kainin mo 'yan, dahil nag-effort ang asawa mong balatan 'yang mansanas,” aniya at inilapag sa harapan ko ang dala kanina ni Ohani na mansanas. Bigla naman akong napaayos ng upo nang biglang sumeryoso ang mukha ni Auntie Olla. “Ano ba talaga ang plano mo sa pamangkin ko, Rufus?” Napalunok naman ako ng isang beses bago sumagot. “Auntie Olla. Nangako po ako kay Boss Sheldon na aalagaan ko po si Ohani at poprotektahan ko po siya.” “Aside from that? Wala ka bang plano na bumuo ng pamilya kasama si Hani?... Hindi mo ba nakikita sa future mo na kasama mo si Hani, hanggang sa pagtanda?” sunod-sunod na tanong nito. Hindi ako makasagot. Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tuwing itatanong sa akin ang tanong na iyan. “Rufus... Ayos lang naman kung hindi mo talaga nakikita sa future mo si Hani. Naiintindihan kita ... dahil alam kong pinilit ka lang naman ng kapatid ko na pakasalan ang pamangkin kong si Hani. Pero sana, kung ayaw mo nang makasama siya. Ibalik mo nalang siya sa akin, at ako na ang bahala sa kaniya... Sisiguraduhin ko na makakahanap siya ng lalaking tatanggap sa kaniya, kahit na sakit siya sa ulo. Kagaya rin ng pagtanggap at pag-iintindi mo sa pamangkin ko,” aniya. “Sobrang thankful ako sa 'yo. Sabihin mo lang sa akin kapag nakapag-desisyon ka na ha?... I promise, hinding-hindi ako magagalit sa magiging desisyon mo.” dugtong niya pa. Bakit parang ang sakit pakinggan? Hindi ko nga nakikita sa future ko si Ohani, ngunit hindi ko rin naman nakikita ang sarili kong kinakaya na hindi siya makita buong araw. Siguro dahil nasanay na akong kasama siya? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong hindi umuwi rito sa pinas si Auntie Olla dahil lang namiss niya kaming dalawa ni Ohani. “Maraming salamat sa pag-iintindi mo sa akin, Auntie Olla. P-Papasok po muna ako sa loob.” paalam ko rito at tinanguan lang ako nito. Pagkabukas ko ng pinto ng kuwarto namin ay bumungad agad sa akin si Ohani na luhaan. Dali-dali ko naman itong nilapitan. “Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa 'yo?” nag-aalalang tanong ko rito. Umiling lang ito at saka nagtalukbong ng kumot. “Ohani...” Pagtawag ko sa pangalan nito ay bigla itong humagulgol ng iyak. Hindi ko alam kung bakit nagiging iyakin na siya ngayon. Narinig niya kaya kami kanina na nag-uusap ni Auntie Olla? “May problem ka ba?” mahinahong tanong ko rito. Napaatras naman ako ng bigla itong bumangon mula sa pagkakahiga. Natawa naman ako nang makita ko ang itsura nito. Kaagad ko itong nilapitan at saka inayos ko ang buhok nitong magulo. “Iiwan mo na ba ako, Rufus?” naiiyak na sambit niya. Mukhang narinig niya nga ang usapan namin ni Auntie Olla kanina. Para siyang bata ngayon. Tatlong taon lang naman ang agwat naming dalawa. “May sinabi ba akong iiwan kita?” tanong ko rito. Pinipilit kong hindi matawa dahil baka mag-away lang ulit kaming dalawa. Kakaiba pa naman ang mood ng babaeng 'to. “Look...” sabi niya at ipinakita sa akin ang suot niyang singsing sa kaniyang daliri. Bahagya naman akong nagulat dahil isinuot na talaga nito ang kaniyang wedding ring. “I promise na hindi ko na ulit ito tatanggalin sa daliri ko,” nakangiting wika niya. Sobrang speechless ako ngayon. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakitang suot ang wedding ring namin, sa hindi ko malamang dahilan. Dahil kahit naman na hindi namin isinapubliko ang aming kasal lalo na't sikat siya ay hindi naman ibig sabihin no'n na bawal na rin niyang suotin ito sa tuwing nasa mansyon lang siya, hindi ba? Sa halip na magsalita ay kinuha ko nalang ang kaniyang kamay at saka hinaplos-haplos ang kaniyang singsing sa daliri. Totoo ngang suot na niya ito. “Are you happy, Rufus?” tanong niya at tumango naman ako. “I am,” tugon ko at ngumiti. “Should we try—” Naputol naman ang sasabihin ni Ohani nang biglang pumasok sa loob si Auntie Olla. “Ohh, sorry... I forgot to knock first,” aniya. Tumikhim muna ito bago muling nagsalita. “My dear pamangkin, may naghahanap sa 'yo. Nasa living room siya naghihintay,” dugtong pa ni Auntie Olla. “Who's that?” Tatayo na sana si Ohani nang biglang magsalita si Auntie Olla. “Not you. Si Rufus ang tinutukoy ko.” saad niya at saka umalis na. Nakita ko namang napanganga si Ohani sa kaniyang narinig. “Inaagaw mo na sa akin ang Auntie Olla ko!” nakasimangot na sabi niya. “Mas mabait daw kasi ako kaysa sa 'yo.” natatawang sabi ko at saka sinapak naman ako nito sa braso. “Maghanda ka. Kapag ako bumait, aagawin ko sa 'yo si Auntie Olla ko.” saad niya. “Can't wait na bumait ka! Pero kailan pa kaya mangyayari 'yon?” sabi ko. Sasapakin na sana ako nito ulit nang bigla akong umilag. Hinabol naman ako nito hanggang sa makababa kami ng hagdanan. Parehas kaming napatigil ni Ohani nang makakita kami ng isang babaeng buntis na nakatalikod sa amin. Kaharap ito ngayon ni Auntie Olla, nagkukuwentuhan silang dalawa. “O, andito na pala si Rufus.” wika ni Auntie Olla. Na-curious naman ako bigla dahil wala naman akong kaibigan dito o kahit kamag-anak man lang. Dahan-dahan naman akong lumapit sa puwesto nila at si Ohani ay nasa likuran ko lang, nakahawak ito sa laylayan ng damit ko sa aking likod. Nang makaupo na kami ng tuluyan ay saka ko lamang namukhaan ang babae. “Maiwan ko na muna kayo ha.” saad ni Auntie Olla at saka dumiretso na sa loob ng kusina. “Chichay? Ikaw na ba 'yan?!” hindi makapaniwalang sabi ko. Kita ko pang napatingin sa akin si Ohani nang bigla akong tumayo at saka niyakap si Chichay. “Namiss kita, Rufus! Ang tagal din kitang hindi nakita,” masayang saad nito at yumakap sa akin pabalik. Nang maghiwalay kami sa pagyayakapan ay pasimple naman itong bumaling kay Ohani. “Ang laki na ng baby natin, Rufus. Alam mo bang matagal akong nangulila sa 'yo? Nakakainis ka! Antagal mo kaming hindi binalikan ng anak mo.” Nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa sinabi nito. Isa rin 'tong may saltik sa utak e! Agad ko namang binalingan si Ohani na ngayon ay nakatayo na at hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Nilapitan ko naman ito. “Ohani, huwag kang maniwala sa kaniya. Inaasar ka lang niyan.” sabi ko at akmang hahawakan ko na ang kamay niya nang bigla niya itong inilayo. Hindi ito makapaniwalang nakatitig sa akin. Lakas talaga ng amats nitong si Chichay. Bigla namang humalakhak si Chichay, dahilan para mabalik ulit ang atensyon naming dalawa sa kaniya. “Uy, ang sweet naman. Honey pa talaga ang tawagan ninyong dalawa ah.” aniya. “Ang lakas talaga ng amats mong babae ka!” sabi ko at nilapitan ito, saka ko ito pinitik sa kaniyang noo. “Aray ko! Gago ka talaga, Rufus. Alam mo namang buntis na ako.” aniya. “Sino ba ang ama ng batang 'yan? Teka... Ikaw lang ba mag-isa ang pumunta rito?” tanong ko rito at tumango naman ito. Hindi naman ako pinansin nito. Nilapitan naman nito si Ohani na naguguluhan pa rin ngayon. Hinawakan naman nito ang dalawang kamay ni Ohani. Wala talagang hiya sa katawan ang babaeng ito. “Hi, ako nga pala si Chichay. Kababata ako ni Rufus at sobrang close kami niyan noon,” pagpapakilala niya. “Pasensya ka na kanina ah, joke lang 'yon. Hindi si Rufus ang ama nitong anak ko.” dagdag pa niya. “Ah okay,” tanging sagot lang ni Ohani. “Alam mo, ang ganda mo... Anong pangalan mo?” tanong naman ni Chichay. Naupo nalang ako roon sa tabi ni Ohani dahil hindi naman nila ako pinapansin. “Ohani.” sagot naman nito. “O honey?” pag-uulit nito. Tumango naman si Ohani. “O-H-A-N-I” pag-ispeling ko sa pangalan nito. Madalas kasing 'O HONEY' ang iniisip nila sa tuwing binibigkas ang pangalan ni Ohani. “Ahhh... Akala ko 'honey' ang itinawag mo sa kaniya kanina. Ohani pala ang pangalan niya.” aniya at tumango naman ako. “Uhm... Let's seat.” saad naman ni Ohani, dahil napansin niya atang kanina pa sila nakatayo ni Chichay. Nang makaupo na sila ay hinayaan ko muna ang mga ito para makapag-usap silang dalawa. Mukhang komportable rin naman si Ohani kay Chichay. Pumunta muna ako sa kusina para kuhaan sila ng makakain. Pagkapasok ko palang sa loob, ibinigay kaagad ni Auntie Olla ang inihanda niyang snacks. “Hindi ba inaway ni Hani si Chichay?” nakangiting tanong ni Auntie Olla. “Actually muntikan na po. Lakas kasi ng amats nitong si Chichay.” sagot ko sa tanong nito. Natawa lang ito sa sinabi ko. Pagkatapos namin mag-usap ni Auntie Olla, dinala ko na ang snacks na inihanda niya sa living room. Napangiti naman ako nang makita ko silang dalawa na nagtatawanan doon. “Mukhang ang saya ng topic ninyo ha.” saad ko bago umupo sa tabi ni Ohani, ngunit hindi pa rin ako pinapansin nitong dalawa. “Huy, Rufus. Mahigit isang taon ka na palang kasal?! Sobrang low-key na pala talaga ng buhay mo ngayon.” aniya. Tumango naman ako bilang sagot. “Pag-usapan naman natin ang tungkol sa 'yo... Chichay, nasaan ang ama ng batang 'yan? Hindi ba siya nag-aalala man lang sa 'yo?” walang pag-aalinlangan na tanong ko rito. Natahimik naman ito bigla. Kaagad na nawala ang mga ngiti niya sa labi at biglang lumungkot ang kaniyang mga mata. “Rufus!” saway naman sa akin ni Ohani. Mukhang hindi siya komportable sa tanong ko, pero kailangan ko pa rin na malaman ang totoo. Kasi concern ako sa kanya lalo na't buntis na siya ngayon. Nabanggit ko rin kasi dati kay Chichay na dito ako nagtatrabaho, kaya hindi na ako nagtaka pa na nakapunta siya rito. Ang ipinagtataka ko lang naman ay kung bakit siya nandirito ngayon.“I like Chichay... I thought I was going to get mad at her but she's nice naman pala.” aniya habang nagtutupi ito ng mga damit namin. Simula kasi ngayon ay hindi ko lang siya tuturuan na magtipid ng pera kundi ang gumawa rin ng mga gawaing bahay. Just in case rin na kapag mag-isa lang siya ay kaya na niya ang sarili niya. Mabilis kasi siyang magalit at kunti lang ang pasensya ng babaeng 'to. “Hindi ka ba nagtataka kanina? Ni-hindi nga niya sinagot ang tanong ko at nong nagalit ka na, maya-maya ay bigla nalang siyang aalis?” “Bakit ganyan ka mag-isip sa kanya? Sino ba sa ating dalawa ang kababata niya? 'Di ba ikaw? So, ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kanya because you already know her.... At saka buntis pa yung tao.” mahabang wika niya. “Hindi naman talaga kami ganoon ka close dati... Oo, magkababata kami, pero bihira ko na siyang makita noong nagdalaga na siya, dahil pabalik-balik siya rito sa maynila,” saad ko naman. “But still, naging close pa rin naman kayo... What if kail
“MAAM, SIR, gumising na po kayo,”Ang akala ko ay nananaginip lang ako. Nang maramdaman kong may tumatapik sa akin ay agad akong nagmulat ng mga mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay mahimbing pa rin ang tulog ni Ohani.“Mabuti naman at nagising na kayo, sir. Babalik na po kasi kami ngayon sa terminal, kapag naibalik na yung gulong. Pasensya na po at kailangan niyo na pong bumaba.” Nabaling naman ang tingin ko kay manong nang magsalita ito.“Pasensya na rin po, manong.” sabi ko at ginising ko na rin si Ohani.Nang magmulat ito ng kaniyang mga mata ay bakas sa kanyang mukha ang inis. “Rufus, don't disturb me.” aniya at muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.“Nasa bus tayo, Ohani. Wala tayo sa mansyon.” wika ko na nakapagmulat nang kaniyang mga mata.Agad naman itong napabangon. Napahawak pa ito sa kaniyang ulo. “What?! It's not a dream?!” Umiling naman ako sa kanya.“Pasensya na po, ma'am. Kailangan niyo na po talagang bumaba ngayon.” saad naman ni manong.“Tara na,” sabi ko at hini
HALOS mabingi na kaming dalawa ni Ohani rito sa loob ng kubo sa sobrang lakas ng tugtog nila. Nasa sahig ako nakatulala ngayon, at si Ohani naman ay nasa kama nakahiga habang nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mga tainga.Mukhang wala kaming choice kundi ang maki-celebrate na rin sa kanila ngayong gabi. Nabalik naman ako sa ulirat nang bigla nalang tumayo si Ohani.“Ugh! I can't take it anymore. Let's join them nalang.” saad niya at isinuot na ang kaniyang tsinelas na binili ko kanina lang.Dali-dali naman akong tumayo at sumunod dito palabas.“Sandali, hintayin mo 'ko.” saad ko habang inaayos ko pa ang isang tsinelas ko.Huminto naman ito at inantay nga ako. At nang makarating na kami sa dulo, doon lang namin napagtanto na andami palang tao rito. May nagsasayawan, nag-iinuman, at yung iba naman ay nakaupo lang sa may gilid. Uupo na sana kami sa may gilid ng biglang may tumawag sa pangalan ni Ohani.“Hani... Hani...”Sino pa nga ba? Edi si Rael na naman.Nagkunwari nama
“MAMA MIA, andito na kami.” biglang sigaw ni Aleng Beka pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.“Kami? Sinong kasama mo?” tugon naman nang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina.“Labas ka muna rito, ma. May unexpected bisita tayo, dali,” excited naman na sabi ni Aleng Beka. “Maupo muna kayo. Nagluluto pa kasi si Mama Mia.” dugtong naman nito.Inilapag na rin namin ang mga gamit namin sa gilid. Maya-maya ay lumabas na rin ang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina. “Si Karding na naman 'yan, ano?” Bigla namang napalitan nang tuwa ang reaksyon ni Aleng Mia nang makita niya si Ohani.Nilapitan naman agad nito si Ohani. “Ohani? Ikaw na ba iyan?.... Jusmiyo! Napakagandang bata.” namamanghang wika ni Aleng Mia habang sinusuri ang mukha at katawan ni Ohani.Nang lingunin ako ni Ohani ay saka lamang ako napansin ni Aleng Mia.“Ohhh.... Tisoy!” aniya. Nagtataka ko naman itong tiningnan.Kilala niya ako? Hindi pa naman kami nagkita.Ibinalik naman ni Aleng Mia ang atensyon kay Ohani.“Huhu
NGAYON ay kausap na ni Ate Beka si Auntie Olla.Iyong tungkol naman sa nangyari kanina ay wala rin akong kahit isang ideya, kung bakit iyon pa ang napiling itanong sa akin ni Ohani. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot ang tanong niya dahil nagkunwari akong tulog kanina, at hanggang sa makatulog na talaga ako.Si Ohani ay nasa kusina ngayon tumutulong kay Ate Beka magluto nang hapunan. At ako naman, kinakabit ko ang malaking ceiling fan sa taas.Pagkatapos kong ikabit ang ceiling fan sa taas ay nag-isip muna ako ng ibang gagawin, at iyon ay ang pag-aayos ng mga gamit ko sa aparador. Parang hindi ko ata kaya ngayon na lumabas nang kuwartong ito.Nataranta naman ako nang biglang bumukas ang pintuan. Hindi ko na napansin na nahulog na pala yung mga damit ko.“Ayos ka lang ba, Rufus? Pasensya ka na, nagulat ba kita?” agad na tanong ni Ate Beka.Akala ko si Ohani ang nagbukas ng pinto.“A-Ayos lang po.” sagot ko at dinampot ko na isa-isa yung mga damit ko na nahulog kanina.“Tig
KINAUMAGAHAN, pagmulat ng aking mga mata, ang una kong nakita ay isang 'di pamilyar na mukha. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ko ay halos maduling na ako.Napabalikwas naman ako mula sa pagkakahiga nang ma-proseso ko na ang nangyayari ngayon sa utak ko.“Sino ka?!” agad na tanong ko rito.Napaatras naman ako hanggang sa mapunta ako sa puwesto ni Ohani sa kama. Saka ko lang din napagtanto na nasa gilid lang pala si Ohani. Naka-ekis pa ang kaniyang dalawang braso habang nakatitig ito ng seryoso sa babaeng nasa harapan namin.“Jenna, stop that! You're scaring him. Know your limits!” saway naman ni Ohani rito.“Okay fine,” pagsuko nito at ngumiti naman ito sa akin. “Sorry dahil nagulat kita. By the way, I am Jenna.” dugtong pa niya.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.“You are?” tanong nito sa akin. “Sorry, ayaw kasi sabihin sa akin ni Ohani ang pangalan mo.” dugtong pa niya at saka tinarayan pa nito si Ohani. Tinarayan din naman ito ni Ohani pabalik.Pinakalma
SINUNDO kami ng family driver nila Ohani na galing sa states.Mukhang pinabalik na ni Auntie Olla yung mga trusted old family drivers nila sa states, at hanggang ngayon ay wala kaming imikan ni Ohani sa biyahe hanggang sa makarating kami sa mansyon.Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Hindi na tuloy kami nakapagpaalam ng maayos kina Ate Beka at Mama Mia dahil sa pagmamadali niya.Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto naabutan ko roon si Ohani na nagsasalita mag-isa.“It’s nice to be back!” sabi niya at nagpaikot-ikot ito sa loob ng kuwarto namin.Habang umiikot ito bigla naman itong natisod. Mabuti nalang at nasalo ko kaagad ito. Nabitawan ko rin tuloy yung bag ko.“Dahan-dahan kasi.” sabi ko sa kanya.Nang tumingala ito ay nagtama ang aming mga tingin. Ilang beses itong kumurap-kurap bago dali-daling tumayo at iniwan ako roon sa loob ng kuwarto na mag-isa at tulala.“Ohani....” tawag ko sa kanya nang marinig kong tumigil ito sa may tapat ng pintuan.Hindi ito sumagot bagku
NGAYON, alam na namin kung sino ang may pakana ng paglusob ng mga armadong lalaki rito sa loob ng mansyon. Walang iba kundi ang mga kalaban ng Daddy ni Ohani sa negosyo.Natanong din ni Auntie Olla kanina ang tungkol sa aming dalawa ni Ohani ngunit wala pa talaga kaming maayos na sagot kay Auntie Olla. Hanggang ngayon ay confused pa rin ako, ewan ko lang kay Ohani.Nabanggit din kanina ni Auntie Olla na kaya niya kami pinabalik ng maaga rito sa mansyon ay dahil tuturuan na niyang mag-handle ng business nila si Ohani. Mabuti na rin 'yon dahil kay Auntie Olla lang talaga siya nakikinig. Ako, wala naman akong magagawa dahil asawa niya lang naman ako sa papel at para sa 'kin parang boss ko pa rin naman siya. Sumusunod ako sa mga ayaw at gusto niyang gawin niya sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na maging ganito ang sitwasyon ko ngayon.“What are you thinking?... Kanina ka pa ba rito?” biglang tanong ni Ohani. Kakalabas lang nito galing sa banyo.“Iniisip ko ang pagkan